Class Picture Series 5 - Find...

Galing kay JasmineEsperanzaPHR

4.4K 82 1

Kasabay ng pagbabakasyon ni Elisa, sinubukan din niyang puntahan ang lugar na ayon sa journal ng kanyang lolo... Higit pa

Finding Treasure... Finding Love - Part 1
Finding Treasure... Finding Love - Part 2
Finding Treasure... Finding Love - Part 3
Finding Treasure... Finding Love - Part 4
Finding Treasure... Finding Love - Part 5
Finding Treasure... Finding Love - Part 6
Finding Treasure... Finding Love - Part 7
Finding Treasure... Finding Love - Part 8
Finding Treasure... Finding Love - Part 9
Finding Treasure... Finding Love - Part 10
Finding Treasure... Finding Love - Part 11
Finding Treasure... Finding Love - Part 12
Finding Treasure... Finding Love - Part 13
Finding Treasure... Finding Love - Part 14
Finding Treasure... Finding Love - Part 15
Finding Treasure... Finding Love - Part 16
Finding Treasure... Finding Love - Part 18

Finding Treasure... Finding Love - Part 17

202 5 0
Galing kay JasmineEsperanzaPHR

"GOOD morning!"

Nagising si Elisa sa malambing na pagbati ni Art. Nang magdilat siya ng mga mata ay nakita niyang nakaupo ito sa gilid ng kanyang kama at nakatingin sa kanya.

"Time to wake up!" nakangiting sabi nito.

"Inaantok pa ako," nag-iinat na sabi niya.

"Get up, sleepyhead. Tulungan mo akong mag-prepare ng almusal natin."

Humikab si Elisa. "Okay. Susunod na ako."

"Sigurado kang babangon ka na?" paniniguro nito.

"Oo na. Ginising mo na ako, eh."

"Wala bang good-morning kiss?"

Pinanlakihan niya ito ng mga mata, na-conscious bigla. "Hindi pa ako nagmumumog man lang!"

Tumawa si Art at walang sabi-sabing hinalikan siya sa mga labi. "Who cares?" sabi nito nang pakawalan ang kanyang mga labi. "Bangon na, darling. Sumunod ka na sa kitchen, okay?" Tumayo na ito.

Bumangon na nga si Elisa. Magaan ang kanyang pakiramdam. Napangiti siya. Iba talaga kapag masaya. Kahit na gusto pa sana niyang matulog ay mabilis na siyang kumilos para mag-freshen up.

Pagkatapos mag-almusal ay nagpunta sila sa Magno para mamili ng pagkain. Dinamihan ni Art ang pinamili dahil hanggang para sa susunod na araw na raw iyon. Nang bumalik sila, sa kusina na naman sila tumuloy at magkatulong pa ring naghanda ng pagkain.

"Mas marunong kang magluto kaysa sa akin," sabi ni Elisa.

"Ikaw ang babae, hindi ba, ikaw ang dapat na mas sanay sa ganito?" tanong naman ni Art.

"Hindi ko hilig ang magluto, eh. Mas hilig kong kumain."

"Dehado naman pala ako," kunwari ay reklamo ng binata. "Dapat ay may pampalubag-loob naman ako. Ako pala ang palaging cook."

"At ano namang pampalubag-loob ang gusto mo?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Elisa, ngiting-ngiti.

"You know." Pinatulis nito ang nguso.

Natawa siya. Lumapit siya at mabilis itong hinalikan sa mga labi. "Ganyan ba?"

"Ang tipid naman," reklamo ni Art. "Puwedeng isa pa? 'Yong mas matagal?"

"Later," pagpapakipot niya. "Magluto ka muna."

"Later?" exaggerated na ulit ng lalaki. Binitiwan nito ang sandok na ipanghahalo sana sa nakasalang na ulam at hinapit siya. "Walang later-later sa akin." At siniil siya nito ng halik.

Buong puso namang nagpaubaya si Elisa. Ang bawat halik na pinagsasaluhan nila ay parang isang espesyal na pangyayari sa kanyang buhay. Natutuhan na niyang gumanti sa bawat halik nito. Parang nasanay na rin siya sa maya't mayang paglapat ng kanilang mga labi. At kahit kailan, hindi yata siya magsasawang ipaubaya ang mga labi niya sa bawat halik ni Art.



*****

ILANG araw na sa villa si Elisa. Halos doon din lang sila nananatili ni Art. Hindi niya maipagkakaila na hindi niya pinagsisisihan ang bawat lumilipas na araw. Masayang-masaya siya na kapiling ang binata at alam niyang masaya rin ito.

Mas may taginting na ang tawa nito ngayon, tawa na umaabot na ngayon sa mga mata nito. Hindi na niya nakikita sa mga mata ni Art ang lungkot na parang kinikimkim nito noon.

Dumaan ang araw ng Pasko na pinalipas nila na parang bale-wala lang. Hindi sila nag-abalang maglagay ng Christmas decoration sa villa. Kung hindi lang sila aware sa petsa ay malamang na hindi rin nila maiisip na Pasko pala ang araw na iyon.

Si Art pa rin ang nagluluto ng pagkain nila pero natuto na siya ng ilang putahe rito. Nang araw na iyon ay nagpalit sila ng role. Ito ang tagahanda ng ingredients at siya ang magluluto.

"I-supervise mo ako, ha?" sabi niya. "Baka mamaya, mali na ang ginagawa ko, hindi mo papansinin. Dalawa tayong magdurusa sa masamang lasa ng menudo."

"Para menudo lang? Kayang-kaya mo iyan, darling," sabi nito at kumindat pa.

Nakatanghod lang si Art kay Elisa nang magsimula siyang magluto. Ni hindi ito nagkokomento sa paglalagay niya ng bawat ingredients. Sa minsang paghalo niya sa nakasalang, bahagya pa siyang napaigtad nang hapitin siya nito sa baywang.

"Hmm, amoy-menudo," malambing na sabi nito.

"Eh, nagluluto po kaya ako?" nakairap na sabi niya.

"Masarap naman ang amoy-menudo, ah." Hinalikan siya nito sa batok.

Nakiliti si Elisa. "Huwag kang magulo, Art!" halos patiling sabi niya. "Baka tumaob itong nakasalang, pareho pa tayong mapaso."

"Eh, di mamaya mo na ituloy iyan," sagot nito at pinatay ang sindi ng kalan. Hinila siya nito hanggang maupo ito sa isang silya at napakandong siya rito. "I wanna kiss you, darling."

Malayong sumagot siya ng hindi. Nang haplusin ni Art ang kanyang pisngi ay kusa nang bumaba ang kanyang mukha para ibigay ang hiling nito.

Parang habang tumatagal ay mas tumatamis ang bawat halik na pinagsasaluhan nila. Hindi niya kayang ipaliwanag ang sarap ng pakiramdam sa halik nila. Ang alam lang niya, buong puso niyang ginagawa iyon. At ganoon talaga siguro kapag mahal mo na ang isang tao.

Lalong naging maalab ang pagganti ni Elisa sa halik ng binata. Ngayon ay inaamin na niya sa sariling mahal na niya ito. At hindi na niya ipinagtataka iyon. Sa ilang araw na kasama niya ang binata ay talagang nahulog na ang loob niya rito. Ayaw nga lang niyang isipin kung may happy ending na ba ang kanyang pag-ibig sa pagkakataong iyon.

Enjoy while it lasts, aniya sa isip. Kahit paano ay may babaunin siyang matamis na alaala mula sa kanyang bakasyon kapag umuwi na siya.

"Tatapusin ko na ang pagluluto," malambing na sabi niya at tumigil sa paghalik dito. "Baka mamaya, wala tayong kainin for lunch."

"So?" nakangiting sabi ni Art. "Daig ko pa ang nag-lunch at nag-dinner sa halik mo."

Tumawa si Elisa. "Sabi mo lang iyan. Mamaya, kakalam din ang sikmura mo."

"Eh, di magki-kiss uli tayo. By then, makakalimutan ko ang gutom ko."

"Hah! Eh, di pareho tayong nagka-ulcer."

Pareho silang nagkatawanan.

Ilang araw pa ang lumipas. Masayang-masaya pa rin sila. Kahit minsan ay hindi maiwasan ni Elisa ang takot na namumuo sa kanyang dibdib. Paano kung hindi na niya kayang humiwalay kay Art? Nasanay na siyang katabi ito. Sa bawat sandali ay nararamdaman niyang lalong tumitindi ang damdamin niya para sa binata. At hindi siya sigurado kung kaya na nitong suklian iyon. Baka niloloko lang niya ang sarili sa paniniwalang nakabangon na ito. Baka hanggang ngayon, inaalipin pa rin ito ng kabiguan sa dating pag-ibig.

Kailangan na niyang magpasya.

Bumangon si Elisa at nag-isip. Hindi naman siya nahirapan. Linggo bukas. Ayon sa pagtatanung-tanong niya sa Magno, maraming mga taga-San Luis ang nagpupunta roon para magsimba at mamalengke. Ibig sabihin, may biyahe ng jeep.

Mabilis siyang kumilos at maingat na nag-empake ng mga gamit. May kudlit ng kirot sa kanyang kalooban habang ginagawa iyon. Iiwan niya si Art. Tatakasan niya ito. Alam niyang puwedeng ikagalit ng binata ang gagawin niya pero iyon ang naisip niyang paraan. Gusto na niyang gawin iyon hangga't hindi pa nagbabago ang kanyang pasya.

Hindi alam ni Elisa kung dapat ba siyang matawa. Noon, nagdesisyon siyang magbakasyon para kalimutan si Miguel. Ngayon naman, iiwan niya si Art para ito man ay—

Umiling siya. No, ayaw niyang kalimutan si Art. Kahit maikli pa lang ang panahong magkasama sila ay dama niya sa kanyang puso na mas mahal niya ito. At gusto niyang ikatwiran sa sarili na kaya lang siya aalis ay para hindi na lumalim pa ang damdamin niya rito. Talo siya dahil hindi pa handa ang binata para sa isang panibangong relasyon.

Tiningnan ni Elisa ang oras. Hatinggabi pa lang pero pakiramdam niya ay hindi na niya magagawang umidlip pa.

Mayamaya ay naisip niyang unfair dito kung aalis siya nang ganoon na lang. Kinuha niya ang bag at nagdesisyong gumawa ng sulat.

Nakapa niya sa bag ang journal. Natigilan siya. Sa loob ng ilang araw ay nawala na iyon sa loob niya dahil nabuhos kay Art ang kanyang buong atensiyon.

Tinitigan niya ang journal. Isang ideya ang naisip niya.

Dear Art,

Patawarin mo ako kung bigla na lang akong umalis. Alam kong magagalit ka pero hindi ko rin magagawang magpaalam sa iyo dahil alam kong hihingan mo ako ng paliwanag sa desisyon kong ito. Hindi ko alam kung kaya kong magpaliwanag. Basta ang alam ko lang ngayon, kailangan ko nang lumayo.

Mayroon din akong aaminin sa iyo. Hindi totoong may hinahanap akong kaibigan no'ng araw na nakita mo ako. Ang Villa Samaniego ang pakay ko pero nabigo akong marating ito. Hindi ko alam kung tadhana ang may gustong magtagpo tayo kaya napunta ako sa villa dahil sa iyo. Pero dahil din sa iyo kaya nitong mga huling araw ay nawala na sa isip ko ang totoong pakay ko.

Iiwan ko sa iyo ang journal na ito. Basahin mo ang nilalaman. Isinulat ito ng lolo ko, na nakakahiya man sigurong aminin ay nagkaroon din ng interes sa sinasabing kayamanan ni Señor Arturo. Ikaw na ang bahalang tumuklas kung totoo iyon. Nasa iyo ang lahat ng karapatan sa kayamanan kung sakaling matatagpuan mo iyon. Tandaan mo ang sinasabing palatandaan: sa lugar na dinadaanan ng tubig.

Good-bye, Art. I will treasure every moment we spent together. I'm going to miss you.

Sandaling natigilan si Elisa. Inisip niya kung aaminin ba niya ang damdamin para kay Art. Bumuntong-hininga siya at itiniklop na ang papel. Ipinatong niya iyon sa ibabaw ng journal.

Pero ilang minuto na ang lumilipas ay hindi pa rin siya mapakali. Kaya kinuha uli niya ang papel at isinulat ang "I love you," saka iyon ipinatong sa journal. Iiwan niya ang mga iyon sa ibabaw ng kama mamaya pag-alis niya.

--- tatapusin ---

If you want to buy this book, available ito sa Shopee shop : MicaMixOnlineDeals

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

63K 2K 22
For Better, For Worse Puno ng pag-aalinlangan ang puso ni Annalor pero determinado siyang mamalagi sa Paraiso Almonte para kay Dave. At para na rin s...
103K 2.4K 17
WG CAROLINE - The Florist Hindi niya alam ang eksaktong sagot sa tanong ng kapatid niya. Mahigit isang buwan na silang palaging magkasama ni David-a...
1M 33.3K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
77.7K 3.3K 21
"Huwag ka nang magtrabaho, Mommy," ungot nito kanina habang nagbibihis siya. "Hindi puwede, anak. Nakakahiya na kay Tito Ariel mo. Siya pa naman...