The Bearer

Bởi PurpleSwallow

313K 19.4K 1.8K

Noah Aviente ♡ Shilo Calangitan Xem Thêm

TEASER
Chap. 1
Chap. 2
Chap. 3
Chap. 4
Chap. 5
Chap. 6
Chap. 7
Chap. 8
Chap. 9
Chap. 10
Chap. 11
Chap. 13
Chap. 14
Chap. 15 Brain & Heart
Chap. 16
Chap. 17
Chap. 18
Chap. 19
Chap. 20
Chap. 21
Chap. 22
Chap. 23
Chap. 24
Chap. 25
Chap. 26 Her New Love
Chap. 27
Chap. 28
Chap. 29
Chap. 30
Chap. 31
Chap. 32
Chap. 33
Chap. 34
Chap. 35
Chap. 36
Chap. 37
Chap. 38

Chap. 12

5.9K 482 10
Bởi PurpleSwallow

Chap. 12

Habang nanatili si Noah sa hospital; madalas naman s'yang dinadalaw ni Diana. Minsan, nang dumalaw si Shiloh kasama ni Aling Berna. Inabutan nilang nasa loob ng silid ni Noah si Diana.

"Noah, dinalhan ka namin ng isa sa paborito mong meryenda..ang Pineapple pie." Itinaas naman ni Aling Berna ang bitbit na paper bag.

"Salamat na 'Nay." Malambing na sinabi ni Noah.

"Hindi ako ang gumawa nito kundi si Shiloh. Pinag-aralan n'ya kung paano ito gawin."

"Aba, pinag-aralan mo ba 'yan dahil paborito ni Noah?" Makahulugan ang dating ng pananalita ni Diana kay Shiloh. At napakunot naman ang noo ni Aling Berna.

"Ah..eh..nagkataon lang po na mahilig rin akong kumain ng Pineapple pie, kaya pinag-aralan ko kung paano gawin 'yan." Sagot ni Shiloh.

"Oh, paborito ni Noah..paborito mo rin. Ano pang bagay ang paborito ni Noah na magkatulad kayo?"Sunod na tanong ni Diana.

"Po?" Hindi inaasahan ni Shiloh ang ganung mga tanong sa kanya.

"Ehem..Maam, hindi porke't magkaibigan sila maraming alam si Shiloh kay Noah. Dapat ikaw ang nakakaalam n'yan dahil magkasintahan kayo, hindi ba?" Singit ni ALing Berna.

Parang natunaw na yelo si Shiloh sa sandaling 'yon. Samantala si Noah ay nanlalaki na ang mga mata sa mga tanong ng kasintahan. Tumaas ang kilay ni ALing Berna sa kasintahan ni Noah. Ibinaba nito ang paper bag.

"Noah, napadaan lang kami dito dahil may pupuntahan kami. Siguro naman, pwede kang bantayan dito ni Maam Diana." Sabay tingin ni Aling Berna sa kasintahan ni Noah.

"Ah..sige po." Pilit na ngumiti si Noah. Nagmadaling lumabas ang mag-ina. Nang makalabas sila ni Shiloh..

"Nakita mo na...merong hindi maganda na pagtingin sa 'yo si Diana. Kaya Shiloh, iwasan mo si Noah. Kung sakaling mang bantayan mo s'ya..iwasan mo na magkalapit kayo ng husto. Naintindihan mo?"

"Nay, kahit hindi n'yo pa sabihin..talagang gagawin ko." Sagot ng anak.

Sa loob ng silid..

"Ano bang nangyayari sa 'yo Dee? Ano bang gusto mong palabasin? Ayaw ko 'yong pinakita mo kanina."

"Noah, I feel insecure. And I have doubt."

"What?"

"Yeah, I feel insecure because she has a strong connection with you. Hindi mo maiaalis sa akin ang mangamba, lalo na't pupunta ako sa malayo. Noah, hindi na s'ya bata. Babae ako. May mga sandaling nakikita ko sa kanyang mga mata at kilos na kakaiba sa normal na pakikitungo sa isang tao."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Maybe she likes you."

Biglang tumawa si Noah.

"Oh really? Ngayon ko lang alam sa matagal na panahon nagseselos ka kanya ng palihim."

"Noah, binabalaan kita..H'WAG KANG MAMANGKA SA DALAWANG ILOG."

Hindi nakapagsalita si Noah. At binaling ang tingin sa ibang direksyon.

"For Pete's Sake. H'wag kang mag-isip ng ganyan."

"You can't blame me. I gave you everything. At umaasa ako sa pagkita nating muli..AKO PARIN ang nagmamay-ari sa 'yo."

Humugot ng malalim na paghinga si Noah. Hinapit nito ang ulo ng kasintahan. Hinagkan nito ang noo.

"Yes, I'm yours." Bulong ni Noah. Gusto ni Noah na mawala ang pangamba ng kasintahan.

------------

Pagkaraan ng 2 Linggo, aalis na si Diana pabalik ng Singapore. Bago pa man pumunta ng Airport at dumaan ito sa Hospital upang tignan ang kanyang nobyo.

"Babe, take care of yourself. Maghihintay ako sa 'yo sa Singapore. Tatawagan kita ng madalas. I'm gonna miss you." Sabay halik ni Diana sa labi ng nobyo.

"Don't worry. I'll be there soon." Sabay halik ni Noah sa pisngi ng nobya.

Isang mahigpit na yakapan ang ipinadama nila sa isa't isa. Bumukas ang pinto..pumasok si Shiloh at nakita nito ang yakapan ng dalawa. Napalingon ang dalawa..

"Ah..eh..so-sorry po. Nakadisturbo yata ako." Tatalikod na sana si Shiloh pero..

"Aalis na rin ako Shiloh. Mabuting dumating ka. H'wag kang mag-alala mararanasan mo rin ang yakap pag nagkaroon ka na ng nobyo. H'wag nga lang kay Noah...because his arms and lips are all mine."

"Dee!" Asik ni Noah.

Ngumiti lamang si Diana.

"Naniniguro lang." Sagot ni Diana sa kasintahan.

Napayuko si Shiloh.

Tuluyang umalis si Diana. Naiwan sa silid ang dalawa.

"I'm sorry. Ako na lang ang humihingi ng paumahin sa 'yo sa binitawang salita ni Diana."

"Okay lang 'yon, Sir. Natural lang naman 'yon. GANUN KA N'YA KA MAHAL." Isang mapait na ngiti ang ipinakita ni Shiloh kay Noah. Gustong yakapin ni Noah si Shiloh ngunit hindi n'ya magawa. PUMAPASOK SA ISIPAN N'YA " HINDI NA BATA SI SHILOH NA PWEDE N'YA PANG IPAKITA ANG PAGLALAMBING N'YA SA DALAGA."

------------

Lumabas ng hospital si Noah.

"Noah, ang sabi ng doktor pansamantala ka lamang gagamit ng wheel chair. Tapos magkakaroon ka ng weekly check -up." Paalala ni Evon sa anak.

"We made an arrangement with the hospital. Pupunta ka na lamang doon at magpatingin. Wala ka nang babayaran. Just go there and have your treatment. Son, if you want to go back to Singapore and finish your study, help yourself. Ikaw parin ang makakatulong sa sarili mo na gumaling ka."

Tumango si Noah.

KRINGGGG KRINGGGG KRINGGG

Isang International Call ang dumating na tawag para kay Noah..

"Hello."

( Babe, kumusta? )

"I'm at home. Nakalabas na ako sa hospital. But still I'm sitting on my wheel chair."

( Well, that's good. Get well soon. I miss you. Lagi akong nasa labas kasi nalulungkot ako. )

"Yeah, me too. I want to be there."

( Babe, 'yong sinabi ko sa 'yo..H'WAG MAMANGKA SA DALAWANG ILOG. )

"You don't trust me."

( I trust you. Gusto ko lang ipaalala sa 'yo na HINDI KA SANTO NA HINDI MADALING MATUKSO.)

"Ako kaya ang magtatanong 'yo..CAN I TRUST YOU?"

( Noah, I set my heart on you. )

"Okay, thanks. I believe in you."

( I love you. )

"..Love you."

Ilang araw na namalagi sa tabi ni Noah ang kanyang mga magulang. Hanggang..



"Shiloh, tulungan mo ang nanay mo magbantay kay Noah. Samahan mo rin s'ya sa pagpunta ng hospital. Tatawag na lang ako sa inyo." Sabi ni Evon sa mag-ina. Babalik ng San Ruiz ang mag-asawa.

"Noah, maiwan kana muna namin. Anything you need you just call the secretary , okay?"

"Yes, Pa."

At nang umalis ang mag-asawa..

"Sir, gusto po ba ninyong magpahinga?" Tanong ni Shiloh.

"Mamaya na. Gusto kong maligo. Ammmm...paano ba ako maliligo?"

Napaisip si Shiloh.

"Sir, maglalagay ako ng upuan sa loob. Tapos doon ka uupo. Ulo lang po ninyo ang huhugasan natin, hindi po pwedeng mabasa 'yong paa ninyo."

"How about my body?"

"Ahhhh...merong maligamgam na tubig. Towel na muna ang ipupunas natin sa katawan n'yo."

"Ikaw ang gagawa nun?"

"Sir, kaya n'yo namang magpunas. Gagawin n'yo ho 'yon."

Napanganga si Noah.

"Ahh.. okay." Nag-aalangan din si Noah.

Agad hinanap ni Shiloh si ALing Berna.

"Nay, kailangan ni Sir Noah ang maligo. Ikaw na ho ang maghanda ng lahat sa kanya."

"O sige, ikaw muna dito sa mga labahan ko."

Agad humalili si Shiloh.

SHILOH'S POV

Mabuti na lang nandito si Nanay. Hindi ko pa yata kaya na ako ang magpapaligo kay Noah. Hanggang tulak lamang ako ng wheel chair n'ya. Tsaka, dyahe sa banyo kaya 'yon.

Pagkalipas ng ilang oras..

"Nay, tapos na po ba?"

"Oo."

"Nay, kayo po ang magpaligo kay Sir, ha."

"Oo. Kaya naman ni Noah eh."

"Nay, nahihiya kasi ako."

Naunawaan naman ng ina ang problema ng anak.

Tuwing maliligo si Noah, si Aling Berna ang tumutulong kay Noah o di kaya ang driver.

-----------

Isang araw..

"Shiloh, pupunta tayo sa hospital mamaya. Gusto kong maligo. Pakisabi kay Nanay Berna."

"Ay Sir, wala ho si Nanay at ang driver." Nagsimulang maalarma si Shiloh.

"Ganun ba. Kailangan ko kasing maligo." Mababang boses ni Noah.

Nag-isip si Shiloh kung sino ang tutulong sa kanya..nang biglang..

"Sir sandali lang po. Babalik rin po agad ako."

Nagulat si Noah at nagpaalam si Shiloh.

"Bakit saan ka pupunta?"

"Basta Sir, dito lang kayo. Babalik ako." Tila natataranta si Shiloh.

"Okay."

Mabilis pa sa alas-kwatro ang takbo ni Shiloh. Samantala si Noah gusto n'ya nang matawa. Alam n'ya kung bakit natataranta si Shiloh. Hindi kaya ni Shiloh na samahan s'ya sa banyo at palitan ang kanyang kasuotan.

"Nakakatawa. Natataranta talaga s'ya pagdating sa oras na gusto kong maligo. He he he he he.."

Palinga linga si Shiloh sa paligid. Hinahanap n'ya ang kanyang kapatid. Pero hindi n'ya makita ang tricycle nito.

"Naks, nasa malayo yata pumunta si Kuya. Sinong magpapaligo kay Noah. Waaaaaa..eto na ang ayaw kong eksena sa buhay ko." Nang biglang.. UMILAW ANG UTAK NI SHILOH..

-----------

Mabuti nalang at may isang bakanteng silid sa unang palapag ng bahay ni Noah. At doon muna ang pansamantalang silid ni Noah. Nakayanan ni Noah na pumunta ng banyo. Ngunit nabigla s'ya nang...

"Noah...ako na muna ang magpapaligo sa 'yo." Gulat si Noah nang marinig ang nagmamay-ari ng boses..Agad s'yang napalingon..

" ABEBET.."

"Yes, it's me your MAJESTY."

"GYAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!"

Sa labas ng pinto hindi na maipinta ang mukha ni Shiloh sa sobrang tawa.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

311 53 21
ON HOLD BOOK 2 of TAB Trilogy
1M 32.8K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...
67.3K 1.3K 29
Akala mo kung sino silang maaamong tupa… akala mo kung sino silang matitino…. Akala mo mababait…Hinahangaan sila ng lahat… ini-idolo ng maram...
32K 1.7K 31
[[ON GOING ]] [[Rated SPG]] The Brother's Series [Series #3] [Joshua Kien Casabuena] [Jemicah Lia Azunsion] Takbo at hingal ang ginagawa ko sa oras n...