The Heartthrob That Can't Walk

By _MelancholicSmile_

2.5K 181 49

Stanlly got into an accident the reason why he can't walk. Pero kahit na ganoon nakukuha niya pa rin ang aten... More

Note
#00
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 25 PART TWO
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Epilogue
Author's Note

Chapter 30

42 5 0
By _MelancholicSmile_

Mabilis siyang nag hilamos bago bumalik sa pag babasa ng libro. Sinusubukan gisingin ang kaniyang diwa. Balak niya kasing mag apply ulit ng scholarship. Pero hindi naman kompleto ang libro na mayroon siya. Kaya bumili siya sa divisoria ng mura at lumang kopya.

"Shane, gumusing ka. Hindi mo pa nga na mememorize 'to." Tinapik niya ang sariling pisngi.

Pero kahit ganoon ay hindi pa rin niya nalabanan ang antok. Nakatulog pa rin siya. Tanghali na siyang nagising dahil sa puyat. Kaya naman ganoon nalang ang pag mamadali niya.

Nag bihis siya ng lumang pantalon at t-shirt. Agad naman siyang naka rating sa eskuwelahan na pag aapply-an niya ng scholarship. Bigla siyang na pa atras.

Bumilis ang tibok ng puso niya nang makita ang mga nandoon. Lahat sila maaayos ang damit. Magaganda ang mukha. May mga bagong bag. Samantalang siya....ay wala.

Kumirot ang puso niya dahil sa iniisip. Simula ng mangyari 'yon ay na giging insecure na siya. Wala na ang dating Shane na walang pakielam kung ano ang sasabihin o iisipin ng ibang tao. Her old self vanished.

"Next po." Sabi ng nag babantay.

Pumasok siya sa room kasama ang iba. Pinaka dulong upuan ang pinili niya, kung saan wala gaanong tao. Inamoy niya pa ang sarili kung mabaho ba ang damit niya. Pero wala namang amoy. Nahihiya kasi siya sa iba. Umaalingasaw ang mga pabango nila sa buong room.

Ibinigay ang test paper sa kanila. Nanlamig siya dahil nakita niya ang mga tanong. Una palang mahirap na. Paano pa ang iba?

Mula sa lumang sling bag na lagi niyang suot ay kinuha niya ang ballpen. Nag simula siyang mag sagot. Na nginginig ang tuhod niya habang nag babasa ng mga tanong.

Hindi pa man din ay para na siyang iiyak. Pinag aralan ko ba 'to? Nasa libro ba 'to? Kulang ba ang libro? Maling libro ba nabili ko? Hindi niya alam kung paano kakalmahin ang sarili niya.

Matapos ang isang oras ay kinolekta na lahat ng test papers. Umuwi siyang bagsak ang balikat. Mag dedeliver pa siya ng gatas. Parang ayaw na niya, pero kailangan.

"Good mor- afternoon po pala." Nahihiyang bati niya.

"Oh, tanghali kana. Kaya mo na ba mag deliver?" tanong ng nag rerepack.

"Opo. Pero siguro po benteng kahon lang po muna."

"O, siya sige. Pag pablik mo ng deliver ay ibibigay na ni boss ang sweldo mo. Nga pala yung nabasag kahapon bawas yon sa sweldo mo."

Tumango lang siya bilang sagot. Kahit pa ayaw niya. Alam niya rin na siya ang may kasalanan.

Kinuha niya muli ang bisekleta at nag lagay sa likod na basket ng tatlong kahon. Mabagal lang ang pag pidal niya. Medyo masakit pa kasi ang tuhod, may pasa rin sa binti.

Hapon na at pang huling deliver nananaman niya. Natigil siya dahil parang kanina pa siyang may nararamdamang prisensya sa likuran. Ngunit tuwing lumilingon siya ay wala namang tao.

Nag simula na siyang kabahan. Muling bumabalik ang ala ala ng bangungot niya. Pilit siyang nag darasal sa isip. Na sana walang mangyaring masama sa kaniya.

Matapos maibigay ang sahod ay dumiretso siya sa tinutuluyan. Ni lock niya ang pintuan. Kung tutuusin ay isang sipaan lang.

Nag luto siya ng itlog na may kamatis para sa hapunan. May kumatok dahilan para kabahan siya.

"S-sino po 'yan?" halos pabulong na ang tanong dahil sa panginginig ng labi.

"Hoy, bansot pag buksan mo ko!" pag mamaktol ni Abdul sa labas.

Nakahinga siya ng maluwag. Pinag buksan niya ito ng pinto. Nakita niyang may dala itong prutas at tasty.

"Bakit nanaman ba?" inis na tanong ni Shane.

"Bakit bawal ba 'ko pumunta? Natutulog nga 'ko rito. Para kang others."

Nag tanggal siya ng sapatos. Pinatong niya ang mga bitbit sa maliit na mesa. Tsaka humiga siya sa kama. Inabot niya ang remote at binuksan ang maliit na tv.

"Hoy, alis dyan kakain ako." Pag taboy sa kaniya ng babae.

Umusod lang siya ng konti, "may upuan kasi sa kama kakain." Parinig ni Abdul.

"Ayoko, sumasakit ang pwetan ko. Ang tigas ng kahoy." Pag rason niya bago umupo sa tabi nito.

Inilapit ni Shane ang maliit na mesa sa kaniyang kama. Para makakain siya ng maayos. Umayos naman ng upo ang binata. Kinuha niya ang plastic at dinala sa maliit nitong lababo. Nag hiwa siya ng mansanas at nag balat ng orange. Nilagay niya 'yon sa plato tsaka nilapag sa tapat ni Shane.

"Dami mong pera, ah. Sanaol po." She laugh.

"Sira, dinalhan ako ni mama ng prutas. Alam mo namang hindi ako mahilig dyan. Edi sayo nalang. Para namang maging healthy ka. Payatot."

Sinamaan siya ng tingin ni Shane.

"Bakit totoo naman e. Kumain ka kasi ng marami. Pag wala kang pag kain wag kang mag monay lang. Tawagan mo 'ko. Dadalhan kita ng pag kain." Sabi niya pa habang nakatuon ang atensyon sa tv.

Sumubo nalang ng pag kain ang dalaga, "imbis na nag hahanap ka ng jowa. Dito ka nag papalipas oras, boang ka talaga."

"Sinong may sabi gusto ko ng jowa? Uy! Wala pa nga akong pera e. Kaya ako iniiwan!" humawak siya sa dibdib, "tsaka nako mag jowa pag may himala na dumating. Himalang pera!" tumawa siya.

"Sira ulo. Umuwi kana nga!" taboy naman ni Shane sa kaniya.

Bumusangot naman siya, "wala kang utang na loob! Akin na nga." Inagaw niya ang walang laman na plato ni Shane. Maging ang pinaglagyan ng prutas.

Nanlaki ang mata niya nang si Abdul ang nag hugas. "Hoy, ako na dyan!" agad siyang lumapit.

"Ayoko nga. Dito ako matutulog, hehe."

Hinampas siya ni Shane, "boang ka? Ayoko ang sikip na nga ng kama ko e!"

"Kasya pa 'yan. Tangkay ka naman!" asar niya pa.

"Kaya ako na pag kakamalang jowa mo e. Ayoko na. Doon ka sa lapag." Nag martsa siya pabalik sa kama. Humiga siya at nag talukbong ng kumot.

Dinalaw na siya ng antok nang may humila sa kamay niya. Inalis niya ang kumot at nakita si Abdul.

"Ano nanaman ba?!" halos maiyak na siya.

"Hindi ka pa po nag totoothbrush!" pilit siyang hinila nito pa upo.

Walang nagawa si Shane kundi ang sundin siya. Matapos niyang mag toothbrush ay halos isumpa na niya ang lalaki. Naka higa na ito sa kama niya.

"Para paraan ka naman e!" inis niya itong tinulak pero naitukod nito ang kamay kaya hindi siya tumama sa sahig.

Patabog siyang tumayo at kinuha ang banig, extrang kumot at unan sa kabinet. Nilatag niya ito. Humiga siya ng naka busangot.

"Wala ka talagang puso." Pag mamaktol niya.

"Manahimik ka dyan." Saway naman ni Shane habang naka pikit. Hanggang pareho na silang naka tulog.

Nagising siya ng mag isa sa silid. Luminga-linga siya sa paligid. Wala na si Abdul. Na mataan niya ang naka takip na plato sa mesa. Agad siyang lumapit doon.

Ginawan na po kita ng almusal kasi tamad ka. Kainin mo 'yan, masama mag sayang ng pagkain. Nauna na'ko, maliligo pa 'ko sa bahay. 'Wag kang mag papa-late kung ayaw mo masermonan:) - Baby Abdul.

Halos ma pa irap siya sa huling nabasa. Inalis niya ang takip ng plato. May sinangag at hotdog. Umupo siya at tahimik na kumain. Matapos ay naligo at nag bihis na siya. Mahirap na baka ma late pa.

Nag commute siya, hindi naman ganoon ka traffic pero mainit ang byahe. Dapat pala nag dala ako ng pamalit na damit. Sabi niya sa utak.

Pawis na kasi ang likod niya. Nang makarating ay para siyang sumabak sa gera. Halos isumpa na siya ni Mang Cueto.

"Abay aso ka ba? Kulang nalang lumaylay 'yang dila mo. Bilisan mo, mag palit ka nga ng damit mo. Basang basa ng pawis!" inis na sita nito.

"Wala po akong baon na damit." Pag amin niya.

"Kasalanan ko? Alangan naman saakin ka mang hiram? Hanapin mo shota mo laging may damit 'yon."

Ngumuso lang siya sa amo, "hindi ko nga po boyfriend si Abdul."

"Siya lang ang lalaking nakakalapit sayo. Ano ibig sabihin no'n?" tanong pa nito.

"Mag kaibigan po kami. Friends po, friends." Pabalang na tono ni Shane.

"Ewan ko sayo. Bilisan mo." Tumalikod ito at bumalik sa counter.

Agad naman niya nakita si Abdul na kakalabas lang sa kusina. Kumunot anf noo nito nang makita siya.

"Anyare sayo?" takang tanong niya.

"Pahiram ako damit. Basang basa na'ko ng pawis." Tumakbo siya sa silid kung nasaan ang gamit nila.

Nilapag niya ang bag sa upuan. Kinuha niya ang bag ni Abdul. Mayroon naman siyang nahanap na damit. Kahit may kalakihan sa kaniya ay ayos lang. Ni-lock niya ang pintuan. Hinubad niya ang damit at pinampunas ng pawis. Matapos ay nag palit. Lumabas siya para agad na mag luto.

Halos mag hapon silang palitan ni Abdul sa pag luluto at pag dedeliver. Wala naman kasing ibang tao. Ayaw mag pa sweldo ng marami ni Mang Cueto.

"O, siya mag sasara na'ko. Bukas pa ang pa sahod." Anunsyo ni mang Cueto.

"Maaga po ngayon? May sakit po ba kayo?" agad na tanong ni Shane.

"Wala, gusto ko lang mag pahinga ng maaga. Iuwi niyo nalang kung may tirang manok." Pumanhik siya sa kaniyang silid. May silid siya rito dahil ito na rin ang kaniyang bahay.

Nag tagma ang paningin ng dalawa.

"Sawa nako sa manok e." kibit balikat ni Shane.

"Ako rin. Ibibigay ko nalang siguro sa mga bata sa daan."

Kinuha nila ang gamit bago nag paalam na aalis na.

"Uy, tara na." sabi ni Abdul ng matigilan si Shane sa daan.

"Ah...sorry para kasi may nakita ako." Luminga linga siya.

"Saan?"

"Wala, baka gunu guni ko lang. Sige tara na." aya niya.

Kahit kabado ay hindi ito pinahalata ni Shane. Kung ano ang naramdaman niya kahapon ay na doble ngayon. Hindi niya mapaliwanag ang nangyayari. Naguguluhan siya sa paligid kahit na tahimik naman. Ito ang isa nanaman sa mga gabi na ayaw nanaman niyang matulog. Dahil baka habulin nanaman siya ng halimaw. Pero hindi sa panaginip kundi sa reyalidad.

-_-

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 66.4K 59
π’πœπžπ§π­ 𝐨𝐟 π‹π¨π―πžγ€’ππ² π₯𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐑𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐒𝐞𝐬 γ€ˆπ›π¨π¨π€ 1〉 π‘Άπ’‘π’‘π’π’”π’Šπ’•π’†π’” 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
3.4K 1.5K 39
< TAG - LISH > . . . A group of entangled music club members. Who has their own dreams but share the SAME GOAL. "It's to express themselves th...
148K 3.7K 21
This is my first book so it's kinda shity. My first language isn't english so sorry if i wrote something wrong. Also, you can give your opinion about...
4.5M 285K 105
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...