Finding Treasure... Finding Love - Part 2

225 5 0
                                    



"MAY I dance with you, Elsie?"

Sandaling umawang ang mga labi ni Elisa. Hindi siya makapaniwalang si Miguel ang lumapit sa kanya. Kauupo pa lang niya mula sa isang mahaba-habang pagsasayaw. Isinayaw siya ng tatlong kaklase. Magkakasunod ang mga iyon kaya hindi niya nakuhang makaupo man lang kahit sandali.

Saglit niyang inisip na tanggihan si Miguel.

Pero sa buung-buong boses nito at sa matang nagpapahayag ng napakaraming emosyon, hindi kaya ng puso niya na isatinig ang pagtanggi.

"Sure," nakangiting sagot niya at tinanggap ang nakalahad na kamay nito.

Hindi niya alam kung namalikmata lang siya pero parang kumislap ang mga mata ni Miguel. Parang napakahalaga para dito na pumayag siya. At nang ngumiti ito, pakiramdam niya ay isang modelo ng toothpaste ang kaharap niya.

Hindi maintindihan ni Elisa ang sarili. Sa mga taong ginugol sa high school ay kaklase niya ang lalaki pero parang ngayon lang niya na-realize na attractive ito.

Huminto ang kanilang hakbang sa bandang gitna ng dance floor.

"Akala ko ba magsasayaw tayo?" nakangiting tanong niya nang hindi pa rin ito kumikilos.

Lumitaw uli ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin nito nang ngumiti.

"First dance kita, Elsie," parang nahihiyang sabi ni Miguel.

Lalong lumuwang ang ngiti ni Elisa. "Talaga?" flattered na tanong niya. "Bakit ako ang napili mo?"

Nagkibit-balikat ito. "Ang ganda-ganda mo kasi," mahina pero sincere na sabi nito.

Napanganga siya. At napangiti. "T-thank you."

"Huwag ninyong sayangin ang tugtog. Nakatayo lang kayo diyan," sita ng kaklase nila na si Bianca.

Tiningnan niya si Miguel. "Niyaya mo ako, marunong ka naman sigurong magsayaw?"

Tumango ang lalaki. "Nag-practice kami ng sayaw ng mama ko sa bahay. Waltz lang naman, 'di ba?" sagot nito. "Huwag mo akong pagtatawanan kapag nagkamali ako, Elsie."

Natawa siya. "Promise, hindi."

Napalitan ang tugtog. Nagkaroon ng bahagyang hiyawan sa paligid, halatang kinilig ang marami. Ang pinakausong kanta ang pumapailanlang sa paligid.

I guess you think you really know me. I keep all the secrets you've told me. We're such good friends, that's where it ends. But at night I am dreaming you hold me.

Nang magdaop ang kanilang kamay at bahagya siyang kabigin ni Miguel ay hindi niya maintindihan kung ano ang eksaktong nararamdaman.

Nanuot sa kanyang ilong ang mabangong amoy nito. Kahit pamilyar na ang amoy ng cologne na iyon ay nagustuhan pa rin niya—presko at malinis.

"Bakit wala kang escort, Elsie?" tanong nito sa halos pabulong na boses kaya ramdam niya ang kiliting hatid ng hininga nito na tumatama malapit sa kanyang tainga.

"Marami namang um-attend na walang escort. Usually, boyfriend nila ang escort nila. Eh, wala naman akong boyfriend. Okay lang na walang escort," sagot niya.

"Ako rin walang girlfriend." Pumaypay uli sa bandang mukha niya ang mainit na hininga nito.

Nagtaka si Elisa dahil imbes na mainis ay parang natuwa pa siya. Kay bango ng hininga nito, parang maya't maya ay nagsesepilyo ito ng mga ngipin. Parang gusto niyang lalo pang idikit ang katawan dito. Pakiramdam niya, buong katawan nito ay mabango.

Class Picture Series 5 - Finding Treasure... Finding LoveWhere stories live. Discover now