I am Maid for you, Sir! (Mont...

By mzpublic

1.9M 18.2K 3.6K

Si Anee, simpling probinsyana. Naging personal maid ni Storm, super sikat na Philippines young actor. Si Stor... More

Prologue
Scene 1- Meet Anee
Scene 2- Ang Pader..bow.
Scene 3- Si Sir!
Scene 4- Alien vs Monster :D
Scene 5- Kiev..
Scene 6- Friendship.
Scene 7- Lets go Palengke Sir!
Scene 9- A certain things..
Scene 10- Meeting new friends..
Scene 11- Busangot na Bagyo at Seksing Butiki.
Scene 12- Movie..bite to death.
Scene 13- S4, Fb, Tuwalya atbp!
Scene 14-..because of Iced Tea?
Scene 15- Scrip..ted
Scene 16- Shopping Galore..
Scene 17- Guys talk..
Scene 18- Siya na byutipol!
Scene 23- Funday plus Three!
Scene 19- Candy Crush!
Scene 20- Showbiz.
Scene 21-Mystery Girl.
Scene 22- Syopaw
Scene 24- Thailander
Scene 25- Kalawang+Alien= SPG!
Scene 26- Pasalubong..
Scene 27- RIP Tiks.
Scene 28- Driving Lesson
Scene 29- Presscon..
Scene 30- Mix mix..
Scene 31- Happiness..
Scene 32- Trip ala Alien..
Scene 33- Knowing you...
Scene 34- Fun in Pangulasian Island.
Scene 35- Star Gazing.
Scene 36- Over Breakfast..
Scene 37- Swimsuit and Victoria!
Scene 38- the Visitor
Scene 39- She meet Her..
Scene 40- Nadia Katrina Sullivan
Scene 41- Feeling Sibuyas
Scene 42- Premier Night
Scene 43- A simple Date.
Scene 44- Picnic na sana naging..scene pa?
Scene 45- Three is a crowd.
Scene 46- Mamimiss kita.
Scene 47- Mystery Girl Reveal.
Scene 48- Asa naka sir?
Scene 49- Kiev to the Rescue!
Scene 50- Meron pa ba?
Scene 51- Vika..M.
Scene 52- At the front row.
Scene 53- Ohana..
Scene 54- Kalawang at Bagyo round 1!
Scene 55- It's time.
Scene 56- the Talk and Text
Scene 57- Please, hear me out.
Scene 58- Si Pedro.
Scene 59- Naglayas, nagmovie, na-stalk.
Scene 60- A good talk.
Scene 61. Kalawang at Bagyo round 2!
Scene 62- Nadia vs Vika
Scene 63- Let's end this.

Scene 8- Anee and the Boys!

52.6K 406 45
By mzpublic

This chap is dedicated to Glythsho. Kasi isa siya sa mga loyal alien :))

----------------------------------------------------------------------------------------------

Action 7- Si Anee and the Boys!

"Where did you guys go?" pambungad na tanong ni Kiev kay Storm dumating sila galing sa pamamalengke nila.

Tulog pa kasi ito nang umalis sila, kaya naman hindi na sila nagpaalam pa dito.

"This.."

At itinaas nito ang bitbit na bigas..na ngayon lang napansin ni Kiev. At sa pagkakita niya dito, tiningnan niya si Storm na para bang tinubuan ito ng pangalawang ulo.

"Man! You went grocery shopping? The Storm Montecarlo actually carry a ten-kilo rice?" sambit nito na para talagang hindi makapaniwala.

Sino ba naman kasi ang maniniwala kung sabihin mong ang isang Storm Montecarlo, sikat at mayaman, nag-grocery kasama ang kanyang maid at siya pa ang nagbit-bit ng ibang pinamili nila. Kahit sino mahihirapang maniwala, kahit pa nasa harap na ang ebidensya tulad ni Kiev.

At habang nakataas parin ang bitbit na bigas ni Storm, bigla naman siyang nabangga sa likod ng papasok na Aneehilation. At..

*Kaboooggghssshhh*

Nabitawan ni Storm ang bigas at dumeretso naman ito sa precious paa niya.

"Aneestazia!!" sigaw nito sabay luhod dahil sa sakit na nararamdaman dala ng bigat ng bigas na nakadagan dito.

"Hala sir! Pasensya na ka..wala nako gi tuyu sir (hindi ko sinasadya). Wala' man siguro na buslot (nabutas) ang bugas diba?" sabi niya at lumuhod din para tingnan kung nabutas ba ang lalagyan ng bigas.

Bigla namang napahinto si Storm sa pagpapaypay sa paa niya at tiningnan si Anee na ngayon ay karga-karga na ang precious na bigas papasok sa kusina. Si Kiev naman biglang natauhan at humagalpak ng tawa.

"Man! Kakaiba talaga si Anee. Instead of checking on your swollen foot, she cared more about the rice." sabi nito habang naluluha na sa tawa.

"Stop laughing Kiev, my foot hurt!! Im really gonna aneehilate that alien!" galit na pahayag ni Storm.

Tapos, iika-ikang naglakad papunta sa living room. Kasunod naman niya si Kiev na hanggang ngayon pinipigil parin ang sarili para hindi matawa.

"Oh man! You're just mad because she cared more about the five hundred worth of rice rather than your five million foot. Nakakatawa lang pano siya aligaga sa pagcheck kung may butas ba ang plastic at hindi man lang niya napansin ang paa mo na nahulugan." patuloy parin ni Kiev na ngayon ay tumatawa na naman.

"Kiev, I said stop laughing man! This is not funny!" singhal niya kay Kiev na ngayon ay naka-upo narin sa katapat niyang couch at tinitingnan ang namumula niyang paa.

Papalabas naman si Anee mula sa kusina at may dala dalang maliit na palanggana na my bimpo at yelo. Tska sumalampak sa paanan ni Storm.

"Sir, akin na imong paa." sabi nito at kinuha ang paa ni Storm at nilagay sa palangganang puno ng yelo.

"Ahhh! Aneestazia! Gusto mo bang mamatay na talaga ang paa ko? Hinulugan mo na nga ng sampung kilong bigas, ngayon naman ibinabad mo pa sa yelo!!" galit na sigaw niya kay Anee sabay tayo at lakad papalayo sa dalawa.

"Arrgghh! Im gonna die sooner here!!" galit na sambit parin nito sa sarili habang papanhik na sa taas at doon na lang niya gagamutin ang paa.

Mataman namang nakamasid ang dalawa sa kanya. Si Anee na takot na takot at si Kiev na mamatay na yata sa kakatawa dahil sa tantrum ni Storm.

"Hahahaha! Anee, nakita mo ba yun? Hahaha! Ngayon ko lang yun nakita na ganun ka galit. Pulang pula ang mukha at ang lumaki ang butas ng ilong. Hahaha."

"Pero sir Kiev, dili ka ha ko (hindi kaya ako) patalsikin ni sir dito? Ay wori bery mats man sir oi."

"Don't worry. Hind ka nun mapapatalsik. Andito kami ni ms Lucy na back up mo kaya rest assured. Mabuti pa, halika na sa kusina at ng matulungan na kitang ayusin yung pinamili niyo."

Tapos tumayo na si Kiev at inilahad ang kamay sa nakasalampak parin sa sahig na si Anee. Makikita talaga sa mukha nito ang pag-aalala.

Pagdating nila sa kusina, kahit ayaw ni Anee, tinulungan parin talaga siya ni Kiev na ayusin yung pinamili nila. Pagkatapos nilang mag ayos, biglang nakaramdam ng gutom si Kiev.

"Anee, im hungry. Ano ba magandang kainin ngayon?"

"Ikaw sir, ano man gusto nimo kaonon. Lulutuin ko para sa imoha."

"Nah, I don't want you to cook for me. Hindi naman ako nagpapasahod sayo."

"Biskan (kahit) pa sir. Prend ka ni sir Storm, mao boss parin taka."

"Basta, hindi mo ako boss. Teka, ganito nalang..marunong ka ba lumangoy?"

"O sir. Marunong kaayo, ngano man sir?" naguguluhang tanong niya kay Kiev.

Kasi, kakasabi lang nito na gutom tapos biglang nagtanong kung marunong ba siyang lumangoy.

"Ganito na lang gawin natin. Mag swimming nalang tayo, tapos mag barbecue tayo. Diba mas masaya yun, kesa sa uupo lang tayo dito sa kusina at kakain."

Sa isip isip ni Anee, maganda nga yon kaso papayag ba naman si sir Storm niya na gamitin nila ang pool? Eh nung nahulog nga siya ng hindi sinsadya, muntik na siyang mapatalsik ng wala sa oras eh. Ngayon pa kaya at kasama pa niya si Kiev.

"Ah sir Kiev. Ayaw nalang ana sir, baka man gud masuko (magalit) si sir Storm.."

"It's ok. Don't worry, ako bahala sayo. Kaya ano? Ok na?" paninigurado nito sa kanya.

"Dili sir. No ok sir. Sorry kaayo sir. Pero, baka kasi ma git angri si sir Storm. Ikaw nalang sir maligo. Ipagluluto nalang taka."

Pag-ayaw parin niya talaga sa suhestyon ni Kiev. Ayaw narin kasi niyang dagdagan ang kasalan niya kanina. Natakot din talaga siya kanina nung sigawan siya ni Storm.

"Tssk. Hmmm. Sige na nga lang, wag ka nang sumabay sakin maligo. Pero tulungan mo akong mag bbq..ok ba yun? Para naman may kasama ako dun sa may pool."

"Ok po sir sige. Ako nalang magsugba sa imong kainon"

"Mag..sook...ba? Ano yun"

Tanong ni Kiev kay Anee na naguguluhan. Kasi kahit sanay na siya sa "alien" nitong pananalita, ayun kay Storm. Minsan talaga, naguguluhan parin siya pag medyo malalim narin yung gingamit ni Anee. Tulad nalang nitong..su-suk ba?"

"Ahh..sugba sir. Mag barbikyu ba. Hehehe. Sori sir, nakalimot ko. Hehehe"

"Oh ok. Sige sige."

Tapos ayun nga kumuha na sila ng kanilang iihawin at dinala na lahat sa ma swimming pool. Andun na rin yun ihawan, at hindi na kailangan ni Anee na gumawa pa ng apoy dahil gas na ang gamit nito.

Pagkatapos nilang maayos yung mga iihawin, nagpaalam muna si Kiev na magbibihis at tatawagin narin daw niya si Storm. Baka daw kasi magaling na yung million dollar niyang paa at makasali na sa kanila.

Naiwan naman si Anee na binabantayan yung inihaw. Kaso parang hindi siya kuntento sa lakas ng apoy, para kasing hindi naluluto yung manok. Sinisilip niya yung ilalim ng manok ng biglang lumabas sa bahay si Kiev at naka Hawaiian shorts lang.

"Boooh!" pang gugulat nito sa kanya.

"AY!! SUS GINOO KA INIT NIMO SIR!!" gulat na sigaw niya habang titig na titig sa hubad na katawan ni Kiev.

"Hmmm..alam ko namang hot ako Anee, hindi mo na kailangan pang isigaw. At hindi mo narin kailangan titigan pa, kung pwede mo namang hawakan. Ito oh.." tapos kinuha nito ang kamay niya at ilalagay na sana sa mala adonis nitong katawan.

"Oi sir! Dili no! Init ang sinugba..o! Da barbikyu is hoot! Yes..apermatib!" natatarantang sagot niya at hinablot ang kamay na hawak hawak ni Kiev.

Kung titingnan ngayon ang mukha ni Anee, mapula pa siya sa tomato sauce.

"Hahaha..Anee Anee. Kakaiba ka talaga, kanin na iniluwa mo pa. Sa dami ng gustong humawak dito, ikaw na pinahawak ko, ayaw pa. Tsk tsk"

Kahit naman kasi playboy ang image ni Kiev, hindi parin niya basta bastang pinapahawak ang katawan niya. Mga kauri lang din nila ni Storm ang pwede, inshort mga mayayaman lang. Though nakikipaglaro siya sa mga middle class, but he never stripped his shirt for them.

"Bikos sir, I me, Hand. Dis hand me, bery dirti. Mahugawan (marirumihan) ang imong mainit..este malinis na katawan. Ay sus ginoon nimo sir oi!" paliwanag ni Anee habang pulang pula parin yung mukha.

"Oo na. Alam ko na talagang, im hot. Sige na nga, maliligo na muna ako. Pag nainitan ka, maligo ka narin." pilyong tukso nito kay Anee at tumawa ng malakas, sabay punta sa pool.

Naiwan naman si Anee na nakatulala. Habang pinapaypayan yung inihaw.

"Don't drool to much. You might choke yourself." nakabawi lamg siya sa pagkatulala nang marinig niya si Storm sa likuran niya.

"Ai sir, ikaw diay. Kumusta na po imong...paa sir?" ituturo sana niya ang paa nito, ngunit naka short lang din pala ito kaya.

'Bakit ba ang hilig hilig mag hubad nitong mga sir ko. Lalo tuloy umiinit ang panahon.' sambit niya sa sarili niya.

"What do you think? Akala mo ba makakababa ako ngayon if my foot was still hurt?"

"Oh bitaw sir, sabi bitaw nako. Mabuti na imong paa. You want me sir?"

"Want you? Bakit masarap ka ba?"

"Ah! Oi no sir. No me. You want me..this? Inihaw sir." tinuro pa niya talaga ang inihaw, baka kasi ano na naman isipin ni sir niya.

"Yah. I WANT the barbecue and NOT you. Ok. Haiiishh, you're really a headache alien."

Pagkatapos niyang sermonan si Anee, lumakad na papuntang swimming pool si Storm para sabayan si Kiev sa paliligo.

"Oh! Akala ko ba ayaw mong maligo?" tanong ni Kiev sa kanya.

Kanina kasi nung pinasok siya ni Kiev sa kwarto para yayain, ayaw daw niya.

"I changed my mind. And I don't want to think anything, atleast dito may alien." sabi niya at lumusong narin sa pool.

"Is it about her again? Do you want to talk about it?"

Si Nadia ang tinutukoy ni Kiev. Ang girlfriend ni Storm na nasa Paris. Hindi kasi talaga sila opisyal na naghiwalay kaya technically, may relasyon parin sila.

"Yes. And no. I don't want to talk about her. It will just ruin the mood."

"Ok. If that's what you want." sabi dito Kiev at lumangoy na siya.

Nagpaligsahan sila sa langoy, at naputol lamang ito ng tinawag sila ni Anee.

"Mga sir. Luto na po ang inihaw, kain muna mo para dili ito malamig."

Unang umahon si Kiev, dahil nagugutom na talaga ito.

"Salamat Anee. Come, kumain karin." yaya niya dito.

"Ayaw na sir, busog paman ko."

"Busog? Wala kangang kinain eh. Halika na, dami naman nito."

"Don't force her if she doesnt want, Kiev. Baka maging alien lang yang inihaw."

Sabat ni Storm sa usapan, umahon narin ito para kumain.

"Oi sir, dili no! Manok, no alien sir. It is bery dilisyos..ito sir oh. Tikman pa nimo" tapos ibinagay niya kay Storm and paper plate may lamang inihaw.

Kinuha naman ito ni Storm kahit pa nawewerduhan siya sa mukha ng inihaw. Kasi ang itim itim, samantalang hindi naman sana dapat ito ganito ka itim dahil nga gas ang gamit nila. Hindi yung normal na uling.

Pagkatapos niyang kumain ng isang piraso, ibinalik na niya kay Anee yung plato na may laman parin ng inihaw.

"Ito sayo na."

"Bakit sir?" tanong nito sa kanya.

"It's salty and doesnt have taste, plus its cold. Im gonna wait for the new one"

"Ah? Pero sir, gi tikman man yan nako ganina. Dilisyos man sir. Diba sir Kiev?"

"Ah uh" ito lang din ang sagot ni Kiev, dahil punong puno ang bibig nito.

"Because Kiev eat everything."

"Ahh. Ok sir, lingkod (upo) muna ka sir. Ipagiihaw taka usab (ulit)" tapos tumayo na siya para mag ihaw sana ulit. Pero pinigil siya ni Storm.

"No, i'l do it myself. Baka sunugin mo na naman. Kumain ka nalang diyan.

Tapos tumayo nanga ito at nag simula ng mag ihaw.

Pagkatapos nilang kumain lahat, biglang binuhat ni Kiev si Anee at itinapon sa pool. At habang mangiyak ngitak ba siya sa pagkabigla. Yung dalaw naman niyang sir, tawa ng tawa.

----------------------------------------------------------------------------------------------

A/N

Hello po mga Alien! Pasensya na po kung sobrang tagal kong hindi nag UD :(. Sana nagustuhan niyo ang chap na ito. Kahit wala masyadong kakaiba dito ;)

Sa mga new readers at followers po. Maraming salamat sa suporta ;))

Kung madami kayong makuhang tsokoleys bukas, bigyan niyo naman ako huh. Hehehe. Layo ng balentino ko sakin eh, kaya walang flowers and choks na matatanggap :(

Happy hearts day sa lahat. Happy pagbabasa po.

❤❤❤

--aish--

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...