Loving My Brother #1: Thrale'...

By ziryanggg

183K 7K 704

Bakit ganoon? Bakit ako nakakaramdaman nito? Nakadidiri. Nasasaktan ako because he can't love me back? So ov... More

I love you, kuya.
Prologue:
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 20:
Chapter 21:
Chapter 22:
Chapter 23:
Chapter 24:
Chapter 25:
Chapter 26:
Chapter 27:
Chapter 28:
Chapter 29:
Chapter 30:
Chapter 31:
Chapter 32:
Chapter 33:
Chapter 34:
Chapter 35:
Chapter 36:
Chapter 37:
Chapter 38:
Chapter 39:
Chapter 40:
Chapter 41:
Chapter 42:
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 45:
Chapter 46:
Chapter 47:
Chapter 48:
Chapter 49:
Chapter 50:
Chapter 51:
Chapter 52:
Chapter 53:
Chapter 54:
Chapter 55:
Chapter 56:
Chapter 57:
Chapter 58:
Chapter 59:
Chapter 60: Confession
Chapter 61:
Chapter 62:
Chapter 63:
Chapter 64:
Chapter 65:
Chapter 66:
Chapter 67:
Chapter 68:
Chapter 69:
Chapter 70:
Chapter 71:
Chapter 72:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82.
Chapter 83:
Chapter 84:
Author's note:

Chapter 73:

1K 61 15
By ziryanggg

Thrizel's POV

Umakyat na muna ako sa taas para makapagpalit ng damit. Gusto ko ring daldalin si Arella, gusto ko ang attitude niya. Nagbibihis ako nang bigla kong naalala si Brooks, hindi na pala kami gaanong nag-uusap at hindi ko rin siya nakikita. Pero hayaan na, mas ayos nga ito para naman mabawasan ang sakit sa ulo ko ngayon dahil masyado ng mahirap ang mag-isip nang mag-isip sa kanila. Dominic at Thrale sama mo na si Gio.

Napabuntong hininga na lamang ako sa aking mga naiisip. Nakapaligid lang sila sa akin pero napapasakit na nila ang ulo ko. Bumaba na ako para daldalin si Arella pero wala siya sa sala. Hinanap ko ito sa hardin pero wala pa rin. Nasaan na siya? Umalis ba? Lagot kami nito kay Thrale.

Maya-maya ay may narinig akong parang may lumalangoy sa swimming pool. Hindi nga ako nagkamali, si Arella ito. And nice, she can swim.

“Thrizel, titingnan mo nalang ba ako?” Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Akala ko ay hindi niya napansin ang aking presensya. Nagkamali ako roon.

Naglakad ako palapit sa kaniya at sumagot. “No.” Simple kong sagot. “And nice, you can swim.”
Ngumiti na lang ito ng simple sa akin.

Tumango-tango siya bago bumalik sa paglalangoy. Naupo na lamang ako sa gilid ng pool. Tinitingnan siya, napataas ako ng kilay nang tumingin ito sa akin.

“Huwag mo akong tingnan lang diyan. Samahan mo ako.”

Wala akong nagawa kun’di ang sumunod sa kaniyang sinabi. Kaya naman lumusong na ako sa pool, ayoko na magpalit. Ayos naman ang suot ko. Paikot-ikot lang kaming dalawa, para kaming mga bata dahil nagwiwisikan kami. Natigilan iyon nang magsalita siya.

"You know wala talaga akong maalala. I don’t know what my name is. Hindi ko rin kilala kung sino ang mga pamilya ko. Ang alam ko, araw-araw akong nagpapalaboy sa daan."

Natahimik ako sa kaniyang sinabi, masyado siyang seryoso. Ano ba talagang nangyari dito? "Iyang peklat mo, hindi mo maalala kung sino ang may kagagawan?"

Dapat ko bang sabihin sa kaniya ang kinuwento sa akin ni kuya? Saka nakakapagtaka, bakit parang ayaw siya dalhin ni kuya sa mga magulang nito kung kilala niya naman.

"Hmm, hindi, ang ganda ko sana kung wala akong peklat ‘no?" Sinalamin niya ang kaniyang mukha sa tubig.

Hindi ko napigilan ang aking sarili, nilublob ko siy—esti hinawakan ko ang kaniyang peklat. Ano kayang feeling na may ganiyan sa mukha? "Gusto mo bang makilala ang mga magulang mo?" Wala sa sarili kong tanong. Naaakit ako sa kaniyang peklat.

"Ayoko, marami ng nakupkop sa akin. Sinasabing magulang ko sila pero hindi pala. Mas pinipili kong umalis sa poder nila kaysa masaktan. Ayos nang magutom ako sa kalsada, huwag ko lang nadasin ang pagpapahirap nila sa akin."

"Bakit ka sumama kay Thrale?"

Napatingin siya sa akin. "Siya ang unang taong gustong gamutin ang sugat ko. Natigilan ako roon, kitang-kita ko sa kaniyang mata na nag-aalala siya. Pamilyar ang kaniyang mukha pero hindi ko maalala kung sino siya."

"Siyempre cousin mo siya."

"Oh, talaga ba?"

Hindi na kami nag-usap hanggang sa matapos. Pumunta na akong kwarto, mabilis akong nakapagbihis pero hindi ako agad bumaba. Nagpatuyo muna ako ng buhok. Nakaramdam ako ng antok kaya nahiga ako sa kama. Hindi ako pagod sa date namin ni Gio, pagod ako sa paglangoy pero masaya naman ito.

Nagising ako sa katok ng pinto ng aking kwarto.   “Thrizel, kakain na.”
      
Tumayo ako, tiningnan ang sarili sa salamin bago bumaba. Hindi pa kami kompleto, wala pa sina Thrale at Arella. Maya-maya ay dumating na sila, ngumiti ako kay Arella ganoon rin siya sa akin. Hindi siya tumabi kay Thrale, tumabi ito sa katabi kong upuan.

“Kain ka ng marami.” Kaswal kong bulong sa kaniya.

“Oo naman, ikaw rin.” Ngiting niyang sagot sa akin. Madalas na siyang ngumiti hindi ‘gaya dati na napakaseryoso niya.

Kumakain lang sila ng tahimik pero ang ingay naming dalawa ni Arella. Kung ano-ano ang mga pinag-uusapan naming dalawa. Pansin ko naman ang tingin ni Thrale sa amin. Salitan ang kaniyang tingin.

Biglang namang nagyaya si Arella ng gagawin namin mamaya.  “Movie marathon tayo mamaya, Thrizel. Iyan palagi ang mga gusto ng kapatid ko dati e. Masaya iyon.”

"Hmm?" Uminom ako ng tubig. Tiningnan si Link dahil kunot noo itong tumingin sa akin. "Kwarto o sala?"

“Sala na lang.” Simpleng sagot nito sa akin.

Napaigtad ako nang pabagsak na nilapag ni Link ang hawak niyang mga kubyertos. "Kailan ka pa natuto na makipagkaibigan sa hindi kilala, Thrizel?"

Sa kaniyang pagtatanong, nagkaroon ng tensyon sa buong kusina. Natahimik ako, hindi ko alam kung saan ipipirmi ang tingin. Pakiramdam ko kapag tumingin ako isa sa kanila. Masasama ang pagtitig nila.

"What a drama, Link." Bulong ni kuya habang hinihiwa ang beef steak. "Hindi ka ba masaya na nagkakaclose ang magpinsan? Gusto mo bang umeksena?"

"Of course not, Thrale. Paano mo naman nasabing si Arella ang inuwi mong babae rito? Paano kung hindi mo naman pala hinahanap si Arella. This girl is your side chix. Pretending that I’ve found Arella pero gusto lang naman i-uwi itong kabi—"

Kinalampag ni Thrale ang mesa. "Lagi tayong nagtatalo, Link, dahil diyan sa bunganga mong nakakairita. Mukha bang babae ko si Arella? She’s my freaking cousi—"

"Na matagal ng patay." Matigas na sabi ni Link. "Ni hindi mo nga ito kilala, pinsan mo because she has scar on her cheek? What a stupid, Thrale. Baka nga magnanakaw pa ito, masyado kang tumatanggap ng palaboy-laboy sa daan, ah."

"P’wede kang umalis, pamamahay namin it—"

"Hindi alam ng mga magulang mo na tumatanggap ka ng pagala-gala sa kalye."

Pati ako ay nainis na sa pinagsasabi ni Link pero nawawala iyon dahil may punto naman siya. No, si Arella ang katabi ko.

Tumayo si Link, mukhang nawalan na ng gana kumain. Naglakad ito papalapit kay Arella. "Alalahanin mo kung anong buhay ka mayroon dati dahil kapag tinanong ulit kita at wala kang naisagot, babalik kang palaboy-laboy sa kalye." Kita ko ang kaniyang pagngisi.

Napatili ako nang bigla siyang suntokin ni kuya. Napabaling ang mukha ni Link sa ibang direksyon. Agad namang tumayo si Ate Anissa para gumitna sa dalawa.

"You have no rights para pagsabihan ng ganito ang pinsan namin, Link! Lumalagpas ka sa linya!"

Nagulat ako nang biglang tumawa si Link. "Baited ka na naman, Thrale. Hindi matalas ang bibig ko, hindi ko kayang manglait pero kaya kong gawin iyon kapag may gusto akong malaman. I’m your cousin, you punched me just because of her? E, ang dami ng bumabastos kay Thrizel, ni hindi mo nga maipagtanggol." Magsasalita sana si Thrale nang unahan ito ni Link. "Ipapasok mo ‘yong kay Blue? Wake up, Thrale Wrent, Dominic always saves Thrizel."

"Kaya nag-iiba ang pananaw sa akin ng kapatid ko dahil diyan sa panunulsol mong mas importante sa akin si Arella kaysa sa kaniy—"

"Hindi ako manunulat para gumawa ng kwento at mas lalong hindi ako chismoso para mag-imbento." Umiling-uling ito. "I’m just stating the fact here kung masyado kang apektado sa aking ginagawa, mas natutuwa ako. Balimbing ako rito, Thrale. Kahit magpinsan pa tayong dalawa, hangga’t may mali kang ginagawa, ilalaglag kita." Ngumisi siya sa aking kuya saka inayos ang kaniyang sarili. Bago siya umalis ay nagsalita muli siya. "Aalis lang ako rito kapag wala na ‘to." Tinuro niya pa talaga si Arella. Natahimik kaming lahat nang iwan kami ni Link dito sa kusina.

Hindi natuloy ang aming movie marathon ni Arella dahil sa nangyari. Matapos kasi ang pag-aaway nila kuya at Link, agad na inakay ni kuya si Arella papasok sa kaniyang kwarto. Gusto kong tanongin si Arella kung ayos lang ba siya pero ayokong lumapit sa kanila lalo na’t mainit ang ulo ni kuya. Baka ako pa ang pagbuhusan no’n.

Lagi nalang nagtatalo ang dalawa. Wala ba silang alam na gawin? Puro iyon? Wala bang nandito si Link? Hindi, siya nalang ang kakampi ko rito sa bahay, kung aalis pa siya, kawawa na ako rito. Wahhhh! Hindi ako papayag na kinakawawa ako rito ‘no pero si kuya lang naman ang nananakit sa akin dito e. Hays.

Tinigil ko na ang pag-iisip, binagsak ko na ang aking sarili sa kama saka natulog. Ang sarap magpahinga.

“Good morning.” Masayang bati ko sa aking sarili. Agad akong tumayo at inayos ang aking sarili. Naligo ako at nagbihis, agarang bumaba para kumain at makita rin si Arella.

Thrale's POV

“Gisingin niyo na si Thri—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang may bumati ng good morning sa amin.

“Good morning.” Si Thrizel ito.

Mukhang nasa mood dahil nakangiti. Dahil kaya sa date nila ni Gio? Sabagay, pangit naman ang pangyayari kagabi. Malamang ay doon.

“Good morning.” Bati nila sa kaniya pabalik. Tinignan ko lamang siya. “Kumusta tulog niyo?” Tanong nito pagkaupo niya. Si Link ang lagi niyang tinatabihan, hindi ko rin tinitingnan si Link dahil masama ang loob ko sa nangyari kagabi.

“Ayos lang, sa‘yo ba?”

“Ayos lang naman, Arella.”

Parehas kong nilagyan ng pagkain ang plato nila Arella at Anissa. Si Thrizel naman ay siya na ang naglagay ng pagkain niya. Tahimik lang kaming kumakain. Mukhang wala yatang balak magdaldal si Thrizel. Hindi tulad kahapon pero mukhang mali ako. Nagsimula na silang mag-usap kasama si Link, alam kong napipilitan lang si Link makihalubilo kila Arella. Hindi nakaligtas sa akin mga mata ang masama niyang tingin sa pinsan ko.

Napatingin naman ako kay Thrizel, ito na naman ang mga mata ko. Palagi ko naman siyang tinitingnan, hindi ko rin alam ang dahilan.

“Tapos na akong kumain.” Nakangiting sabi nito at naglakad papuntang sala.

Napapansin ko ring ngumingiti na ang kapatid ko. Simula kasi noong umamin siya sa sa 'kin, hindi ko na itong nakikitang ngumiti sa aming harap. Ngayon lang siguro at kahapon, salamat kay Arella nagkaroon ng ate si Thrizel.

Maya-maya ay tumayo na rin si Arella. Tatlo na lamang kaming nandito, sumunod na tumayo si Link. Mukhang wala siyang ganang kumain dahil madalas siya ang naiiwan sa hapagkainan. Pagkaalis ni Link, narinig kong biglang sumigaw si Thrizel.

“Ate!”

Ang sigaw niya ang nagpakaba sa akin dahil ang kasunod no’n ay may parang nabasag.

Agad akong tumakbo papuntang sala. Nakita kong nakatagilid si Arella, sa may gilid niya ay pulos bubog ng vase na basag. Biglang uminit ang aking ulo lalo na’t nakita ko na may hawak na unan si Thrizel, ganoon rin si Arella. Agad akong pumunta sa direksyon ni Arella. Itinayo ko ito, may sugat ang kaniyang braso. Masama akong tumingin kay Thrizel.

Thrizel's POV

Tapos na akong kumain, nakaupo ako ngayon sa sofa. Ang kasunod ko naman ay si Arella. Wala kaming magawang dalawa nang yayain niya akong maglaro kami ng pillow fight. Ayoko sanang pumayag dahil baka masaktan siya pero mapilit ito kaya pumayag ako.

Ang saya ng laro namin nang bigla siyang matumba at napahiga sa sahig. Tutulungan ko na sana siya nang may malalaglag na vase rito. Agad akong sumigaw, mabuti na lamang at nakailag ito. Lalapitan ko na sana siya nang makita kong si Thrale na ang lumapit sa kaniya. Nakita niya ang braso ni Arella na may sugat, agad na nagbago ang kaniyang reaksyon at humarap sa akin.

“Bakit ganiyan ang laro niyo? Nagkasugat si Arella. Ano ba, Thrizel? Hindi ka na bata. Seriously? Pillow fight sa sala pa talaga? Tignan mo ang nangyari sa pinsan natin!” Inis na sigawniya sa akin.

“Hindi ak—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla naman itong sumingit.

“Huwag mo ka nang sumagot sa akin, Thrizel. Mas lalo akong naiinis.” Sa tono ng kaniyang pananalita ay parang nagpipigil ng inis.

“Thrale hindi kasalanan ni Thrizel, aksidente ang nangyari.” Pagsisingit naman ni Link.

Hindi siya pinansin ni Thrale, palagi naman. Akala ko ay sasabihin rin ni Arella ang sinabi ni Link, totoo naman na aksidente lang e. Pero nagkamali ako, tahimik lang itong nakatayo.

“Sa susunod, mag-isip ka ng mabuti. Laro mo ay nakakasakit.” Dagdag niya pa.

Kumuha si Ate Anissa ng first aid kit at si Thrale ang gumamot sa kay Arella. Gusto kong gamutin niya rin ako, tumalsik din ang bubog sa paa ko. Tiningnan ko ang aking paa, umaagos ang dugo nito. Gustong gusto ko magreklamo na hindi ako ang nagyaya ng laro. Kating-kati akong ipaliwanag ang sarili ko kay kuya pero makikinig ba siya? Siyempre hindi, ramdam ko na may babagsak na luha sa aking mata kaya umubo ako at nagsalita.

“Sorry, Arella.” Hindi na ako tumingin sa kanila.
“Kukunin ko lang cellphone ko sa taas.”

Huwag na umiyak, simpleng sermon lang naman ni Thrale iyon. Dapat nasasanay ka na, Thrizel. Hindi ka na bata. Ano ba.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

71.3K 3.5K 53
Helveryst Series #1 : Dale Fyron Helveryst " Babysitter " Yan ang magiging trabaho ni Kate Chandria Lyntheria sa mansion ng mga Helveryst. Para sa ka...
271K 3.6K 41
If my love for you will fade that means only one thing i will never be yours again. -Claire Santillian •Unwanted Series #...
7.4K 259 19
Everyone has an ideal man, ideal boyfriend but not me. Posted : May 26, 2021 - May 26, 2021 Pic is not mine... Credits to the rightful owner. Unedited
24.4K 564 31
BKDK STORY !!! we are two years further than in the normal anime they should be all arround 17/18 Uraraka and Izuku have been dating .But the relat...