Class Picture Series 5 - Find...

By JasmineEsperanzaPHR

4.8K 91 1

Kasabay ng pagbabakasyon ni Elisa, sinubukan din niyang puntahan ang lugar na ayon sa journal ng kanyang lolo... More

Finding Treasure... Finding Love - Part 1
Finding Treasure... Finding Love - Part 3
Finding Treasure... Finding Love - Part 4
Finding Treasure... Finding Love - Part 5
Finding Treasure... Finding Love - Part 6
Finding Treasure... Finding Love - Part 7
Finding Treasure... Finding Love - Part 8
Finding Treasure... Finding Love - Part 9
Finding Treasure... Finding Love - Part 10
Finding Treasure... Finding Love - Part 11
Finding Treasure... Finding Love - Part 12
Finding Treasure... Finding Love - Part 13
Finding Treasure... Finding Love - Part 14
Finding Treasure... Finding Love - Part 15
Finding Treasure... Finding Love - Part 16
Finding Treasure... Finding Love - Part 17
Finding Treasure... Finding Love - Part 18

Finding Treasure... Finding Love - Part 2

248 6 0
By JasmineEsperanzaPHR



"MAY I dance with you, Elsie?"

Sandaling umawang ang mga labi ni Elisa. Hindi siya makapaniwalang si Miguel ang lumapit sa kanya. Kauupo pa lang niya mula sa isang mahaba-habang pagsasayaw. Isinayaw siya ng tatlong kaklase. Magkakasunod ang mga iyon kaya hindi niya nakuhang makaupo man lang kahit sandali.

Saglit niyang inisip na tanggihan si Miguel.

Pero sa buung-buong boses nito at sa matang nagpapahayag ng napakaraming emosyon, hindi kaya ng puso niya na isatinig ang pagtanggi.

"Sure," nakangiting sagot niya at tinanggap ang nakalahad na kamay nito.

Hindi niya alam kung namalikmata lang siya pero parang kumislap ang mga mata ni Miguel. Parang napakahalaga para dito na pumayag siya. At nang ngumiti ito, pakiramdam niya ay isang modelo ng toothpaste ang kaharap niya.

Hindi maintindihan ni Elisa ang sarili. Sa mga taong ginugol sa high school ay kaklase niya ang lalaki pero parang ngayon lang niya na-realize na attractive ito.

Huminto ang kanilang hakbang sa bandang gitna ng dance floor.

"Akala ko ba magsasayaw tayo?" nakangiting tanong niya nang hindi pa rin ito kumikilos.

Lumitaw uli ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin nito nang ngumiti.

"First dance kita, Elsie," parang nahihiyang sabi ni Miguel.

Lalong lumuwang ang ngiti ni Elisa. "Talaga?" flattered na tanong niya. "Bakit ako ang napili mo?"

Nagkibit-balikat ito. "Ang ganda-ganda mo kasi," mahina pero sincere na sabi nito.

Napanganga siya. At napangiti. "T-thank you."

"Huwag ninyong sayangin ang tugtog. Nakatayo lang kayo diyan," sita ng kaklase nila na si Bianca.

Tiningnan niya si Miguel. "Niyaya mo ako, marunong ka naman sigurong magsayaw?"

Tumango ang lalaki. "Nag-practice kami ng sayaw ng mama ko sa bahay. Waltz lang naman, 'di ba?" sagot nito. "Huwag mo akong pagtatawanan kapag nagkamali ako, Elsie."

Natawa siya. "Promise, hindi."

Napalitan ang tugtog. Nagkaroon ng bahagyang hiyawan sa paligid, halatang kinilig ang marami. Ang pinakausong kanta ang pumapailanlang sa paligid.

I guess you think you really know me. I keep all the secrets you've told me. We're such good friends, that's where it ends. But at night I am dreaming you hold me.

Nang magdaop ang kanilang kamay at bahagya siyang kabigin ni Miguel ay hindi niya maintindihan kung ano ang eksaktong nararamdaman.

Nanuot sa kanyang ilong ang mabangong amoy nito. Kahit pamilyar na ang amoy ng cologne na iyon ay nagustuhan pa rin niya—presko at malinis.

"Bakit wala kang escort, Elsie?" tanong nito sa halos pabulong na boses kaya ramdam niya ang kiliting hatid ng hininga nito na tumatama malapit sa kanyang tainga.

"Marami namang um-attend na walang escort. Usually, boyfriend nila ang escort nila. Eh, wala naman akong boyfriend. Okay lang na walang escort," sagot niya.

"Ako rin walang girlfriend." Pumaypay uli sa bandang mukha niya ang mainit na hininga nito.

Nagtaka si Elisa dahil imbes na mainis ay parang natuwa pa siya. Kay bango ng hininga nito, parang maya't maya ay nagsesepilyo ito ng mga ngipin. Parang gusto niyang lalo pang idikit ang katawan dito. Pakiramdam niya, buong katawan nito ay mabango.

"Thank you, Elsie," halata sa boses ang tuwa na sabi nito.

Nagtaka siya. Noon lang niya na-realize na tapos na pala ang kanta. Marami sa mga pareha ay pabalik na sa mga upuan.

"W-welcome," nauutal na sagot niya, nag-alala na baka nahalata nito na parang nawala siya sa sarili.

"Mamaya, kung okay lang sa iyo, sayaw uli tayo."

"Sige," sagot naman niya.

Marami pang nakasayaw si Elisa nang gabing iyon pero sa bawat pagbalik niya sa upuan ay hinihintay niyang lumapit uli sa kanya si Miguel.

Hindi naman siya nabigo.

Dalawang ulit pa silang nagsayaw. Sweet dance pa rin. At sa huling paghatid nito sa kanya sa upuan ay may isang bagay siyang na-realize—isang paghanga para dito ang nabuo sa kanyang puso. Pakiramdam pa nga niya ay in love na siya kay Miguel.

*****

PAREHO ang unibersidad na pinasukan nina Elisa at Miguel nang tumuntong sila sa college. Iyon nga lang, hindi sila magkaklase. Iba na rin ang mga naging kaibigan ni Miguel.

Pero natatandaan ni Elisa na walang pagkakataong lumagpas na hindi siya binati ni Miguel kapag nagkakasalubong sila sa eskuwelahan. Minsan, kapag nakakasakay niya ito pauwi sa Sierra Carmela ay inililibre pa siya nito ng pamasahe.

Pero hanggang doon lang. Ang pag-asam niyang magkalapit sila ay hindi nangyari. Nang mabalitaan niya na naging girlfriend ni Miguel ang isang kaklase nito ay sinabihan niya ang sariling titigilan na ang lihim na pag-ibig sa lalaki.

Akala ni Elisa ay nagtagumpay siya. Isang taon ding naging manhid siya kapag nakikita niyang kasama ni Miguel ang girlfriend at sweet na sweet ang mga ito sa isa't isa.

Pero nang maka-graduate sila at magkasabay na napasok sa SCA bilang teacher, nabuhay uli ang damdaming iyon.

Wala na itong girlfriend. Kung bakit ay hindi niya alam. Sa pahapyaw na pagtatanong niya ay sinabi lang ng binata na na nagkalabuan ito at ang dating nobya.

Karaniwan sa batch ng mga bagong teacher sa SCA na kinabibilangan nila ay fresh graduate at wala pang mga asawa. Natural na magkaroon ng tuksuhan.

Pero ni minsan ay hindi sila pinagpareha ni Miguel kahit sila ang magka-close, isang bagay na hindi alam ni Elisa kung ikakatuwa o ikakalungkot niya. Ang tanging konsolasyon lang niya ay walang nililigawan si Miguel sa kahit sino sa mga co-teachers nila.

Madalas din silang magkagrupo sa mga school programs kaya lalo silang nagkalapit. Pero kahit ilang beses niyang pakaisipin, parang hindi lalagpas sa pakikipagkaibigan ang trato nito sa kanya.

Pero baliw yata si Elisa dahil sa kabila ng kaalaman na purong pakikipagkaibigan lang ang pagtingin ni Miguel sa kanya ay lalo pang tumindi ang damdamin niya para dito.

Pero isang araw ng Lunes, isang balita ang nalaman niya. Dumating iyon nang walang babala. Pagpasok niya sa faculty room ay nadatnan niyang tinutukso si Miguel. At nang malaman niya kung bakit, laking pasalamat niya na hindi siya hinimatay kahit ramdam niya ang sakit na dulot niyon sa kanyang puso.

Nag-asawa na si Miguel. Mula sa kabilang bayan—sa San Esteban—ang babaeng pinakasalan nito.

Whirlwind romance daw ang nangyari, ayon na rin dito.

Sa ibang guro niya nalaman na tatlong buwan na palang girlfriend ni Miguel ang babae bago nagpakasal ang mga ito. Walang gaanong nakaalam sa kanila. Isa pa, kung talagang inililihim iyon ni Miguel, hindi talaga nila mababalitaan.

Pinilit niyang maging kaswal nang batiin niya ito. Nagawa pa nga niyang kamayan ito.

Nakangiti si Miguel nang magpasalamat sa kanya. At parang gusto niyang umiyak noon dahil sa ngiting iyon; halatang masaya ito sa pagpapakasal at hindi napilitan lang o napikot tulad ng iniisip niya.

"H-hindi mo sinabi, sana'y nakapagbalot kami ng regalo."

"Civil wedding pa lang naman. Sa isang taon pa namin balak mag-church wedding. Makakapag-ipon ka pa ng pangregalo," sagot nito.

Hindi na nakaisip si Elisa ng sasabihin kaya ngumiti na lang siya at mabilis na nagpaalam. Nagpunta siya sa comfort room ng faculty at doon niya kinalma ang kanyang sarili.

Walang nakahalata sa lihim na pag-ibig ni Elisa kay Miguel. Wala ring dapat makahalata na nasasaktan siya ngayon sa pagkawala ng kahuli-hulihang pag-asa na mapapansin pa siya nito nang higit sa pagiging kaibigan at co-teacher.

--- i t u t u l o y ---

If you want to buy this book, available ito sa Shopee shop : MicaMixOnlineDeals

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

Continue Reading

You'll Also Like

403K 7K 20
May's Fairy Tale By Victoria Amor "One thing I know, I'm miserable without you. At kung hihingin mong i-give up ko lahat ng mayroon ako, gagawin ko...
551K 8.4K 23
More Than I Feel Inside By Jelaine Albert "Whatever happens, even if my heart stops beating, it will not stop from loving you." Unang beses pa lamang...
113K 2.6K 10
PHR # 1319 First impressions last. At paano magiging impressive kay Rachel ang lalaking tila nagpapalipad ng sasakyan nang dumaan sa harapan niya ka...
173K 4.2K 21
Ang gusto lang ni Coco Artiaga ay ang mamuhay nang tahimik at nag-iisa. Ang mapagbintangang aswang ang huling bagay na gusto niyang mangyari sa kanya...