A.N.
Habang sinusulat ko ang last part lumulukso ang puso ko... hehehehe
Enjoy reading guys :)
Please don't forget to vote and leave your comments ^__^
___________________
Chapter 41 part 1
Maaga pa lamang ay umalis na ng bahay si Jesica, may mga importante silang reservation sa kanyang restaurant ngayong araw. Kaya ngayon ay halos hindi siya magkandaugaga dahil sa sobrang dami niyang dapat asikasuhin. Kasalukuyan siyang naglalagay ng finishing touches sa mga cupcakes ng pumasok ang isa sa kanyang mga waiters.
“Ma’am Jessie, nasa labas po si Mr. Vincent Almonte.”
Napakunot ang noo ni Jesica ng marinig ang pangalan na binanggit ng waiter. “Please tell him that I’m very busy right now.” Ipinagpatuloy niya ang paglalagay ng mga icing.
Mabilis pa sa alas kwatro na lumabas ng kitchen ang inutusan, mukhang nailing ito sa tono na ginamit niya. Mula ng buksan niya ang kanyang restaurant ay wala pa siyang sinigawan na empleyado dahil naniniwala siya na ang lahat ay nadadaan sa malumanay na usapan. Pero nitong nakaraang buwan mula ng mangulit si Vincent ay unti unti ng umikli ang kanyang pasensiya.
Nang bumalik ang waiter ay may dala ito ng isang bouquet na tulips. “Ma’am pinapabigay niya pos a inyo.” Sabay abot sa amo.
“Haayyy, ang kulit talaga ng lalaking yun.” Reklamo ni Jesica habang nilalapag sa gilid ng working table ang mga bulaklak. Pero sa totoo lang ay may kaligayahan siyang nadarama ng mga sandaling yun, pilit niyang pinipigilan ang damdamin para kay Vincent dahil natatakot na siyang masaktan muli. Napangiti siya ng maalala ang huling usapan nila ng binata, mukhang tototohanin nito ang sinabing liligawan siya para lamang mapapayag siyang pakasal dito.
“Sabi po pala ni Sir Vincent na hihintayin daw po niya kayong matapos sa ginagawa ninyo.” Pahabol na sabi ng waiter bago tuluyang lumabas.
“Hmmm… hmmm, I smell romance.” Pang-aasar ni Franco ng makita ang mga bulaklak.
Kagabi ay tinawagan niya ang kaibigan para magpatulong dahil nagkaroon ng emergency ang kanyang assistant chef. Dahil may konsiderasyon siyang employer kaya hindi na niya pinigilan itong mag absent. Mabuti na lamang ay maluwag ang schedule ng kaibigan, hindi siya nahirapang kumbinsihin na tulungan siya.
“Will you please shut up?! Parang wala ka naming alam kung anong meron kami ng lalaking yun.” Nakaingos na tugon ni Jesica.
“Eh bakit ka defensive? Hind ko nga kilala kung sino ang nagpadala sayo ng mga yan.” Sabay turo nito sa mga bulaklak habang maluwag ang pagkakangiti ni Franco. Kitang kita niya ang pamumula ng mga pisngi ng kaibigan kaya lalo niya itong inaasar.
“Huwag ka ng magmaang maangan diyan narinig mo ang usapan naming ni Nestor.” Tukoy ni Jesica sa waiter na kausap kanina.
Malakas na napahalakhak si Franco ng makita ang expression sa mukha ng kaibigan. Mula noon ay laging napipikon si Jesica tuwing inaasar niya ito. “Sino ba ang nagbigay ng mga yan?” Pangungulit ni Franco.
“Tigilan mo nga ako Franco! Ang mabuti pa ang asikasuhin mo na lang yang mga niluluto mo at baka pumalpak tayo masisira ako sa mga costumers ko. Hwag mong sirain ang tiwala ko sayo.” Nakangiting sabi ni Jesica.
“Yes ma’am. “ Tatawa tawang tumalikod si Franco pero ilang minute lamang ang lumipas ay binalikan niya si Jesica. “Mukhang inlove ka na ulit kay Vincent ah!” Sabay akbay nito.
“Ano ba? Asikasuhin mo na lang nga ang ginagawa mo.” Hinayaan lamang niyang nakaakbay si Franco sa kanya habang pinagpatuloy ang ginagawa.
“Akala ko ba busy ka?” Galit na sabi ni Vincent. Masama rin ang pagkakatingin niya sa kamay ni Franco na nasa balikat ni Jesica. Iniisip pa lamang niyang may ibang lalaking hahawak sa dalaga ay nag-iinit na ang ulo niya. At ngayon ay halos gusto na niyang sugurin ng suntok si Franco.
Agad na naramdaman ni Franco na hindi nagustuhan ni Vincent ang inabutang tagpo kaya walang salitang iniwanan ang dalawa. Ayaw na muna niyang makagulo sa kanila dahil hangad din naman niya ang kaligayan ng kaibigan.
“What are you doing here? Restricted area ito.” Sita ni Jesica kay Vincent.
“Ano ang ibig sabihin ng naabutan ko?” Hindi pinansin ni Vincent ang sinabi ni Jesica.
“Why? Are you jealous?” kibit balikat na tanong ni Jesica, ang intensiyon lamang niya ay asarin ang binata.
“Damn! Yes, I am!” Pasigaw na sabi ni Vincent. Lumapit siya kay Jesica at hinawakan ang mga balikat nito para magtama ang paningin nila.
Halos hindi makagalaw sa kinatatayuan si Jesica. Kitang kita niya sa mga mata ni Vincent na nahihirapan din ito. Hindi niya natagalan ang mga titig ni Vincent kaya napayuko na lamang siya.
Masuyong sinapo ni Vincent ang mukha ni Jesica. “Pinagsisisihan ko ang mga panahong iniwan kita Jesica. Please give me another chance to set things right.” Pagsusumamo ni Vincent.
“Pinagtabuyan mo ako noong mga panahon na kailangan kita.” Lumuluhang saad ni Jesica.
“I know and I admit that I was an asshole. Pero nandito na ako ngayon gusto kong mabuo ang pamilya natin.” Pinunasan ni Vincent ang luha ni Jesica. Naninikip ang dibdib niya habang nakatitig dito, damang dama niya ang paghihirap na dinanas ni Jesica noon. She didn’t deserve to be treated like that pero dahil sa kanyang pride ay nasaktan niya ang dalaga.
“You left me all alone. Inantay kita. Umasa na baka sakaling darating ang panahon na maalala mo ako at babalikan. Vincent, para akong tanga na nag-antay sa wala. Alam mo ba iyon ha?!” Pauloy sa pagluha si Jesica. Muling nanariwa ang mga paghihirap na naranasan niya.
“If I could turn back the time where I met you and longed you in my arms. Oh God Jesica… If you only knew, how much I’ve loved you from the time we met and until now, at this very moment I still love you ang I really do. Gagawin ko ang lahat to win your heart back.” Mahigpit na niyakap ni Vincent si Jesica, kahit man lang sa ganitong paraan ay mabawasan ang sakit na nararamdaman ng dalaga.