Loving My Brother #1: Thrale'...

Af ziryanggg

183K 7K 704

Bakit ganoon? Bakit ako nakakaramdaman nito? Nakadidiri. Nasasaktan ako because he can't love me back? So ov... Mere

I love you, kuya.
Prologue:
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 20:
Chapter 21:
Chapter 22:
Chapter 23:
Chapter 24:
Chapter 25:
Chapter 26:
Chapter 27:
Chapter 28:
Chapter 29:
Chapter 30:
Chapter 31:
Chapter 32:
Chapter 33:
Chapter 34:
Chapter 35:
Chapter 36:
Chapter 37:
Chapter 38:
Chapter 39:
Chapter 40:
Chapter 41:
Chapter 42:
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 45:
Chapter 46:
Chapter 47:
Chapter 48:
Chapter 49:
Chapter 50:
Chapter 51:
Chapter 52:
Chapter 53:
Chapter 54:
Chapter 55:
Chapter 56:
Chapter 57:
Chapter 58:
Chapter 59:
Chapter 60: Confession
Chapter 61:
Chapter 62:
Chapter 63:
Chapter 64:
Chapter 65:
Chapter 66:
Chapter 67:
Chapter 68:
Chapter 69:
Chapter 70:
Chapter 71:
Chapter 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 83:
Chapter 84:
Author's note:

Chapter 82.

1.1K 62 16
Af ziryanggg

Thrale’s POV

Nabuksan ko na ang pinto ng kwarto ni Thrizel. Sinira ko pa ang doorknob nito para makapasok. Sobrang kalat ng kaniyang kwarto, ang mga unan at comforter ay nasa sahig. Ang mga libro ay kalat na kalat sa study table. Kilala ko ang babaeng ‘yon, malinis iyon pagdating sa ganito. Hindi ko lang alam ngayon. Wala pa akong balita sa kaniya.

Tinawagan ko na lahat ng mga kaniyang kakilala, hindi nga raw nila alam. Lubha na akong nag-aalala. Sabihin ko kaya sa mga pulis na nawawala ang aking kapatid? No, hindi, kilala ako ng mga iyon dahil kay dad. Kung sasabihin ko, p’wedeng malaman ng aking mga magulang na naging pabaya akong kuya. Hinding-hindi ko gagawin ang bagay na ‘yon.

I walked over to her cabinet. I hope my sister has a diary in case I see what her problem is. May mga notebooks akong nakita pero tungkol lamang ito sa kaniyang pag-aaral. Sa pinakaibaba, may nakita akong identification. I read the name, Redelyn Gauniria. Hindi ako nagkakamali, ito ang girlfriend ni Phryx, ito yata ang dahilan kung bakit niya ginugulo ang aking kapatid. Dapat sinauli na ito ni Thrizel kay Phryx, hindi ko gusto ang lalaking ‘yon. Masyadong mabigat ang kamay.

I returned the identification to the cabinet and took a deep breath. I don’t know my reason why I came in here. No, I went in to find out where Thrizel went. Naalala ko ang kaniyang selpon na panay tunog noong tinatawagan ko. Agad kong nilibot ang aking mga mata para hanapin. Nakita ko itong nasa tabi ng vase. Kinuha ko.  Walang password ang kaya ko nakalkal. Pumunta akong message app, nagbabakasakaling may mensahe muna siya bago umalis. My face saddened when I saw all her messages deleted. Anong trip ng babaeng ‘yon?

“Thrizel, saan ka ba nagpupunta? Hindi ka tinuruan ng ganitong asal. Tsk.”

Nakita ko ang kaniyang app na photos. Pinindot ko iyon, nakita ko ang kaniyang litrato kaya tiningnan ko. Aaminin kong maganda talaga siya, malinis ang mukha at maganda ngumiti. Nagslide pa ako para makita ang iba. Kakaunti lamang ang kaniyang litrato, halatang bihira lang kumuha.

Napahinto ako nang may makita akong sketch. Isa ‘tong batang babae, hindi marunong gumuhit si Thrizel, sinong gumawa nito? Saka base sa litrato, malungkot ang bata, may luha pa ito sa mga mata. Saan naman galing ‘to? Pamilyar ang mukha, parang nakita ko na. Pero wala naman kaming batang nakikita ni Thrizel o baka naman kuha niya lang ito sa social media kaya nandito sa kaniyang photos.

Nawala ang aking atensyon nang makita kong pumasok si Arella. Nagsalita siya. “Kuya Thrale, kanina ka pa nandidito.”

Hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi. Muli akong tumingin kay Arella dahil hawig niya ang nasa sketch na ‘to. Hawig na hawig niya talaga, mata, ilong at labi, parehong-pareho. Pansin kong nangunot ang noo ng aking pinsan kaya pinatay ko na ang selpon ni Thrizel.

Bumuntong hininga ako. “Tara na, may tiningnan lang ako.”  

Tumango lang siya sa akin. Ginaya ko na siya palabas ng kwarto ni Thrizel, sinarado ko ang pinto kahit sira ang doorknob nito. Habang pababa kami, biglang tumunog ang aking selpon kaya agad kong kinuha. Baka isa ito sa aking mga tinawagan, baka may balita na sila sa aking kapatid.

Nang tingnan ko ang caller, medyo nalungkot ako. Nalungkot dahil hindi ito tungkol sa aking kapatid. Medyo masaya dahil si Manang Perry ang tumawag. “Hello, manang, how are you po? Babalik ka na ba rito sa bahay?”

“Hijo!”

Tuwang-tuwa ang kaniyang boses. Halatang natutuwa dahil nakausap ako. Mag-iisang buwan na ring hindi ko nakakausap si Manang Perry. Si Thrizel o kaya si mom siguro ang lagi niyang tinatawagan para ipaalam kung anong nangyayari sa kaniya sa probinsya.

“Namiss ko ang boses mo. Kumusta naman kayong magkapatid? Paumanhin na, hindi pa kasi nagigising ang aking pamangkin. Kapag nagising siya, isasama ko nalang siguro siya sa akin tutal pumayag naman sila ma’am.”

Sinenyasan ko si Arella na mauna na bumaba dahil noong huminto ako ay gan’on din siya. “Ayos naman po kami. Tawagan mo nalang po ako kung uuwi na kayo, manang. Ako mismo ang susundo sa inyo.”

“Maraming salamat, hijo. Nandiyan ba si Thrizel? Noong isang araw pa kasi ako tawag nang tawag, hindi niya man lang sinasagot. Pakausap naman ako. Miss ko na ang batang iyon.” Napahinto ako sa kaniyang sinabi. Nag-iisip ng idadahilan sa kaniya. Wala ngayon dito si Thrizel.

“Ah, manang, tulog po kasi si Thrizel at nawala ang kaniyang cellphone kaya siguro hindi nasasagot ang tawag niyo. Kausapin ko nalang po mamaya na tawagan kayo.” Pagsisinungaling nalang yata ang aasahan ko rito. Ayokong mag-alala sila. Ako mismo ang maghahanap sa aking kapatid.

“O, siya, sige. Patayin ko na ang tawag dahil marami din akong gagawin dito. Mag-ingat kayong dalawa. Wala pa ako riyan para bantayan kayo. Thrale, ang kapatid mo, huh? Sa ‘yo binilin iyan ng mga magulang mo, alagaan mo.”

“Yes, manang.”

Napahinga naman ako nang maluwag nang patayin na ni manang ang tawag. Namroblema tuloy ulit ako dahil sa kaniyang sinabi. Sa akin binilin si Thrizel. Gustong-gusto ko nang mahanap ang aking kapatid. Thrizel, umuwi ka naman na.

Bumaba na ako, dumiretso ako sa kusina. Nakita kong kumakain si Anissa. Hinanap naman ng mga mata ko si Arella, nasa sala ito. Nanonood sa telebisyon. Nilagay ko sa aking bulsa ang selpon ko. Lumapit ako sa aking nobya, hinawakan ko ang kaniyang buhok at nilagay ito sa kaniyang likuran.

“Honey...” Malambing kong tawag sa kaniya. Mula sa likod, yinakap ko siya. Pinatong ko ang aking baba sa kaniyang balikat.

“Yes?” Bakas sa pananalita niya ang panglalamig. Simula nang magkaproblema kami ni Thrizel, hindi ko na siya masyadong nabibigyan ng oras. Kahit nasa iisang bahay lang kami, minsan nalang kami magkasama.

“Nagtatampo ka ba?” Sa aking tanong, hindi siya sumagot. Tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata. “I’m sorry. Kahit abala ako, mahal na mahal kita. Nagtatampo ka ba dahil nawawalan ako ng oras sa ‘yo? Alam ko naman ang mali ko rito. I’m sorry, honey. Babawi po ako, promise.”

Ramdam kong huminga siya nang malalim. Hinawakan niya ang aking kamay at ngumiti. “Ayos na ako, hinihintay ko lang ang sorry mo. Naiintindihan ko naman lalo na’t nawawala si Thrizel. Obviously, your sister has a problem. Thrale, you need to find her right away. She needs us, especially you lalo na’t wala ang mga parents niyo. Unahin mo muna ang pamilya mo bago ako. Because I can wait, hintay nang hintay, intindi nang intindi is it okay. I love you.”

She kissed me kaya napangiti ako roon. Hindi ko namamalayan na nawawalan na ako ng oras sa kaniya. Kailangan niya pang manlamig para mapansin ko iyon. Ako lagi ang iniintindi ni Anissa. Matapos lang ang problemang ‘to, ako na ang iintindi sa kaniya.

Maya-maya lang, tumunog ang aking selpon. Humarap ako kay Anissa na sinabihang sandali lang. May mensahe ako galing kay Gio. Agad ko itong binasa.

‘Nandito ako sa labas ng bahay niyo. Puntahan mo ako.’

Lumabas ako ng bahay, nakita ko siya. Nakasandal ito sa kaniyang kotse at diretso ang tingin sa akin. Nang makarating ako sa kaniya. Nagtanong agad ako.

“Anong kailangan mo?” Wala naman kaming napag-usapang magkikita at aalis kaya nagtanong ako.

“Ikaw ang may kailangan sa akin.” Nangunot ang aking noo dahil sa kaniyang ngisi. Siniko ko ito sa tagiliran. “Aray, nananakit ka na huh!”

“Ang pangit mo ngumisi, tanga.” Sumimangot ito sa akin. Hindi ko iyon pinansin. “Ano nga bang kailangan mo at nandidito ka? Wala naman tayong napag-usapan na magkikita. Pumunta ka rito dahil miss mo ako?”

“Kapal ng mukha mo.” Agad niyang kontra. “Nandiyan na ba si Thrizel?” Nilingon niya pa ang aming bahay. Akala mo naman talaga makikita niya.

“Wala pa.” Nagpamulsa ako at medyo lumayo sa kaniya. Tinitigan ko ito. “Alam mo naman, hindi ba?”

“Of course.” Sumeryoso ang kaniyang mukha. “Mahirap mahanap ang kapatid mo.” Pinaikot niya ang susi sa kaniyang hintuturo. Tutok na tutok ito sa akin. “Nagtanong na ako, naghanap din. Pinuntahan ko na ang mga pinupuntahan niya pero ni-isang tao. Walang nakakita sa kaniya. I tried to track her cellphone number, nandito ba ang cellphone niya? Itong location kasi ang lumabas. I don’t know how to find her. I can’t help you now. Bakit hindi ka huminga ng tulong kay Mr. X?” Yes, si Gio lang ang nakakaalam tungkol sa aking gang. “Marami ang kaniyang connection, bakit hindi ka roon lumapit?”

“Ayokong makita ang kahambugan niya.” Diretso kong sabi. Mayabang ang lalaking iyon, masyado ring bipolar. Wala siyang nirerespeto. Nagkakasundo naman kami, minsan nga lang.

“E, doon sa is—”

“Ginagago mo ba ako rito, Gio?” Inis kong pagtatanong.

Agad naman itong ngumuso. Sinamaan ko siya ng tingin, agad din namang tinanggal ang mga paningin ko sa kaniya.

“Okay, fine. Bahala ka mabaliw kakahanap sa kapatid mo. May paraan ka pero mas inuuna mo ‘yang pride mo. Kung ang ulap hindi makababa sa lupa, ikaw ay p’wedeng-p’wede.” Naintindihan ko ang kaniyang sinabi pero pinabayaan ko iyon. Sumakay na siya sa kaniyang kotse, bago umalis ay nagsalita. “I’m Mr. SSG President, Mr. Wrent. Dapat ginagalang mo ako kahit wala tayo sa paaralan.”

"Ulol, college student na ako.”

Tawa ito nang tawa nang paandarin niya ang kaniyang kotse. Kahit kailangan talaga ay bipolar. May mga oras na seryoso, may mga oras na ganiyan umasta. May mga side talagang ganiyan ang aking mga kaibigan.

Nilibot ko muna ang paningin ko sa buong kalsada. May mga taong dumadaan pero kakaunti lang ang sasakyan. Pumasok na ako sa loob dahil mainit. Bubuksan ko na ang main door nang may magdoor bell sa amin. Sino na naman ito?

Tamad ang aking mga tingin na naglakad. Nakapasok ang mga kamay sa bulsa. Ayoko pa naman ng pabalik-balik, huwag niyong sabihing si Gio ito. Kakaalis niya lang. Kung siya ang nagdoorbell, babatukan ko talaga ang lalaking ‘to.

Nakarating na ako sa gate, binuksan ko ang pinto pero wala namang tao. Pinagtitripan ba ako ng mga bata? Pero walang taong dumadaan. Isasarado ko na sana ang gate nang may makita akong sobreng nakadikit sa bakal. Kinuha ko ito at binuksan. Wala ito kanina nang pumasok ako ‘no.

Tiningnan ko muna kung kanino galing. Wala namang nakalagay. Kinuha ko na ang laman, maliit na piraso ng papel. Binasa ko ang nakasulat doon.

‘Don’t worry. Your sister is safe with me. I will stand as her older brother.’

Nainis ako sa aking naisip. Si Link ba ‘to? Umuwi na ba siya para kunin si Thrizel dito? Sa Link lang naman ang gustong palitan ang pagiging kuya ko kay Thrizel. Kung umalis siya, huwag niyang isama ang aking kapatid!

Don’t show yourself, Link. Because I will be the first to punch you.

Itutuloy...

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

1.4K 81 8
SHE HAD ALWAYS BEEN A SWEET GIRL, NELL McNULTY. COMPASSION LEARNT FROM HER MOTHER, AND A TENACITY INHERITED FROM HER F...
130K 2.6K 49
"What? Ate, di pa ba tapos yang high school crush mo!" "Di pa, hanggang di pa nagiging kami!" Kinikilig kong sabi at mabilis na isinara ang pinto ng...
259K 8.1K 185
What if a Pokémon Trainer found herself in the world of One Piece? What if she found herself with the Strawhat Pirates? What if she finds herself get...
10.4K 604 26
3 stories... At 3 different places, different stories unfolding in Thailand... "Hey Mr.! Finish it or I will make you bathe in this honey and you wil...