Loving My Brother #1: Thrale'...

By ziryanggg

183K 7K 704

Bakit ganoon? Bakit ako nakakaramdaman nito? Nakadidiri. Nasasaktan ako because he can't love me back? So ov... More

I love you, kuya.
Prologue:
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 20:
Chapter 21:
Chapter 22:
Chapter 23:
Chapter 24:
Chapter 25:
Chapter 26:
Chapter 27:
Chapter 28:
Chapter 29:
Chapter 30:
Chapter 31:
Chapter 32:
Chapter 33:
Chapter 34:
Chapter 35:
Chapter 36:
Chapter 37:
Chapter 38:
Chapter 39:
Chapter 40:
Chapter 41:
Chapter 42:
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 45:
Chapter 46:
Chapter 47:
Chapter 48:
Chapter 49:
Chapter 50:
Chapter 51:
Chapter 52:
Chapter 53:
Chapter 54:
Chapter 55:
Chapter 56:
Chapter 57:
Chapter 58:
Chapter 59:
Chapter 60: Confession
Chapter 61:
Chapter 62:
Chapter 63:
Chapter 64:
Chapter 65:
Chapter 66:
Chapter 67:
Chapter 68:
Chapter 69:
Chapter 70:
Chapter 71:
Chapter 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82.
Chapter 83:
Author's note:

Chapter 84:

2.2K 69 9
By ziryanggg

Gio’s POV

“I need to find Thrizel now, Gio!” Nakatingin lang ako kay Thrale. Problemadong-problemado talaga siya dahil hindi niya makita si Thrizel, mahigit isang linggo na. “Uuwi si dad, ano nalang ang madadahilan ko?!”

“Think posi—

“Fuck that think positive! Mamayang gabi uuwi si dad, kailangan ko siya makita ngayon!” Napahilamos ito ng mukha.

Hindi ko rin alam kung paano mahahanap si Thrizel. Wala akong kahit anong access sa kaniya, hindi ko rin matrack ang kaniyang cellphone number. Sinong malakas ang loob para itago ang kapatid ni Thrale?

“Calm down.” Nagseryoso na ako.

Humarap ako sa aking laptop. Inistalk ko ang mga social media accounts ni Thrizel. Nakailang tingin na ako roon pero wala talaga akong makuhang clue kung saan siya mahahanap. Ang tagal niya na ring hindi nagpopost sa lahat ng account niya.

“Ano ba kasing ginawa mo sa kapatid mo?” Binalingan ko siya ng saglit at muling humarap sa laptop. “You know what, Thrale? Hindi ako naniniwalang wala kang ginawa dahil hindi naman maglalayas ang kapatid mo ng walang dahilan. So what’s the reason?” Kita kong nagrereflection ang mukha niya sa screen ng aking laptop kaya tiningnan ko iyon. Naghihintay ng kaniyang sagot.

Huminga siya nang malalim. “Nag-away kami. She said na nakakapagod ako kasama sa iisang bahay.”

Dahil sa kaniyang sagot. Pinatay ko ang aking laptop at humarap sa kaniya. “Edi itigil na natin ang paghahanap natin.” Tumayo ako sa upuan.

Agad nangunot ang kaniyang noo at umangal. “What? Gio, I need he—”

“She needs space.” Putol ko sa kaniyang sasabihin. “She needs space, Thrale. Talagang hindi siya magpapakita sa ‘yo. Kapag ba nakita mo, ano? Pipilitin mong magstay sa bahay niyo? Ayaw ka niyang kasama, hayaan mo muna siya. Gustong magpahinga ng kapatid mo. Kung wala kang kapatid na ihaharap kay tito, it’s all your fault. Face the punishment.” Lumabas ako ng aking kwarto, ramdam kong nakasunod siya sa akin.

“What? Face the punishment? Gio, alam mo ba ‘yang sinasabi mo? Hindi p’wede ‘yo—”

“Edi pagpanggapin mong si Arella na siya si Thrizel.” Nilingon ko siya. “Magkamukha naman sila, ‘di ba? Do it. Gawan niyo ni Anissa ng paraan kung paano matatakpan ang peklat niya. Same face at same personality. Gan’on humanap ng paraan, Thrale.”

“Okay, fine.”

Nagpasalamat ito sa akin bago umalis ng bahay. Tsk, tsk, ano bang pinagagawa mo sa buhay mo, Thrale? Parang dati lang ang ayos-ayos niyong magkapatid. Halos matakot nga sa ‘yo si Thrizel, disiplinado mo masyado. Anong mayroon ngayon? Kung umakto kayong dalawa, parang galit na galit sa isa’t isa. I hope bumalik ‘yong dating kayo. Kayo lang ang gumagawa ng ikakaproblema niyo. Kung pupunahin silang dalawa, parehas silang may mali. Kailangan talagang magulang ang magbabantay sa mga ‘to. Pft.

Thrale’s POV

Isang oras nalang ang natitira dahil darating si dad. Nilinis ko ang buong bahay, pati ang mga halaman ni mom ay inayos ko na rin. Wala si Thrizel dito para ipagpatuloy ang pag-aalaga ng mga iyon. Kakatapos ko lang maligo kaya pumunta ako sa kwarto ni Arella.

“Kaya bang gawan ng paraan?” Bungad kong tanong kay Anissa. Suportado naman siya sa aking plano. Parang nakokonsensya tuloy ako. Nadadamay ang akong nobya sa aking pagsisinungaling.

“Yes, hon, takpan ko lang ng make up ‘to. Maayos na.” Ngiti niya sa akin.

Tiningnan ko naman si Arella, nakaharap lang ‘to sa salamin. Wala naman siyang naging angal sa aking pabor, kailangan ko talaga ng tulong niya ngayon.

Maya-maya lang, biglang tumunog ang aking selpon. Nang tingnan ko, bumungad sa akin ang mensahe galing kay dad. Sinasabing malapit na siya makauwi kaya muli kong tinanong si Anissa kung malapit na matapos, sumagot naman ito ng oo. Hindi katagalan, lumabas na ako ng bahay. Sinalubong ko si dad. Agad akong pumunta sa taxi at kuhanin ang mga gamit nito.

“Hey, dad, I miss you.”

Nagtapikan kami ng balikat. Nang makuha na namin ang kaniyang mga dala. Pumasok na kaming dalawa sa loob. Si Anissa ang bumungad sa amin kaya tumulong ‘to sa aming bitbit.

“Namiss ko ang bahay na ‘to.” Nagpamulsa si dad. Nilibot niya ang kaniyang paningin sa buong bahay. Huminga siya nang malalim at ngumiti. Ramdam kong namiss niya nga ito. Tumingin siya sa hagdan. “Where’s Thrizel? Tuwing darating ako, sa hagdan ko siya laging nakikita. Nasaan ang batang iyon?” Umupo si dad sa sofa. Nagpapahinga.

“Lalabas din po, may ginagawa lang.” Ngiti ko sa aking tatay. Binigyan naman ni Anissa si dad ng juice, nagmano na rin siya.

“Gusto ko kayong kumustahin, sandali lang naman ako rito lalo na’t kailangan ako ng mommy niyo.”

Nagtanong ako. “Mahigit dalawang linggo na pong hindi tumatawag sa akin si mom. Bakit po?”

Natigilan si dad doon kaya nangunot ang aking noo. “Remember? Abala kaming dalawa. Hayaan niyo, tatawag naman ang mommy niyo. Hindi kayo matitiis n’on.” Daddy is right. Hindi kami matitiis ni mom na hindi kausapin. “By the way, Thrale. Hindi naman ako magagalit, I just want to ask. Ano ‘yong nalaman kong hinahanap mo si Arella?”

Nagkatinginan kami ni Anissa dahil doon. Hindi agad ako nakasagot, nag-iisip kung anong ipapalusot. “Ah, yes, dad pero agad ko naman pong tinigil.”

“That’s good. Arella is dead, wala kang mahahanap, anak. Why don’t you just focus on Thrizel, right?”

“Yes, dad, ginagawa ko naman po.”

Napatingin ako sa aking gilid dahil bigla kong nakita si Arella. Hindi ko namalayan na nandidito na siya sa aking tabi. Humarap ito sa akin, ganoon nalang ako mamangha dahil magkamukha talaga sila ni Thrizel. Natulala ako ng isang sandali roon, gumising din sa reyalidad.

“Hi, dad, I miss you.”

Lumapit si Arella kay dad. Yinakap niya ito, gumanti naman ang aking tatay. Humarap ako kay Anissa, ngumiti siya. Sinunod niya siguro ang sinabi ko kanina na sabihin kay Arella kung paano yumakap si Thrizel kay dad.

“God, baby, I miss you." Dad kissed Thrizel on her forehead. “Kumusta ka naman? Naalagaan ka ba maayos ng kuya mo? Hindi ka na ba niya kinikiss sa pisngi? Wala ka bang irereklamo sa akin about sa kaniya?” Natawa si dad doon kaya sumabay nalang kami ni Anissa.

“Nothing, dad. Maayos naman po si kuya. Alagang-alaga niya po ako.” Nakangiti ito ng matamis. “See? Mas lalo nga pong gumanda ang aking katawan e.”

“Oh, that’s good, baby girl.” Humarap sa akin ang aking tatay. “Nakapagluto ka na ba, Thrale? Let’s eat.”

“Yes, dad. Tara na po.”

Pumunta naman na kaming kusina. Nakahain naman na lahat kaya umupo nalang kami. Sabay-sabay kaming kumain. Katahimikan ang nanaig pero nabasag iyon nang magsalita ang aking tatay.

“Anissa, hija, kumusta ka naman? I’m sorry we weren’t there when your mother passed away. We didn’t help you.”

Nilunok ni Anissa ang kaniyang nginunguya. Uminom siya ng tubig at nagpunas ng bibig. “It’s okay, tito. Ayos naman po ako ngayon. Naghihilom na about sa pagkawala ni mom.”

“Good to hear. Kumusta naman ang pag-aalaga sa ‘yo ng anak ko? Minumura ka ba niya? Sinasaktan? Pasaway sa ‘yo? Nangbababae? Niyayaya ka makipagsex?”

Agad na nagreaksyon ang aking kasintahan doon. “No, tito. Maayos po ang anak niyo. Actually hindi po siya ganiyan.” Tumingin sa akin si Anissa. Ngumiti ito sa akin, ginantihan ko naman.

“Dapat lang na hindi ka ganiyan, Thrale. Respect your girlfriend, okay? Iyan ang huwag na huwag mong kakalimutan.”

“I will, dad.”

Biglang napaharap si dad kay Arella kaya kinabahan naman ako. “Thrizel, bakit naman ang tahimik mo? Join us. Hindi ka ba masaya na nandito ako?”

“Uh.” Nabitawan ni Arella ang kaniyang mga kubyertos. “Masaya po ako, dad. Uhm...” Humarap siya sa amin. Alam ko ang ganiyang mga tingin niya, hindi niya alam ang sasabihin. “I’m just not in the mood. Sorry po.”

“Masama ba ang pakiramdam mo?” Kita ko na ang pagkunot ng noo ni dad. “May bago ba sa ‘yo? You don’t use make up and you don’t use a knife when eating, mas pinipili mong magkamay. I’m just wondering dahil parang wala kang gana kumain.” Nakakahalata na ba si dad?

“Like what I said po, I’m just not in the mood. Sorry po ulit.”

“Take a rest later.” Ngumiti si dad dito. “Kumusta kayo ng kaibigan mong si Amira? Nag-uusap pa rin ba kayo?”

Agad na tumango ito. “Yes, dad. Kakausap nga lang naman kita. We both like shopping so we went to mall earlier.”

Parehas nanlaki ang mata namin ni Anissa. Si dad naman ay nagsalita agad. “Nakauwi na pala siya? Akala ko ay nasa States pa ri—”

“Dad, ang tinutukoy niya po ay ‘yong nagbirthday si Amira. Remember po? Dito nagcelebrate si Amira.” Tumingin ako kay Arella. Halata sa mukha niyang kinakabahan. Ngayon niya lang nakita si dad.

“I see.”

Kumain nalang kami. Medyo nilapit ko ang upuan kay Arella, hinawakan ko ang kamay nito, malamig. Sabi na. Ngumiti ako sa kaniya para pakalmahin siya pero hindi, mas lalo pa yata itong kinabahan. Natapon ang tubig sa kaniyang damit. Napatayo ako roon.

“I’m sorry, I’m sorry. Hindi ako nag-iingat.” Hingi niya ng paumahin.

“Change your clothes, anak. Lalamigin ka.”

“Yes, dad.”

“Samahan na kita.” Presinta ko.

“Huwag na, kuya. I can handle this.” Ngumiti siya sa akin. Tumango ako roon saka siya umalis.

“She’s weird.” Biglang sabi ni dad. “May iba kay Thrizel ngayon. Isang buwan palang kaming nawawala, may improved na siya.”

“She’s turning 17, dad.”

“Yes, good for her.”

Natahimik kaming tatlo. Mabilis din naman nakabalik si Arella, nakapagpalit na ito ng damit. Ngumiti siya sa aking lahat. “Sorry about kanina.”

“Continue eating, anak.”

Tumango ito at umupo. Bumalik siya sa kaniyang pagkain. “By the way, dad. How’s mom? Bakit po hindi siya sumama sa inyo?” Pinakiramdaman ko si Arella. Mukhang tinanggal niya na ang kaba niya.

“Walang magmamanage sa company natin, anak. Kaya ako lang ang nandidito.”

“Aww.” Lumungkot ang kaniyang boses. “Hindi po ba kami p’wedeng sumama sa inyo? Tutal tapos naman na ang school year. Let’s call a vacation, right, Thrale?” Harap nito sa akin at may matamis na ngiti.

“I agreed, dad.”

“Hihintayin ko ang approval ng mom niyo kapag pumayag siya, ako mismo ang susundo sa inyo.”

“Yehey, I really miss mom!” Tuwang-tuwa niyang sabi. Nagpatuloy ito sa pagkain. Akala ko ay tatahimik na ito pero nagsalita ulit siya. “Tinulungan niyo po ba si Manang Perry sa paggagamot niya kay Sittie?”

Nanigas ako sa aking kinauupuan. Napatingin ako kay Anissa, parehas kami ng naging reaksyon. Paano nalaman ni Arella na kaya wala rito si Manang Perry dahil kay Sittie? Hindi rin kilala ni Arella si Manang Perry.

“Yes, anak.”

Ngumuso siya. “Nakakamiss mo kasing si Manang Perry ang nagluluto ng umagahan ko. Pero masarap din naman magluto si Ate Anissa.”

“Thanks, Thrizel.” Ngiti ni Anissa rito.

“Kapag gumaling ang pamangkin si Manang Perry. Agad naman siyang pupunta rito with her pamangkin. May nabanggit pa nga siya sa akin.”

“Ano, dad?” Ang daldal niya ngayon. Bakit pakiramdam ko hindi ito si Arella? Pero wala namang nagbago sa itsura niya. Nakamake up pa rin siya.

“Isasama niya yata si Manang Lory.” Manang Lory?

“Ah, si Manang Lory.” Humarap siya sa akin. “Did you remember her, kuya? Siya nag-alaga sa inyo ni Arella.”

Sasagot na dapat ako nang magsalita si dad. “Excuse me, sagutin ko lang ‘tong tawag.” Lumabas si dad doon kaya kaming tatlo nalang ang natira.

“Sino ka?” Agad kong tanong. “Paano mo nalamang si Manang Lory ang nag-alaga sa akin?” Seryoso ang aking reaksyon.

“Huh?” Nangunot ang kaniyang noo. “Ate Anissa said to me earlier.”

“Sigurado ka?” Tinititigan ko siya sa mga mata. Pakiramdam ko talaga, hindi ito si Arella. “Kay Thrizel ko lang binanggit si Manang Lory. Ang alam lang ni Anissa ay si Arella. Malakas ang pakiramdam ko pagdating sa ‘yo, Thrizel.”

Natawa ito at tumayo. “Ikaw na nga itong tinutulungan. ‘Yong clown mo kasi ang tanga.” Umirap siya sa akin at naglakad palabas.

Agad akong tumayo at hinawakan siya sa balikat. “Ano? Aalis ka na nama—”

“Thrale.” Harap nito sa akin. Iba na ang damit nito.

“Sino ka?”

“Si Arella.” Sagot niya. Napanganga naman ako dahil doon. Naguguluhan. “Si Thrizel ba hinahanap mo? Tumakbo na siya palabas e.”

Huminga ako nang malalim at inis na napahilamos ng mukha. Thrizel, pinaglalaruan mo ba ako?

Itutuloy....

Book 2 na tayo, dito pa rin ipopost sa aking wattpad account ang book 2. Just stalk me. Bukas ako magpupublish kapag may update.

Continue Reading

You'll Also Like

48.9K 2.4K 29
paano kung ang isang tomboy ay ipag kasundong ipa kasal sa isang lalaki na unang kita pa nga lang nila ay palagi na syang inaasar could they can gai...
29.3K 696 16
"Back to this hellhole, huh?" "I wouldn't call it a hellhole" He mutters. "Oh, but I would." I snap harshly. He almost flinches. "(Y/n), I'm sorry. I...
308K 18.4K 40
You live in a different time zone Think I know what this is It's just the time's wrong
98.2K 1.4K 49
𝐈𝐭𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐝𝐚𝐲 𝐛𝐚𝐜𝐤 𝐭𝐨 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 , 𝐀𝐚𝐥𝐢𝐲𝐚𝐡 𝐢𝐬 𝐧𝐨𝐰 𝐢𝐧 𝟏𝟎𝐭𝐡 𝐠𝐫𝐚𝐝𝐞, 𝐰𝐡𝐢𝐥𝐞 𝐬𝐡𝐞𝐬 𝐭𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐬𝐡...