The Falling Game (EndMira: Ic...

By alyloony

35.5M 724K 170K

Timi is used to having all the boys wrapped around her little fingers. Sanay na sanay na siyang nakukuha ang... More

Prologue
Chapter 1 *Timi*
Chapter 3 *Mr. Ice*
Chapter 4 *voice *
Chapter 5 *Rika Forteza*
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14 (06/14/14)
Chapter 15 (7/7/14)
Chapter 16 (08/18/14)
Chapter 17 (08/27/14)
Chapter 18 (09/07/14)
Chapter 19 (09/16/14)
Chapter 20 (09/29/14)
Chapter 21 (10/03/14)
Chapter 22 (10/15/14)
Chapter 23
Chapter 24 [11/1/14]
Chapter 25 (11/3/14)
Chapter 26 (11/05/14)
Chapter 27 (11/6/14)
Chapter 28 (11/16/14)
Chapter 29 (11/21/14)
Chapter 30 (11/24/14)
Chapter 31
Chapter 32 (12/1/14)
Chapter 33 (12/5/14)
Chapter 34 (12/7/14)
Chapter 35 (12.7.14)
Chapter 36 (12/10/14)
Chapter 37 (12/19/14)
Chapter 38 [Last Chapter]

Chapter 2 *Transfer Students*

1.7M 27.5K 4.5K
By alyloony

A/N: makikilala niyo sa chapter na to ang mga characters! enjoy reading

***

Chapter 2

*Transfer Students*

 

[Timi's POV]

"Timiiiiii! Bumalik ka na ng school! Ang boring pag wala ka eh!" sabi sa akin ni Jasper habang pinapaikot niya ang drum sticks na hawak niya sa mga daliri niya habang nakahilata sa couch namin. Nakapatong pa ang mga paa niya sa hita ko. At home na at home talaga ang loko.

"May tatlong araw pa nga bago matapos ang suspension 'ko 'no! Tsaka wag mo muna ko papasukin! Nag eenjoy pa 'ko sa paghilata ko sa kama buong maghapon." 

"Ikaw naman kasi, lagi ka na lang napapaaway nang dahil sa lalaki. Ang panget naman nung lalaking pinag-agawan niyo nung naka sapakan mo," sabi naman  ni Geo habang hawak-hawak ang remote control ng TV namin at pinapalipat-lipat ang channel.

"Buti sana kung kasing gwapo tulad namin eh! Kaso hindi!" dagdag pa ni William na nakaupo naman sa bean bag.

"Gutom na ko. Tapos na ba magluto si Tita?" singit naman ni Ayen na sa sahig ng sala nakaupo at hinihimas-himas ang tyan niya.

Si Jasper, Geo, William at Ayen. Sila ang mga best friend ko na member ng Endless Miracle or EndMira, ang official band ng Prince Academy, ang school na kung saan kami nagaaral. Mga gwapo ang mga 'yan at habulin ng mga chicks. Yung mga chicks naman na humahabol sa kanila, gusto akong paslangin dahil naiinggit at close ko tong apat na mokong na 'to. Yung iba naman, gusto akong kaibiganin para mapalapit sa EndMira. Mga manggagamit di ba?

Ewan ko ba sa mga babaeng yan. Kung alam lang nila kung gaano ka patay gutom ang apat na to. Kaya nga favorite nilang tumambay sa bahay namin eh kasi parehong magagaling na chef ang mommy at daddy ko. Pag kumain sila dito, para na rin silang nag dine-in sa isang five star hotel.

Maya maya lang din, biglang dumating si mommy at sinabing ready na yung meryenda namin.

"Wow ang special na Carbonara na luto ni Chef Naomi! For sure masarap 'to tita!" pambobola ni Geo kay mommy

Tinawanan ni mommy si Geo. "Ikaw talagang bata ka masyado kang bolero 'no? Manang mana ka sa Tito Drew mo!"

Si Geo Fernandez, pamangkin siya ni Ninong Drew kaya bali parang kinakapatid ko na rin siya. Si Geo ang guitarist/vocalist at leader ng banda. Parang siya rin yung pinaka mature magisip sa kanila kaya tumatayong "kuya" siya ng mga lalaking ito. Mabait 'yan at gentleman. Magaling din kumanta. Boses pa lang niyan, naiihi na sa kilig ang mga kababaihan.

"Tita pwede ba 'kong mag balot nito?" tanong naman ni Jasper, ang drummer ng banda "ibibigay ko doon sa kalandian ko. Sasabihin ko niluto ko para mas ma-fall sa akin!"

"Bagong kalandian na naman? Sus! Hanggang landian lang naman ang kaya mo eh!" pang-aasar ko kay Jasper

Ito kasing si Jasper Yu ang Mr. Pa-fall guy sa grupo. Ang hilig manlandi ng babae pero hindi naman liligawan. Ewan ko ba diyan kung bakit ayaw mag girlfriend ng matino. Pero hindi ko rin naman siya pinapangaralan dahil pareho lang din naman kami ng ugali. At syempre dahil gwapo yan, habulin din yan ng mga babae. 

"Ako rin! Pabalot! Ibibigay ko naman kay Erin!" sabi naman ni William, ang guitarist and second vocal ng banda

"Erin na naman?! Mukha ka talagang Erin! Hindi ka naman pinapansin nun!" sabat naman ni Geo

 "Wwan ko sa inyo! Basta alam ko mapapasagot ko rin siya!"

 "Bago ka mangarap na mapasagot siya, bakit kaya hindi mo muna subukang ipaalam sa kanya na merong isang William Tizon na nag e-exist sa mundo?!" sabi ko sa kanya.

Nagtawanan kaming lahat.

Paano kasi itong si William, second year pa lang kami eh patay na patay na sa school heartthrob na si Erin Aquino pero hanggang ngayon, nganga pa rin siya. Katulad ko, marami rin kasing naghahabol kay Erin. Pero sobrang opposite naming dalawa. Si Erin, maraming gustong makipagkaibigan sa kanya. Mabait kasi siya, demure, mahinhin, babaeng babae at matalino! Edi siya na! sa kanya na lahat ng good qualities! Isaksak niya sa baga niya yan! Dahil alam ko mas maganda at mas hot parin ako sa kanya. Kung siya pang beauty queen ang peg... ako pang dyosa!

 "Basta ako kakainin ko lahat ng carbonara ni Tita Naomi ng magkaenergy naman ako! Lagi na lang akong busy!" sabi naman ni Ayen.

Si Ayen Reyes naman yung bassist ng banda. Studious type. Matalino yan at masipag. Habulin yan ng mga babaeng ang type ay Mr. Nice guy. Pero kahit ganyan yan, marami ding tinatagong katarantaduhan sa buhay yan. Di lang halata.

 "Hay naku kayong mga bata kayo! Basta kumain na kayo ha? Kailangan ko ng umalis at may important appointment pa ko" sabi ni mommy then lumapit siya saakin "ikaw na bahala dito Timi ah?"

"Yes mom!" nag lean naman ako sa kanya then I kissed her cheeks "ingat ka!"

 "Sure baby!" tumingin siya sa mga best friends ko "enjoy kayo ha!"

"Yes tita! Ingat!" they said in unison then umalis narin si Mommy

 "Buti hindi ka pinarusahan ni Tito at Tita doon sa pananapak mo no?" sabi sa akin ni Geo

"Anong hindi?! Eh ni hindi nga niya ako pinayagan na lumabas eh! Grounded ako sa bahay! Kayamot lang! Hindi ko naenjoy maigi yung isang linggong forced rest day ko!" sabi ko sa kanila

"Eh buti hindi ka talaga pinayagan dahil for sure pag hindi ka ginrounded wala kang ibang ginawa kundi gumimik ng gumimik!" sabi naman ni Ayen

"Mamaya kung sino na namang lalaki ang mambastos sa'yo. Hindi mo pa naman kami kasama" sabi naman ni Jasper.

Napangiti naman ako. Kahit mga loko-loko to, concern parin talaga sila saakin. Naalala ko kung paano ko nakilala ang apat na lalaking to. Mahilig kasi ako gumimik mag isa. Nagpupunta ako sa mga bar kahit na alam kong bawal ang below 18 years old doon. Pero syempre dahil magaling ako, lagi akong nakakalusot. One time nung pumunta ako sa isang bar at wild na wild na nagtatatalon habang may banda na tumutugtog, nagulat na lang ako ng may pumalibot saaking mga lalaki at sinayawan ako. Yung sayaw na akala mo eh sinasayawan nila ay isang prostitute. Syempre dahil anak ako ni Naomi Mikael Perez-Cruz, hindi ako pumayag na basta lang nila akong babastusin. Sinipa ko sa itlog yung isang lalaki kaya naman nagalit yung mga kasama nila at hinatak ako palabas ng bar. Akala ko ng mga panahon na yun ay mare-rape na ko, buti na lang ay dumating ang apat na hoodlum na to at iniligtas ako.

It turns out na sila yung bandang kumakanta sa bar noon---at nag aaral din sila sa Prince Academy katulad ko. Nung una akala ko lalandiin lang ako ng apat na lalaking to, pero hindi ko expected na magiging kaibigan ko sila.

Pero thankful talaga ako na dumating ang mga yan sa buhay ko. Sila ang nagparamdam saakin kung gaano kasarap ang magkaroon ng mga tunay na kaibigan.

Natapos narin ang suspension ko. Syempre excited na excited akong pumasok sa school. For sure pinaguusapan na naman ako ng mga ka-schoolmates ko. Ako na naman ang hot topic sa school!! Bongga di ba?!

Pero mali.

Pag dating na pag dating ko sa Prince Academy, dinedma lang ang beauty ko dahil mukhang may ibang pinagkakaguluhan ang mga estudyante.

 

"Grabe ang gugwapo talaga nung mag-pinsan na transfer student!"

 

"Tama! Ang sarap nilang gawing jowa!"

 

"Hay naku! Mapunta lang saakin ang isa sakanila, heaven na!"

 

"Tama!"

 

Mag pinsan na transfer students? Gwapo?

Halos pumalakpak naman ang tenga ko.

Aba hindi ko itatanggi na mahilig ako sa gwapo! Bakit, anong masama? Karamihan ng babae mahilig sa pogi 'no! 

Pagkadating ko sa classroom namin, usapan din doon yung mag-pinsan na transfer students. Pero mukha atang mas mataas ang excitement sa classroom namin.

"Grabe!!! Ang saya! Kaklase natin yung isa sa kanila!!!"

 

"Tayo na ang pinagpalang section!"

 

"Oh alam niyo na girls ang plano ha! Hingin agad ang contact number!"

Mas lalong lumawak ang ngiti ko.

Aba, aba mukha atang may papalapit na grasya saakin ah.

"Hoy! Wag ka ngumiti diyan!" bigla naman akong natauhan ng makita ko si Jasper na nasa harap ko. Oo nga pala, magkaklase kami nitong si Jasper.

"May pinaplano ka no?" tanong niya saakin habang nakangisi

"You know me Jasper... you know me" sabi ko naman sa kanya habang natatawa-tawa

 "Okay then para atang mag-eenjoy ako na panuorin kung paano ulit paganahin ni Stephanie Mikael Cruz ang charms niya!"

"Watch and learn!" proud na proud ko namang sabi sa kanya.

Naupo na kami ni Jasper sa assigned seat namin at nag hintay narin na dumating si Sir Nike, ang homeroom teacher namin.

 "Uy! Na i-gawa mo ba kami ng assignment?"

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko yung dalawa naming kaklase na nakapalibot doon sa isang babae na nakaupo sa may dulo ng classroom na malapit sa basurahan.

"O-oo. I-ito oh" sabi niya sabay abot ng dalawang notebook doon sa dalawang babae

"Wow! Thanks Rika! You're really nice"

 "T-thank you" sabi niya habang nakangiti.

Nilayuan din naman siya agad nung dalawa at bumalik narin sila sa mga upuan nila.

Napairap na lang ako bigla.

That's Rika Forteza, ang ultimate teachers' and students' pet ng classroom. Matalino yan at ang tataas ng grades. Yun nga lang, mukhang puro sa pag-aaral lang niya pinapagana ang utak niya. Napaka-laking uto-uto kasi niyan. Magpagawa ka lang diyan ng assignment, o-oo agad yan. Pagka nga may mga group projects kami at nakasama mo siya sa grupo, ibibigay lang sa kanya lahat ng gawain at walang tutulong sa kanya. Hindi rin naman siya umaangal. Siya yung tipo ng tao na hindi mo mapapansin, loner, walang social life at mukhang manang. Napakabait niyan. Sa sobrang bait niyan, pwede na siyang maging isang dakilang tanga. Ewan ko ba kung bakit, pero nayayamot kasi ako sa kanya. Hindi siya marunong tumanggi kahit naabuso na siya.

Bago pa ko tuluyan mainis, ibinaling ko na lang sa iba yung attention ko. Nakipag kwentuhan lang ako kay Jasper at nasabi naman niya saakin na magkakaroon na sila ng isa pang band member na magiging vocalist nila.

 

"Oh? Talaga? Edi maganda!" sabi ko sa kanya

"Ikaw kasi eh ayaw mo pang pumayag na maging vocalist namin"

Matagal na kasi nila kong niyayayang sumali sa banda nila. Tulad kasi ni mommy, marunong din akong kumanta. Yun nga lang, kumakanta lang ako pag natitripan ko lang o pag wala na kong magawa sa buhay. May mga times na pinagbibigyan ko ang EndMira at sumasama ako sa mga gigs nila. Pero once in a blue moon lang talaga mangyari yun.

"Okay na 'yan! May bago na naman kayong vocalist eh! Edi masaya!"

 "Sus! Anyways papakilala na lang namin ikaw sa kanya mamaya kaya pumunta ka sa music room ha?"

"Okay fine."

 Maya-maya lang din, dumating na si Sir Nike kaya naman umayos na kaming lahat ng upo.

"Good morning class. Alam ko na nabalitaan niyo ng meron tayong mga bagong transfer student dito sa school. At yung isa ay mapupunta sa section natin. So I want you all to welcome, our new transfer student.." sumenyas naman si Sir Nike sa may pintuan "He's Mr. Kite Arceo.."

Pumasok yung transfer student and the moment na humarap siya saamin, napatayo na lang ako bigla.

"IKAW!" sigaw ko kaya naman nagtinginan yung mga kaklase ko sa amin

"Oh Aphrodite! Hello!" sabi niya saakin habang nakangiti

Siya yung lalaking kumuha saakin ng picture sa coffee shop! Yung nagsabing mukha akong anghel! Siya yung lalaking bolero!

"Oh wow, magkakilala na kayo agad?" tanong ni Sir Nike

"Yes sir! Nagkakilala kami last week lang"

"Small world nga naman. Pero atleast may friend ka na agad!"

Tinignan ako ni Kite at nginitian.

Teka, bakit parang pakiramdam ko eh nag-aalangan akong landiin ang isang to?

Dahil ba mukhang mas malandi siya saakin?

Dahil ba nakakakilig ang kagwapuhan niya?

O baka dahil may malaking posibilidad na mainlove ako ng tuluyan sa kanya?

(lunch break..)

 

"Aphrodite! Sabay na tayo mag lunch!" sabi saakin ni Kite habang hinahabol ako sa paglalakad.

Napalingon ako sa paligid at nakita ko ang masasamang tingin saakin ng mga babaeng ka-schoolmate ko.

Haba talaga ng hair ko! Madami na naman ang naiinggit saakin!

Tinignan ko si Kite "Aphrodite is not my name. I'm just joking that time"

"Yes I know Timi. I just feel like calling you that," sabi naman niya.

Bigla ko namang naalala na tinawag din niya akong Timi nung una kaming magkita.

"Wait wait, nung nag kita tayo sa coffee shop, paano mo nalaman na Timi ang real name ko?!"

Bigla naman siyang natawa sa tanong ko "hindi mo pa na-figure out kung bakit?!"

 

"Malamang hindi kaya nga nagtatanong di ba?"

"Nakasulat yung pangalan mo doon sa cup ng kape na inorder mo" sabi niya

At doon lang nag sink-in sa utak ko. Oo nga naman! Bakit hindi ko naisip yun?! Ang bopols ko rin kung minsan

"Anyway, tara kain tayo? My treat!" pagyaya niya

"Sig—"

 "TIMIIIII!"

Papayag na sana ko ng may marinig akong sigaw sa likod ko at nakita kong papalapit saamin si Jasper

"Yes makasigaw tayo Jasper?!" sabi ko sa kanya

 "Huy mamaya ka na makipag landian! Di ba pupunta tayo sa music room?"

 "Ay oo nga pala 'no?" tinignan ko si Kite "uy sorry hindi pala ko makakasama! Next time na lang! madami naman girls na gustong sumama sayo ngayon" sabi ko kay Kite

"hHha? Pero wala pa kong kakilala dito..."

Nagtingin tingin ako sa paligid at naghanap ng kaklase ko na pwede kong ipakilala kay Kite. Sakto naman biglang dumaan ang ultimate teachers' and students' pet na si Rika.

Okay, pwede naman na siya pag tyagaan ni Kite di ba?

Bigla kong hinatak si Rika

"A-ah T-timi bakit..?" gulat na tanong ni Rika

"Kite, she's Rika, ang top 1 student ng batch natin! Mabait yan! Siya muna sasama sayo!"

"T-teka.." pag tutol ni Rika

At dahil madali lang naman utuin ang isang to, nginitian ko siya, "please? Kawawa naman si Kite walang kasama! Sige na samahan mo na!"

"U-uhmm. Sige na nga.." sabi niya pero medyo nag aalangan

"Oh ayun naman pala eh! So okay na? alis na kami" pag-papaalam ko

"See you later Timi" sabi ni Kite

"Okay! Bye!"

At tuluyan na akong hinatak ni Jasper papunta sa music room.

Pagkadating namin doon, nakita ko namang nandun narin sina Ayen, Geo at William

"Timi!!! Maligayang pagbabalik sa Prince Academy! Isang linggo kang nawala! Hahahaha" salubong na bati sakin ni William

"Heh! Pisti ka! Bat niyo ba ko pinapunta dito?! May kalandian pa naman sana ko ngayon!" sabi ko sa kanila

 

"eh ipapakilala ka nga namin doon sa bagong vocalist!" sabi ni Geo

"eh pwede naman mamayang uwian di ba? Bat kailangan ngayon pa?"

 

"excited na kasi kami sa reaction mo" sabi naman ni Ayen

"huh? Bakit naman?"

Nilapitan ako ni Geo "kasi yung bagong transfer student yung vocalist namin!"

"si Kite?!"

 

"hindi si Kite!" sabi ni Jasper "yung pinsan niya!"

Napangiti naman ako "aba exciting to! Gusto kong makita kung sino mas gwapo! Nasaan na siya?"

"may binili lang saglit pero parating na yun!" sabi ni Ayen

Hinintay namin dumating yung bagong vocalist nila. Hindi rin naman nag tagal, may pumasok na lalaki sa loob ng music room.

Agad akong napatayo nung makita ko yung bagong vocalist.

Ay pakinshet! Ang gwapo gwapo niya! Mas type ko ata to kesa kay Kite! Yung panty ko malalaglag na!

"oh you're here!" salubong sa kanya ni Geo "may ipapakilala kami sayo!" hinila naman siya ni Geo at dinala sa harap ko "Timi, I want you to meet Ice Monasterio, our new vocalist. Ice, this is Timi, best friend namin yan"

Binigyan ko ng isang napaka sweet na ngiti si Ice na kahit sinong lalaki, mababaliw sa kagandahan ko pag nginitian ko ng ganun

"hi Ice, nice meeting you!" sabi ko sabay lahad ng kamay para makipag shake hands.

Pero anak ng tofu, hindi ko expected na katulad pala ng pangalan niya ang personality niya.

Tinignan lang niya ang kamay ko then tumingin siya kay Geo "may practice ba tayo ngayon?"

 

"ha? Ah wala.."

 

"okay then alis na ko" sabi niya at bago pa kami makapag react lahat, tuluyan na siyang lumabas ng music room.

Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang nakanganga ako dahil sa ginawa niya.

Wait. Totoo bang nangyari to?! Hindi ba ko nananaginip?!

For the first time in my life may dumedma sa beauty ko!

At punyemers! Isa pa siyang napaka gwapong nilalang!

****

imaginary characters of EndMira on the side >>> view the picture :)


Continue Reading

You'll Also Like

205K 13.2K 65
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.5M 66.2K 17
Mahal kita, ikaw na best friend ko.
28.4M 853K 79
Every embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book...
126K 5.9K 39
A series of short stories about 'soulmates'