It Was Mariella Sienna

By theuntoldscripts

26.6K 1K 264

Tattooed wounds. Engraved pain. Drowning innocence. Those are the things that she could never get rid of nor... More

Disclaimer
PROLOGUE
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31

Chapter 09

491 30 6
By theuntoldscripts

Chapter 09

He meant it for sure. Maybe having a friendship with him wasn't bad at all. Besides, establishing a connection with him would be good for the project. If I met someone, it usually takes a lot of time before I get comfortable or be close with that someone, but in Liam's case, it didn't take a lot of time unlike when I met his brother. Maybe because of realization? But was it really a realization? Will it be bad if I ease myself a bit?


"Good morning, Miss." Naputol ang unti-unting bumabagabag sa isipan ko nang batiin ako ni Aliyah. Hindi ko napansin na nakapasok na pala siya sa kwarto ko. "Ginabi na daw kayo ng uwi kagabi. Hindi ko na kayo nahintay dahil nakatulog kaagad ako."


"It's fine. Kumain pa kasi kami ni Liam kagabi, nagpumilit kaya pumayag na ako." Nasa harapan ako ng salamin, kasalukuyang inaayos ang kwelyo ko.


"Did you have a great time with him?" She asked. I opened my mouth, but they only shivered as if I still hadn't planned the words to say yet.


"U-Um... Kind of?" I wasn't sure of my answer, which made her brows furrowed. "Alam mo naman kung paano mag-isip 'yun. Kulang na lang mag-sumbong na ako kay Tita Lea dahil sa pagiging isip-bata niya pero wala na rin namang patutunguhan 'yun. Trademark siguro 'yun ni Liam. Masasanay din ako."


"Magagawa mo namang masanay kasi kaibigan mo ang kapatid niya. Lagi-lagi kayong magkikita nu'n."


Yumuko ako at ngumisi. May punto naman ang sinabi niya lalo na ngayon na tinuring ko na si Liam na kaibigan. Iwas na iwas pa ako nung una pero heto ako, naglaglag ng kondisyon.


"Aliyah, I have a question." When I'm done fixing my collar, I turned my gaze towards her. "What do you think of me living in England?"


She tilted her head and took a moment to gather the words she would say. "Well, you said to me that you're going to be fine there living temporarily—"


"I mean, permanently," I cut her off and when I cleared that out, I saw her shoulders losing its strength. She was appalled by my question.


"M-Ma'am, that's a big adjustment to do... But if you really want to, then it's okay as long as you will feel better. I will not object to your decisions. What's important is your mental health," she explained sincerely.


I really need help. Pakiramdam ko kasi nabubuhay ako sa takot, 'yung takot na naramdaman ko noon nandito pa din... 'Yung mga nangyare noon ang nagdidikta sa akin kung ano dapat ang maging kilos ko at bawat mali ay paparusahan na naman ako. Ang hirap matulog na may bigat na nararamdaman na hanggang sa paggising mo nandoon pa din kaya ko ginagawa 'to kasi lahat ng sakit buhay na buhay pa rin sa isipan ko. Lagi na lang akong umiiyak dahil naaawa ako sa sarili ko.


"Nagtanong lang naman ako..."


"But you're considering it, Miss. Sabi mo sa akin masaya ka du'n, tahimik at malayo dito. Hindi rin naman kita masisisi dahil 'yun din naman ang gusto ko para sa 'yo."


Naging malambot ang puso ko dahil sa huli niyang sinabi. Kahit alam kong imposible, gusto ko pa rin subukan. Kahit alam kong mahirap, gusto ko pa ring maramdaman ulit na sumaya, kahit saglit lang. Mangyayare lang 'yun kapag tumira ako sa England.


"Thank you, Aliyah. Sige na, mauna ka na sa opisina. May pupuntahan pa ako."


Binitbit ko ang mga bulaklak na nakalagay sa lamesa pagkatapos ay umalis na ng kwarto. Dalawang araw na lang, undas na. Inagahan ko na ang pagpunta dahil kapag sa mismong araw ng undas ako bumisita ay maraming tao. Mas mabuting maaga para naman matagal akong manatili du'n.


Sumakay ako ng kotse at hindi nagtagal ay pinaandar na ito para makapunta na sa sementeryo.


Sa tuwing sasapit ang undas ay muli nitong pinapaalala na ako na lang ang mag-isa... Ako na lang ang natira. Noong nawala si Papa, 'yun ang pinaka unang beses na sobra akong nasaktan. Ang akala ko masasanay na ako at kapag tumagal ay mawawala na 'yun pero nung sumunod si Ate Marion, du'n na nagsimulang magkaroon ng takot sa akin... Takot na takot akong maiwan kaya ginawa ko lahat para lang protektahan ang mga natira sa akin, si Mama at Mimi. Lahat ginawa ko para hindi ako maiwan pero sa huli naiwan ako. Nawala si Mama at Mimi.


Ang akala ko 'yun na ang pagiging huli ng pagdurusa ko... Ang akala ko doon na magtatapos ang pangungulila ko pero hindi. Walang tapos na pangungulila ang naranasan ko noong anak ko naman ang nawala. Mas doble 'yung sakit kasi hindi mo man lang nahawakan... Hindi mo man lang naisilang... Hindi ko man lang nakasama kahit saglit.


Wala na 'yung pamilyang kinalakihan ko pati na rin 'yung pamilyang pinapangarap ko. Kung alam lang ng anak ko kung gaano ko kagusto na ipanganak siya. Kung alam lang ng tatay niya kung gaano ko siya kinapitan. Kung alam ko lang talaga na kulang, gagawin ko ang lahat maging buo lang para mailigtas ang anak ko pero huli na.


Lubos ang paghingi ko ng tawad sa pamilya ko, kay Aly, sa anak ko... at sa sarili ko. Hindi ako darating sa punto na mapapatawad ko ang sarili ko. Hindi ko kaya.


Nang matanaw ko ang puntod ng pamilya ko ay bumuga ako nang malalim na hininga. Hindi pa ako nakakarating sa mismong puntod nila ay nararamdaman ko nang bumibigat ang pakiramdam ko. Parang naiipon sila sa lalamunan ko.


Ganito naman palagi. Sa tuwing bibisita ako ay laging bumibigat ang pakiramdam ko. Nakakahiya man isipin pero hindi ako tumigil... Bawat punta ko dito, lagi-lagi akong humihingi ng tawad.


When I already got in front of their graves, I blew out a deep breath, trying to calm things going on inside my head and heart. Isa-isa kong nilapag ang bulaklak sa bawat puntod pati na rin ang pagsindi sa kandila. Nang matapos ay umupo ako sa damuhan at ngumiti bawat isa sa puntod.


I smiled even though things were getting heavy inside of me. I put a smile on my lips despite having flashbacks on how I lost them. I was trying my best to give my best appearance, but I failed. A weak laugh came out of my mouth and I slowly slipped my gaze away from them.


"S-Sorry..." That was the first word I whispered. I shut my eyes for a moment and pressed my lips together, trying to maintain my composure. "I'm really sorry..."


Minulat ko ang mga mata ko at tinatagan ang loob na titigan ang bawat puntod nila para humingi ng tawad. Ni hindi ko man lang sila magawang kamustahin kasi sobra akong nahihiya. Hindi ko alam kung saan lulugar sa sitwasyon na 'to. Ang alam ko lang ay sobra-sobra ang pagkadismaya ko.


"I know 'yun na lang lagi 'yung sinasabi ko sa tuwing pupunta ako pero 'yun kasi 'yung nararamdaman ko... 'Yun at 'yun lagi yung gusto kong sabihin." Nagklaro ako ng boses dahil sa panginginig. Kahit ayaw kong lumuha ay nagrerebelde ang mga mata ko. Kahit anong pigil ko ay laging maiipon ang mga luha ko. Hindi ko alam kung kailan ako bibisita nang hindi lumuluha... Hindi ko alam kung kailan ako makakabisita nang nakangiti.


"Sinubukan ko... I tried to distract myself to not think of it. I thought being successful and reaching my dreams would lessen the pain, but it didn't... I thought it wouldn't hurt anymore... but it hurts, it still hurts."


Pakiramdam ko walang saysay 'yung mga bagay na inabot ko kasi hindi ko man lang 'yun nabigay sa pamilya ko. Nagsumikap ako kasi gusto kong maituon ko ang isipan ko sa ibang bagay. Pero kahit hindi ko naman siya naiisip, alam na alam ko sa sarili ko na hindi ako okay.


"M-Miss ko na kayo, sobra. Ang hirap mag-isa. May mga tao namang nakapaligid sa akin pero bakit pakiramdam ko kulang na kulang ako?" Niyakap ko ang mga hita ko at pinatong ang noo ko sa tuhod ko. "Masisiraan na yata ako... Sobrang lungkot kasi."


Umiling ako at pinikit ang mga mata ko na dahilan para kumawala ang mga luha. "A-Ayoko na dito... Hindi ko na kaya."


Mamamatay yata ako dahil sa sobrang lungkot. Hindi ko na alam ang gagawin ko. I was trying to motivate myself to stay alive, but I just can't help thinking of what it feels to just rest, to ease myself. Even though I'm getting medication to stay sane, I couldn't help thinking of what would be the feeling if I'm just going to lie down and wait for my time to end.


"S-Sorry talaga... Sorry kung naging ganito."


Kung maibabalik ko lang talaga ang dati, gagawin ko. Kung kailangang magparaya ako gagawin ko, maranasan ko lang ulit kung paano ang pakiramdam ng may pamilya. Hanggang ngayon nangungulila pa rin ako at hindi ko alam kung hanggang kailan ganito.


Pagkatapos kong bumisita sa sementeryo ay dumiretso ako sa grocery store, balak ko kasing bilhan ng basket ng prutas sila Valerie at Saga. Matagal na akong hindi nakakabisita sa kanila. Sasadya lang ako saglit dahil marami pa akong kailangang gawin.


I was busy shopping when suddenly my cart got bumped into someone's cart.


"I'm sorry..." Humina ang boses ko sa dulo nang makita kung sino ang nakabunggo ko. Parang napugto ang hininga ko nang masilayan ang mukha niya. Isang taon na ang nakalipas nung huli ko siyang nakita. Pagkatapos ng kasal, hindi na ako nagparamdam. Lumayo ako kasi ayokong makaabala ang presensya ko sa kanila.


When our eyes met, I felt my muscles become tense. I was losing my control with breathing, but I felt like breathing became unknown in my vocabulary when my eyes slid down to her tummy. Her hand was placed on her stomach, caressing and protecting it after the bumping happened.


So, it's true that she's pregnant.


Nanatili ang mga mata ko sa tiyan niya. Ginigising ko ang diwa ko at sinusuway ang sarili na alisin ang tingin du'n bago pa siya makaramdam ng hindi pagkakomportable pero hindi ko magawa. Naging tuliro ako sa hindi inaasahang pagkikita namin.


"Hi, nice seeing you," bati sa akin ni Vien na dahilan para kumurap ang mga mata ko. Nang magsalita siya ay du'n ko lang naalis ang tingin ko sa tiyan niya. Pilit akong ngumiti para matakpan ang nararamdaman ko.


"Kumusta na?" Tanong ko.


"A-Ayos lang," nauutal niyang sagot at inalis ang kamay niya sa tiyan. She felt uneasy in front of me and looked tense.


"Ease yourself. Makakasama 'yan sa baby mo," sabi ko habang nakangiti. Ayokong ilagay siya sa sitwasyon na nahihiya siya o nastrestress. Makakasama 'yun sa baby niya.


Nakita kong nagpakawala ito nang malalim na hininga bago ngumiti sa akin. "Ikaw, kumusta ka na? Isang taon kitang hindi nakita."


Kasi hindi ko pa kaya... Hindi pa ako nakakausad.


"Doing good, but busy as always. 'E 'yung baby, kumusta? K-Kailan mo nalaman na buntis ka?" Sa huling tanong ay nautal ako pero sinubukan kong kumalma at hindi ipahalata na kinakabahan ako.


"Nalaman ko lang nung last week at sabi naman ng doktor ayos naman ang baby. May heartbeat," aniya at napatango ako. Mabuti naman kung gano'n.


"Ano namang naging reaksyon ni Aly?" Alam kong dapat hindi na ako nagtatanong pa pero hindi ko mapigilan at sa bawat tanong na nasasagot ni Vien ay muli na namang bumibigat ang pakiramdam ko.


"Ayun... Nataranta. Pinapatigil muna ako sa work tapos kahit last week pa lang namin nalaman na buntis ako, nag-wowork from home na siya. Sabi ko nga hindi pa naman kailangan pero siya 'tong makulit na may halong pagka-nerbyoso. Alagang-alaga na ako kahit kaya ko pa naman."


When I heard that from Vien, I couldn't help but to get envious. I was smiling as I listened to her, but deep inside, I was envious and sad at the same time, because I didn't experience that from him. I'm the only one who provides for my baby and every time I'm thinking about my needs for my pregnancy, I always get frustrated on where I will get money.


Maselan ang pagbubuntis ko. Sa pagkakatanda ko, lagi akong dinudugo kaya lagi akong pumupunta ng ospital pero minsan namomoblema ako dahil sa mga gastusin. Palihim akong umiiyak kasi sa pagbubuntis ko pa lang hindi ko na mabigay 'yung mga kailangan ng anak ko, paano pa kaya kapag naisilang ko na.


Naiinggit ako kay Vien kasi sa pagbubuntis niya, may kasama siyang mag-aalaga sa kanya pero noong ako ang buntis, wala, ako lang mag-isa. Ni hindi man lang naranasan ng sanggol sa sinapupunan ko ang marinig ang boses ng tatay niya. Ngayon... Nakakaramdam ako ng kaunting galit pero ako naman ang lumayo. Ako ang humiling kay Vien na huwag ipapaalam kay Aly kung nasaan ako kahit dala-dala ko ang anak namin.


I think this madness I'm feeling is invalid... It's immature knowing that I was the one who stayed away and raise the child who everyone thought the father is the rapist. It just felt so wrong to feel that way.


Lumapit ako kay Vien at hindi nag-alinlangan na hinimas ang tiyan niya. Mapait akong ngumiti habang hinahaplos ang tiyan niya kung saan may nabuong buhay doon. "Be good to your Mom, okay? Don't give her such a hard time," I said to the baby.


Umayos ako ng tayo at ngumiti kay Vien. "Can I have a request?" I asked.


"Ano 'yun?"


Tumikhim ako bago ilapag ang mga salita ko. Kahit hindi naman nila sabihin sa akin ay alam kong hindi pa rin sila komportable sa nangyare at gano'n din naman ako. Ayokong maging sagabal ako sa kanila dahil sa nangyare.


"Puwede bang huwag mong sabihin kay Aly na nagkita tayo? 'Yun lang naman 'yung favor ko." Noong tumawag si Aly ay nagkunwari akong abala sa trabaho. Naging excuse ko ang pagiging abala sa trabaho para lang maiwasan siya dahil pakiramdam ko mali 'yun.


"S-Sige. Kung 'yan ang gusto mo."


"Thank you. Mauuna na ako." Akmang magsasalita pa sana siya pero nilagpasan ko na siya dahil pakiramdam ko hindi ko na kakayanin pang manatili sa harapan niya at magkunwaring hindi ako nanlulumo sa nakita ko.


Dala-dala ang basket na may dala-dalang mga prutas, malalaki ang mga hakbang na ginawa ko para makalabas na ng grocery store. Nagmamadali ako dahil sa mga nagbabadyang luha na nagsimulang mamuo nang matapos ang usapan namin ni Vien.


I was losing it and when I got inside the car, I immediately leaned my forehead on the steering wheel. I closed my eyes, trying to lock my tears. My heart was writhing. Everything felt so heavy, but I was forcing myself to neglect the feeling.


"Shh... I-It's okay. Please, huwag kang iiyak." Pinakikiusapan ko na ang sarili ko kahit na gustong-gusto nang kumawala ng mga luha ko. Sa pagpipigil ay lahat ng sakit ay napunta sa lalamunan ko. Parang barado ito na dahilan para 'di ako makahinga nang maayos.


My breathing was shaky and my hands felt numb. I want to ease myself after that encounter, but the realization just hits so hard that I couldn't make an excuse.


Even though I'm not calm yet, I started the engine of my car and left to escape, to distract myself from the pain. Pasimple kong pinunasan ang mga luha ko at tumingin sa rear mirror, tinitingnan kung sobra ba ang pamumula ng mga mata ko.


I practiced smiling to hide my true emotions. Maka-ilang beses pa akong nagpakawala ng hininga para maibalik ang tamang kontrol ng paghinga.


Hindi ko inalis ang ngiti sa labi ko hanggang sa makarating ako sa bahay nila Valerie. Tumingin pa ako sa bintana ng kotse ko bago dumiretso sa loob dahil gusto kong maayos akong haharap sa kanila.


When I made sure that I didn't look like a mess, I started walking and as I got near their house, the giggles and laughs echoed in my ears. Hearing that, I was stunned and my hands turned into fists. Someone was telling me not to go in, but I want to. I gulped multiple times as the joy reached the depths of my soul, not to ease the envy, but to make it even worse.


Nasa labas pa lang ako ng bahay nila Valerie pero rinig na rinig ko na ang mga tawa nilang pamilya. Ito ang unang beses na hindi ako nasiyahan sa tunog na 'yun. Pakiramdam ko pinapahirapan ako ng mga tunog na 'yun na nagsisilbing kasiyahan.


Nanatili ako sa labas at 'yung mga mata ko ay nakatuon sa lugar kung saan nanggagaling ang mga tawang 'yun. Makailang beses akong pumikit para pakalmahin ang sarili pero wala... Hindi ko kinakaya. Bakit ba ang malas ko sa araw na 'to?


Kahit hindi ko sila nakikita ay gumuguhit sa isipan ko ang sayang nakaukit sa mga mukha nila habang nagkakatuwaan. Akmang iiwas na ako ng tingin pero nahuli ng mga mata ko ang mga taong lumilikha ng nakakapagpabigat na tunog na 'yun.


Lumitaw sila sa mga mata ko at halos hindi na ako huminga nang masilayan ang pagiging masaya nila. Hindi ko itatanggi... Hindi ko na kayang itanggi na naiinggit ako sa pamilya ni Valerie. Kagaya ko, naging mabigat din ang pinagdaanan niya. Naging tampulan siya ng mga tao at kagaya ko ay dating naging pariwara ang buhay niya pero nagawa niya pa ring magkaroon ng pamilya... Bagay na wala ako.


Hindi ko alam... Sobra ako nanghihinayang, naiinggit, at nalulungkot. Kung tutuusin halos pareho lang naman kami ng naranasan pagdating sa mga tao pero nagawa niya pa ring umusad, hindi kagaya ko na napag-iwanan. Ang akala ko wala akong nararamdaman sa tuwing nakikita ko ang pamilya ni Valerie pero ang totoo inggit na inggit ako kasi hindi ko magawang magkaroon nang gano'n. Paano ako magkakaroon ng pamilya kung ganito ako? Kung ganito ang sitwasyon ko?


Kaya siguro hindi na ako binibigyan ng pamilya dahil 'yung mga taong kagaya ko dapat mag-isa lang... Siguro gano'n nga talaga. Bakit pa ba ako maghahangad kung alam kong hindi naman ako nararapat? Kasalanan ko naman kung bakit naging ganito. Ako ang may kulang, ako ang may mali at nasa akin ang problema.


Iniwan ko ang basket malapit sa pinto nila at tumakbo palayo. Tinakpan ko ang bibig ko, sinusubukang ikulong ang mga hikbing gustong kumawala. Nagmamadali ako para lang walang makasaksi ng pagluha ko.


Sa mga ganitong sitwasyon, nakaya ko namang labanan noon at magkunwaring parang wala lang pero 'yung realisasyon na nabuo sa isipan ko ang mas lalong nagpabigat sa sitwasyon ko. Bakit ba ganito ang araw ko ngayon? Ano na naman ba ang ginawa ko?


Malalaki ang mga hakbang na ginawa ko. Palabas na sana ako ng gate nang biglang may sumalubong sa akin na dahilan para magkabungguan kami. Kahit malaki ang katawan niya ay nagawa kong balansehin ang katawan ko para 'di mahulog.


When my eyes glanced on the person I bumped into, I silently cursed.


"What are you doing here?" Tanong sa akin ni Liam. Nagpakita ako ng pekeng ngiti sa kanya kahit na sobra na akong nasasaktan. Pinagsumikapan kong itago ang nararamdaman ko pero hindi ko alam, parang kaunti na lang sasabog ako. Punong-puno na siguro kaya gano'n na lang kabigat.


"I-I was here..." I stuttered which is why I didn't finish what I was going to say. I have my answer already, but I felt like my mouth was against the idea of answering his question, as if it was waiting to respond only on the right question.


"T-The basket I left..." I was being forceful and aggressive. It was like I was putting pressure on myself to quickly answer him, but I just couldn't. Sa tuwing bubukas ang bibig ko para magsalita ay parang nararamdaman kong kaunti na lang ay bibigay na ako.


Naging malikot ang mga mata ko. Hindi nito magawang mapirmi ang atensyon kay Liam na nasa harapan ko at naghihintay ng sagot kung bakit ako nandito. Natataranta ako at nagiging blanko.


"You're panicking..." He said and stepped a little closer to me. He leaned his head a little bit closer on my face as if he was checking me. Even though I couldn't maintain an eye contact with him, I saw his brows furrowed, but after moments of looking at my face, his confusion slowly disappeared and it was replaced with worry.


"Are you okay? Is there something that happened?" He asked with a comforting tone; however, I could still hear the concern in his voice.


When that question was heard, my attention went to him and I couldn't resist myself from looking intently. Maybe that's the question I was waiting to hear all along. Maybe I was just waiting to be asked if I'm okay because honestly, I'm fucking not. I don't feel okay at all... I feel so scattered all of a sudden.


After hearing that, a weak laugh escaped from my lips. "I-I thought I could just ignore it..." My eyes were still on Liam as I slowly found the words that would answer his question. I don't know why I will let him hear these words of mine, but it's just too much already to keep.


"I-I thought I could bear keeping it, neglecting it for a long time... I thought it wouldn't hurt anymore, but it hurts... I-It hurts so much." When those words came out from my mouth, I covered my eyes and started crying. The frustration, envy, disappointment, and loneliness. It all became one, making me weak.


"I-It still hurts... Sobrang sakit pa rin," umiiyak kong sabi. "I mean, I have so much and I should be happy for myself, but sometimes I couldn't help asking myself what am I even doing? W-Why I'm still hurting?"


When my hand couldn't accompany the tears coming out from my eyes, I put the other hand on my face to cover everything, to cover my mess. I bawled on my palms as I felt the pain surrounding my heart.


"W-Why does my day have to be this heavy?"


As I grow older, I'm starting to realize that I'm doing stupid things and wasting every minute just to get better. It just gives me the anxiety that I'm growing old but unhappy. It's hard when you realize that you're getting old and time has gone by so fast, but you're still stuck and couldn't go on forward because you feel drained and scared. Why should I even look forward to another day if the pain is relentlessly killing me? 

Y A S S Y N O T E S

Continue Reading

You'll Also Like

381K 24K 65
In the vibrant city of Jaipur, a secret deal was struck between two worlds. Abhimaan Deep Shekhawat, the enigmatic King of Rajasthan, controlled the...
1.8M 45.7K 67
When Ana confronts her new neighbour after being kept up all night by his sex noises, she's mortified to discover he's none other than Freddie-the po...
2.9M 71.4K 22
"Stop trying to act like my fiancée because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
516K 7.7K 32
Rajveer is not in love with Prachi and wants to take revenge from her . He knows she is a virgin and is very peculiar that nobody touches her. Prachi...