My Personal Yaya

By Eibhline

10.3K 953 65

May isang babaeng nag ngangalang Alisha Vargas, o mas kilala bilang Ali. Isang simpleng babae na ang hangad l... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE

Chapter 9

229 28 0
By Eibhline

Chapter 9

Sino kaya ang lalaking ‘yon?

Siya na yata ang nakita kung gano’n kagandang lalaki kahit ang kaibigan kung si Robin ay nalamangan niya sa kagandang lalaki. Alam kung gwapo si Robin lalo na pag ngumiti siya napaka charming ng smile niya at mahahawa ka talaga sa ngiting n’yang iyon.

Pero itong lalaking ‘to hindi ko makalimutan lalo ng ngumiti siya sa ‘kin at sinamahan pa ng pagsilay ng dimples niya. Hindi ko alam kung saan ako titingin sa ngiti niyang kay gandang tingnan o sa biloy niyang nagpadagdag pa ng atraksyon niya sa mga babae kapag mapapatingin ka roon, dahil bigla yata akong nalito.

Dahil isa yata ako sa babaeng naatrak sa kanya.

Nakapangalumbaba ako dito sa island counter ng mapakurap kurap ako ng may kamay na kumakaway kaway sa harap ng mukha ko.

“Kary?”

Umupo siya sa harap ko tsaka nakangising aso ng humarap sa ‘kin. “Si beautiful dimple guy na naman ba ang iniisip mo?” Tanong niyang siguro at tila ba nababasa niya ang alam ng isip ko “Hep! Hep! Wag mo ng itanggi, kita kita nakangiti ka mag isa na parang nakikita mo si beautiful dimple guy na nakatayo sa harap mo at nakangiti sa’yo. Tapos ilalahad niya ang kamay niya sa’yo tapos ikaw naman ay aabutin ng dahan dahan habang hindi niyo inaalis ang tingin sa isa’t isa.” Natawa ako ng sinabayan niya pa ito ng acting habang sinasabi niya ito.

Nakwento ko kasi ito sa kanila ni ate Risa ng makita nila ako na ingat na ingat sa flat doll shoes ko na pinupunasan ko.

“Hoy, Ali! Pinupunasan mo naman yan, eh.  Malinis na malinis na yan,ah. Puwede ka na ngang manalamin d’yan, eh.” Saad ni Kary.

“At bakit nakangiti ka mag isa ri’yan. Ang weirdo mo, huh?” Segunda ni ate Risa.

Don ko na nga kinuwento sa kanila ang lalaking may dimple na bumili ng flat doll shoes ko. Pagkatapos ko sa kanilang magkwento, kinikilig kaming tatlo sa encounter ko sa lalaki at pagkatapos din n’yon hindi na nila ako nilubayan ng katyaw sa lalaki.

Isang linggo na matapos ang nangyaring encounter ko sa lalaking ‘yon. Bakit kasi hindi ko man lang natanong kung anong pangalan niya. Tss!

“Aray!”

Hinimas ko ang braso kung hinampas ni kary. “Bakit kasi hindi mo tinatong ang pangalan ni beautiful dimple guy.” Gumaya siya sa ‘kin, pumalumbaba rin siya sa harap ko at sabay kaming bumuntong hininga. “Tuloy hindi mo nalaman ang pangalan ng lalaking like mo.” Pinigyan diin niya pa talaga ang salitang ‘like’ tsaka siya ngumiti sa akin.

Nangunot ang noo ko, sa'n nanggaling yun lalaking like mo? Inaamin kong humahanga ako sa gandang lalaki niya. Okay, I admit may crush nga ako sa lalaking ‘yon pero, like? Hindi ko alam. Lalo pang lumapad ang ngiti niya sa reaksyon ko.

“Kita muna like mo si beautiful dimple guy.” Tinuro niya ang mukha ko. “Oh! Yan mukhang ‘yan, ngumingiti mag isa.” Humalakhak siya.

Pinilig ko naman ang ulo ko at kinagat ang pang ibabang labi para matigil sa pagngiti.

“hoy! Tumigil ka na nga d'yan.”

“tss, indenial, kunwari hindi niya gusto. Pero sa loob lo-"

Tinakpan ko ang bibig niya “Oo na, gusto ko na si beautiful dimple guy.” Umirap ako,nangingiti. Tinanggal niya naman ang kamay kung nakatakip sa bibig niya.

“Sabi na eh.”

“Shh… oo na, wag ka ngang maingay d’yan! Mamaya may makarinig pa sa’yo—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sabay kaming napaupo ng tuwid ni kary ng dumaan sa gilid namin si sir Zachary. Pinanlakihan ko siya ng mata at sinenyasan na manahimik nagngising aso lang siya sa ‘kin.

“Good evening po sir.”

“Magandang gabi po sir.”

Magkasabay na bati namin ni kary, tinanguan lamang kami ni sir Zachary bilang sagot. Maya maya pa pumasok na rin si Manang Koring at kasunod nito ay si ate Risa sa kusina.

“Oh, hijo na ri ‘yan kana pala, tamang tama at maghahanda na ako ng hapunan na’tin.” Si Manang Koring

Tumango naman si sir “I just change my clothes.” Yun lang ang sinabi niya at iniwan na kami roon para magtungo sa kanya kwarto at magpalit ng damit. Ilan pang sandali ay bumalik rin siya, umupo siya sa kaharap kung upuan nagtama pa ang aming mga mata at suplado niya naman itong iniwas sa akin. 

Pagkatapos ilagay ni Manang Koring ang huling ulam at umupo sa upuan ay tsaka kami nagsimulang kumain. Tahimik kaming kumakain dahil kasabay naming kumain ang anak ng amo talaga namin si Manang Koring lang ang nagsasalita at nakikipag usap kay sir minsan sumasabay rin sa usapan si Manang Lita.

“Sa sabado darating ang mga magulang mo hijo, tumawag sa ‘kin kaninang hapon ang mommy mo.” Sabi ni manang Koring.

Napatingin ako kay sir na patuloy lang sa pagkain at parang hindi inintindi ang sinabi ni Manang Koring. Nang mag angat siya ng tingin ay sakto itong tumama sa akin at ng makita niya akong nakatingin sa kanya ay pinagtaasan niya ako ng kilay, agad naman akong nag iwas ng tingin at pinagpatuloy na ang pagkain at hindi na tumingin pa sa kanya.

Nang matapos kaming kumain kusang loob akong tumulong kay ate Risa at karay sa paghuhugas ng mga kubyertos. Si ate Risa at Sonya kasi ang naka assign sa paghuhugas ng mga pinagkainan, pero itong si Kary ay mukhang hindi pa tapos sa pang aasar sa akin tungkol kay ‘beautiful dimple guy' dahil sinabi niya kay Sonya na siya na muna ang papalit sa kanya.

Napailing nalang ako dahil makikipag tsismisan lang naman ang dahilan nito, eh.

“Alam mo Ali, kung ako sayo tinanong ko ang pangalan ni beautiful dimple guy mo?” dismayadong sabi ni kary sa akin habang siya ay nagbabanlaw ng mga sinasabunan na mga kubyertos ni ate Risa habang ako naman ay ang nagpupunas ng tuyo at inilalagay sa lalagyan ng mga ito.

“Ano kaba Kary, kung ako rin ‘man makakakita ng ganoong kagandang lalaki ay mapapatitig - mapapatingin talaga ako at makakalimutan ko ng tanungin ang pangalan nito. Tsaka ko nalang maiisip yun pagwala na ang lalaking yun sa harap ko, noh!” paliwanag ni ate Risa

“May napanuod na akong ganyan eh, ano nga ‘yon? Na love at first sight yun girl don sa boy at sa huli sila ang nagkatuluyan. Ahiee!” ngumising aso si Kary sa akin nang aasar, binunggo niya pa ang pang upo niya sa akin.

“Kary, manahimik ka nga.” Tumawa silang dalawa. Habang ako naman ay tinatago ang siguradong na mumula ko nang mukha.

“Oh! Si Ali, na mumula ang mukha.” Inalis ni Kary ang nakatabing kong buhok sa mukha ko at hinawakan  niya ang mag kabilang pisngi ko, sinisipat kung totoo nga ang sinabi ni ate Risa at ng masiguro binitawan niya ito sabay sabing “Na love at first sight nga.” Humagikhik siya.

Nang pumasok ako sa silid ko nakita kung nag vi-vibrate ang cellphone ko, kinuha ko ito at agad na sinagot ang tawag ng makitang si Max ito.

“Hello, hija. Ali” nangunot ang noo ko ng ang sumagot ay si tita Rina at hindi si max

“Tita Rina! Anong nangyari? May problema po ba?”

Umupo ako sa gilid ng kama ko at kinagat kagat ko ang dulo ng kuko ko, inaantay ang sasabihin ni tita.

“Hija, nakitawag lang ako kay Max wala kasi ako load.”

“Tita. May sasabihin po ba kayo? May problema po ba d'yan? Si Mama po?” tanong ko ulit

Humugot muna si tita Rina ng malalim “Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sayo o hindi kasi si Mama mo-“

Nang marinig ko ang Mama ay agad na akong kinabahan. “Ano pong nangyari kay Mama?” Agad na tanong ko kay tita Rina.

“Ali, huminahon ka. Hinimatay ang lola mo kanina….” sandali hija patapusin mo muna ako, sabi niya ng akmang puputulin ko na naman ang sasabihin niya. “Okay na siya ngayon, hinimatay lang siya dahil sa sobrang init ng panahon ngayon.” Narinig ko siyang tumawa ng mahina sa kabilang linya “Siya pa nga ang nagsibak ng kahoy kaninang hapon eh. Buti tinulungan siya ni berto, nong una ayaw pa dahil ang sabi niya kaya niya pa daw naman.” Pagkukwento ni  tita Rina, si berto ay asawa niya.

Napangiti ako sa sinabi niya, si Mama talaga. Kahit papaano nabawasan ang kaba ko.

“Ano pong ginagawa ni Mama ngayon? Kasama niyo po ba siya?”

“Tulog na ang Mama mo Ali, katutulog lang rin. Nandito ako sa labas ng bahay niyo, kasama ko itong kaibigan niyo si Max.” tumango ako na parang nasa harap ko lang siya.

“Hi, besh!” narinig kung sigaw ni Max.

“hi, Max.” bati ko pabalik kay Max.

“Ali…” Seryusong sabi ni tita Rina, napaayos naman ako ng pagkakaupo sa kama ko.

“Ano po yun t-tita Rina.” Ang kaninang kaba ko ay bumalik na naman dahil pakiramdam ko mahalaga ang sasabihin ni tita.

“Ali, Kanina sinabi sa ‘kin ng lola mo na wag ko raw ito sasabihin sa’yo yun nangyari nga sa kanya kanina. Ayaw niya daw kasi na mag alala ka at baka hindi mo raw magawa ng maayos ang trabaho mo d’yan, dahil sa pag aalala mo sa kanya.”

Ilang oras na magbuhat ng tumawag si tita Rina pero hindi pa rin at all ok makatulog, iniisip ko ang mga sinabi niya sa akin kanina. Nagpagulong gulong na ako dito lahat lahat sa kama ko, nagpalipat lipat ng pwesto pero hindi parin ako makatulog.

Bakit ayaw ipaalam sa akin ni Mama ang kalagayan niya? Dahil sa mag aalala lang ako sa kanya? tss. Mas mag aalala talaga ako kung hindi ko alam ang kalagayan niya, hay Mama.

Kinapa ko sa ilalim ng unan ko ang cellphone ko at tiningnan dito kung anong oras na.

2:30 AM

Ano, Alisha? Matulog ka na. Pero ilang minuto pa ang lumipas ay hindi pa rin ako makatulog. Kaya napagpasyahan kung bumangon sa kama at magtungo sa kusina para magtimpla ng gatas o milo. Sana may natitira pa, alam ko parang ubos na ito kanina eh, yun nagtimpla ako kaninang umaga. Ito kasi ang iniimop ko dito, hindi kasi talaga ako umiinom ng kape kahit ng nasa probinsya pa ako. Kalahati kalahati lang naman ang tinitimpla ko, hati kami ni Mama sa isang sachets.

Nang makita kung meron pang kalahati sa milo ay agad ko itong tinimpla. Sana makatulog na ako pagkatapos nito, dahil gusto ko ng matulog!

Nangnga lahati na ako sa iniinom ko ng mabitawan ko ang baso at nabasag ito, pero hindi ko ito binigyan ng atensyon dahil ang atensyon ko ay nasa harap ko ngayon.

“Sir Zach! Tinakot n’yo ‘ko.” Hinawakan ko ang dibdib kung ang lakas ng kabog.

Dahil ng pagharap ko nakita ko si sir Zach hindi kalayuan sa ‘kin, nakatayo at nagtitipa ng kung ano sa cellphone niya. Eh sa madilim sa parte kung nasaan siya kaya ang ilaw ng screen ng cellphone niya ang liwanag lang doon, eh nakatapat ito sa mukha niya, kaya ng pagharap ko at saktong nag angat rin siya ng tingin at nagtama ang mga mata namin, ay nagulat ako akala ko kung sino na.

Takot pa naman ako sa dilim.

Nagkibit balikat siya at dumeristyo sa fridge para kumuha ng maiinom. “Why are you still awake?” tanong niya habang naglalagay sa baso ng tubig. Habang ako naman ay nakangusong tiningnan ang natapon kung milo. Sayang ‘to eh, mauubos ko na sana, kung hindi lang…. hay! Wala ako sa sariling umupo at pinulot ang mga bubug.

“Aray!” Nabitawan ko ang mga bubug na hawak ko at nakita ko ang hintuturo ko na may maliit na hiwa at may dugo roon.

“Hey! Are you nuts.” Hinila ako patayo ni sir Zach, pagkatapos ay kumuha siya ng walis at dustpan at siya na ang naglinis nito. Pagkatapos niyang ilagay sa basurahan ang mga bubug ay naglakad siya pabalik sa ‘kin at kita ko ang galit niyang mukha na nakatingin sa akin, agad naman akong nag iwas ng tingin at tinago ang kamay kung may sugat sa likod ko.

“Bakit mo hinawakan ang mga bubug, alam mo naman na maaari kang masugatan do’n. Ha!” bulyaw sa akin ni sir Zach. Napayuko ako.

Hinawakan ni sir Zach ang braso ko na may sugat at pilit na hinihila iyon, pero iniiwas ko ang braso ko sa kanya. “Sir Zach, maliit na sugat lang naman ito malayo ‘to sa bituka, wala lang ‘to.” Pilit parin na kinukuha ni sir ang braso ko at ng magtagumpay, tiningnan niya ang daliri kong may hiwa.

Hihilain ko sana ang kamay ko sa kanya ng tiningnan niya ako gamit ang galit niyang ekspresyon at hinigpitan ang hawak niya sa palapulsuhan ko. Nakanguso akong yumuko at nagpaubaya sa anuman gagawin niya.

Dinala niya ako sa lababo at hinugasan niya ang sugat ko roon, napapikit ako ng sumidhi ang hapdi ng daliri ko ng mabasa ito ng tubig. Pagkatapos ay pinaupo niya ako sa high stool doon at may kinuha siya sa may isang kabinet doon at pagbalik niya may dala na siyang first aid kit.

Kinuha niya ang daliri ko at akmang lalagyan na ito ng alcohol ng hinawakan ko ang kamay niyang may hawak nito at iniwas iyong sa akin. “Ah, sir hindi na kailangan ng ganyan, okay lang naman ako maliit na hiwa lang ito, tsaka wala lang ‘to.” Pero hindi niya ako pinakinggan bagkus tinapik niya pa ng kamay ko at tiningnan ako ng masama, kaya hinayaan ko na lang siya.

Ganito ba ang mayayaman unting sugat lang kailangan gamutin agad.

“Ouch!” Daing ko ng nilapat niya ang bulak na may alcohol sa daliri ko.

“Sa susunod kasi wag tatanga tanga, understand.” Sermon niya sa akin.

Tumango ako “Opo.”

“Good.”

Hindi na ako umapela pa, tiningnan ko nalang siya. Seryuso ang mukha niya habang naglalagay ng band aid sa daliri ko. Ngayon na malapit ang mukha niya sa akin ay mas kita ko ang nadipina niyang panga ang tangos at pointed nose ni sir, ang makapal niyang kilay, ang pilikmata niyang may kurba na nagbibigay lalo ng ganda sa kulay brown niyang mga mata. Amoy ko rin ang mabanggo niyang pabango hindi ito masakit sa ilong sakto lang sa pangg amoy ko.

“Oh, tapos na,”

Binitawan niya na ang kamay ko, tiningnan ko ang daliring kung maayos ang pagkaka band aid doon. Nang mag angat ulit ako ng tingin sa kanya, binigyan ko siya ng matamis na ngiti. “Salamat sir Zach.” Nakita kung bumaba ang tingin niya sa mga labi kung nakangiti. Nag iwas rin naman siya agad at tumingin sa mata ko.

“Tss, ikaw na ang magbalik ng mga n’yan, pagkatapos ay matulog ka na.” suplado niyang sabi tsaka siya umalis sa harap ko at iniwan ako sa kusina na mag isa.

Ano na namang ginawa ko? Bakit bigla bigla na naman siyang magsusuplado, tss. Bipolar!

Nang mawala siya sa paningin ko ay nagmamadaling kung ibinalik ang mga ginamit niya tsaka ako nagmamadaling nagtungo sa silid ko. Agad naman akong humiga sa kama ko ng makapasok ako sa silid ko, hay…sana makatulog na ako.

Thanks! God, pagkalipas ng ilang minuto ay nakatulog na ako at ang laman ng isip ko ay ang suplado kung alaga na si Sir Zachary.

At sa unang pagkakataon hindi ako nangamba dahil hindi alam ng isip ko si Mama at ang kalagayan niya, bagkus ay may ngiti ako sa mga labing natulog. Iniisip ang side ni Sir Zach na may pakialam at pag aalala sa mga tao sa paligid niya, hindi naman pala siya ganon sa inaakala ko may tinatago rin pala siyang kabaitan sa katawan niya.

Hmm...

Continue Reading

You'll Also Like

103K 2K 25
Different world. Same feelings.
95.7K 1.9K 27
Can I do it? Hanggang saan? Hanggang kailan? Wala na bang katapusan Her sad who make her heartless in her mask but......a happy one without it A girl...
26.6K 502 37
Life would be tragic if it weren't funny -- one of my motto in life, "Are you saying that I'm gay?" naiinis niyang tanong saakin, ngumisi ako at inir...
1M 35.1K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.