My Personal Yaya

By Eibhline

13.1K 1K 67

May isang babaeng nag ngangalang Alisha Vargas, o mas kilala bilang Ali. Isang simpleng babae na ang hangad l... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE

Chapter 13

211 20 0
By Eibhline

Chapter 13

“Good morning, Sir Zach.”

Pagpasok ko sa kwarto ni sir Zach kinabukasan nabungaran ko siyang nakaupo sa kama niya, ang dalawang kamay niya ay nakahawak sa kanyang ulo. Pinipiga ito ng marahan. Tsk! ‘yan na nga ba sinasabi ko, eh. Iinom inom tapos kinabukasan magrereklamo na masakit ang ulo, eh sila rin naman ang may kagagawan n’yon.

“I fucking hate this hangover!”

Tumikhim ako at inilagay ang tray na may lamang agahan ni sir Zach sa bedside table niya. Tumingin ako kay sir Zach at napabungtong hininga na lang ako ng makitang ganon pa rin siya sa ginagawa niya.

“Sir, ito na po yun breakfast mo may gamot na rin po akong inilagay riyan pampawala ng sakit ng ulo niyo.”

Tsaka ako tumalikod para umalis na doon ngunit natigilan ako ng hawakan niya ang palapulsuhan ko.  “Wait….” Binitiwan niya rin naman agad ang palapulsuhan ko ng humarap ako sa kanya.

“How did I end up here?” tanong niya ang kanang kamay niya ay nakatukod sa hita niya habang ang kanyang ulo ay nakapatong doon, nakatingin sa akin.

“Ahm, inalalayan kitang maglakad patungo rito sa kwarto mo.”

Kumunot ang noo niya “How? I mean. What time I went home last night?”

“Quarter to one po."

“And you still awake at that?”

Tumango ako “Yes, sir. Hindi kasi ako makatulog kaya nagbasa muna ako ng libro. Hindi ko na namalayan ang oras hanggang sa marinig ko ang tunog ng kotse mo don ko lang nalaman kung anong oras na. Lumabas ako para pagbukasan ka ng pinto at ng makita kong pagewang wegang kang maglakad ay tinulungan na kita.” Paliwanag  ko sa kanya.

Medyo sumakit nga ang braso ko ng dahil doon gusto kung irugtong iyon pero na isip ko ring wag na baka ano pang sabihin niya.

“Sige na sir Zach, kumain kana ng mainom muna yun gamot para kahit papaano mawala ‘yang sakit ng ulo mo. Babalikan ko na lang mamaya yun tray pagtapos ka nang kumain.”

Kinuha ko ang tray na may lamang agahan niya at nilipat mo 'yon sa kama niya. Pagkatapos tumango ako ng bahagya sa kanya tsaka ko kinuha ang labahin niyang mga damit bago ako umalis na roon sa kwarto niya ng tuluyan.

Tinungo ko ang likod bahay nila at ibinigay kay manang Koring at Sonya ang labahin. Si manang Lita kasi ay umalis na at umuwi na ng probinsya ng  kamakaylanlang.

Nang madaan ko si Kary sa may garden na nagtri-trim ng halaman ay ngumisi siya ng makahulugan sa akin. Kasama niya roon si Rey na tinutulungan din siya huminto ako at nilapitan sila roon.

Sumimanot ako sa kanya “Tigilan mo ako Kary ang aga aga!” may inis na sabi ko sa kanya.

Tumawa siya kaya napatingin sa kanya si Rey ng nakakunot ang noo “Bakit ka tumatawa d’yan?”

Tumigil siya sa pagtawa sabay sumimangot ang mukhang pinagpatuloy ang ginagawa. “Wala!” sabay may asik niyang sagot dito.

“Tss, aga aga ang init na ng ulo mo.”

“Wala kang pake.”

Napailing ako itong dalawang ‘to talaga hindi ko pa nakitang hindi nag away kahit isang beses magmula ng magtungo ako sa bahay na ito.

“Magtigil nga kayong dalawa d’yan. Ayusin niyo na lang ang ginagawa niyo, Kary oh!” turo ko sa hindi pantay sa pagtrim niya.

“Yes! Ma’am. Alisha” mapang asar niyang sabi sa akin

“Kita mo ‘yan pag ikaw sa akin lagi kang galit pero sa iba ang bait bait mo.” May inis na sabi ni Rey kay Kary.

“Manahimik ka d’yan! Tsk!”

Umalis na ako ron at hinayaan ang dalawa na mag away roon hindi naman na bago ito sa amin kaya pagnakikita namin sila sa gantong tagpo ay hinayaan na lang namin.

Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay nakita ko si sir Zach na pababa ng hagdan dala ang tray. Lumapit ako sa kanya para kunin ang tray na hawak niya, binigay niya naman ito sa akin agad.

“Sir Zach. Hindi na po ba masakit ang ulo niyo?” tanong ko sa kanya habang inilalagay ko sa lababo ng pinagkainan niya para hugasan. Habang siya naman ay tinungo ang fridge kumuha siya roon ng malamig na tubig at ininom ‘yon tsaka siya umupo sa high stool, kinuha niya ang apple doon na nalalagay at kinagatan iyon.

“A bit.” Tumango ako.

“Dapat kasi sir Zach, hindi na kayo umiinom ng marami kung kinabukasan magrereklamo kayo na masakit ang ulo niyo.” Pangaral ko sa kanya habang naghuhugas ako ng plato.

Lumingon ako sa kanya at nakita kung nakataas ang kilay niyang nakatingin sa akin habang kumakagat siya ng mansanas. At nang kinagat niya ang mansanas ay may diin ito at nginunguya ng maingay hinahamon ako kaya napangiwi ako sa kanya.

“Ah, sinasabi ko lang naman Sir Zach.”

“Tss,”

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa naputol lang ito ng tumunog ang kanyang cellphone. Tiningnan ko siya saglit at pinagpatuloy ang pagpupunas ng plato at paglalagay sa kabinet. Habang pinapakinggan siya sa pakikipag usap niya sa kung sino man ang tumawag.

“Oh!” bungad ni sir Zach sa kabilang linya ng sagutin niya ang tawag. Tss! ‘Oh!’ hindi ba ‘to marunong mag good morning man lang, grabe.  “Fuck you!”napangiwi ako ng magmura siya sa tingin ko kaibigan niya ang kausap at tumawag sa kanya. “Tss! your with that girl” tumawa siya. “Nah. I’m had good time too.”

Nagpupunas na ako ng kamay ko ng mapatingin ako kay sir Zach nakakunot na ang nuo niya habang nakatingin sa akin. “What the hell are you taking about?! Of course not! Damn you!” nag iwas ako ng tingin at naglakad na paalis roon. “Not her, I’m talking about Claire! You asshole!”

Napahinto ako sa paglalakad at tumingin kay sir Zach ng makarinig ako ng pangalan ng babae. Nag iwas rin naman siya agad ng tingin sa akin at ako naman ay pinagpatuloy ang paglalakad at pinagkibit balikat nalang iyon ng maisip ko na baka girlfriend ni sir Zach yun nagngangalang ‘Claire’.

Sakto naman na nakita ko si ate Risa na papasok ng bahay dala ang pinamili niya sa groceries stores. Tinulungan ko siyang buhatin ang iba.

“Wag na ‘to Ali. Kaya ko na ito, meron pa roon sa sasakyan iyon na lang.”

Tumango ako sa sinabi niya at nagpunta sa sasakyan para kunin ang iba pang sabi niya. Kinuha ko ang iba pang bags doon para dalhin na sa kusina. Napaigik ako ng ilagay ko sa kanang balikat ko ang isang bag doon nama’y lamang mga prutas. Tss! nangalay yata ito ng dahil sa pag alalay ko kay sir Zach kagabi.

Gayon pa man ay na buhat ko pa rin ang mga dala sa patungo sa kusina. Nakita ko si sir Zach na naruon pa rin kung saan ko siya nakitang nakaupo kanina.

Nilagay ko ang mga dala ko sa island counter sa harap lang ni sir Zach kaya napatingin siya sa akin pagkatapos ay sa dala ko tumikhim ako.

“Ali. Patulong naman ikaw na mag ayos ng mga iyang sa fridge magtutulo na ako.”

“Sige po.”

Nilagay ko na ang mga pinamili sa fridge inarrange ko ito habang sinasabi ni ate Risa kung saan ko dapat ilagay ang mga ito. “Sa taas po ‘yan ilagay Ali.” Tumango ako sa kanya hawak ko sa magkabilang kamay ko ang lagayan ng prutas.

Hinimas ko ang kanang balikat ko pagkatapos kung ilagay lahat sa fridge.

“Okay ka lang Ali?” Tumingin ako kay ate Risa na nakatingin sa ginagawa kong paghimas sa balikat ko.

“Okay lang ako ate Risa.” Sagot ko sa kanya tumingin ako kay sir Zach na nakatingin sa akin ng matiim.

Nag iwas ako ng tingin at lumapit kay ate Risa para tingnan ang niluluto niya. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na umalis si sir Zach doon.

“Sigurado kang okay ka lang?” tanong ulit ni ate Risa na hindi naniniwala sa sagot ko.

“Okay lang ako, medyo masakit lang ang balikat ko pero okay lang naman ito mamaya hihilutin ko na lang bago ako matulog.”

Sinilip ko ang niluluto niyang kaldereta, kumuha siya ng kutsara at tinikman niya ito. “Tingman mo nga, Ali kung okay na ang lasa.” Kinuha ko ang kutsara na inalok niya sa akin at tinikman ito, siya naman ay pinatay ang rice cooker.

“Medyo matabang ate Risa.”

“Okay,” kumuha siya ng unting asin at nilagay dito pagkatapos ay hinalo niya tsaka tinikman ulit pagkatapos ay tumango tango siya. “Okay na siya nga pala lagyan mo ng salon pass 'yang balikat mo, Ali. Meron pa akong natira roon ng bumili ako no’ng nakaraan."

“Salamat ‘te Risa.” Ngumiti lang siya sa akin bilang tugon.

Mayamaya pa ay pumasok na si Kary sa kusina. “Wow! Ang bago naman niyan, amoy na amoy ko hanggang labas.” Si Kary

“OA.”

Hinampas ng marahan ni Kary ang balikat ko. “Aray!” hinimas ko ng marahan ang balikat ko at ininat inat ito.

“Oh, anong nangyari sayo?” takang tanong ni Kary sa akin.

“Wala okay lang ako.” Nagkibit balikat siya at pumunta sa niluluto ni ate Risa.

Habang inaantay namin na maluto ang pagkain ay nagpunta muna kami ni Kary sa likod bahay para tulungan sila manang Koring at Sonya sa paglalaba na ngayon ang iba ay sinasampay na ni Sonya ngayon.

Tinulungan ko sa pagsasampay si Sonya habang si Kary naman ay tinulungan ang nanay niya—si manang Koring.

“Ali. Hija, tawagin mo na si sir Zach at ng makakain na siya ng pananghalian. Tatapusin na muna namin ito tsaka kami kakain, baka gugutom na ang batang ‘yon.” Sabi ni manang Koring sa akin tumango ako sa kanya.

“Okay po.” Sabi ko sinampay ko muna ang hawak kung damit bago ako naglakad papasok sa loob ng bahay at nagtungo sa kwarto ni sir Zach.

Kumatok ako pagkarating sa harap ng kwatro ni sir Zach. Naka tatlong katok muna ako bago niya binuksan ang pinto ng kanyang kwarto.

“Sir Zach, kain na daw po kayo.” Sabi ko sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin pagkatapos ay bumaba ang tingin niya sa balikat ko, hindi ko ‘yon pinansin. “Sir! Kakain  na daw po kayo-“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng putulin ito ni sir Zach ng tanong.

“What happen to your shoulders?” tanong niya habang nakatingin pa rin siya sa kanang balikat ko pagkatapos ay nagtungo ulit ang tingin niya sa akin.

“Ha?” Lito kung tanong sa kanya tiningnan ko pa ang kanang balikat ko.

“Anong nangyari sa balikat mo?” tanong niya ulit. Hinawakan niya pa iyon at inilapit sa kanya ng bahagya, nakadamit ako ng t shirt kaya hindi niya makita ng bahagya iyon. Binitawan niya rin naman agad ito at nakapamulsang tumingin siya sa akin. “Dahil ba ‘yan sa pag alalay mo sa akin kagabi?” dagdag na tanong niya pa.

Oo Sir ang bigat mo kaya gusto kung sabihin sa kanya pero isinantabi ko na lang ito sa isip ko baka supladohan pa ako nito!

“Wala lang ‘to sir Zach. Kumain na po kayo roon baka po lumamig na iyon pagkain niyo.”

“Tss, liar!” hinila niya papasok sa loob ng kwatro niya at pinaupo sa sofa roon pagkatapos ay lumapit siya sa bedside table niya at may kung anong kinuha rito bago siya lumapit ulit sa akin.

Umupo siya sa center table doon paharap sa akin at nanlaki ang mata sa ginawa niya dahil  basta niya na lang hinila bababa ang damit ko sa kanang balikat ko. “Sir, Zach!” hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa damit ko.

Sapat lang naman para makita ang balikat ko pero kahit na, hindi ba ito marunong magtanong ng permiso man lang. “Relax! Okay, I won’t do anything to you.” Tumingin siya sa akin.

Nagulat ako ng may naramdaman akong malamig na bagay na nakadikit sa balikat ko tiningnan ko ito salon pass. Tinanggal niya na ang hawak sa damit ko ako naman ay agad na inayos ang damit ko. “Sa… Sa-Salamat, Sir Zach.” Nagkanda utal utal pa ako sa pagsabi nito sa kanya.

Tumayo na ako agad para makaalis na doon pero pinigilan ako ni sir Zach gamit ang paa niyang pinatong niya sa sofa, hinaharangan ako kaya na pa upo ulit ako. Pinilig niya ang ulo niya ako naman ay iniiwas ang mukha ko sa kanya dahil alam ko sa mga sandaling ito namumula na ang mukha ko kaya pinalibot ko nalang ang tingin ko sa loob ng kwatro niya.

“Next time don’t bother to help others when you knew that your body can’t do so.”

Tumango lang ako sa kanya ng hindi pa rin tumitingin sa kanya agad na rin naman akong nagmamadaling tumayo at naglakad palabas ng kwatro niya ng inalis na niya ang paang niyang nakaharang sa akin. Naramdaman ko siyang sumunod sa akin kaya minadali ko ang paglalakad ko.

“Hey! Where are you going?” tanong ni sir Zach ng makababa kami at diredirestsyo ako patungo sa aking silid. “Serve’s my food Yaya.”

Huminto ako at humarap sa kanya nakataas ang kanyang kilay, ang daliri ko ay nakaturo patungo sa silid ko. “Sa kwarto ko po,” Napakamot na lang ako sa ulo ko ng titigan niya lang ako kaya dumeristyo na ako sa kusina para ipaghanda siya ng makakain niya.

Apaka tamad naman ng supladong lalaking ‘to!

Gano’n din ang ginawa ko sa kanya ng maghapunan. Pinaghain ko rin siya at dinala sa kanyang kwarto dahil ang sabi niya sa akin ay...

“I don’t want to walk around my head is hurts ‘til now and spinning.” Hindi lang pala puro suplado ang alam ng lalaking 'to may sa pagka maarte rin pala.

Tumango lang ako sa kanya at sinunod ang sinabi niya nagpakuha pa siya sa akin ng gamot para daw inumin niya at mawala na raw ang sakit ng ulo niya.

Tsk! Hindi ‘yan sasakit kung hindi ka uminom ng marami at tama lang.

Walang masyadong nangyari ng linggo bukod sa nagsimba ulit kami nila ate Risa kasama si Rey syempre. Hindi rin umuwi sa kanilang bahay ang mag asawang Torres, si sir Zach naman ay nagkulong lang sa kwarto niya at lalabas lang pagtatawagin ko na siya para kumain.

Lalaking supladong maarte at tamad!

Continue Reading

You'll Also Like

664K 11.1K 64
Kilala si Stanley Martin sa pagiging babaero sa school, yung tipo na walang sineseryoso na babae at parang laruan lang para sa kanya. Well, hindi nyo...
111K 2.8K 39
"Are you kidding me, woman? After asking me such a question, you're going to break up with me. Are you kidding me? No way, f*ck*ng way, lady!You're m...
325K 5.5K 51
THIS STORY IS UNDER REVISION. THANK YOU SO MUCH FOR YOUR SUPPORT TO THE STORY. Completed:June 15,2019
31.2K 857 52
Ang tanging hiling lang naman ni Julietta ay makaahon sa kahirapan.Dahil ulila na siyang lubos at walang pamilya.Nakatira sa maliit na kubo at tangin...