It Was Mariella Sienna

By theuntoldscripts

26.6K 1K 264

Tattooed wounds. Engraved pain. Drowning innocence. Those are the things that she could never get rid of nor... More

Disclaimer
PROLOGUE
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31

Chapter 06

820 41 3
By theuntoldscripts

Chapter 06

There wasn't a day that I'm not bothered by doubt. It's tailing me every single day, which makes me overthink. Whenever I'm meeting someone in my life, I'm always questioning myself... Drowning to my own thoughts and answerless questions. I always sheltered myself to refrain them from coming in. It's kind of toxic, but I couldn't help it. It feels like it's in my nature already to doubt everyone I meet.


I know the root of that doubt is my traumas. It's kind of unfair that I will never be the same person again after a tragic event in the past... I missed my old self. Sometimes in my dreams, my teenage self always talks to me and she's disappointed with how things turned out. I want to bring back my old self, but I can't. She's gone... Dead, ten feet on the ground.


That's why I keep excluding myself because I'm afraid... I'm afraid that I will be vulnerable again because of a person who wants to be part of my world. I just don't want to be hurt again.


"Miss, good morning po," bati sa akin ni Aliyah na pumasok sa kwarto.


"Morning din. Gising na ba silang lahat?" Tanong ko.


"Yes, Miss. Nagkakape po sila du'n sa kusina. Tara na po," pag-aya niya at hindi na akong tumangging sumama. Lumabas ako ng kwarto kahit naka-nightgown ako. Dahil sa pagod ay mabilis akong nakatulog. Pasalamat na lang talaga ako na mahaba ang tulog ko dahil marami kaming gagawin ngayon.


When I came into the kitchen, they were all there, eating bread and sipping coffees. "Good morning, Sienna," Mrs. Sanchez greeted me as well as my staff.


"Good morning," pag-ulit ko ng bati habang nililibot ang aking paningin sa kusina. Nang mapansin na may kulang ay nagtama ang dalawang kilay ko.


"Asaan si Liam?" Nagkatinginan ang mga staff sa isa't isa at may kakaiba sa tingin nila na sinamahan pa ng ngisi. Ano na naman bang iniisip nila?


"Miss, nasa labas po si Sir," sagot sa akin ni Aliyah.


"Huh? Bakit siya nasa labas? Ang aga-aga pa." Naglakad ako patungo sa pinto, nagbabaka-sakaling makita siya. Ano na naman bang nasa isip ng lalaking 'yun? Ang aga-aga pa at saka nag-umagahan na ba siya?


"Hindi ko po alam, Miss. Basta sabi niya lalabas muna siya."


Because of curiosity, I stepped out of the house even though I'm still in my nightgown. With brows furrowed, my eyes keep wandering around the area, checking if he's somewhere nearby. When I failed to find him, I decided to just go back inside the house. Why am I even looking for that man? He's already old enough to take care of himself.


I was about to go back in the house, when suddenly I heard kids giggling and laughing. I couldn't help smiling because the kids were having fun. It's a core memory coming through and the fact that I love kids. Without hesitating, I walked to where those giggles came from. I was smiling ear to ear as I got close to it and when I already located where they were, joy filled me.


They are playing with a rattan ball and there's like a small fish net, tied into two poles to create a net. Looks like they are playing sepak takraw.


I was busy watching them, but there's a person who joined the frame and seeing that, the smile gradually disappeared from my lips. My eyes turned settled on that person as he carried a young girl in his arms with a smile.


White sleeveless shirt, black shorts, and slippers. His hair was tied into a bun, but there are still strands of hairs that escaped the tie. When the wind blew on his face, I saw his face clearly. And there I saw happiness... a pure one.


I thought he wouldn't be comfortable staying here, but I was wrong. I looked down at him, not going to deny that, however; without him even knowing, the things I caught him doing was changing my perspective.


Don't let your guard down. You know what will happen if you're going to trust him.


And right when my mind was thinking of changing beliefs, the devil occurred once again, refraining me from watching the scene. My chest became heavy as the devil spoke in my mind that I'm going to be deceived... That there's a possibility that I will be fooled if I let him.


Nawala ang sayang namuo sa sistema ko nang sumapaw ang pagkwestiyon ko sa sarili ko. Sa pag-iwas ko ng tingin ay saktong sumayad ang atensyon niya sa akin. Yumuko ako at akmang babalik sa bahay dahil sa hindi magandang pakiramdam pero huli na nang magawa ko 'yun dahil sinigaw niya na ang pangalan ko.


"Sienna! Hey!" Sigaw niya sa pangalan ko kaya mariin kong pinikit ang mga mata ko.


Pretend that you're okay.


Nang maayos ko na ang diwa ko ay humarap ako kay Liam. "Ano? Umagang-umaga ang ingay mo," reklamo ko na nakapag-pabigla sa kanya. Parang offended ito dahil sa inasta ko.


"Umagang-umaga rin ang init ng ulo mo. Chill ka nga lang," aniya. Napunta naman ang tingin ko sa mga batang kalaro niya kanina.


"You're like your brother. You also like kids." I was not being consistent with the words that I'm saying. Kanina lang mataray ako tapos ngayon nagbaba ng tono.


"Cute sila e, that's why."


He was sweating and it was dripping down to his chest. I pressed my lips together and shifted my eyes away from him as I felt my cheeks flushed. What am I even looking in that direction?


"Ang aga mo magpawis. Nag-umagahan ka na ba?" Kwestiyon ko habang malayo pa rin ang tingin.


"Hindi pa pero salamat sa concern." Tunog mapang-asar ang boses niya kaya bumalik sa kanya ang atensyon ko at tinaasan siya ng kilay.


"Huwag ka na lang siguro kumain, mas mabuti pa 'yun," sarkastikong sabi ko pero hindi siya natinag, tinawanan ba naman ako. "Kainis," bulong ko at padabog na lumayo sa kanya.


"By the way, I like the nightgown!" He shouted, which made my eyes widened. I looked at myself and forgot that I'm only wearing my nightgown and yet I came out of the house. I wasn't even embarrassed at first, but now that he said that, I already want the Earth to devour me!


"Che!" Nahihiya kong bulyaw at nagmamadaling bumalik sa loob ng bahay dahil sa hiya. Bwiset! Hindi na dapat ako lumabas ng bahay kung alam ko lang na aasarin niya ako. Bakit hindi ko ba naisip 'yun? Puro kalokohan naman lagi ang tumatakbo sa isipan ng lalaking 'yun.


"Masama po ba ang pakiramdam niyo, Miss? Ang pula po kasi ng pisngi niyo," nag-aalalang ika ni Aliyah nang makabalik ako sa bahay. Kaagad ko namang kinapa ang mga pisngi ko at mas lalo akong nahiya dahil sa init nito.


"Nakakainis..."


Aliyah stepped closer to me. "Ano po 'yun, Miss?"


"Ay, w-wala. Ayos lang ako, siguro nainitan lang sa labas," palusot ko habang pekeng nakangiti. Hindi pa siya nakakasagot pero nilagpasan ko na siya para takasan kung ano pang puwede niyang mapansin sa akin.


Pumunta ako ng kusina at nagtimpla ng kape. Kinusot ko ang mga mata ko at mahinang sinampal ang pisngi na naglalagablab para ibalik ang sarili sa diwa. Kanina lang ay mabigat ang pakiramdam ko pero bigla naman 'yun nawala.


Pagkatapos naming mag-umagahan ay kaagad kaming dumiretso sa eskwelahan na balak naming bigyan ng tablet at laptop. Naging mabilis naman ang usad namin kaya sa natitira naming oras bago sumapit ang gabi ay pumunta kami sa Pinamalayan para pumasyal dahil bukas aalis na kami.


"Mabuti na lang hindi gano'n kainit ngayon. Mas komportableng kasing mamasyal kapag malamig simoy ng hangin," narinig kong sabi ng isang staff. Abala sa pagkuha ng litrato ang iba sa Pinamalayan park habang ako naman ay nakaupo lang sa isang bench na nasa silong ng isang malaking puno.


There's a Jose Rizal monument in front and at the back is a stage with a high relief sculpture of national heroes. Sumama pa sa ganda nito ang matatayog at matataas na puno, maging ang mga iba't ibang klase ng bulaklak na pumalibot sa parke.


"Miss, your medicine," paalala sa akin ni Aliyah. May pag-aalinlangan pa akong kinuha ang gamot sa bag ko. Nang masilayan ng mga mata ko ang garapon ng gamot ay bumuga ako nang malalim na hininga.


I was getting anxious whenever I'm seeing my medicines, that's why every time Aliyah brings them to my room every night, I was throwing them under my bed. I don't feel good about how many medicines I should intake. It doesn't make me feel good, it's just making my anxiety grow worse.


Kahit ayokong uminom ay pinilit ko pa rin ang sarili ko. Uminom ako ng gamot ko kahit labag sa kagustuhan ko. Pakiramdam ko mas lalo lang akong nawawala sa wisyo sa tuwing iinom ng gamot kaya lagi akong nagsisinungaling na umiinom ako pero ngayon bantay sarado ako ni Aliyah.


Kalaban ko talaga ang sarili ko.


Nang makainom ako ng gamot ay tumayo ako at umalis sa kinauupuan para tumungo sa nagtitinda ng ice cream, pangpakalma sa tensyong namumuo sa sistema ko.


"Kuya, isa pong keso," sabi ko sa matandang lalaki na nagtitinda ng ice cream. Hindi pa nabibigay sa akin ang binibili ko ay may sumunod na kaagad sa akin.


"Isang ube sa akin, Kuya." Hindi napigilan ng mga mata ko ang umirap dahil kahit hindi ko na silipin kung sino ang taong katabi ko ay napagtanto ko na ito base sa boses pa lang. Pambihira talaga.


"Sinusundan mo ba ako?" Kasual kong tanong kay Liam.


"Hala, ang feeling! Gusto ko lang namang bumili ng ice cream. Hindi ba puwede?"


I laughed with an edge because of how he sounded. I don't even know why I'm wasting my energy talking to him. He's really out of my league.


"By the way, can I ask?"


"Nagtatanong ka na," saad ko pagkatapos ay kinuha ang ice cream at nagbigay ng bayad.


"Seryoso kasi," he pouted, and I just raised a brow as a sign that I was already anticipating his question.


"What are those medicines for? You look like you don't want to intake it, but you still did." When he dropped the question, I was stunned for a moment that he mentioned the medicine I had just taken a while ago. So, he saw it?


Instead of being embarrassed, I acted cool about it. "I feel sick and anxious, that's why." It wasn't the real reason, but it sums up everything what's been going on with me for the past years.


"Anxious?" He was clearing it out and I just nodded while eating ice cream.


Bigla naman itong may kinuha sa bag niya at may prinisenta sa aking isang bagay na hindi ko mawari kung ano 'yun. "Gusto mo bang subukan?" Pag-alok niya at inabot ito sa akin. Kumunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka sa bagay na nilabas niya.


"Ano 'yan?"


"Water ring toss, para kumalma ka. Sa tuwing kinakabahan ako, lagi kong ginagamit 'yan para mawala kaba ko, kumbaga distraction ko kapag mabigat ang loob ko." Hindi ko pa rin siya makuha dahil bago lang naman sa paningin ko ang bagay na 'yun.


"Ito, turuan kita." Lumapit ito sa akin at pinakita sa akin ang water ring toss. "May dalawang button 'yan, isa sa kanan at isa sa kaliwa. Dapat 'yung mga rings na 'yan, maipasok mo sila du'n sa sitck. Dapat eight rings bawat stick," paliwanag niya at pinakita kung paano ito laruin.


Habang malapit siya sa akin ay naaamoy ko ang pabango niya sa bandang leeg. Nanuot ang amoy niya sa ilong ko na dahilan para makagat ko ang ibabang labi ko. Sa tuwing makikita ko yata siya ay hindi nagbabago ang amoy niya. Nananatili ang pagiging mabango niya kahit tirik ang araw.


"Gets mo na kung paano laruin?"


"Ang masasabi ko lang ay ibang klase ka talaga. Sigurado ka bang nasa thirties ka na? Kung umasta ka, para kang bata." Wala akong paghuhulos-dili. Sa tanda niya ay may dala pa siyang laruan at ginagamit niya pang stress reliever.


"Dali na. Masaya 'yan laruin, promise. May stress ball pa ako sa kotse, baka gusto mo."


Mahina kong tinapik ang braso niya para ilayo ang laruan niya sa akin. "Hindi ko kailangan niyan. Ano ako, bata? Ikaw na lang, tutal isip-bata ka naman," walang pakundangan kong sabi at dahil sa ginawa ay humaba ang nguso niya, nagtatampo.


When I saw him pouting like a baby, I snickered. He's already in his thirties, yet he's still fond of things that kids play.


Iniwan ko si Liam at bumalik sa puwesto kung nasaan si Aliyah. Aayain ko na silang kumain dahil marami kaming ginawa ngayon at alam kong kumakalam na ang sikmura nila. Dumiretso kaming lahat sa isang Filipino restaurant. Katabi ko si Aliyah at si Liam naman ang nasa tapat ko.


"Order na kayo ng gusto niyo. Ako na magbabayad," usal ko.


"No, I will pay." Kaagad na napunta ang tingin ko kay Liam na abala sa pagtingin sa menu.


"Ako na. Anong akala mo sa akin, walang pera?"


"I don't think that way. It's just that I came here without permission and bothered all of you..." He slowly shifted his gaze towards me. "Especially to you, Sienna. I apologize for coming uninvited and being a burden."


I was dumbfounded for a moment. As I dozed-off, I feel breathless. I kept telling myself not to overthink, not to assume, and not to expect things because it will only lead to disappointments. I mean... He's not a burden at all. He helped and that's what matters to me.


I looked away as I felt my cheeks flushed. "W-Why would you even say that? Wala akong magagawa dahil si Tita Lea ang nagpapunta sa 'yo dito kahit balak mo namang sundin ang sinabi kong hindi na kailangan... Hindi mo kailangang mag-sorry," nahihiya kong bulong. Napakamot ako sa batok ko at malayong tumingin para pakalmahin ang sarili ko.


Nag-sorry lang naman siya pero ako ang nahihiya dahil narinig ng mga empleyado ko ang sinabi niya. I heard my employees coughing and chuckling and I think it was intentional.


Pumalumbaba ako, hindi para suportahan ang ulo ko, kung 'di pasimpleng takpan ang pisngi kong nag-iinit dahil sa hiya. Liam doesn't read the room before speaking!


When my eyes peeked at him, he went back to reading the menu with his lips pressed as if he's trying to stop himself from smiling. I wasn't able to hit back since I was busy maintaining my composure. Thankfully, our food came right away and made me calm.


"Sir, may girlfriend ba kayo?" Tanong ng empleyado ko kay Liam at hindi ako nag-atubiling makisama sa usapan nila. Nasa pagkain ko lang ang tingin ko at tahimik lang.


"Wala. Single ako," si Liam.


"Sa gwapo niyong 'yan, wala kayong girlfriend? Naka-ilan na ba kayong girlfriend, Sir?"


Umangat ang sulok ng labi ko dahil baka lumaki ang ulo ni Liam dahil sa pagpuri sa kanya ng empleyado ko. Hindi niya dapat sinabi 'yun. Mahangin na nga si Liam, baka mamaya maging bagyo pa dahil sa sobrang yabang.


"I only dated three. Hindi ako basta-basta napasok ng relasyon. Kapag nag-girlfriend ako, to marry."


Hindi napigilan ng mga mata kong sumilip sa gawi niya. Nang dumako sa kanya ang atensyon ko ay parang tuluyan nang napako sa kanya ang mga mata ko. Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan habang nakikipag-kwentuhan siya sa mga kasama ko.


Nakwento sa akin ni Valerie na gano'n din si Saga pagdating sa relasyon. Kung ano ang nakagawian ng kuya ay gano'n din ang bunso. These days, it's rare to see guys having that kind of mindset. When he speaks, it all comes natural and genuine, no cover ups.


"Gano'n din si Kuya. Kaunti lang naging girlfriend, dalawa lang. 'Yung pangatlo, si Ate Val na." Huminto ito saglit at ngumiti. "We don't engage ourselves in relationships that easily because we believe that if we let God work our heart and love life, we'll find someone who isn't perfect, but is perfect for us."


Lahat ng lumalabas sa bibig niya, lahat 'yun may laman at punto, hindi 'yung may masabi lang. Puno rin 'yun ng sensiridad. Akala ko biro lang sa kanya lahat. Ni hindi ko siya magawang seryosohin dahil hindi niya naman 'yun magawa pabalik sa akin.


His mindset is different from mine. I don't seek nor beg to have someone with my life. I stopped daydreaming about it after what happened. It's like I shut my door to prevent that from happening again. When you seek love, there are more chances of getting separated right away. The impulsiveness of a person in finding love could be a motive leading to failure and regret... That's why love is no rush, but in my case, that feeling is overrated.


"Uy, matulog na kayo. Maaga tayo gigising bukas," paalala ni Aliyah sa lahat ng kasama namin.


Sumapit na ang gabi at nakabalik na kami sa bahay ni Mrs. Sanchez. Ito na ang huling gabi namin dito sa Mindoro, bukas uuwi na kami. Pumasok na lahat ng tao sa mga kwarto nila habang ako naman ay balak dumiretso sa hardin para magpahangin at mabilis dalawin ng antok.


"Miss?" Si Aliyah.


I smiled. "Go to sleep already. Mag-papaantok lang ako."


Lumabas ako ng bahay at dumiretso sa hardin sa likod. Walang gaanong ilaw sa paligid pero naging sapat ang buwan para magsilbing ilaw sa gabi. Umupo ako sa bangko at nilanghap ang hangin. Nilabas ko ang phone ko at nagtungo sa website kung nasaan ang mga balita.


Sa pagpunta ko du'n ay unang bumungad ang showbiz news sa top stories na nakapag-pahinto sa akin na mag-scroll. Paulit-ulit kong binasa ang headline ng balitang 'yun at sa bawat pagbasa ay parang unti-unti akong nagiging manhid.


'Vien and Alyster, expecting their first child?'


I'm appalled... Just how time flies so fast. They are going to be a family. It's been a year since they got married and now they're expecting their first child. It's fine... I should be happy for them, but the fact that I still don't have the courage to tell Aly what happened to our child made me sad. He thought that I aborted our child, but it's a miscarriage who took my baby.


Alam kong karapatan niyang malaman kung anong nangyare sa anak namin pero duwag akong sabihin sa kanya ang totoo. Simula nung ikasal siya ay nagpakalayo-layo ako. Iwas na iwas ako para lang hindi mag-krus ang landas namin. Kaya lang, hanggang ngayon ay pinagkakait ko pa rin sa kanya ang totoong nangyare sa anak namin... Kung bakit siya nawala.


"Can't sleep?" Naputol ang malalim kong pag-iisip nang marinig ang boses na 'yun. Lumingon ako nang bahagya sa pinagmulan ng boses na 'yun at nakita kong si Liam pala. Sumayad ang tingin niya sa phone ko na kaagad kong pinatay para hindi niya makita ang binabasa kong balita.

"What are you doing here?" I acted cool.


Umupo siya sa tabi ko at pag-upo niya ay hindi ko na kinakailangang maglagay ng distansya dahil kusa niyang ginawa 'yun. Mabuti na lang mahaba 'yung bangko kaya hindi kami masyadong magkalapit.


"Nagpapaantok," matipid niyang sagot.


Ngumiwi ako. "Gaya-gaya."


There was a moment of silence between us, which made me uncomfortable. I thought he's already asleep, but it turns out that just like me, he can't sleep. I looked at the moon and blew a sigh.


"Vien's pregnant?" Pagbasag ni Liam sa katahimikan. So, nakita niya nga.


Nagkibit-balikat ako. "I think so."


"And you're okay with that?" Sunod niyang tanong kaya kunot-noong dumako sa kanya ang tingin ko.


"At bakit hindi naman akong magiging okay? Hindi naman nakadepende sa akin ang desisyon kung gusto nilang magkaroon ng pamilya o hindi." Hindi ko hawak ang desisyon nilang mag-asawa. Kung gusto nilang gumawa ng pamilya, gawin nila at huwag na akong isipin. Hindi ko naman ikakasama 'yun. Kung nag-aalinlangan sila dahil sa akin, hindi dapat dahil desisyon na nilang mag-asawa 'yun. Labas na ako du'n.


"Seeing the man you loved, getting married to someone else and having a family... If I'm in your shoes, it would hurt a lot," he muttered quietly.


I snickered. "Why are you getting serious all of a sudden? As if namang apektado ka sa nangyare."


"It's not that I'm affected," he corrected me, which made my smirk disappear.


"So, you pity me?"


He shook his head. "Not that either. It's just that you've come through a lot. It must be tough for you to redeem yourself. I still don't know you that much and we are not that close either... but no joke, I'm proud of you."


Ilang beses na kumurap ang mga mata ko, pilit na pinoproseso ang lumalabas sa bibig niya. Seryoso ang usapan namin. Iwasan ko man ay may pagkakataon pa ring nagiging diskusyon 'yun. Kakakilala lang namin ni Liam pero pakiramdam ko lahat ng tinatago ko ay lantad at lumilitaw sa paningin niya.


"I'm not the person you should be proud of," I mumbled and lowered my head. I started fidgeting my fingers because of the disappointment coming through. To me, I'm someone who's hideous to the point that I couldn't feel my soul anymore. Liam somehow knows something of what I am in the past, and yet he's proud of me? He must be kidding.


I became silent as sadness overtook my state of mind. Those words already sum up how much I hate myself. I was planning to stand, but before I could do that, I felt Liam's hand tapped my head lightly and that made me stop from standing.


"Ease yourself... Even you disagree, it will never change the way I see you."

Y A S S Y N O T E S

Continue Reading

You'll Also Like

37.8M 1.1M 68
Deadly assassins Allegra and Ace have been trying in vain to kill each other for years. With a mutual enemy threatening their mafias, they find thems...