Sprouted Desire ✔

By dyrnevaia

144K 3.1K 807

Hacienda Series I Cresencia More

SD
Love, Dyrne
Paunang Silip
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Huling Kabanata

Kabanata 45

2.4K 60 17
By dyrnevaia


I couldn't take my eyes off Mamáng. Kanina pa niya buhat-buhat ang apo niya sa kaniyang braso ngunit tila hindi niya iyon alintana. On the other hand, I was thankful that Silious never cried. Naaalala niya kaya si Mamáng?

Dapit-hapon na't kanina pa umalis sila Kristine kasama ang kaniyang mga magulang. Ngayon nga ay kaming tatlo na lang ang tao sa bahay.

My eyes drifted back to my son and my heart swelled. I still couldn't believe Simon let me take him home.

Tumungo na akong kuwarto at naglinis ng sarili bago dumiretso sa kusina para makaluto ng makakain. I let Mamáng played with my son while I was busy doing the household chores. Natutuwa ako sa pagiging madaldal niya sa apo. Ngayon ko lang na naman siya nakitang masigla.

"Thank you Cresencia for bringing my grandson home."

Napunit ang katahimikan maliban sa pagkalansing ng aming pinagkakainan. I looked up and a gentle smile appeared on my lips when I saw Mamáng already smiling at me. I missed that smile. Kandong niya ang anak kong masagana ring nagpapasubo sa kaniya.

"Tomorrow, I want to go out. Let's bring Simeon outside, can we?"

Hindi ako agad nakasagot dahil sa gulat. Since Papáng passed away, Mamáng never went out again. Lagi na lang siyang nagkukulong sa kaniyang silid maliban na lang kung may importante akong lakad at kailangan ko siyang isama.

My heart constricted with joy as I nodded my head repeatedly.

I could feel it, she was slowly coming back...

Katatapos ko lang maghugas ng mga pinggan nang tumunog ang cell phone ko para sa isang tawag. Pinahid ko ang basang mga kamay sa suot na pang-ibaba upang sana abutin ang phone nang namatay na agad ang tunog.

I checked the call history and it was an unknown number. My heart started beating fast.

A text was popped up and stated...

Si Simon to.

Bahagyang nanginig ang aking kamay sa nabasa. Gusto kong sitahin ang sarili dahil tila hindi na naman ako mapakali. Muling tumunog ang cell phone ko kaya't walang pagdadalawang isip na sinagot ko iyon.

Bukod sa katahimikan ay ang kaniyang paghinga lang ang maririnig sa kabilang linya. Nanahimik din ako dahil hindi ko alam ang unang sasabihin.

Makalipas ang limang segundo ay rinig ko ang pagtikhim niya. Napaayos ako ng pagkakasandal sa lababo.

"Hi," mahina niyang bungad.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi para supilin ang sumisibol na ngiti. I remembered those days when we were call mates.

"Hi," tipid kong bati pabalik.

Rinig ko ang marahas niyang pagbuga ng hininga. "Si Silious? Umiyak ba?"

Inalis ko ang pagkakasandal at tumungo sa sala para sumilip sa nakabukas na silid ni Mamáng. There I saw her with my son, both giggling on the bed while she was tickling him.

"Hindi. Kalaro niya si Mamáng," nakangiti kong sagot.

Umupo ako sa may sala habang hindi inaalis ang mata sa kanila.

Binalot uli kami ng katahimikan. Tanging ang kaniyang malalalim na hininga ang maririnig.

"Puwede ba akong magtanong?" untag niya makalipas ng ilang sandali.

Umayos ako nang pagkakaupo. "Sure, ano 'yon?"

"Nasaan ang Senyor?"

Napahigpit ang kapit ko sa cell phone. Humugot ako nang malalim na hininga at nilunok ang bumara sa lalamunan. "Wala na siya," mabilis kong ani. "Ako, puwede rin bang magtanong?" Paglilihis ko upang hindi na naman manaig ang hapdi sa dibdib.

"Ano 'yon?" gasgas niyang tinig.

"Nasaan si Aling Carmen?"

Alam kong tunay ang nakita kong larawan sa kuwarto ni Silious noon ngunit gusto kong magmula sa kaniya ang katotohanan. Gusto kong malaman, bakit? Paano?

Malinaw sa aking pandinig ang kaniyang paghugot nang malalim na hininga. "Wala na si Mama."

Pinatigas ko ang panga dahil ramdam ko ang sakit sa kaniyang boses. Napapikit-pikit ako para pigilan ang sarili. "B-bakit? Ano'ng nangyari?" pang-uusisa ko.

Gusto kong malaman.

"Pakibantayan ang anak natin."

"Simo—"

"Good night, Cres."

Pagkasabi no'n ay pinutol na nito ang linya. Nanginginig kong ibinaba ang cell phone.

Tulad nga ng request ni Mamáng ay lumabas kami kinabukasan. She never let me carry my son for too long. Pinapasa niya lang sa 'kin si Silious 'pag may kailangan siyang gawin at kukunin niya rin agad. Kahit gano'n man ay malugod ko ring ipinapaubaya ang anak ko sa kaniya. Nangangamba tuloy akong ibalik si Silious sa Lunes.

We went to Sts. Peter and Paul Cathedral to attend a mass then later stayed on Capitol park to unwind and entertain Silious. Hapon na nang tuluyan kaming makauwi.

"Napagod ang apo ko sa paggala," Mamáng's sweet voice filled our house when I opened the door.

Nakangiti kong ibinaba ang bag sa upuan sa sala at iminuwestra ang kamay para makuha ang anak.

"Magpalit ka muna Mamáng, ihihiga ko lang si Silious sa higaan."

"Put him on my bed, please."

Tumango ako't sinunod ang sinabi niya. Dito kaming tatlo natulog kagabi habang nasa gitna si Silious. And it was so far, one of the peaceful sleeps I had since we returned here.

My chest tightened when I opened my eyes the next morning. Mamáng was hugging Silious tightly in her arms. And I didn't know what to say once she wakes up and discover Silious wasn't with us again.

May nagbara sa aking lalamunan nang anumang sandali ay ibabalik ko na ang anak ko kay Simon. Could we just take him with us forever? Dalawang gabi pa lang namin siyang muling nakasama at halos ayaw ko na siyang muling ibalik.

Huminga ako nang malalim at tiningnan ang orasan sa cell phone. Alas kuwatro pa lang ng madaling araw. I saw a message from Simon thirty minutes ago.

Ingat kayo pabalik dito.

Tumayo na ako at agad nag-ayos upang agad ko nang maibalik si Silious bago pa man maalimpungatan si Mamáng. I was delighted how happy she was when I brought my son home... and I couldn't take it once I see her in tears because of his absence again.

Matagumpay kong naisandal sa aking balikat ang natutulog na anak. Lubos ang kaba ko nang bahagya pang gumalaw si Mamáng bago muling kumalma sa pagtulog. Lumabas na ako ng kuwarto at nilingon ang nakaupong si Kristine. Nahihiya akong ang aga ko siyang ginising para bantayan si Mamáng.

"Ikaw nang bahala, Kristine. I-text mo ako kung may problema."

Tumango siya agad, "Sure ate. Ingat po kayo ni baby. Sayang at isang araw lang pala siya rito."

Ngumiti na lang ako nang tipid bago ninakawan ng sulyap ang natutulog na Mamáng saka lumabas ng bahay.

Eksaktong 5:30 AM nang dumating kami sa mansyon ni Donya Melvira. Agad akong sinalubong ni Shiena nang marinig ang pagtigil ng tricycle sa labas.

"Ang boring ng bahay ate dahil walang Silious na pampasigla," ani Shiena at kinuha na sa akin ang bag.

Naglakad kami papasok. Tahimik ang buong mansyon maliban sa kusina dahil nagluluto na ang mga kasambahay.

"Gising na ba si Donya Melvira?" I asked as we started climbing the stairs.

"Hindi pa sila gising ate."

Tahimik na lang akong tumango at dumiretso na kami sa kuwarto ng anak ko. "Puwede mo na kaming iwan, Shiena. Ako nang bahala rito."

Inilapag niya ang bag sa ibabaw ng kama at agad tumalima. "Baba ka na lang ate kung may kailangan ka."

"Sige, maraming salamat."

Lumabas na siya't ako nama'y marahang inilapag ang natutulog pa ring anak. I crouched a little and kissed him on his forehead. Saglit lang siyang gumalaw bago muling nahulog sa malalim na pagkakatulog. Napangiti na lang ako't kinuha ang bag niya para ilabas ang mga nagamit.

I sat on the edge of the bed and I get the tray of his used clothes. Kasama sa trabaho ko ang paglalaba ng damit niya dahil ako na rin mismo ang nagsabi.

Lulong ang atensyon ko sa pagbabaliktad ng mga labahan nang makaramdam ako ng titig mula sa bukana ng pintuan. Napatigil ako para lumingon doon.

Nagtagpo ang mata namin ni Simon. Binasa ko ang pang-ibabang labi at agad ding binawi ang tingin.

"Nandiyan ka pala," pinakaswal ko ang tinig kahit pa bahagyang nanginig iyon dahil sa pagdagundong ng dibdib.

Nakasandal siya sa hamba ng pintuan habang nakahalukipkip. Ang kaniyang nang-aarok na titig ay nakadiretso sa aking puwesto. Ramdam ko pa rin ang 'di niya pag-alis ng titig na siyang nanunuot sa akin.

Naglakad siya palapit sa akin at umupo sa aking tabi, nag-iwan lang ng sapat na espasyo para hindi tuluyang magdikit.

Hindi ko na naituloy ang paggalaw dahil nabuhay na ang buong sistema ko sa kaniyang presensiya.

Ano ba Cresencia! Para kang tanga! Paninita ko sa sarili.

"Maayos na ba ang sugat mo?" malalim ang kaniyang boses, tila bagong gising.

Kahit pa may agwat sa amin ay amoy ko pa rin ang natural niyang amoy. I remembered, it was my hobby to sniff his scent before. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi.

"Maayos na. Hindi naman siya malaki," sagot ko at sinulyapan ang sugat na tinutukoy niya. Hindi ko na 'to nilagyan ng band-aid at sa katunayan ay papagaling na.

"Kahit na, nasaktan ka pa rin."

"Ayos na ako," mahina kong usal.

Hindi na matigil ang pagkalabog ng aking dibdib. Sa ilang linggo ko nang nagtatrabaho rito, isa 'to sa mga sandaling ganito kami kalapit. Ngunit iba ngayon... dahil nag-uusap kami nang mahinahon.

Nang dumaan sa isip si Mamáng ay humarap ako sa kaniya para lang magulat na nakatitig pa rin ito sa akin. Gusto ko mang muling iiwas ang mata ay magmumukha na talaga akong tanga sa harapan niya.

"S-salamat ulit sa pagpayag mong iuwi ko siya," sabay nakaw ko ng tingin sa anak naming himbing pa rin sa tulog.

Nagnakaw rin siya ng tingin bago ibinalik ang titig sa akin. "Walang anuman."

Humugot ako nang malalim na hininga at bahagyang kinagat ang pang-ibabang labi. Napunta roon ang titig niya na tuluyan nang nagpawala sa aking sistema.

"Puwede ko ba siyang iuwi ulit sa susunod?" pagbabaka sakali ko.

Nagsalubong ang kaniyang mga kilay ngunit ang titig ay nasa labi ko pa rin. "May usapan tayo—"

"At nabali iyon, hindi ba? Pinayagan mo pa rin akong maiuwi siya."

Nahigit ko ang hininga nang bumalik sa aking mata ang kaniyang titig. Ako naman ang nagbaba ngayon at napunta sa labi niya. Sa labi niyang...

"Pinagbigyan lang kita no'ng nakaraan pero hindi ka na makakaulit, Cres."

Hindi ko gaanong naintindihan ang sinabi niya dahil tutok ang tingin ko sa paggalaw ng kaniyang labi. These... these sweet lips were used to be mine. I used to taste them countless times.

"Cres," mas malakas na niyang tawag sa akin.

"H-huh?" Lutang akong napaangat ng mata sa kaniya.

Rinig ko siyang nagmura nang mahina bago mas lumapit. Mas umalingawngaw ang pagkabog ng aking dibdib na pakiramdam ko'y naririnig na niya.

"No'ng nakaraan mo pa akong sinusubok," tiim-bagang niya at hinawakan ako sa kaliwang braso.

Singhap ang umalpas sa aking lalamunan nang dumaan ang elektrisidad sa aking katawan gawa nang paglapat ng magaspang niyang palad sa aking balat. A familiar tingle.

"Simon..." sa halip na pagkagulat ay paos kong naiusal 'yon.

Isang marahas na mura ang muli niyang pinakawalan bago ako tuluyang kinabig sa batok at siniil nang makapigil-hiningang halik.

He harshly nipped my lower lip and I earned a groan from him. Lumingkis ang isa niyang braso para kabigin ako sa baywang at tila hangin akong nagpatangay sa kaniyang gusto.

After all these months away from them—away from him... finally, my lips found their way home.

My arms had their own mind to encircle around his nape. He lifted me only to make me straddle him as he placed his both palms on my waist; squeezing me from time to time. Lahat ng gigil, inis at pagka-miss ko'y ibinuhos ko sa pagganti sa kaniyang halik.

I opened my mouth and let his tongue invade. We both groaned from it. My right hand went to his hair and pulled it. He pulled me closer onto his lap in return. A moan escaped my lips.

"Galit ako sa 'yo, Cresencia," paos ngunit marahas niyang bulong sa aking tainga bago huminga nang malalim. "Galit na galit."

I bit my lower lip and lazily placed my forehead on his shoulder blade. Our chest were touching and moving in unison. Para kaming pagod na humihingal mula sa mahabang pagtakbo.

"Galit din ako sa 'yo, Simon," ganti ko. "Mabuti ka pa, may bago agad," pagkadagdag niyon ay inis kong kinagat ang kaniyang balikat.

I heard him wince in pain yet he just hugged me tighter. I felt his hard wood poking me under and my evil side kicked in. I ground on it. A guttural groan let out from his mouth.

"Bakit ka umalis?" habol-hininga niyang tanong.

Inangat ko ang ulo at habol-hininga rin siyang hinarap. "Bakit ka may bago?"

Tila magnetong nagdugtong ang aming mga mata at wala ni isang nag-iwas. Kay daming katanungan ang gusto kong masagot ngunit hindi na 'yon nasundan pa nang makaramdam kami ng panginginig.

Kapwa bumaba ang tingin namin sa suot kong pantalon at doo'y umiilaw ang cell phone ko. Kumalas ako sa kaniya at hinayaan niya akong makawala. Pinagdikit ko ang mga hita nang makabalik sa pagkakaupo kanina. Sinilaban ng hiya ang aking pisngi nang matauhan sa nangyari.

"Sino 'yan?" Inilabas ko ang phone at napakunot-noo nang makita ang pangalan ni Niko. "Niko, huh?" sarkasmo niyang dagdag at bahagyang lumayo sa akin.

Hindi ko na lang siya pinagtuunan ng pansin nang sinagot ko ang tawag.

"Ano'ng mayro'n?" mahina kong tanong para lang maalarma nang marinig ang mga sigaw ni Mamáng sa kabilang linya. "Niko, what's happening?" Napalitan ng kaba at takot ang aking puso.

"Cres... your Mom is getting hysterical. Puwede ka bang umuwi para mapakalma natin siya?"

Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Tumayo ako agad na siyang ginaya ni Simon.

"Saan ka pupunta?" mabilis niyang hinawakan ang aking braso para pigilan.

Taranta ko iyong inalis. "Sa bahay. Kailangan kong umuwi."

"Dahil ano? Kailangan ka ni Niko? Sino siya?" Sunud-sunod niyang tanong na inilingan ko lang.

Nagising ang anak namin at nagsimulang umiyak nang walang makapang katabi sa higaan. Tumingin ako kay Simon na seryoso at tiim ang bibig na nakatitig sa akin.

"Simon, kailangan kong umuwi. I-ikaw munang bahala sa anak natin," mabilis kong sabi at tuluyan nang tumalikod.

Lalong lumakas ang iyak ni Silious nang makita akong naglakad palabas. Hati ang puso ko sa anong unang gagawin ngunit mas dapat kong unahin si Mamáng. Mas kailangan niya ako.

"Pinatunayan mo lang na naman na hindi ang anak mo ang dapat unahin," dismayado niyang sambit na umabot sa aking pandinig bago pa ako tuluyang makalayo.

Continue Reading

You'll Also Like

12.5K 461 31
Hacienda Series II Winona
14.1K 450 33
Alani Mireille Tejada feels incomplete even though she has it all already. Beauty. Talent. Wealth. But when she meets Giovanne Zabala, she knows that...
112K 1.4K 54
Maria Samantha Fontanilla x Primo Alonzo Russo Young couple who made naive decisions and actions resulting into break up. Years after, they met again...