Unrequited [HSS #4, Completed]

By InsaneSoldier

696K 40.5K 13K

Hansen Sisters Series (HSS) 4: North Date started: July 15, 2017 Date completed: March 21, 2022 ** Gail Sebas... More

Unrequited
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Special Chapter I
Special Chapter II

Chapter 47

10.4K 803 639
By InsaneSoldier

The start of dinner was awkward — at least to me. Nagkukuwentuhan sina Tatay pati ang mga kapatid ko. Bukas ang tv na hindi ko rin naman na maintindihan kung anong pinapalabas. It was already past 8pm, kung ano mang teleserye iyon ay hindi ko alam.

Everyone was cheerfully engaging in the conversation except me and Kuya Dijon. Si North naman ay nakikipagpalitan din ng sagot sa mga kasama namin although hindi talaga natural na madaldal.

Nandito rin si Unyo — na hindi ko rin malaman kung bakit nandito na naman. Masyado naman yata silang clingy ng kapatid ko, magkapitbahay lang naman kami.

Napalingon ako sa panganay na kapatid at sakto namang lumingon din siya sa akin. Wala itong reaksyon at tahimik na nagpatuloy sa pagkain. I feel bad for my brother but he'll understand why.

"Tay," Huminga ako ng malalim at tumikhim. Naghahanap ng buwelo. Napalunok ako nang sabay-sabay silang lumingon, mabilis na tinahip ng kaba ang dibdib ko. But this is now or never. "May sasabihin po ako."

"Parang ang seryoso, ah?" Sinubukan pa magbiro ni Tatay, pero nang mapansin na walang nagbago sa expression ko ay umayos din ito. Kahit sina Kuya Marseille at Lyon na natawa pa saglit ay umayos din ng pagkakaupo at mataman lang na tumitig sa amin. "Ano ba 'yon, 'nak?"

Napatingin ako kay North na binigyan ako ng magandang ngiti at isang beses na pagtango, ine-encourage akong magpatuloy. I tried to calm my nerves, I was feeling light-headed from the tension. I at least need to be able to tell them the truth.

I don't know what will happen after this, I was expecting the worst, but there's little hope in me that it will turn out well.

"I'm sorry for not telling the truth the moment I...I s-stepped in into this house," I was gathering the words I wanted to say. Hinawakan ko ang kamay ni North na nasa ibabaw ng lamesa. "G-girlfriend ko po si North."

Naibaba ni Tatay ang hawak na utensils at nagsalit ang mga tingin nito sa amin ni North maging sa kamay naming magkahawak. Halos mapatalon pa ako sa gulat nang ihamps ni Kuya Dijon nang malakas ang dalawang kamay nito sa lamesa bago naglakad paalis.

Nagsimulang lumalim ang paghinga ko sa kaba, kahit ang tibok ng puso ko ay rinig na rinig ko sa ulo ko. It was a very unpleasant feeling.

"Kasey," Tawag ni Tatay kay Unyo. "Umuwi ka muna sa inyo."

"Ay, s-sige ho, Tito." Halos ayaw nitong gumawa ng ingay nang tumayo ito sa kinauupuan at tuluyang umalis. Ni hindi na ito nagpaalam kay Kuya Marseille na wala ring kibo.

Sa aming lahat, si Lyon lang yata yung komportableng kumain ulit habang panay ang lingon sa amin. She seemed relaxed, sana ganoon din ako. I was too nervous to even move a finger.

Pero wala kasing may gustong magsalita sa kanila. Lalo lang akong nat-tense. Galit ba sila? Okay lang ba? Ano? Gusto kong malaman. Ni hindi ko mabasa yung expression ni Tatay. Tahimik lang itong nakatingin sa amin.

"Tay, magsalita ka naman po —"

"Hindi ko alam kung magagalit ako sa'yo o ano, Paris." pagputol niya sa sasabihin ko. "Matagal ko nang kilala mga kaibigan mo at sa pagkakaalam ko iyong si Jade lang naman ang lesbyana sa inyo. Ano iyan, ha, 'nak? Nahawa ka ba?"

"Tay, hindi naman po ganoon iyon," Nakaramdam ako ng pagka-offend. Kahit si North ay humigpit ang pagkakahawak sa kamay ko. "Huwag ninyo rin po sana isisi kay Nanay."

Para naman itong natigilan sa narinig. Doon ko nakita yung sakit sa mata niya. Para akong maiiyak dahil ngayon palang ay alam ko na ang magiging outcome ng gabi na 'to.

"Kailan pa 'yan? Gaano na kayo katagal?"

"Months pa lang 'Tay..." mahina ang pagkakasagot ko. Ang hirap tumingin ng diretso sa kanya. "Matagal ko na pong mahal si North, Tatay. College pa lang po ay gusto ko na siya —"

Nagulat ako nang ibagsak niya ang kamay sa lamesa tulad ng ginawa ni Kuya Dijon bago ito nag-walk out. Kahit si Lyon na kanina ay kalmado lang ay nagbago rin ang reaction, si Kuya Marseille naman ay nanatiling tahimik, ni hindi ito lumilingon sa amin na para bang ang interesante ng kinakain niya.

"Wala ka na bang hiya, Paris Avegail?" Nagsimula na itong magtaas ng boses. Tumingin siya kay North. "Ikaw — ayoko ng gulo — pero bakit mo pa pinatulan itong anak ko? Alam mo ba ginawa ng mga tulad ninyo sa pamilya ko?"

"Tay!" Nahaluan ng inis ang takot, sakit, at kaba na nararamdaman ko. "Huwag naman po ninyo bastusin si North."

"At ako?" Nagsalubong ang kilay nito. "Hindi ba kabastusan sa pamilya natin 'tong katangahan mo? Pinalaki ba kita para maging tomboy? Masyado kang mana sa nanay mo!"

Para akong naestatwa sa kinalalagyan ko. Ni hindi ko mapagtanggol si North ng maayos dahil ang sakit-sakit ng pakiramdam ko. Bakit naman ganoon? Parang ang sama-sama na pinili ko yung magpapasaya sa akin. Wala namang katangahan doon, lalong hindi naman nakakahawa ang pagiging ganito. My heart just chose her. I just learned how to love, what's wrong with that?

North stood up, not letting go of my hand even just for a second. Kahit si Tatay ay napalingon sa biglaan niyang paggalaw. She smiled at my father.

"We'll go tomorrow morning po, Tito." mahinahon na pagkakasabi niya. Halata sa tatay ko ang gulat dahil sa pinakita ni North. "The least thing you can do as a father is to keep your remaining family intact. A parent's fault will never be their children's. Please don't push your anger to Gail when she's not doing anything wrong in the first place."

"Anong walang ginagawang mali —"

I'm sorry, Tito, I don't mean to be rude," pinutol niya ang kung anumang sasabihin ni Tatay. "But your judgment is biased and I can't let Gail deal with such. I understand that her sexual orientation — our orientation — is something to be raised a brow, it's an ongoing debatable conversation. Pero the least you can do is to respect our relationship and respect us as a person. Kahit hindi na bilang anak, kahit bilang tao na lang."

Hindi sumagot si Tatay pero nanatili ang mata nito kay North. No one in my siblings dared to look at us. Mukhang hindi na rin nakatiis si Kuya Marseille dahil walang salita na tumayo ito na kaagad sinundan ni Lyon. Pinanood ko lang sila hanggang mawala sa paningin ko.

Honestly, I was kind of hoping na ipagtatanggol nila ako kahit kaunti. Pero iba rin kasi magalit si Tatay, they just don't want to deal with it, I think. Or maybe hindi rin sila payag na ganito ako.

The silence was deafening and maddening. Nakaka-suffocate. I couldn't even cry kahit gustung-gusto ko na. I knew my hands were freezing cold but North's was warm. But I couldn't calm down.

Inusod ni Tatay ang plato at humalumbaba sa lamesa, natatakpan ng kamay ang mukha niya. I heard him taking a deep breathe. Tumingin siya sa akin at umiling.

"Nakakadismaya ka."

Para akong sinaksak sa narinig. Doon bumuhos lahat ng luha na kanina ko pa pinipigilan. Itinayo ako ni North, pakiramdam ko nawala lahat ng lakas ko at hinayaan na lang siya sa pag-alalay sa akin.

"Magandang gabi po, Tito." I heard her say.

Nakayuko lang ako habang naglalakad katabi ni North. Nakaakbay lang siya sa akin habang hawak ang isang kamay ko. Medyo madiin iyon pero hindi naman din masakit. I felt her kissing my temple but I can't even move to return the gesture.

Ang sakit masyado no'ng nangyari. Alam ko nag-e-expect ako ng worst at ni-ready ang sarili sa kung anong pwedeng maramdaman, but it's painful than I expected.

Napaangat ako ng tingin ng huminto kami. Nasa harapan namin si Kuya Dijon na mukhang kapapasok lang ng bahay. Hindi ko alam kung anong klaseng tingin yung pinapakita niya pero hindi iyon maganda.

"Kaya naman pala ayaw mo akong ilakad." ang matigas na sabi nito. "Ayos ka, ah."

"S-sorry, Kuya." ang nasabi ko na lang. Pinunasan ko ang pisngi ko pero tuluy-tuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko.

"Nakakadiri k —"

Hindi natapos ng kapatid ko ang sasabihin ng walang ano'y sinampal siya ni North. Sa sobrang lakas no'n ay dinig ko yung paglapat ng kamay ni North. Pulang-pula rin ang kaliwang pisngi ni Kuya Dijon at mukhang nagulat pa ito sa nangyari.

"Ah, my hand slipped." ang baliwalang sabi ni North. Ang lamig ng boses niya, sa sobrang lamig kahit ako ay kinilabutan. Parang napaatras ang luha ko dahil doon. "But deserved."

"North —"

"Don't sweat yourself. We'll be gone tomorrow morning."

Dinaanan namin ang panganay kong kapatid na wala nang nasabi. Ako naman ay tahimik lang ding sumunod hanggang sa makapasok kami ng kwarto ko. She led me to the bed, motioning me to sit which I did. Tahimik lang ako.

Everything that happened kept on replaying in my head. Umupo si North at sumandal sa headboard ng kama. Nang hindi ito makuntento ay hinila niya ako at pinaupo sa kandungan niya. She wiped my cheeks and kissed the knuckles of my hand.

"Remember what we talked about?" she asked. Wala sa loob na napatango ako. Yumapos siya nang mahigpit habang ako ay parang bata na isiniksik ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat niya. "I'm here. Cry, I won't stop you. It's alright."

_____

Continue Reading

You'll Also Like

707K 29.2K 24
Queen's little nerd side story! "Kung ang English ng baso ay cup, bakit hindi ako ang top?" "Kung si Dora ay tanga, bakit nahawa ka?"
1.4M 52.6K 52
Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 20, 2017 ** "Malalaman ko rin ang lahat ng tungkol sa'yo. Maso...
5.2K 189 20
Estranghero sa isa't isa kung oras ang gagawing batayan, ngunit kung sa usapan at palitan ng mga salita, para kay Cyd at Ericka ay pamilyar sila sa k...
370K 15.8K 44
Haoran Lauchengco thought she was invincible. Ilang riot, gang war, o gulo na ang nasangkutan niya, at ilang assassination attempt na rin mula sa mga...