Lascivious Casanova (R-18) (E...

De IyaLee04

2.2M 56.8K 16.4K

Warning: Read At Your Own Risk! EXPLICIT AND MATURE CONTENT❗❗❗ Series 7 of 8 "Do you smoke?" natatawang tanon... Mai multe

Lascivious Casanova 01
Lascivious Casanova 02
Lascivious Casanova 03
Lascivious Casanova 04
Lascivious Casanova 05
Lascivious Casanova 06
Lascivious Casanova 07
Lascivious Casanova 08
Lascivious Casanova 09
Lascivious Casanova 10
Lascivious Casanova 11
Lascivious Casanova 12
Lascivious Casanova 13
Lascivious Casanova 14
Lascivioua Casanova 15
Lascivious Casanova 16
Lascivious Casanova 17
Lascivious Casanova 18
Lascivious Casanova 19
Lascivious Casanova 20
Lascivious Casanova 21
Lascivious Casanova 22
Lascivious Casanova 23
Lascivious Casanova 24
Lascivious Casanova 25
Lascivious Casanova 26
Lascivious Casanova 27
Lascivious Casanova 28
Lascivious Casanova 29
Lascivious Casanova 30
Lascivious Casanova 31
Lascivious Casanova 32
Lascivious Casanova 33
Lascivious Casanova 34
Lascivious Casanova 35
Lascivious Casanova 36
Lascivious Casanova 37
Lascivious Casanova 38
Lascivious Casanova 39
Lascivious Casanova 40
Lascivious Casanova 41
Lascivious Casanova 42
Lascivious Casanova 43
Lascivious Casanova 44
Lascivious Casanova 45
Lascivious Casanova 46
Lascivious Casanova 47
Lascivious Casanova 49
Lascivious Casanova 50
Lascivious Casanova 51
Lascivious Casanova 52
Lascivious Casanova 53
Lascivious Casanova 54
Lascivious Casanova 55
Lascivious Casanova 56
Lascivious Casanova 57
Lascivious Casanova 58
Lascivious Casanova 59
Lascivious Casanova 60
Lascivious Casanova 61
Lascivious Casanova 62
Lascivious Casanova 63
Lascivious Casanova 64
Lascivious Casanova 65
Lascivious Casanova 66
Lascivious Casanova 67
Lascivious Casanova 68
Lascivious Casanova 69
Lascivious Casanova 70
Lascivious Casanova 71
Lascivious Casanova 72
Lascivious Casanova 73
Lascivious Casanova 74
Lascivious Casanova 75
Lascivious Casanova 76
Lascivious Casanova 77
Lascivious Casanova 78

Lascivious Casanova 48

20.9K 522 89
De IyaLee04

(LC) Chapter 48


"Ilang araw kayo sa Manila?"

Kalalabas ko lang sa banyo nang itanong iyon ni nanay. Wala si tatay, nasa bukid na.

"Apat o limang araw po, Nay."

Nag-alangan pa akong sumagot. Unang pumasok kasi sa isip ko ang lakad namin ni Jax sa Manila na kami lang. Isang linggo iyon. Naalala ko hindi ko pa pala iyon naipapaalam kina nanay at tatay. Ang alam nilang pagluwas ko sa Manila ay itong parating na sports event lang.

"Huwag mong kalilimutan ang mga gamit na kakailanganin mo. Mahal yata ang bilihin doon. Kung kukulangin ang dala mong damit hindi ka sigurado kung may mabibilhan ka bang mura roon."

"Opo, dadalhin ko po lahat..."

Malayo pa, naayos na nga po ni Jax lahat. Nasa sasakyan na niya ang ibang mga gamit ko. Dadalhin niya ang sasakyan niya. Doon niya pinapasakay ang ilan sa mga kateam niya at cheering team. Ang iba ay sa service ng school para sa amin.

Pumasok ako sa kwarto. Inayos ko ang nakatapis na tuwalya sa aking katawan. Basa pa ang buhok ko subalit mas inuna kong abutin ang telepono ni Jax na nasa tabi ng bag ko. Umilaw iyon kaya't nakuha ang atensyon ko. May unregistered number na tumatawag. Iba ang pagkakaayos ng mga numero. Hindi ito numero sa Pilipinas.

Inabot ko iyon pero tinitigan ko lang at hindi sinagot. Telepono ito ni Jax. Na ang ibig sabihin lamang ay kung sino man ang tumatawag, si Jax ang kailangan. Kung sasagutin ko ito. Ano naman ang sasabihin ko? Na girlfriend niya ako? Kung hanapin si Jax, anong isasagot ko? Baka nga hindi alam nitong tumatawag na mayroon girlfriend si Jax dito. Saka hindi naman para sa akin itong tawag kaya bakit ko sasagutin?

Binalik ko iyon sa ibabaw ng bag. Pasulyap sulyap ako roon habang nagbibihis ako. Sa tuwing iilaw kasi iyon, naaagaw ang mata ko. Pinigilan ko ang sarili na sagutin iyon kahit kuryuso ako kung sino ang tumatawag. Tatlong beses pa iyon na tumawag bago tumigil. Nang tumigil saka ko ito inabot at tinitigan ang number.

Hindi kaya tawag ito galing sa Ireland? Hindi kaya magulang niya ito? Nabahala ako nang maisip iyon. Nagmadali akong magbihis. Sa halip na tawagan si Jax para sabihin iyon, naisip ko na sa eskwelahan ko na lang sasabihin. Ibabalik ko na rin muna sa kanya ang telepono niya para kung sakali na may tumawag ulit, masasagot niya. Isa pa, baka importante ito lalo pa't ngayon lang may tumawag sa kanya.

"Just cancel or don't answer any calls. Hindi pwedeng wala kang cellphone. Hindi kita matatawagan."

Iyon lang ang naging sagot niya nang sabihin ko ang tungkol sa tumawag at nang sabihin ko na ibabalik ko muna sa kanya ang phone niya. Tiningnan niya lang ang number, binura, at ibinalik na niya sa akin ang cellphone. Hindi na raw kailangan na ibalik sa kanya.

Ganoon lang? Hindi niya tatawagan pabalik? Hindi niya muna inalam kung sino iyon? O baka kilala na niya ang tumawag dahil nakita niya ang numero? Hindi ba iyon importante kaya binalewala niya?

Inuutusan niya pa akong ignorahin. Ang hirap kaya. Sobrang pagpipigil nga ang ginawa ko kanina para lang hindi iyon masagot. Kapag tungkol sa kanya, madalas pakialamera ako. Lagi akong naku-curious. Kahit 'yung mga sinabi ni Jayden, pumapasok din sa isipan ko ngunit madalas kong itaboy.

"Ipaayos ko na lang kaya ang cellphone ko? Kinakabahan ako kapag may tumatawag, e. Paano kung bigla kong masagot?"

"Sira na ang sayo, Clementine. Ayaw mo naman na ibili kita. Kung ipapaayos mo masisira lang ulit iyon. Paano kung masira habang katawagan kita o nasa emergency ka? Mag-aalala lang ako lalo kung mapuputol ang linya at hindi kita makakausap."

"Paano nga kung aksidente kong masagot?"

"Kapag nasagot mo, patayin mo ulit. O kung nakausap mo, sabihin mo girlfriend kita at busy ako?" Patanong iyon. Maging siya hindi rin sigurado. "Ikaw na ang bahala. Pero mas mabuti na huwag mo na lang sagutin para hindi ka na nag iisip ng isasagot mo."

Wala sa akin ang buong atensyon niya. Pasulyap sulyap lang siya. Nasa likod kami kung saan sila nagka-cutting noon. May bakod dito palabas. May stone bench. Mayroon puno sa tabi at duyan. Hindi kalayuan ay mga talahib na sinasayaw ng ihip ng hangin.

Dito niya nakaaway 'yung anak ng Mayor noon. Lahat ay nasa practice maliban kay Jax kaya walang tao rito. Pinagpahinga siya ni Coach dahil nakita naman nito kung gaano siya kapursigido at kapagod palagi. Parang siya na nga ang nagsilbing Coach nitong mga nagdaang araw. Wala siyang pahinga.

Nasa duyan ako at nakahiga. Nakalugay ang mahaba kong buhok. Nakalaylay iyon at malapit nang humalik sa lupa. Mahinang umuugoy ang duyan na kinahihigaan ko. Nasa dulo ng lubid ang isang paa ni Jax. Sinisipa niya iyon ng mahina upang maiduyan ako.

Pumikit ako at hinayaan ang hangin na yakapin ako. Nagpapahinga ako dahil katatapos lang namin kumain. May isang oras pa ako bago ang susunod na klase. Nasa stone bench siya, may hawak na ballpen at papel, nag-aaral. Parang nagkabaligtad kami. Siya ang nag aaral samantalang ako'y nakikitambay lang dito at nakahiga.

"Take a nap first. I'll wake you up before your next class starts."

Tumango ako habang inaantok na nakapikit. Hindi ko napigilan ang malaking hikab. Pakiramdam ko nakalutang ako. Sa bawat galaw ng duyan, pinapaypayan ako ng hangin. Ilang segundo pagkatapos niyang sabihin iyon, nakatulog nga ako.

Ilang araw bago ang game madalas kaming nasa likuran. Hindi ko alam kung sinasadya ni Coach dahil alam na niyang girlfriend ako ni Jax pero pansin ko na madalas niya kaming pagsamahin. Parang gumagawa siya ng paraan para magkaoras kami.

"Coach?"

Bumagal ang hakbang ko pababa sa hagdan nang maabutan ko si Coach na naroon at naghihintay. Nakaupo siya sa tabi ng malaking bintana. Bumaba siya roon nang matingala ako. Kahit walang salita, alam ko nang ako ang pakay niya.

Bukas na ang alis namin papunta sa Manila kaya lahat sila'y pinagpahinga ni Coach ngayong araw. Papunta nga ako kay Jax sa parking lot ngayon dahil maagang pinauwi ang mga luluwas bukas. Nagpatuloy ako sa pagbaba. Tumigil ako sa harapan ni Coach.

"May kailangan po kayo?" Magalang kong tanong.

Sinulyapan ko muna ang hagdan paakyat at pababa bago ko iyon itinanong. Dahil nga maaga kaming pinauwi, wala pa ang mga nagkalat na mga estudyante.

Lumapit ako sa bintana. Nilapag ko sa bintana ang bitbit kong makapal na libro saka ko hinarap si Coach. Kung ano man ang sasabihin niya ramdam ko na tungkol iyon sa amin ni Jax. Pwede kaming mag usap dito dahil walang tao.

Hindi siya agad nagsalita. Humarap siya sa labas ng bintana at ipinatong doon ang mga braso. Nakatitig ako sa kanya. Nakatingin siya sa labas at mukhang may malalim na iniisip. Sinundan ko ang linya ng tinitingnan niya sa labas, bumalik nga lang sa kanya nang magsimula siyang magsalita.

"He was five years old when he started playing soccer. Nagrarank siya at palaging nasa top hanggang sa ika-labing apat na taon niya."

Wala siyang binanggit na pangalan ngunit alam kong si Jax ang tinutukoy niya. Dumikit ako sa bintana. Patalikod akong sumandal doon. Nakaharap ako sa hagdan. Naroon ang mga mata ko subalit nakay Coach ang aking dalawang tenga.

"Siya ang pinakabata na nakakuha ng trophy sa world cup. He's best of the best. He could beat adults with just one smooth magnificent kick of the ball. They allow him to play world cup at the age of fourteen. A young Jaxsen Dawson's making headlines around the world."

I tore my eyes to the stairs and looked at Coach Roiland. He was still looking outside and seemed to be reminiscing about what had happened a few years ago. Nasa early forties na ito at may ilang puti na ring buhok. Mayroon na siyang asawa't anak. Ang tatay niya ay kilala rin na soccer coach sa iba't ibang bansa. Kung tutuusin nga'y pwede silang mag-migrate roon at umalis dito. Mas pinili nga lang ng pamilya niya na rito na manirahan.

"Buong akala ng lahat ipagpapatuloy niya iyon. Pero pagkatapos ng world cup hindi na siya muling nakitang naglaro."

Hindi maikukubli ang panghihinayang sa boses ni Coach. Kahit sino siguro na nakakakilala kay Jax noon manghihinayang talaga. Bata pa siya para tumigil. Kung kailan kilala na siya at saka pa siya nawala at hindi na naglaro. Ginalaw ko ang katawan ko. Sumandal ako pagilid sa bintana upang harapin si Coach.

"Bakit po hindi na siya naglaro ulit? Nabalita po ba ang dahilan?"

Ngayong ibang tao ang kausap ko mas kaya kong magtanong. Kapag si Jax kasi, parang ang bigat. Siya ang nakaranas kaya't kung siya ang magkkwento iba sa pakiramdam. Hindi ko alam kung anong nangyari pero sa unang beses na makausap ko siya tungkol doon pansin ko kaagad na may kakaiba. Na may malalim na dahilan kaya siya tumigil hindi lang dahil ayaw na niya.

"Walang may alam. Malaking tao ang mga magulang niya. Kaya nilang ipribado at kaya rin nilang isapubliko ang buhay nila kung gugustuhin nila."

Pinagsalikop ni Coach ang mga kamay niya na nasa ibabaw ng bintana. Ginilid niya ang ulo niya. Dahil nakikinig ako sa kwento niya, nagkatinginan kami pagbaling niya. Nawala na ang panghihinayang kanina na nasa kanyang mukha. May ngisi na siya sa labi. Sa paraan ng tingin niya, alam ko na kung bakit. Napaiwas ako at mabilis na namula.

"Nagulat ako nang pumayag siya. Nagtataka ako pero sa after party ko lang nalaman ang dahilan. Kaya pala siya naglaro ulit dahil sayo. May motivation na ulit siya para balikan ang passion niya."

Nakaramdam ako ng hiya. Pinagdiskitahan ko ang mga kuko ko. Kinutkot ko iyon kahit walang tatanggalin dahil hindi naman ako nagsusuot ng mga nail polish. Ang init ng pisngi ko kaya nasisiguro ko na sobrang pula ng mukha ko ngayon sa harapan ni Coach.

"H-hindi naman po siguro ako ang dahilan... Pwede rin pong... maglalaro siya dahil gusto niya na bumalik..."

"Kung walang motivation hindi gano'n kadaling mapabalik sa paglalaro ang star player na nawalan ng gana. They quit and fell out of love with their passion for some personal reasons. Kung may dahilan kung bakit sila umalis, may dahilan din kung bakit sila babalik. In Jax's case, when he thinks you are his girlfriend, it motivates him. Binigyan mo siya ng dahilan na mahalin ulit ang soccer."

Lumabi ako. Sinulyapan ko si Coach. Nangingiti ito. Pinagtatawanan yata ang pamumula ko. Nang gabing iyon kitang kita ko kung paano siya nagulat. Hindi naman siguro nakatakas sa kanya ang balita kung paano kami sa school ni Jax. Kahit sino magugulat kung malalaman na boyfriend ko siya.

"Pero wala po akong ginawa, Coach," iyon naman ang totoo. "Isang beses ko lang po siyang kinausap tungkol doon. Hindi ko po siya pinilit. Sariling desisyon niya po iyon..."

"Desisyon niyo..." pagtatama niya. "Kung hindi mo siya kinausap tungkol doon hindi niya iyon maiisip. Alam mo bang hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang kinumbinsi? Pero ikaw isang beses pa lang napapayag mo na siya."

Pinalobo ko ang magkabilang pisngi ko. I blushed more. I feel so special to be Jax's reason to play. Sa isang coach pa iyon nanggaling. Hindi na ako nakapagsalita. Nahihiya ako na natutuwa. Mahangin dito sa bintana dahil nakabukas ito at ang harang ay tanging metal frame. Sa labas ay mga damo, puno, pathway, at upuang bato. Tinapat ko ang mukha ko roon upang mahipan ang tila sinusunog kong pisngi.

"Kailan pa naging kayo?"

Sa halip na mabawasan ang pamumula sa malamig na hangin, lalo pa akong namula sa kasunod na tanong niya. Hindi na ako makatingin. Kahit sa gilid kasi ng mata ko nakikita ko ang nanunukso niyang ngiti. Nasa boses niya rin. Kaya kahit hindi ko harapin, naiitsura ko nang may kakaibang tingin siya sa akin. Kung legal lang kami ni Jax sa buong school, siguro sa tuwing makakasalubong namin siya, lantaran niya kaming tutuksuhin.

"Bago pa lang po..."

"Bago pa lang kayo pero patay na patay na sayo si Jax? Anong sikreto mo? Anong pinakain mo sa batang iyon?"

"Wala po..."

Humalakhak siya. Napayuko ako at halos itago na ang mukha. Hindi naman tunog malisyoso ang paraan ng pagtatanong niya. Simpleng biro lang iyon. Iba nga lang ang pumasok sa isip ko. Siguro kasi alam ko sa sarili ko na may pinapakain ako kay Jax.

Binuklat ko ang libro kahit hindi ko naman iyon babasahin. Naghanap ako ng gagawin para makatakas sa panunukso ni Coach. Napansin niya na hindi ako kumportable na tinutukso. Natatawa niya akong tinapik sa balikat at kalauna'y nagpaalam na rin.

"Maaga tayong aalis bukas. Dito ka na matulog-"

"Hindi nga pwede, Jax. Magtataka sina nanay kung saan ako natulog."

"Sabihin mo kay Irene o kay Cathy?"

Pahila kong hinablot ang damit niya sa loob ng kanyang cabinet. Inaalis ng kamay ko iyon sa hanger subalit ang mata ko'y masama na ang tingin kay Jax. Nasa loob ako ng walk in closet niya. Sinundan niya ako rito pagkatapos niyang maligo. Basa pa ang buhok niya at walang suot sa pang itaas. Makapal na boxer briefs lang ang pang-ibaba. Ang travel backpack niya ay nakapatong sa pang isahang sofa na walang backrest. Inaayos ko roon ang mga damit namin na dadalhin bukas.

Ang isang carry on bag ay nasa lapag. Naglalaman iyon ng mga gagamitin at susuotin niya sa laro. Nandoon din ang isusuot ko sa cheering. Niladlad niya pa iyon kanina. Nagrereklamo siya dahil naiiklian sa palda. Kahit may doble akong short ayaw niya. Pero sa huli wala naman nagawa. Iyon na ang uniform namin, e. Hindi naman pwede na mag iba ako ng suot.

"Kung sasabihin ko iyan lalo silang magtataka. Hindi ako natutulog sa ibang bahay, Jax. Bukod sa bahay namin dito pa lang ako sa kwarto mo nakatulog. Wala pa akong nakatabi sa kama, ikaw pa lang."

Nanatili siya sa pinto ngunit dumilim ang titig sa akin. Kinagat niya ang ibabang labi niya. It was all over his face that he liked what he heard. Gusto niya ang ideya na wala akong nakasama at nakatabi sa pagtulog bukod sa kanya.

"Glad to hear that..." Humakbang siya palapit sa akin. "I booked a separate room at the hotel. Doon tayo matutulog bukas."

Hawak ko ang isang tshirt niya sa aking kamay. Naglakad ako paatras nang lumapit siya. Sumimangot ako. Sasabihin niya lang iyon bakit kailangan niya pa akong lapitan? Alam ko 'yang mga ganyang tinginan niya. May ginagawa ako kaya hindi maaari ang gusto niya. Pinanliitan niya ako ng mga mata nang makita niyang lumayo ako.

"May sarili kaming kwarto. Kasama ko ang mga babae. Hindi ako pwedeng matulog sa ibang kwarto-"

"No. You'll sleep with me. You can't sleep in another room without me. Kahit babae ang kasama mo ayoko. Nagseselos ako kahit sa babae-"

Natatawa kong binato sa kanya ang hawak kong hanger. Nasalo niya iyon. Ngumisi siya. Nilapag niya ito sa sofa na nasa gitna namin. Naglalakad siya palapit sa akin habang umaatras ako kaya't naiikutan namin ang upuan at maleta niya.

"May ginagawa ako, Jax! Hindi ako matatapos kung nandito ka!"

Humalakhak siya.

"Tutulungan kita-"

"Kaya ko na! Kung hindi ko ito maaayos ngayon! Magagahol tayo bukas-"

Natigil ako. Nanlaki ang mga mata ko nang bilisan niya ang kanyang hakbang.

"Jax!" Tili ko.

Malakas ang tawa ko habang tinatakbuhan siya. Mas matangkad siya at mas mahaba ang mga biyas. Binigla niya pa ako at nawalan ng oras na tumakas. Katatalikod ko pa lang at nakakadalawang hakbang pa lang ako'y naramdaman ko na ang pag angat ng mga paa ko sa sahig. Nasa likod ko na siya. Ang isang braso niya ay nakaikot sa aking katawan. Nabuhat niya ako gamit lang ang isa niyang kamay.

"You can't escape from me, my little girl..."

Kinilabutan ako sa tono ng boses niya. Sabay kaming natawa. Nagsimula siyang maglakad palabas ng walk in closet na bitbit ako. Winagayway ko ang mga paa ko. Kahit pumalag ako walang silbi. Solido ang braso niya at walang pag asang makawala. Nang ihagis niya ako sa kama binato ko sa kanya ang mga unan. Tumigil siya sa paanan ng kama. Ang dapat na ihahagis ko sa kanyang unan ay naitakip ko sa aking mukha nang ibaba niya ang boxer brief niya.

"Gago ka talaga!" Tawang tawa ako sa ginagawa niya.

"Don't be afraid, baby, you can survive this. Para lang itong tusok ng karayom. Hindi masakit."

Ang lakas ng halakhak niya. Namumula na ako sa unan. Lumundo ang kama. Nakaramdam ako ng halong kaba at pagkasabik. Nauubusan ng hiningang naitili ko ang pangalan niya nang pagkasampa niya sa kama'y hinila niya ang mga binti ko palapit sa kanya. Hinagis niya sa malayo ang unan na hawak ko. Mabilis niya akong kinubabawan. Pagkataas niya sa suot kong damit niya, hindi na ako pumalag.

"When you say five glasses, you only drink five glasses. Do you understand?"

He pulled my panties down to my ankle. Hinubad niya rin ang kanya. He pointed his massive needle at me. He was so ready to vaccinate me. Umabante siya. Umangat ang likod ko nang tusukin niya ako hanggang kaibuturan.

"And one more thing," he groaned. "You still owe me that one hour kiss. Sisingilin ko na ngayon... Fuck!" He groaned again. I nodded and was unable to answer in the middle of his thrusting. He cupped my face and leaned forward, bruising my lips with his.

Continuă lectura

O să-ți placă și

1.2M 44.4K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
173K 6.4K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...