Loving My Brother #1: Thrale'...

By ziryanggg

183K 7K 704

Bakit ganoon? Bakit ako nakakaramdaman nito? Nakadidiri. Nasasaktan ako because he can't love me back? So ov... More

I love you, kuya.
Prologue:
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 20:
Chapter 21:
Chapter 22:
Chapter 23:
Chapter 24:
Chapter 25:
Chapter 26:
Chapter 27:
Chapter 28:
Chapter 29:
Chapter 30:
Chapter 31:
Chapter 32:
Chapter 33:
Chapter 34:
Chapter 35:
Chapter 36:
Chapter 37:
Chapter 38:
Chapter 39:
Chapter 40:
Chapter 41:
Chapter 42:
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 45:
Chapter 46:
Chapter 47:
Chapter 48:
Chapter 49:
Chapter 50:
Chapter 51:
Chapter 52:
Chapter 53:
Chapter 54:
Chapter 55:
Chapter 56:
Chapter 57:
Chapter 58:
Chapter 59:
Chapter 60: Confession
Chapter 61:
Chapter 62:
Chapter 63:
Chapter 64:
Chapter 65:
Chapter 66:
Chapter 67:
Chapter 68:
Chapter 69:
Chapter 70:
Chapter 71:
Chapter 72:
Chapter 73:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82.
Chapter 83:
Chapter 84:
Author's note:

Chapter 74:

1.1K 78 18
By ziryanggg

Thrizel’s POV

"Aray!" Sigaw ko nang madiinan ni Link ang aking sugat.

Ginagamot niya ito ngayon, akala ko ay hindi niya nakitang dumudugo ang paa ko kanina. Sinundan pala ako nito papunta sa aking kwarto. Ayokong si Thrale ang makakita, dahil ang aking akala ay gagamotin niya, baka tumaliwas at hayaan lang ako nito. Baka roon bumuhos ang aking luha, ayoko ng umiyak sa kaniyang harapan. Ayoko ng makita niya ang mga luha kong bumabagsak na siya ang dahilan.

"Wala talagang kwenta ang kuya mo."

Hindi ako tiningnan ni Link nang sabihin niya iyon. Masama ang loob niya kay Thrale base sa tono ng pananalita nito. Kung maintindihin lang ako ‘gaya ni Ate Anissa, baka maayos kami ni kuya ngayon. Pero hindi, ayaw mawala ng mali kong nararamdaman. Kahit anong gawin ko, umiwas man o pigilan ‘to, hindi ako nananalo. Nananalo ang mali kaysa sa mga naiisip kong tamang gawin.

"Bakit mo ba kasi sinabihan ng gano’n si Arella? Malay mo siya ang pinsan natin, ‘di ba? Kahit ako nainis sa sinabi mo no’ng gabing ‘yon." Mahina kong sabi rito. Sa ngayon, nilalagyan niya na ng band aid ang aking sugat.

Tumayo ito at niligpit ang first aid kit. Nilagay niya sa taas ng aking kabinet bago sumagot. "Patay na ang pinsan ko." Kaswal niyang sagot. "Wala tayong ebidensya na siya talaga si Arella, hindi sapat ang peklat sa pisngi. Wala nga siyang maalala, hindi natin alam kung ano talagang nangyari sa kaniya."

Natahimik nalang ako, may punto naman kasi si Link. Wala kaming patunay kung siya talaga si Arella. Pero malakas ang kutob kong siya, magaan ang loob ko sa kaniya. Alam kong hindi maling babae ang nahanap ni Thrale.

"Magpahinga ka muna, mamaya ka na bumaba. Kapag bababa ka, tanggalin mo ang band aid mo para hindi makita ni Thrale na nagkasugat ka." Paalala nito na tinanguhan ko lang. Agad naman siyang lumabas ng kwarto.

Nang matahimik, pumasok agad sa aking isip si Amira. Ilang araw ko na siyang hindi natatawagan, hindi rin tumatawag ang babaeng ‘yon, baka abala iyon sa kanila. Nang tawagan ko, agad na tumunog. Bumungad ang mukha niyang nakangiti sa screen ko nang sagutin niya ito.

"Hello." May problema ba ‘to?

"Matamlay ka?"

"Hmm, no, I’m not. Actually patawag na sana ako sa ‘yo, naunahan mo lang." Ngumiti siya ng kaunti sa akin. Ano bang iniisip ng babaeng ‘to? Mukhang may problema rin siya.

Napahinga ako nabg malalim. "Spill." Seryoso kong sabi.

Natigilan siya at nangunot ang noo. Iniisip kung anong sinasabi ko. "Spill, what?"

"Just spill your problem, I’m here now."

Tinitigan ako nito sa mga mata, nakipagtitigan din ako sa kaniya. Maya-maya ay bigla itong naluha, nakapatong ang laptop niya sa mesa kaya kita ko siyang yumuko at doon humagulgol ng iyak. Sabi na nga ba, mabigat ang pakiramdam nito.

"Anong problema?" Malungkot kong pagtatanong. Gusto ko siyang puntahan sa kanila para yakapin. Siya lang ang mag-isa sa kwarto, gusto ko siyang samahan. "Amira? Anong nangyari?"

"T-Thrizeeeel." Basag ang kaniyang boses. Halata rin ang pagkapaos niya. "K-Kahit saan kami pumunta, magulo ang pamilya namin." Ramdam kong masakit na ang aking lalamunan. Nahahawa ako sa pag-iyak ng aking kaibigan. Ramdam na ramdam ko ang kaniyang paghihirap.

"Anong nangyari?"

Nagpunas siya ng mukha bago muli humarap sa camera. Pula na ang mga mata nito, may mga luha pa rin. "D-Dad came here and he wanted to break up with mom. Akala ko ay maayos pa, hindi na pala." Nalungkot ako sa kaniyang kwento. Mukha ngang umaasa pa siyang maayos ang kanilang pamilya.

"What will you do now?"

Pinunasan niya ang kaniyang luha at pilit na natawa. "Wala naman akong magagawa kun’di ang sumunod kay mommy e. Baka sa susunod na araw ay ayos na ulit ako, medyo hindi ko lang kinaya ngayon. Pasensya na."

NATAPOS kaming mag-usap ni Amira, magaan na ang loob nito bago niya patayin. Kaya siguro mabigat ang loob no’n dahil wala siyang mapagsabihan sa kanila. Mahirap ang sitwasyon ng pamilya nila Amira. Bukas ay tatawagan ko ulit siya para kumustahin.

Boring dito ngayon sa aking kwarto, may laptop nga pero tinatamad din akong gamitin kaya mas pinili kong tumayo at lumabas ng bahay. Kakadikit lang ng band aid sa sugat ko, baka kapag tinanggal ko ito ay masakit. Maputi ang aking paa kaya madaling mapansin kung may sugat o wala. Siguro ay itatago ko nalang kay Thrale.

Bumalik ako sa aking kwarto para kumuha ng blazer dahil manipis ang aking damit. Matapos iyon ay tuluyan na akong bumaba. Lumilingat
lingat pa ako para tingnan kung nasa baba si Thrale. Salamat naman at wala. Pero habang naglalakad ako pababa ng hagdan ay humarang si Arella.

Agad kong tinago ang aking paa. Tiningnan ko ang kaniyang mukha, kalmado lang ito at parang may gustong sabihin. Ayokong mahuli kami ni Thrale na nag-uusap na naman kaya tinanong ko na siya.

"Anong kailangan mo?" Hindi masungit ang aking pagtatanong. Kalmado lang ito. Hindi naman ako galit sa kaniya dahil sa nangyari. Hindi niya kontrolado ang utak ni kuya.

"May sasabihin lang ako." Nangunot ang aking noo roon. Ano namang sasabihin niya? "I’m sorry, Thrizel. Kung napagalitan ka ng kuya mo dahil sa akin. Hindi na kasi ako nakapagpaliwanag dahil bigla akong natakot sa kaniya nang makita kong galit. Sorry talaga. Hindi ko intensyong pagalitan ka. Wala akong balak na masama sa ‘yo."

Natahimik ako dahil doon. Nag-iisip ako habang nakatingin sa kaniyang mukha. Huminga ako nang malalim saka nagsalita. "Sinabi mo ba kay kuya na ikaw ang nagyaya ng pillow fight?"

"Hindi." Napayuko siya dahil doon. Nahihiya siguro sa akin. "Hindi ako masyado nagsasalita kapag si Thrale ang kaharap ko, natatakot ako sa kaniya. Gano’n dati ang kuya ko, doon sa pamilyang kumupkop sa akin. Kung paano magalit si Thrale sa ‘yo, gano’n din siya sa akin. I’m sorry, Thrizel, hindi ko masabi na ako ang may kasalanan." Pansin ko ang panginginig ng kaniyang kamay, halatang may trauma.

"Ayos lang sa akin, sanay naman akong gano’n si kuya e." Hinawakan ko ang kaniyang baba para i-angat ang kaniyang ulo. "Huwag ka nang humingi ng tawad, ayos lang naman ako. Sermon lang iyon ni kuya, habang narinig, labas ulit sa tainga."

Yayakap sana ito sa akin pero natigilan siya dahil parang may napagtanto. "S-Sorry."

Ngumiti nalang ako sa kaniya saka siya nilagpasan. Binilisan ko ang aking lakad kahit medyo ika-ika ako. Ramdam kong nakasunod ng tingin sa akin si Arella kaya dapat maayos ang paglalakad ko. Si Link lang dapat ang nakakaalam na may sugat ako.

Nakarating ako sa pool, sinuot ko na ang aking blazer. Wala namang tao pero ramdam ko ang malamig na hangin. Umupo ako sa upuan kung saan malapit ang pool. Nakakaburyo sa kwarto ko kaya ako nandidito. Magpapahangin nalang siguro.

Tahimik anong nakaupo, walang ginagawa hanggang sa mapatingin ako sa tubig. Nangunot ang noo ko dahil parang may tao. Hinubad ko ang aking blazer at tumayo para kumpirmahin. Nakalublob ang mukha nito sa tubig, likod lang ang makikita mong lumulutang. Kahit hindi tanongin, kilala ko ang likod na ‘yon, kay Link. Hindi siya marunong lumango—kanina pa ba siya ganiyan?!

Dahil sa pag-aalala, walang pag-aalinlangan akong tumalon sa swimming pool. Lumangoy ako papunta kay Link. Tinapik-tapik ko rito pero walang naging tugon. Nagpakalunod ba ito?

"LINK!" Sigaw ko dahil natataranta na.

Hinawakan ko ang buo niyang balakang. Ipupunta na sana sa gilid nang bigla nitong inangat ang kaniyang ulo. Nakapikit ito. Gano’n nalang akong mapalayo, kahit natatakpan ng buhok ang kaniyang mukha. Alam kong nagkamali ako. Si Thrale ang naliligo, hindi si Link.

Nang mapunasan ni Thrale ang kaniyang mukha kunot noo ako nitong tiningnan. Malamang ay nagtataka kung bakit ako nakalusong sa tubig. Siguro habang naliligo siya ay natutulog. Madalas iyon gawin ni Thrale kaya siguro naabutan ko siyang gano’n kanina.

Hindi ito makatingin sa akin ng maayos. Para siyang naiilang. "What are you doing, lady?" Matapos niyang magtanong ay umahon ito. Dire-diretso siyang naglakad. Nakasalubong niya pa si Gio pero hindi niya rin ito pinansin.

Napabuntong hininga nalang ako at umahon sa pool, bigla akong nakaramdam ng lamig. Kinuha ko ulit ang aking blazer at binalot sa katawan. Muli akong umupo sa upuan, ayoko munang pumasok sa loob kahit nilalamig ako. Napatingin ako kay Gio dahil bigla itong lumapit sa aking gawi.

"Naliligo ka rin?"

"No, I’m not." Sagot ko agad sa kaniya at ngumiti.

Kita ko siyang umupo sa upuang kaharapan ko. Magsasalita sana ito ngunit biglang inibang direksyon ang tingin. Nagtaka naman ako dahil doon. Ganiyan din ang reaksyon ni Thrale sa akin kanina.

"What’s wrong?"

"Hmm?" Hindi talaga siya tumitingin sa akin. Naiilang siya.

"Anong mali?"

"Y-Your—" Seriously? Nauutal talaga siya?

"Gio."

"I saw your bra."

Agad naman akong napatingin sa aking katawan. Napabalot agad ako ng blazer dahil bakat nga ang aking bra. Ako naman ang nakaramdam ng hiya. Bakit hindi ko naalalang manipis lang ang suot kong damit? Gosh, bakit si Gio pa ang nakakita? So nakita rin pala ni Thrale? Bakit hindi niya sinabi sa akinnnnnn?!

"I like you, Thrizel." Nawala ang aking hiya dahil sa binaggit ni Gio. Seryoso ang kaniyang reaksyon at titig na titig sa aking mata.

"Huh?" Hindi na bago ito sa akin na may umaamin. Hindi ako naiilang o nakakaramdam ng hiya, parang normal nalang.

"I like you. Sorry?" Bakit siya nagsosorry? Confession niya ba ito sa akin? Hindi ko alam ang aking isasagot.

"Ah, mukha nga." Iyon nalang ang aking sagot ko. Hindi ko alam kung anong isasagot siya kaniyang pag-amin. Napatingin sa akin si Gio, seryoso lamang siyang nakatingin.

"Hindi naman kita liligawan, ayos na sa aking ganito tayo."

Natigil ang pag-uusap namin nang dumating si Ate Anissa. Agaran akong tinawag nito kaya nag-excuse ako kay Gio.

Lumapit ako kay Ate Anissa. "Bakit, ate?"

"Pumunta ka sa kwarto ni Thrale, gusto ka niyang makausap." Mahinhin ang pagkakasabi niya.

Napaisip naman ako, bakit niya ako kakausapin? Dahil ba ‘to sa nangyari? Hahayaan niya na ba akong magpaliwanag? Saglit, tiningnan ko ang paa ko, wala na ang band aid dito. Siguro ay natanggal no’ng tumalon ako sa pool.

"Sige po."

Naglakad na ako papasok ng bahay. Hindi naman ako tumutulo kaya tuloy lang ako. Mabilis akong nakarating sa pinto ng kwarto ni Thrale. Kakatok na sana nang bigla akong napaisip. Tuwing papasok ako sa kwarto ni Thrale, kung ano-ano ang napag-uusapan namin.

"Pasok." Sabi nito nang makadalawa akong katok. Pumasok na ako. "Lock the door." Sinunod ko naman ang kaniyang utos.

"Anong pag-uusapan?" Nakita ko siyang nakaupo siya sa kaniyang sofa. Nakaharap ito sa laptop.

"Umupo ka muna."

Umupo ako.

Natahimik kaming dalawa, hinihintay ko lang siya magsalita. Maya-maya lang ay tumayo ito, agad itong pumunta sa aking direksyon.

"Band aid mo sa paa, dumikit sa likod ko." Binigay niya sa akin ang band aid. The fck, kinuha niya pa talaga? "Anong nangyari sa paa mo? Iyan ba ‘yong nabasag ang vase?"

"Yes." Simple kong sagot.

"Bakit hindi mo sinabi sa ak—"

"Pakialam mo naman? Sugat mo ba ‘to?" Sabi na nga ba iyan ang itatanong niya. Itatanong niya kung kailan ginamot na ni Link? Siraulo ba siya?

"Alam kong pinagalitan kita. Ganiyan ka na ba mabilis magtampo? Kapag pinagalitan hindi na p’wede sabihin sa akin na nagkasugat ka rin?"

"Stop pretending, kuy—"

"Don’t call me kuya."

Natawa ako dahil sa kaniyang sinabi. Payaso na ito ngayon? "Dati gustong-gusto mong tinatawag kitang kuya tapos ayaw mo na? Anong pumasok diyan sa isip mo?"

Tumayo siya sa aking harapan, yumukod ito at biglang nilagay ang hintuturo sa aking labing nakasarado. "Shhh, daldal e." Agad kong tinanggal ang kaniyang kamay, sininghalan ko pa ito. "Ang tigas na talaga ng ulo mo. Hindi na kita mapasunod." Pansin ko ang kaniyang pagbuntong hininga. Umupo siya sa kama para magkaharap kami. "Naiinis ako sa ‘yo, araw-araw."

Naglalabas ba siya ng hinanakit kaya ako pinatawag?

"Bakit?"

"Gusto kong bumalik tayo sa dati." Seryoso ang kaniyang mukha pero sa mata, halata ang lungkot. "Simula nang maramdaman mo iyang maling nararamdaman mo, umiba ka ng pakikitungo. Hindi na ikaw ‘yong kapatid kong sumusunod, ang laki ng pagbabago ngayon. Napapaisip ako, ako ba ang may mali o ikaw? Dahil simula nang umamin ka, doon ako nakaramdam ng galit. Paano mo nakuhang aminin iyon sa akin? Hindi mo ba naisip ang mga pinagsamahan natin? Paano kapag nagbago? Paano kapag nawala ang closeness? Paano kapag nasiraaaa?" Kung ang mukha niya kanina ay seryoso. Ngayon, halata na ang lungkot. "Pilit kong binabalik sa dati kung ano tayo pero hindi ko magawa dahil ikaw ‘tong ayaw e. Mas pinili mo iyang nararamdaman mo kaysa ibalik kung ano tayo dati? Dati nga hindi mo na ako tinatawag na kuya, iyon ba ang pagbabago mo? Then now tatawagin mo akong kuya? Umaasa ako kapag iyan ang tawag mo. Napapaisip ako, si Thrizel na ba ‘to? Ito na ba ‘yong kapatid kong sumusunod sa akin? Hindi matigas ang ulo dahil naiintindihan niyang ayoko siya mapahamak? Anong mali ko? Putangina. Mali ba ang pagiging protective ko? Dapat ba hindi ko ‘yon ginawa para hindi ka nagkagusto sa akin?"

Tumayo ito at tumalikod mula sa akin. Alam kong nagpunas siya ng kaniyang luha. "I looked for Arella baka maramdaman ko ulit kung ano tayo dati. Kung nagbago ka, baka siya ang magtutuloy kung ano ka dati. Kuya ako rito, Thrizel. Sana naman kasi inisip mo kung anong mangyayari sa ating dalawa. Galit ako sa ‘yo, galit na galit."

Hindi ako nagsalita.

"I’ll ask you, anong gusto mo?"

Muli ko siyang tiningnan. Magkatitigan kami ngayon. Ano nga bang gusto ko? Ang bumalik kami sa dati? Hindi na maibabalik ‘yon dahil ilang beses niya na akong sinaktan.

"Gusto ko?"

"Oo." Tutok na tutok siya sa akin. Hinihintay ang magiging sagot ko.

"I wish Link was my older brother." Walang pag-aalinlangan kong sabi.

Natahimik ang buong kwarto. Kahit hindi ko siya tingnan, alam kong nagulat siya sa aking sagot.

"Sakit." Mahinang sabi nito at nagpalakad palabas ng kwarto. "Bullshit!" Napaigtad ako nang pabagsak niyang sinara ang pinto.

Oh? Is there something wrong with what I said?

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

130K 2.6K 49
"What? Ate, di pa ba tapos yang high school crush mo!" "Di pa, hanggang di pa nagiging kami!" Kinikilig kong sabi at mabilis na isinara ang pinto ng...
160K 3.6K 62
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad
1.9K 82 27
[ Batwoman and Catman story] "The Bat And The Cat, It has a nice ring. Let's get into some trouble" (Contains Mature Content)
259K 8.1K 185
What if a Pokémon Trainer found herself in the world of One Piece? What if she found herself with the Strawhat Pirates? What if she finds herself get...