The Bearer

By PurpleSwallow

313K 19.4K 1.8K

Noah Aviente ♡ Shilo Calangitan More

TEASER
Chap. 1
Chap. 2
Chap. 3
Chap. 4
Chap. 5
Chap. 6
Chap. 7
Chap. 8
Chap. 9
Chap. 11
Chap. 12
Chap. 13
Chap. 14
Chap. 15 Brain & Heart
Chap. 16
Chap. 17
Chap. 18
Chap. 19
Chap. 20
Chap. 21
Chap. 22
Chap. 23
Chap. 24
Chap. 25
Chap. 26 Her New Love
Chap. 27
Chap. 28
Chap. 29
Chap. 30
Chap. 31
Chap. 32
Chap. 33
Chap. 34
Chap. 35
Chap. 36
Chap. 37
Chap. 38

Chap. 10

6.3K 489 5
By PurpleSwallow

Chap. 10

Author's Note : Madlang Pipol! H'wag masyado tayong magmadali sa pangyayari..

Napangiwi ng mukha si Shiloh matapos marinig ang sinabi ng ina.

"Nay, okay lang ako. Tsaka, wala akong nararamdamang kakaiba sa katawan ko."

"Anak, meron. At hindi ako mapakali tuwing na iisip ko ang mga bagay na 'yon."

"'Nay, pwede ba hindi pare pareho ang katawan ng bawat tao."

"Tignan mo nga 'yang mga kaibigan mo..NAKAKARANAS NA SILA NG DALAW. Ikaw ni minsan wala pa."

"'Nay, normal lang po 'yon. Malay n'yo bukas o sa makalawa magkakaroon na ako ng UNANG DALAW."

Napaisip nang husto ang kanyang ina.

"Kung sabagay, meron nga akong kakilala na 18 anyos bago dinatnan ng unang dalaw."

"Tignan n'yo. Ang OA n'yo. Relax lang kayo."

Walang nagawa ang ina ni Shiloh kundi ipanatag ang loob nito.

"O sige, mabuti pa umuwi ka na muna ng bahay at asikasuhin ang mga alaga nating baboy. Ibebenta na natin ang ilan sa mga inahing baboy sa susunod ng mga araw. Tsaka, paglutuan mo narin ng pagkain ang Kuya David mo. Siguradong pagod 'yon sa trabaho."

"Opo."

Tumalima naman si Shiloh sa ina. Palabas na sana s'ya ng bakuran nang lumabas si Noah ng bahay.

"Shiloh, sandali lang." Tinawag nito ang dalaga.

"Paki plantsa naman ng polo-shirt na 'to. May lakad ako mamaya." Utos ni Noah kay Shiloh. Tinanggap naman ni Shiloh ang damit at muling pumasok sa loob ng bahay. Tinungo ni Shiloh ang servant's room at doon ginawa ang pinag-utos ng amo.

"Shiloh, pagkatapos paki linis na rin ang sapatos ko." Ibinaba ni Noah ang kanyang sapatos na susuotin.

Pakiramdam ni Shiloh sinasamantala na ni Noah ang lahat. Wala naman magagawa ang dalaga kundi ang sumunod. Nang matapos ang lahat, ibinigay ni Shiloh ang susuotin ni Noah na polo shirt at sapatos.

"May ipag-uutos pa po ba kayo?"

"Wala na." Sagot ng binata.

Tumalikod si Shiloh at dahan dahang umalis. Habol tingin si Noah sa pag-alis ng dalaga. Hindi naman n'ya gusto ang kanyang pinapakita kay Shiloh pero dapat n'yang gawin.

----------------------

Kinabukasan, maagang dumating si Shiloh sa bahay ng mga Aviente. Nagulat na lamang s'ya at nakaimpake ang mga gamit ng mag-anak.

"Nay, saan pupunta sina Noah?"

"Ahhh..pupunta daw sila sa bahay ng kapatid ni Mr. Aviente. Matagal na daw nilang hindi nadadalaw eh."

"Malayo po ba 'yon?"

"Siguro."

"Ilang araw naman po sila doon?"

"Ewan ko. Teka, ba't ba tanong ka ng tanong? Mamimiss mo ba si Noah?"

"Nay, hindi naman sa ganun. Syempre, dapat din nating malaman. Kasi nga, amo natin sila." Pagrarason ni Shiloh. Ayaw n'yang mag-isip ng iba ang kanyang ina.

"Mmmmm..nagmamaang maangan ka pa." Panunukso sa ngiti ng ina.

"Nay tama na po. TAPOS NA ANG PAGPAPANTASYA KO. Tsaka, bakit sila ngayon aalis? Kung kelan may paparating na malakas na ulan. "

Naputol ang usapan ng dalawa nang dumating ang driver at isa isang kinuha ang mga gamit na dadalhin nina Noah. Tinulungan naman nina Shiloh na ilagay ang mga gamit sa loob ng van. Unang lumabas ng bahay si Mr. Aviente.

"Shiloh, samahan mo ang nanay mo dito, ha. Aalis kasi kami."

"Yes, Sir." Agad na sagot ni Shiloh. Lumabas ng pinto si Noah at ang ina nito. Kinausap pa ng ina ni Noah si Aling Berna. Samantala, nagkatitigan lang ang dalawa. Iniwas ni Shiloh ang titig sa binata. Tumayo na lamang s'ya sa isang sulok at hinintay ang pag-alis ng pamilya.

--------------------------

Kinagabihan, sa gitna ng masarap na pagtulog nina Shiloh. Bigla silang nagising sa isang malakas ng katok sa labas ng kanilang bahay.

TOK TOK TOK TOK TOK

"Aling Berna! Aling Berna!"

Agad napabangon ang 3 sa sunod sunod na tawag.

"Nay sino kaya 'yon?" Tanong ni Shiloh. Lumabas sina Shiloh at Aling Berna. Binuksan ni Aling Berna ang bintana. Nakita nito Kapitana ng kanilang Baranggay.

"Aling Berna, pumunta po kayo sa Hospital. Pinapatawag po kayo ng mag-asawang Aviente. Nadisgrasya po daw sila."

"Ano?!" Nagulat sina Shiloh sa balita. Kaya dali dali silang nagbihis at lumabas ng bahay. Agad naman pinaandar ni David ang kanyang tricycle.

Habang nasa daan palang sila ay takot na takot na si Aling Berna. "Dios ko iligtas n'yo po sila!" Ilang beses na sinasambit ni Aling Berna. At maging si Shiloh ay natatakot din.

"Lord, tulungan n'yo po sila. Kawawa naman ang mag-anak." Tumatakbo sa isip ng dalaga. Nag-alala s'ya ng husto kay Noah.

Takbo at lakad ang ginawa ng 3 nang marating ang hospital. Nakita nila sa labas ng Emergency Room ang mag-asawa. Umiiyak ang ina ni Noah habang inaalalayan naman ng asawa nito.

"Maam..Sir..Ano pong nangyari?" Agad na tinanong ni Aling Berna ang mag-asawa.

"Berna, nawala sa preno ang aming sasakyan kanina. Humalili kasi si Noah sa pagmamaneho ng sasakyan. May nakasalubong kaming dyip. Pilit na iniwasan ni Noah ang dyip ngunit madulas ang daan. Kaya sumalpok kami sa isang malaking bato. Hindi naman kami lubhang nasugatan ngunit si Noah ang malubha." Paliwanag ng ina.

Lumabas ang doktor sa silid at kinausap ang mag-asawa.

"Nagkaroon ng fractured ang paa ng anak ninyo. Hindi s'ya makakalakad ng ilang buwan o isang taon. Kailangan masubaybayan natin ang kanyang napinsalang paa dahil sa aksidente."

"Oh my God! But he needs to go back to Singapore. Doon s'ya nag-aaral." Ang sabi ni Evon.

"For the mean time, kailangan n'yang unahin ang paggaling n'ya." Dugtong ng doktor."

"Don't worry, Evon. We'll call the University about this matter. Ang kailangan ay maayos ang kalagayan ni Noah bago paman ito bumalik sa kanyang pag-aaral. "

Narinig naman nina Shiloh ang sinabi ng doktor.

-------------------------

Inihatid si Noah sa kanyang silid. Bagamat wala pa itong malay. Nag-usap ang mga magulang ni Noah at Aling Berna.

"Berna, sa bahay namin iuuwi si Noah. Kaya mo bang bantayan ang anak ko?"

"Naku, Maam okay lang po." Sagot ni Aling Berna.

"Kailangan din naming bumalik ng San Ruiz at dalawin ang ibang mga negosyo. Wala kami sa lahat ng oras; nag-aalala kami kung sinong titingin kay Noah. Mahirap din humanap ng mapagkatiwalaan. Alam mo namang kayo lang ang pinagkatiwalaan namin ." Ang sabi din ng ama ni Noah.

"H'wag kayong mag-alala Sir, kasama ko naman si Shiloh. Hindi pa naman s'ya papasok sa kolehiyo. S'ya na lang po muna ang tutulong sa akin na bantayan si Noah."

"Mabuti pa nga. Bibigyan namin ng malaking sahod si Shiloh. Makakatulong pa sa inyo. Tsaka, magkalapit sila ni Noah." May kunting ngiti pa sa mukha ng ina ni Noah.

Napatakip ng mukha si Shiloh.

"Ano ba naman ito! iiwas ako..pinaglalapit naman kami. Whew, sana hindi maging pasaway si Noah sa akin...kundi iiwanan ko talaga s'ya." Kung anu ano na ang pumapasok sa isip ni Shiloh.

----------------------

TEASER :

"Alam kong kapatid ang turing n'ya sa 'yo. Sana ganun karin. Hindi ka na bata sa mata ng ibang tao. Alam mo kung saan ka dapat lulugar."

Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 69 26
Malaki ang utang na loob ni Zai sa magkakapatid Mendoza dahil sa pagtulong ng mga ito sa kanya. The Mendoza's shouldered the expenses for her brother...
Unmasking Damon By Irish

General Fiction

15.8K 697 24
How can you unmask Damon?
153K 10.7K 56
Azzerdon Villegas & Danica Evañez story Dahil sa padalos-dalos na desisyon ay iniwanan ni Danica si Azzerdon at namuhay mag-isa kasama ng naging bung...
1.9M 71.5K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...