It Was Mariella Sienna

By yassynotes

26K 1K 261

Tattooed wounds. Engraved pain. Drowning innocence. Those are the things that she could never get rid of nor... More

Disclaimer
PROLOGUE
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31

Chapter 07

891 41 5
By yassynotes

Chapter 07

"You're someone to be proud of."


His voice echoed in my ears. It was strange that his words reached the depths of my heart instantly, making me silent for a moment, and with that, I knew that I was in trouble. As I held my gaze to Liam, there was another doubt growing inside of me; another branch of fear bloomed. It affected me in a way that I became scared even more because of what I heard.


Dahil sa takot ay dali-dali kong tinanggal ang kamay niyang nakapatong sa ulo ko pagkatapos ay tumayo. Tuluyan kong nang iniwas ang tingin ko sa kanya. Nagsimulang manginig ang mga kamay ko na sinabayan ko ng pagkutkot. Hindi ako mapakali bigla at pakiramdam ko ay napuputol ang bawat paghinga ko.


Liam was confused on why I shoved his hand and distanced myself. I had anxiety, and now I have to find a way to stop it from getting worse again. This is the second time that I'm having an attack as I talk with Liam... I don't know why, but his words sounded remorseful.


"Magiging busy ka ba kapag nakabalik na tayo ng Maynila?" Nauutal kong tanong sa kanya. Nagawa ko pang kontrolin ang boses ko kahit inaatake na ako. I'm getting swayed, and it's not good. I should have never let my guard down if I knew that this would happen. I don't want to look like a psyche in front of him.


"I think so," he replied, which made me smile.


"That's good to know," I whispered and was relieved to know that he's going to be busy. But the project, he's part of it. How am I going to distance myself from him if I'm the head of the project and he's always coming with us?


"What's good about that?" He questioned with his forehead furrowed. I felt my lips dry as I'm getting restless. I thought Liam didn't hear me, but unluckily, he did. I was only talking to myself, and yet he still heard it.


"N-Nothing... Magiging busy din ako sa mga susunod na araw kagaya mo. Kapag bumalik na ako ng Maynila, balik na naman sa dati."


"Ma-mimiss mo ako, ano?" May halong pag-aasar sa tono ng boses niya kaya umangat ang sulok ng labi ko.


"Asa ka. Bakit naman kita ma-mimiss? Sino ka ba? I only know him as Saga's younger brother and nothing more. "Uuwi na tayo bukas. Kapag nakabalik na tayo ng Maynila, kakausapin ko si Tita Lea na hindi mo na kailangang sumama sa amin. Ayaw mo din namang sumama, hindi ba?" Nakita ko ang reaksyon ni Liam at naguluhan ako. Napalitan 'yun ng pag-aalinlangan.


"Wala akong sinabi na ayaw kong sumama. Sa pagkakatanda ko, ikaw ang nagsabi sa akin na hindi ko na kailangang sumama kahit balak kong tumulong," pagtatama niya. Napakamot ako sa ulo ko. Hindi naman kasi puwedeng lagi siyang sasama sa amin. Hindi naman kami pareho ng schedule.


Tumayo siya at inisang hakbang ang pagitan namin kaya napaatras ako nang bahagya. "Anong ginagawa mo?" May diin kong pagkakatanong at sinubukang labanan ang mataman niyang tingin.


"Do you dislike me that much, Sienna?" He questioned, which made me blink.


"What are you even talking about?"


"The way you talk, the way you act to me..."


I became serious. "As I told you, this is how I talk or act to everyone who I just met. You can ask your brother—"


"No, labas si Saga dito. I know you're being skeptical of me, I can see that in your eyes... Pero kitang-kita ko rin sa mga mata mo na hinahanapan mo ako ng butas para mapaniwala mo ang sarili mong tama ka sa hinala mo... Kahit nga wala akong ginagawa, alam na alam kong pinagdududahan mo ako."


That hit me from the depths of my soul. All of what Liam said was accurate to what I was thinking. I thought I was hard for him not to read me or be visible of my thoughts, but he was able to read me through my actions.


I feel like I got cornered. Words were deserted from my mouth as the words echoed in my ear. I was just being cautious... Being careful not to get fool again. I don't take that into consideration even though he's my friend's brother. I failed to defend myself from him. I felt like I was out of words, stuck and thoughtless.


I became vulnerable as he told his observations that literally struck my intentions. It was accurate that I couldn't fire back or deny. We were both serious and quiet, but suddenly, he tapped my head lightly and smiled softly.


"Crossed the line... Sorry," he muttered and then walked past me. What the hell just happened? I followed him with my eyes being serious. He was still able to smile after confronting me.


Sinundan ko ng tingin ang bulto niya hanggang sa makapasok na siya sa bahay habang ako naman ay naiwan na hanggang ngayon ay pinagsusumikapan pa ring itaboy sa isipan ang narinig ko sa kanya. Pilit kong tinatanggi dahil natatakot ako... Natatakot akong bumigay ulit.


Being a busy person will refrain us from seeing each other, which is good because that is what I wanted behind those words I said. Keeping myself busy will make me stay away from him, just like I did to Aly. I don't even want to cross paths with him.


I want to keep myself away from Liam, but until now, I'm still confused on why I put so much effort just to get rid of him. I wasn't like this when I first met his brother, but when it comes to Liam, I feel like I have to refrain myself from getting close to him. I feel danger towards him.


"Tutuloy ba talaga kayo sa pag-alis? Kasasabi lang kasi sa balita na malakas daw ang ulan. Panigurado ako pati 'yung port mag-aanunsyo ng cancellation ng mga byahe dahil sa lakas din ng alon."


Bago pa man tumunog ang alarm clock ay maaga na kaming nagising dahil sa lakas ng ulan. Ala-singko ang alis namin papuntang Calapan Port pero nang marinig namin ang balita ay nagdadalawang-isip kami kung tutuloy kami sa byahe. Ngayon namin balak umuwi pero dahil sa masamang panahon, mukhang mapipilitan ang magdesisyon na manatili muna hanggat maging maayos ang panahon.


Inabutan ako ni Mrs. Sanchez ng kape at nagpasalamat naman ako. Tumingin ako sa mga kasamahan ko at nakita ko silang lahat na nakatingin sa langit na nag-uulan. Mukhang nag-aalala dahil sa masamang panahon.


Nakapag-impake na kami kagabi pa lang. Maayos naman ang panahon kahapon, sobrang liwanag pa nga pero ngayon na alas-tres pa lang ng madaling araw ay malakas na ang ulan pati ang hangin.


"Miss, tutuloy ba tayo?" Tanong sa akin ni Aliyah. Nagpakawala ako nang malalim na hininga.


"Hindi na muna. Delikadong magmaneho sa ganitong panahon. Madulas ang mga kalsada at saka baka kapag dumating na tayo sa port ay mag-kansela na sila ng byahe. Mas mabuting mag-stay muna tayo dito ng ilang araw kung ayos lang kay nila Mrs. Sanchez," sabi ko.


"Naku, ayos lang 'yun. Manatili muna kayo dito at hintayin niyong maging okay ang panahon. Sana nga lang ay huwag ng lumala ang ulan, baka kasi matumba 'yung mga kable at mawalan ng kuryente," Si Mrs. Sanchez.


Naagaw naman ang atensyon namin dahil sa paglabas ni Liam sa kwarto. Papunta pa lang ang tingin niya sa akin ay kaagad kong tinanggal ang atensyon sa kanya at tinuon sa ibang bagay. Umakto akong parang wala ang presensya niya.


When he stood beside me, his scent pervaded my nose. I didn't look at him, instead, I acted like he was a ghost standing beside me.


"Sienna—"


"Guys, hindi muna tayo tutuloy sa byahe," sabi ko sa mga kasamahan ko at naglakad palapit sa kanila. Nakatakas ako sa balak na pakikipag-usap sa akin ni Liam. Ginawa kong palusot ang pakikipag-usap sa mga kasamahan ko para lang maiwasan siya dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggal sa isipan ko ang sinabi niya kagabi.


"Sorry pero need nating mag-stay ng ilang araw kasi delikadong bumyahe sa ganitong panahon. Hintayin lang natin na maging okay 'yung panahon, tsaka tayo aalis," dagdag ko.


"Ayos lang kami du'n, Ma'am. Safety first nga, hindi ba?" Pagsang-ayon ng empleyado ko at gano'n din ang ibang kasamahan niya. Napangiti naman ako dahil hindi sila nagpumilit kahit alam nilang may pamilya silang dapat uwian. Mas magiging ligtas kami kung mananatili muna kami dito.


Pumatak ang ala-singko at unti-unti ng lumiliwanag pero gano'n pa din, madilim pa din ang kalangitan at wala pa ring tigil sa pag-ulan. Hihina ang ulan at hangin, pagkatapos lalakas ulit. Sana nga lang ay hindi kami magtagal dito dahil malapit na ang undas, kailangan kong bisitahan ang puntod ng pamilya ko, lalo na ang anak ko.


"Nag-away ba kayo ni Sir Liam?" Naputol ang malalim kong pag-iisip nang biglang magsalita si Aliyah. Napunta sa kanya ang tingin ko at tinaasan siya ng kilay.


"Hindi," matipid kong tugon.


"'E bakit iniiwasan mo? Parang kahapon naman ayos lang kayo."


I sighed and then leaned my back on the chair. "Nothing's wrong with us. Just doing business." I peeked at Liam who was sitting on the stairs, seriously looking at his phone. "Look at him being serious. I'm sure it's about his business... I should really talk with Tita Lea about him coming with us."


"But he's a good help, though. He's fast and reliable. Nakalimutan ko nga na siya ang CEO ng Trevino Tech dahil marunong siyang makisama." Totoo naman ang sinabi niya pero hindi naman kailangan ni Liam na laging sumama sa amin. Ang importante ay nabibigay niya ang mga kailangan ko kagaya ng mga gadgets.


"By the way, after this project, you're in charge of the company. Three months lang gagawin 'tong project na 'to and after that, pupunta na ako ng England."


"Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala. Kapag natapos na ang project na 'to, sarili mo naman ang pagtuunan mo ng pansin. Sana kahit papaano gumaan 'yung loob mo sa gagawin mong therapy. Ayaw mo ba talaga na sumama ako?"


Umiling ako. "Hindi na. Kaya ko naman ang sarili ko at saka aalalayan naman ako ng doktor."


After Aly's wedding, I went to England to see my doctor. I stayed there probably for six months. Living there gave me comfort. If Aliyah didn't persuade me to come there, I probably would never realize how peaceful my life was there.


Pagkatapos nitong project na 'to ay lilipad ako patungo ng England para isagawa ang therapy na sinasabi ng doktor. Matagal na niyang hinihintay ang desisyon ko na pumunta sa England at nung napapayag niya na ako ay tuwang-tuwa siya. Tama lang naman siguro 'yung ginawa ko kasi kung dito isasagawa ang therapy, walang mangyayare dahil dito nangyare lahat. Sumagi rin sa isipan ko ang pagtira sa England nang permanente pero hindi ko ginawang big deal 'yun. Ayoko lang sigurong maging padalos-dalos kasi ibig sabihin lang nu'n ay gusto ko na talagang makawala pero may parte sa akin ang hindi pa kaya... Kahit masakit, parang may tali sa aking humihila para pigilan ako.


I guess if the therapy works, I'll stay there for a little longer. Just like the doctor said, my condition is a critical case. So many to work on. So many things occurred in my life that it will take years to recover, or probably there's no chance at all.


I'm prepared to see if it will work or not. What's more important is that I tried. It's hard to deal with it every single day... I just wished that I had amnesia to forget the bad things for a while. Waking up without a heavy heart and sleeping without a fear that nightmares might come. I want to be free from my past just for a moment. I'm missing my old self already... I'm sure the people watching me above are also too.


I'm not yet home, still far away... I'm still not yet on the shore, I'm still busy surviving on the wild waves of the sea. I'm still far away from everything. It will take a lot of time, but I'm praying that I will be home soon with no fear anymore. I will be on the shore soon... And someday, when I look back on how far the distance I traveled, I will just smile and be proud of myself for being alive... For staying alive.


"Peter, wala pa ba si Ramon para putulin 'yung mga sanga ng puno? Medyo humihina na 'yung hangin pero baka kasi maya-maya lumakas pa lalo na sa gabi. Baka 'yung mga sanga mapunta sa bahay natin, napapalibutan pa naman tayo ng maraming puno," sabi ni Mrs. Sanchez sa asawa niya na napakamot sa ulo niya.


"Kanina ko pa nga tinatawagan e, pero hindi sumasagot. Gusto mo bang ako na lang ang umakyat sa mga puno at magputol?" Nagpresinta siya kaya nanlaki ang mga mata ko dahil sa pag-aalala. Matanda na siya at sa panahon ngayon ay delikadong umakyat ng puno para magputol ng mga sanga.


Hinampas ni Mrs. Sanchez ang braso ng asawa, animo'y sinasaway ito sa balak. "Ay, hindi! Kakaopera pa lang ng likod mo, hindi ba? Hintayin na lang natin si Ramon, kapag hindi siya nakarating, bahay na lang natin ang protektahan natin kaysa naman may lumabas at masaktan."


Sobrang tanda na siguro ng bahay na 'to at kahit anong tanda nito ay naalagaan pa din. Kahit hindi naman direktang sinabi ni Mrs. Sanchez ang pag-aalala niya sa bahay ay naramdaman ko 'yun. Mahalaga ang bahay sa kanya pero mas mahalaga ang kaligtasan ng asawa niya.


"Ako na lang ho ang lalabas," singit ni Liam kaya namilog ang bibig ko na kulang na lang ay malaglag na ang panga ko.


"What?" I heard it very well, but I want to make sure if he's being serious going outside or just joking, but he seems determined. He's extending too much help that he's also putting too much risk on his life!


"May itak ho ba kayo o kahit anong matulis na kayang pamputol ng sanga?" Tanong niya kay Sir Peter kaya napahilamos ang mukha ko sa mga palad ko. Itutuloy niya talaga ang balak niya?!


"A-Ah, oo, meron akong itak—"


"Saglit po, Sir Peter. Kakausapin ko po muna 'tong kasama ko," pagputol ko sa balak na pagbigay ni Sir Peter ng itak kay Liam. Hinila ko si Liam palayo sa kanila pagkatapos ay seryoso siyang tiningnan.


"What was that? What are you even thinking?" I whispered with so much frustration.


"I was just helping... Kaysa naman wala tayong gawin," paliwanag niya kaya nasalpak ko ang palad sa noo ko. Alam ko naman na gusto niyang tumulong pero delikado sa labas at saka anong alam niya sa pagpuputol ng sanga?


"I get it, but you're risking your life in danger and I will not allow that. Tita Lea will be mad if she finds out—"


"Mas lalo siyang magagalit sa akin kapag wala akong ginawa," pagtatama niya sa akin kaya nawala ako sa wisyo ko pati na rin ang mga salitang dapat kong sabihin. "Listen..." He pats my shoulder lightly. "Alam ko ang ginagawa ko, nagawa ko na 'to dati kaya huwag kang mag-alala. Mag-iingat naman ako."


He was assuring me that he will be careful, but I don't get it. "No one is going outside, risking their life just to cut trees. That's final... Walang lalabas," desisyon ko at nakita ko si Liam na malalim na suminghap. "Don't try assuming things, Liam. Kung iba ang aakyat, ganito din ang magiging reaksyon ko."


"I know, I know... But you just need to trust me. Ilang minuto lang ako sa labas, Sienna," pangungumbinsi niya sa akin pero hindi ako umimik. Malalim lang akong nakatingin sa kanya dahil sa binanggit niyang pagtitiwala sa kanya. Hindi naman niya kailangang isama 'yun sa usapan.


It's not even a big deal.


"Sir Peter, asaan po 'yung itak niyo? Ako na po ang aakyat." Nilapagsan ako ni Liam para kunin ang itak ni Sir Peter. Napakagat naman ako sa ibabang parte ng labi ko dahil wala na naman akong naging depensa sa sinabi niya. Tila nawala ako ng mga salitang sasabihin na naman.


"Nagawa na ba niya 'yun noon kaya nagpresinta siya?" Tanong sa akin ni Aliyah at nagkibit-balikat lang ako.


"Sabi niya nagawa niya na noon e."


Hindi nagtagal ay lumabas na si Liam dala-dala ang itak pero hindi lang siya ang lalabas. Nagpresinta din ang isa kong kasama na magputol ng mga sanga. Ako naman itong hindi mapakali, panay pagkagat ko sa mga kuko ko dahil sa kaba. Kahit anong pigil ko sa kanila ay nagpumilit sila na lumabas. Medyo matayog ang mga puno na mas lalong nakapagpadagdag ng kaba ko.


"Ingat, Gio! Ingat, Sir Liam!" Sigaw ng kasama ko. Lahat kami nakadungaw sa bintana kung saan nila balak magputol. Gusto ko sanang bumalik na lang sa kama ko at huwag manood pero sumama ang kasama ko kay Liam. Responsibilidad ko sila, kung anong mangyare ay dapat nandoon ako.


"Wow!" Manghang-mangha ang mga kasama ko ng umakyat si Liam pati si Gio sa mga puno. Dalawa silang nagpresinta na umakyat pero hindi ko mapigilang ipako lang ang tingin kay Liam. Sa tingin pa lang ay parang nakagawian niya na ang pag-akyat. Alam niya kung saan dapat tumapak at kung saan kakapit, hindi kagaya ni Gio na nangangapa pa. Hindi ko maisip na nagawa niya na 'to noon, imposible lang talaga.


Nang makarating si Liam sa pinaka ilalim ng puno ay nagsimula na siyang magputol ng mga sanga gamit ang itak na pinahiram sa kanya. Mas lalo akong nabahala nang maramdaman na unti-unting lumalakas ang hangin pati ang ulan. Basa na silang dalawa pero hindi nila ininda 'yun. Nagulo ko ang buhok ko dahil sa nerbyos. Sana nga lang ay mabilis silang matapos.


Ilang minuto ang nakalipas at nakarating na silang dalawa sa pinaka dulong puno. Maliksi at nagagawa pa rin ni Liam na buhatin ang sarili niya kahit na ilang puno na ang naakyat niya. Malakas talaga siguro ang pangangatawan niya, sa laki ng katawan niya ay nagawa niya pang buhatin ang sarili niya.


"Matatapos na sila. Salamat naman," narinig kong bulong ni Aliyah at gano'n din ang nararamdaman ko. Doble ang pag-iingat nilang dalawa hanggang sa huling puno na pinutulan nila ng sanga. Nang tuluyang maputol ang mga natitirang sanga ay sabay silang bumaba. Sa pagbaba ay mas nauna si Gio dahil mas maliit ang punong inakyatan niya pero hinihintay niyang makababa si Liam.


Kaunti na lang ay makakababa na si Liam pero sa huling tapak niya ay hindi inaasahang nadulas ang paa niya na dahilan para malaglag siya sa lupa. Sa lakas ng pagkakalaglag niya ay napatalon ako at ilang segundong hindi huminga nang makitang nakahiga ang katawan niya sa lupa.


"Fuck, fuck, fuck," I cursed over and over again. Because of panic, I immediately went outside even though it was raining hard already. I ran towards them and heard Gio asking Liam if he's okay, but he didn't respond, he didn't even shake or nod his head. And with that, nervousness started to creep on me in an intense manner. My adrenaline was making my breathing heavy.


Nang makarating ako sa kanila ay nakahiga pa rin si Liam sa lupa. "M-May masakit ba? Sabihin mo lang para maidala kita sa ospital." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Buhol-buhol ang mga tumatakbo sa isipan ko dahil sa kalagayan niya ngayon.


I started scratching my fingers when he didn't respond to me. Why isn't he responding? It's making me nervous. Shit!


"Hey, Liam... Liam!" I called his name twice while shaking his shoulder, trying to wake him up. "S-Shit... Oh my god," I whispered, trembling. "Hey, wake up!" I slammed my hand on his chest and that made him snickered and then laughed a little bit.


"May masakit ba sa 'yo? Ano? Sabihin mo lang para dalhin kita sa ospital." Hindi pa rin natapos ang nerbyos ko dahil hindi niya sinasagot ang sagot ko. Napunta ang tingin niya sa akin at sabay na tumaas ang mga kilay ko, nag-aabang ng sagot niya. Matagal niya muna akong tinitigan bago ito bumangon at umupo. Hindi niya pa rin tinanggal ang mga mata niya sa akin na para bang inuusisa niya ang mukha ko. Pagkatapos ay muling sumilip ang isang ngisi sa labi niya.


"I'm fine... I just slipped," he stated while still smirking.


"Are you sure? Don't you even dare lie to me."


He laughed. "I'm serious. Ayos lang ako. Ikaw... You should have stayed inside, baka magkasakit ka."


"Sinong hindi kakabahan sa pagdulas mo? Kung paano ka dinala ni Tita Lea dito, gano'n din kita ibabalik sa kanya. Ayos ka lang nung pumunta ka dito, gano'n din dapat pagbalik mo." Kahit naman iniiwasan ko siya ay may parte pa rin na responsibilidad ko siya dahil sa project na ginagawa namin. "Ayokong magalit si Tita Lea, okay. Kaya tumayo ka na diyan."


Akmang hahawak ako sa braso niya para tuluyan siyang makatayo pero nang mapagtanto kung saan ako dadalhin ng pagtulong ko ay binawi ko ang mga kamay ko at tinabi na lang. Nauna na akong naglakad at sa pag-alis ay sinuway ko ang sarili ko dahil sa muntikan kong gawin kanina.


I should just keep my hands to myself and calm down already because everything's fine. I'm reacting too much and it's not good. I must go back to my senses and maintain my composure.


When I came inside the house, a towel was offered to me by Aliyah, but when I heard that the two were coming, I threw the towel to them, making them confused. My eyes slipped towards Liam and he was blinking fast, trying to process why I threw the towel onto them, but instead of clarifying, I walked away and went inside my room.


Nang makapasok sa kwarto ay mariin kong pinikit ang mga mata ko at sinusubukang pababain ang nerbyos. Malalalim na paghinga ang ginawa ko bago bumalik sa normal na pagtibok ang puso ko.


I should stay in my room for a while before coming out or maybe I should stay until night comes. Yeah... That's better.


"Miss..." I heard a knock on my door, which made me open my eyes. When I woke up, it's already night and the rain wasn't that heavy anymore, maybe just a little bit of wind. I stood up from bed and walked towards the door to open it. It was Aliyah.


"Kain na tayo," pag-aya niya kaya tumango ako. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso kami sa hapag-kainan. Natagpuan kong andoon na silang lahat sa lamesa, hinihintay na lang ako. Pumunta ako sa kabilang gawi ng lamesa at hindi ko napansin na uupo pala ako katapat si Liam. Hindi ko nilapag ang tingin ko sa kanya nang makaupo ako, tahimik lang ako habang ang mga kasama ko ay nagpapasahan ng pagkain at nag-uusap.


Siguro isang araw pa ang kailangan namin bago kami tuluyang umalis. Kailangan kong makasigurado na magiging ligtas at maayos ang byahe namin.


When I was eating, my eyes secretly slid to where Liam was sitting. His hand caught my attention. He was only using his spoon and the fork was only lying beside his plate. He tried to use the fork, but it was only for a moment. It was like his arm couldn't lift itself for a second. I saw him attempting to lift his left arm and balance it on the side of the table. I timed it and it didn't last for three seconds staying on the table. He put his arm on his lap and continued eating.


When we finished eating, we decided to sleep already. I was about to get inside my room, but I saw Liam. He was about to get inside his room. When he wasn't looking, my attention went on his left arm. I just couldn't stop analyzing it. Something's wrong, I could feel it.


Nang sumayad sa akin ang tingin niya ay kumunot ang noo niya. "Bakit 'di ka pa pumapasok sa kwarto mo? 'Di ka pa inaantok?" Kwestiyon niya. Hawak-hawak niya na ang doorknob para makapasok sa loob pero nang makita ako ay kalahating bukas ang pinto.


Naglakad ako palapit sa kanya na dahilan para mas lalo siyang magtaka. Sumayad ang tingin ko sa braso niya at 'di nagtagal ay bumalik ito sa mata niya. "Wala kang sinasabi sa akin. Nararamdaman ko." Seryoso ako pero nagawa niya pang tumawa.


"Anong sinasabi mo? 'Yan ka na naman— Aray!" Hindi niya natapos ang balak niyang sabihin dahil hinawakan ko ang kaliwang braso niya. Hinawakan ko lang 'yun pero napainda na siya sa sakit. Nang marinig ang pag-inda niya ay nasapo ko ang noo ko.


"I knew it... Gosh," I murmured and gradually started panicking again. How come I didn't notice that he was hurt a while ago? Even if he said that he's okay, I should have checked him thoroughly. If I check him, maybe I will be able to bring him to the hospital.


"I should have checked you if you're totally fine." Now I'm blaming myself because I became complacent. How come he didn't groan or exclaim when he felt the pain a while ago? Is he enduring it because he doesn't want anyone to worry? He assured us not to get hurt, but he got hurt, and instead of telling the truth, he lied just to keep the assurance he said.


"I'm going to get my keys. I will drive you to the nearest hospital." I was in a hurry. I was about to walk, but he grabbed the hem of my shirt, making me stop. I noticed that he wasn't being touchy. When he wanted to stop me or had something to say, he was just going to pull the hem of my shirt lightly and not my arm. I'm not his type after all. But maybe, he was just avoiding me to get startled, since knowing myself, I get sensitive whenever someone is touching me suddenly.


I raised an eyebrow at him. "What? You're hurt...Tita Lea will get mad." I slid my eyes away from him. "I should have noticed it." I was talking to myself and didn't care even if Liam was hearing me.


"Hey, no need to blame yourself. It was my choice to keep it... Just seeing you being nervous, I know I need to keep my assurance to not get hurt." He scratched his head.


"But you did get hurt and I'm taking you to the hospital."


"And you think I will let you drive when the roads are slippery? No, matutulog na lang ako. Goodnight na. Ako na ang bahala dito sa braso ko." Sinusubukan niya akong takasan pero 'yung braso niya kasi baka mapapaano.


"Liam..." Tawag ko sa kanya na may halong pananaway. "I'm not a reckless driver. At saka baka mamaya lumala pa 'yan kapag ipinag-pabukas pa." Ngayon naman ako ang kumukumbinsi sa kanya na pumunta kami ng ospital pero ngumiti lang siya at sa ngiting 'yun ay parang nagawa kong kumalma bigla. Kahit ano talagang sitwasyon ay nagagawa niya pa ring ngumiti.


Nagulat naman ako nang bigla niyang ipatong ang kanang kamay niya sa ulo ko. "Bukas na lang. 'Di ba ikaw na rin ang nagsabi na delikado magmaneho sa ganitong panahon. Hindi naman gano'n kasakit. Huwag mong tatawagan si Mama, okay? Atsaka... Hindi mo ako responsibilidad."


Bubuksan ko pa lang ang bibig ko para magsalita pero naunahan niya na ako. "Goodnight, Sienna. Have a good sleep," aniya at tuluyang pumasok sa kwarto habang ako naman ay naiwang nakatulala sa harapan ng pinto niya.


Nang makapa ang diwa ay mahina akong natawa dahil hindi ako makapaniwala. Ibang klase talaga. Hindi ko inakala na magagawa kong mangumbinsi sa kanya nang gano'n dahil sa braso niyang napilay pero sa huli ay hinayaan niya lang 'yun.


Napahilamos muli ako sa mga palad ko. Nasa bahay na nga lang ako pero ang dami pa ding nangyare. Sana nga lang ay simpleng pilay lang 'yung natamo niya sa pagkakadulas... Kahit naman sabihin niyang hindi ko siya responsibilidad ay may parte pa rin na kailangan ko siyang tutukan o bantayan man lang dahil pinadala siya dito ng nanay niya... Sana nga lang ay gumaling kaagad ang braso niya. 

Y A S S Y N O T E S

Continue Reading

You'll Also Like

37.8M 1.1M 68
Deadly assassins Allegra and Ace have been trying in vain to kill each other for years. With a mutual enemy threatening their mafias, they find thems...