The Bearer

By PurpleSwallow

314K 19.5K 1.9K

Noah Aviente ♡ Shilo Calangitan More

TEASER
Chap. 1
Chap. 2
Chap. 3
Chap. 5
Chap. 6
Chap. 7
Chap. 8
Chap. 9
Chap. 10
Chap. 11
Chap. 12
Chap. 13
Chap. 14
Chap. 15 Brain & Heart
Chap. 16
Chap. 17
Chap. 18
Chap. 19
Chap. 20
Chap. 21
Chap. 22
Chap. 23
Chap. 24
Chap. 25
Chap. 26 Her New Love
Chap. 27
Chap. 28
Chap. 29
Chap. 30
Chap. 31
Chap. 32
Chap. 33
Chap. 34
Chap. 35
Chap. 36
Chap. 37
Chap. 38

Chap. 4

8.8K 507 6
By PurpleSwallow

Chap. 4

Nang umuwi si Shiloh sa kanilang bahay, hindi mawala ang kanyang mga ngiti sa labi. Pagdating n'ya agad inasikaso ang mga gawaing bahay.

Mga bandang 9 PM dumating ang kanyang ina at Kuya David.

"Kumain ka na ba, Shiloh?"

"Opo, Nay."

"Parang masaya ka yata ngayon? Saan ba kayo namasyal ni Noah?" Tanong ni Aling Berna.

"Ahh sa may park at Dept. Store po. Tsaka, pinakilala po n'ya sa akin 'yong nobya n'ya..si Diana."

"Maganda ba ang girlfriend n'ya?" Tanong ni David.

"Naku Kuya, iisipin mong mukhang artista."

"Mmmm..nakipagkita pala si Noah sa girlfriend n'ya, e bakit isinama ka pa n'ya?"

"Ah..minsan lang naman daw akong mamasyal kaya naisipan n'yang yayain ako."

"Shiloh, sa susunod h'wag kang sasama sa kanya." Singit ni Aling Berna sa usapan ng dalawa.

"Bakit naman po?"

"Shiloh, bata ka pa. Tsaka, hind magandang tignan na sumasama ka sa lalaki lalo na't may kasintahan na s'ya."

"Nay naman wala namang masama dahil hindi naman sila magkasintahan ni Noah." Paliwanag ni David.

"Kahit na." Paggigiit ni Aling Berna.

Napaismid tuloy si David

"Nay hindi naman parati kaming nagkikita ni Noah. Sa katunayan nga, babalik na s'ya ng Singapore. Isang taon na naman akong maghihintay bago kaming magkitang muli." Mahinang boses ni Shiloh

"At hinihintay mo pala s'ya." Nakapamaywang agad ang ina ni Shiloh na humarap sa kanya.

"Syempre naman po..kita n'yo naman may pasalubong ako sa kanya."

"Ha ha ha ha ha..tama nga naman Nanay. Minsan lang din umuuwi sina Noah dito."

"Basta h'wag ka masyadong didikit kay Noah. Naintindihan mo ba?" Nilapit pa ni Aling Berna ang sarili sa anak.

"Opo."

---------------------------------------------------

Sumunod na araw, mag-isa na naman si Shiloh sa kanilang bahay. Naisipan n'yang maglinis ng kanilang silid. Nakita ni Shiloh ang isang box na nakapatong sa itaas ng tokador. Alam n'yang halos gamit ng kanyang ina ang nakapatong sa tokador, pero na nangahas s'yang alamin kung ano ang nasa box.

Kumuha ng upuan si Shiloh at pilit na kinuha ang box. At nang makuha n'ya ay bumaba s'ya sa upuan. Naupo s'ya sa papag. Binuksan nito ang box.

Nasurpresa si Shiloh nang makita ang nilalaman ng box..MGA SULAT AT POST CARD GALING KAY NOAH.

Binasa ni Shiloh ang mga sulat. Pinagmasdan ang mga post cards. May isang post card s'yang nakita. Tinignan n'ya ito at nabasa n'yang..

"Do you think about me when I'm far away?

Do you dream about me every night and day?

'Cause I think of you..every now and then. "

NOAH

"Gyahhhhhhh..sinulat n'ya 'to para sa akin?" Nagtitili at naglulundag si Shiloh sa kanyang nabasa.

Agad n'yang niligpit ang sulat na 'yon at itinago ng maigi. Ngunit bigla s'yang napaisip.

"Bakit hindi pinaalam sa akin ni Nanay ang tungkol sa mga sulat at post cards ni Noah? Ito kaya ang dahilan kung bakit pinagsasabihan n'ya akong iwasan si Noah?"

Napasimangot si Shiloh.

"Nanay naman..minsan lang akong magkacrush..binara agad ako!Tsk."

------------------------------------------------------------

Hapon..

"Shilohhhh!!" Narinig ni Shiloh ang boses ni Abebet. Dali dali s'yang dumungaw sa bintana. Nakita n'yang nakatayo sa labas ng kanilang bakuran si Abebet.

"Abebet, Bakit?"

"Ineng, lumabas ka sa iyong kweba pumunta tayo doon sa plaza..naghahanap daw sina Kapitan ng isasali sa SANTA CRUZAN."

"Hindi ako pwede kasi bata pa ako." Sagot ni Shiloh.

"Naku, pwede ka na. Sumuot ka lang ng high heels matangkad kang tignan."

"Hindi ako papayagan ni Nanay, kasi wala kaming pangbili ng gown."

"Nakalimutan mo na ba, nagraraket ako sa Tailoring Shop..pwede tayong humiram ng damit doon para suotin mo sa Santa Cruzan."

"Eh, baka magalit si Nanay."

"Naku, h'wag mo munang isipin 'yon. Halika na at baka mahuli pa tayo.Tsaka ito pa, balita ko isasali si NOAH para maging escort sa REYNA ELENA."

"Si Noah, sasali?" Agad umabot ang ngiti ni Shiloh hanggang tenga.

"Oo."

"Ano pang hinihintay natin Abebet..DALI!!!" Hinila ni Shiloh ang kaibigang bakla.

"Sugod!!" Sigaw ni Abebet.

-----------------------------------------

Nang marating nila ang plaza, mahaba ang pila ng mga kadalagahan. Maging ang mga kabataan ay sabik na sabik na malaman kung sino ang mapipili sa Santa Cruzan.

Takbo lakad ang ginawa nina Abebet. Kaya nang dumating sila hingal na hingal. Mabilis silang lumapit sa Kapitana.

"Kapitan, pwede po bang isali si Shiloh sa Santa Cruzan?"

"Naku, hindi pwede kasi batang bata pa. Tsaka para sa mga kadalagahan lamang ang pwedeng sumali.

"Eh, tatangkad rin naman po s'ya kung sakali dahil gagamit ng heels."

Umiling ang ulo ng Kapitana.

"Hindi pwede. Tumabi na nga kayo at nakakaabala kayo sa amin.Kung gusto ninyo sumali na lamang si Shiloh para maging alalay ng Reyna Elena."

"Ah..eh..Sige po." Sagot ni Abebet. Mabilis silang lumapit sa sekretarya ng baranggay.

"O ayan, kasali ka na sa Santa Cruzan. Hindi ka man maging Reyna..sidekick ka naman. Ha ha ha ha ha ha..." Panunukso ni Abebet.

"Okay lang. Basta't nasa tabi ako ni Noah."

"Mismo. Tsaka, h'wag kang mag-alala balang araw ikaw na ang magiging Reyna Elena."

"Waaaaa mabuti nalang walang Q&A portion ang pagsali ng Santa Cruzan; kundi ligwak na naman ako."

"Ha ha ha ha ha ha ha.." Lakas ng tawa ni Abebet.

Mula sa kung saan..

"Shiloh.." Napalingon si Shiloh. Nakita n'yang bumaba galing sa kotse si Diana.

"Shiloh, sino s'ya?" Tanong ni Abebet.

"Ah..Girlfriend ni Noah." Bulong n'ya.

Napanganga si Abebet. Lumapit naman si Diana kay Shiloh.

"Kasali ka ba sa Santa Cruzan?"

"Ahhmm opo. Pero hindi ako kasali sa mga sagala.. Alalay lang ng Reyna Elena ang lagpak ko."

"Ha ha ha ha ha ha ha...di bale, ako naman ang Reyna Elena at si Noah ang escort ko." Ang sabi ni Diana.

Napangangang muli si Shiloh.

"Talaga po? Kayo ang Reyna Elena? Naku, bagay bagay kayo ni Noah." Biglang nasabi ni Abebet at tila kinikilig.

Simpleng kurot ang ibinigay ni Shiloh sa kaibigan.

"Naku, pasensya na po kayo sa kaibigan ko..CRUSH lang talaga n'ya si Noah."

Muling tumawa ng malakas si Diana.

"Ikaw rin naman ah." Sabi ni Abebet. Agad tinakpan ni Shiloh ang bibig ng kaibigan. Mabuti nalang at hindi narinig ni Diana.

"Naku madami pala akong kaagaw kay Noah. Hirap talagang magkboypren ng gwapo. Basta Shiloh, ireport mo agad sa akin kung sino ang magkainteres kay Noah. Naku, lagot sila sa akin."

"Patay.." Muling bulong ni Abebet.

"Sure, Ate...este Maam Dee." Hindi alam ni Shiloh kung ano ang itatawag kay Diana.

Hindi naman tumagal si Diana at muling nagpaalam sa dalawa.

"Nakakaloka! Hindi n'ya alam na ikaw ang NUMERO UNONG KARIBAL KAY NOAH."

"Shhhhhh..tumigil ka baka may makarinig." Saway ni Shiloh.

-------------------------------------

Pumunta si Shiloh sa bahay nina Noah upang ipaalam sa kanyang ina ang pagsali nito sa Santa Cruzan.

"Nay, sasali po ako sa Santa Cruzan. Ako po 'yong magiging alalay ng Reyna Elena. 'Yong taga-ayos nang kanyang gown; taga-hawak ng kapa; taga-paypay...ETC.."

"Saan ka hihiram ng susuotin mo? May pera ka ba para sa renta ng susuotin mo?"

"Eh, Nay minsan lang naman po ako sasali. At kahit hindi maganda ang susuotin ko, okay lang. Nay, pumayag na ho kayo." Pinipilit ni Shiloh ang ina.

"Alam mo, gusto ko rin naman. Kaso wala akong budget para d'yan."

Tila gusto nang maiyak ni Shiloh. Mabuti nalang...

"Shiloh.." Napalingon si Shiloh, dumating ang mag-asawang Aviente.

Pinunasan ni Shiloh ang namumuong luha nito.

"Umiiyak ka ba?" Tanong ng ama ni Noah.

"Bakit?" Tanong din ng ina ni Noah.

Nag-aalangan mang aminin ni Shiloh ngunit sinagot n'ya ang tanong ng mag-asawa.

"Kasi po gusto ko pong sumali sa Santa Cruzan. Magiging alalay po ako ng Reyna Elena. Pero wala pong pera si Nanay para makakuha ng magandang damit na susuotin ko."

"Yon lang naman pala. Umiiyak ka na. Tsk, h'wag ka nang umiyak. Kami na ang bahala. Si Noah naman ang magiging escort ng Reyna Elena; samahan mo na lang s'ya." Biglang natuwa si Shiloh sa narinig mula sa ama ni Noah.

"Alleluyah...Alleluyah..Alle---luyah..." Parang may umawit sa utak ni Shiloh.

"Talaga po?" Inulit ni Shiloh.

Tumango tango ang mag-asawa.

"Naku, Sir..Maam..nakakahiya naman po sa inyo." Umeksena agad ang ina ni Shiloh.

"Nanay naman, h'wag na kayong kontrabida." Gustong mainis ni Shiloh sa ina. Hindi n'ya masabi sabi ang kanyang iniisip.

"Okay lang. Walang problema sa amin." Ang sabi naman ng ina ni Noah.

"Mabuti nalang may kakampi ako." Tuwang tuwa si Shiloh na nakikinig sa usapan. Hindi nila alam na gusto nang lumundag ni Shiloh at tumambling ng paulit ulit.

Nadagdagan pa ang tuwa ni Shiloh nang dumating si Noah..

"Noah, sasali daw si Shiloh sa Santa Cruzan. S'ya ang magiging alalay ng Reyna Elena."

"Talaga po? Eh, di ayos 'yon. Kasi si Diana ang magiging Reyna Elena sa taong ito." Sabay titig ni Noah kay Shiloh. Lumapit pa ito at ginulo ang buhok ni Shiloh..

"Gaganda na naman si Shiloh nito. Baka pagkatapos ng Santa Cruzan may manliligaw na." Biro ni Noah.

"Eng! Wala..ayaw ko sa iba..ikaw nga ang gusto kong manligaw sa akin. H'WAG MO AKONG ITULAK SA IBA." Bulong ng isipan ni Shiloh.

Halos manigas si Shiloh nang lumapit si Noah at inakbayan s'ya.

"Nay Berna, higpitan ninyo si Shiloh. Naku, pag ito nagdalaga sigurado sasakit ang ulo ninyo sa mga manliligaw n'ya."

Walang pasabi sabi agad hinila ni Aling Berna si Shiloh kay Noah.

"Ah..eh...pag-aaral muna ang aatupagin ni Shiloh. Hindi ba anak?"

"Opo."

"Good Girl." Sabay nasabi ng mag-asawa. Ngunit may ibang naramdaman si Noah sa ipinakita ng ina ni Shiloh sa kanya.

"Basta wala ka nang dapat alalahanin Shiloh, sagot namin ang lahat..sumali ka lang sa Santa Cruzan." Sabi ng ina ni Noah.

----------------------------------------------------

Pauwi na si Shiloh, nakasalubong n'ya sina Red, Chai at Oliver.

"Shiloh, totoo ba ang nasagap kong balita? Na sumali ka sa Santa Cruzan?"

Tumango si Shiloh.

"Gyahhhhhh...si Noah ang escort." Biglang tumili si Chai.

"Gaga! Alalay lang ako ng kasintahan ni Noah."

"Si Diana Gandiola. 'Yong anak ng may-ari ng bakanteng lote sa tabing bahay n'yo."

"Kilala mo s'ya. Red?"

"Oo, sinong hindi makakakilala sa kanya..eh madalas s'yang pumupunta doon sa bahay ng amo ng tiyahin namin."

"Maganda ba ang ugali n'ya? Mukhang mabait naman." Sabi ni Shiloh.

"Mmmmm..'yan ang hindi ko alam." Sagot ni Red.

"Hay naku, basta paghandaan mo ang araw na 'yan, Kesyo alalay ka lang ni Diana..ang mahalaga KASALI KA SA RAMPAHAN." Agad rumampa si Oliver sabay pose.

"H'wag mong tularan si Oliver, Shiloh. Nakita mo ang pose n'ya..ala- PILITA CORALES..mababali ang buto mo sa likod kung 'yan ang catwalk instructor mo."Sabay turo ni Red sa pinsan.

At sabay nilang tinawanan si Oliver.

-------------------------------------------------

Araw ng Santa Cruzan..Sa bahay ng mga Aviente, katatapos lamang ayusan si Shiloh ng isang bakla.

"Ayan, ang ganda ganda mo na Shiloh. Parang hindi ka anak ng isang katulong.." Sabi ng baklang nag-ayos kay Shiloh.

Maging si Shiloh ay gandang ganda sa sarili nang makita nito sa salamin.

Pumasok sa silid ang mga magulang ni Noah.

"Wow..ang gandang bata!" Tuwang tuwa ang ina ni Noah.

"Sabi ko naman sa 'yo kunting ayos lang..dalagita na ang anak ni Berna." Sambit ng ama ni Noah.

Pumasok naman si Noah; at maging s'ya ay natuwa nang makita si Shiloh.

"You look like a Princess. " Napalingon si Shiloh kay Noah. Biglang kumabog kabog ang dibdib ni Shiloh.

DUB DUB DUB DUB....

Biglang nanlamig ang mga kamay ni Shiloh lalo na't lumapit si Noah sa kanya. At pinagmasdan s'ya na tila manghang mangha sa ayos n'ya.

"Hoy, teka kunan natin kayo ng picture.." Dali daling kinuha ng ama ni Noah ang camera. Tumayo ang dalawa sa isang sulok. Inayos pa ng ina ni Noah ang kamay ng dalawa. Magkahawak ang kanilang mga kamay.

"Ayan...parang may JS Prom na dadaluhan ang dalawa..ha ha ha ha ha.." Biro ng bakla.

CLICK

CLICK

Lumapit pa ang ama ni Noah at kinunan sina Noah ng malapitan.

CLICK

"Ayan may remembrance na kayo ni Noah."Sabi ng ama ni Noah.

Sa isang sulok nakatingin naman ang ina ni Shiloh. Halos mapaluha si Aling Berna dahil kitang kita n'ya ang magandang ayos ng anak.

Sumakay sina Noah at Shiloh sa kotse. Hawak hawak ni Noah ang kamay ni Shiloh. Tila ayaw bitawan. Hanggang dumating sila sa isang Gym. Naunang bumaba si Noah. Pinagbuksan ng pinto si Shiloh at inalalayan pa.

Sabay silang pumasok sa loob ng gym. Pinagkakaguluhan si Noah ng mga kadalagahan at mga bakla. Ngunit mas agaw pansin si Shiloh.

"Gyahhhh..ang ganda ng bruhang Shiloh..tinalo ako!" Nagtitili si Abebet.

"O di ba, Cindrella ang dating ng bruha. Lagot s'ya sa akin mamaya..uulanan ko s'ya ng Questions!" Sabay halakhak ni Oliver.

"Um!Um!" Sunod sunod na batok ang ibinigay ni Red.

"Magdiwang tayo at suportahan si Shiloh.." Sabi ni Chai.

Hindi nakontento si Oliver at sumigaw..

"Spell FUCHSIA!!"

Narinig ni Shiloh at sinagot..

F-U –C-H-S-I-A..Fuchsia!

Nauwi sa tawanan ang lahat.

"Ayyy, humahasa na ang brain! Iba talaga pagkasama ang crush..nakakatalino!" Sabay ang malakas na halakhak ni Abebet.

-------------------------------------------------------

Nang magkita sina Diana at Noah, inggit na inggit na namang muli si Shiloh. Dahil lalong gumanda si Diana at halos ayaw iwan ni Noah ang kasintahan na mag-isa. Bawat kilos ni Diana nakabuntot si Noah. At naasar si Shiloh dahil sunod ng sunod naman s'ya kung saan saan pumupunta si Diana.

"Ang hirap pala maging alalay ng Reyna Elena. Nakakahilo. Nakakapagod." Gusto n'yang magreklamo ngunit wala s'yang magagawa. Kaya nang magsimula ang prosisyon..Pagod na pagod na si Shiloh.

Puring puri ng mga tao ang dalawa. May pumupuri rin kay Shiloh. Hanggang..

"Ayy, Shee-lu...over here..look at me!!" Kilala ni Shiloh ang boses na 'yon. Napalingon s'ya. Nakita n'yang muli ang Yaya ni Kiko.

Maging si Noah ay napalingon. Kumakaway pa ang babae. At pilit nakipagsiksikan sa mga tao.

Kumaway din si Shiloh.

"Shee-lu, nandito si Kiko.." Lakas ng boses ng babae.

Napalingon si Noah kay Shiloh. Sinundan n'ya ng tingin ang pagkaway ni Shiloh. Nakita n'yang kasama ng babae ang batang lalaki sa Ice cream Shop.

Matapos ang prosesyon. Hinanap ni Shiloh si Noah. Masakit na ang mga binti ni Shiloh dahil sa layo ng kanilang nilakad. Napunta pa si Shiloh sa backstage ng Gym.

"Saan kaya s'ya?" Patuloy ang paghanap ni Shiloh. Napagawi s'ya sa isang madilim na sulok. Nang may narinig s'yang kaluskos. Sinundan n'ya ang naririnig. Hindi naman natatakot si Shiloh.

Ngunit nanlaki ang kanyang mga mata dahil..

NAKITA N'YANG MAGKAYAKAP AT NAGHAHALIKAN SINA NOAH AT DIANA.

Tumalikod si Shiloh. Napahawak s'ya sa kanyang dibdib.

"Aray! Bakit parang masakit?" Tanong ni Shiloh sa isipan.

Hindi maunawaan ni Shiloh at tila napakabigat sa dibdib ang kanyang nakita. Naisipan n'yang hanapin ang kotse nina Noah. At nang matagpuan n'ya ay agad s'yang pumasok sa loob. Mabuti nalang nasa labas ang driver. Hindi n'ya napigilan tumulo ang kanyang luha.

"Di ba crush ko lang s'ya? Pero bakit ganito? Ang sakit sa dibdib 'yong nakita ko. Ano bang nangyayari sa akin? Gusto ko nang umuwi."

Nagitla si Shiloh nang may kumatok sa bintana ng salamin..si Oliver.

Mabilis na bumaba si Shiloh at niyakap ang mga kaibigan.

"Eng! Best Actress ang drama."

"Oli, umalis na tayo dito. Gusto ko nang umuwi."

"E di magpaalam ka kay Noah, hindi ka pwedeng umalis na di magpapaalam sa kanya. Kasi mag-aalala 'yon."

Umiling si Shiloh.

"Bakit ba? Kanina ang saya saya mo bakit ngayon umiiyak ka?"

"Kasi..kasi.." Hinawakan ni Shiloh ang dibdib. Hindi n'ya masabi ang totoong dahilan.

"Eng! hindi ka makahinga? May sakit ka? Hala, tawagin ko ang driver para maiuwi ka."

"Hindi.." Sagot ni Shiloh.

"Eh, ano?"

Niyakap ni Shiloh si Oliver..at sinabing..

"Nakita ko s'ya..naghahalikan sila ni Diana..Bakit ganito? Ang bigat sa dibdib?"

"Ha?" Hindi rin alam ni Oliver kung anong sasabihin sa kaibigan.

---------------------------------------------

TEASER:

"Bakit may kakaiba ba sa akin? Bakit hindi ko nararanasan ang mga nararanasan nina Red at Chai sa pagdadalaga?"

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 61.7K 45
Disclaimer: This is a Filipino story |COMPLETED| What will happen if the notorious troublemaker find herself getting manipulated in her own game resu...
1.1M 44.1K 65
Chloe Mae Santos Ang suki sa Detention Room. Palagi siyang napupunta sa Detention kasi marami siyang kalokohang ginagawa. Theodore Madrigal Ang SSG...
375K 8.9K 31
"You can run with a lie, but you cant hide from the truth. It will catch you!" Date Starded: February 19, 2020 Date Ended: April 17, 2020
3.2M 51.6K 36
Si Danica Ramirez ay ulila nang lubos kaya naman napag pasyahan nya na magtrabaho sa dating amo ng kanyang ina bago ito namayapa... At sa mga Wilson...