Aeipathy

By hannarie_21

412K 27.7K 11.8K

I looked helplessly, trying to search something aside the hunger-filled lust in the eyes of the rich filthy p... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Epilogue
Extras

Chapter 21

8.1K 676 473
By hannarie_21

Tris

Kalmanteng ipinagpatuloy ko lang yung pagsusuot ng damit ko. Si Eris naman ay hindi magkandatuto kung paano ibubutones yung suot nitong damit dahil nga masakit yung kanang braso nito.

"Damn!"

Bago pa ako makareact ay nagulat na lang ako nang bigla akong umangat sa ere kasunod nang malakas na pagtama ng likod ko sa sahig.

Crap!

Pakiramdam ko ay nabalian yata ako ng buto sa sobrang lakas ng pagbagsak ko.

Pero hindi pa ako nakakabawi sa pagkahilo ay muli na naman akong umangat patayo. Kasunod niyon ay yung malakas na pagtama ng kamao sa sikmura ko na nakapagpaluhod sakin sa sobrang sakit.

But the culprit has no plans of stopping anytime soon from assaulting. Kung kanina ay sa braso ako hinawakan ni Tita Grant, ngayon naman ay pahaklit na sa leeg. She's literally trying to strangle me to death.

"Any death wish?" Kahit ako ay bahagyang pinanlamigan nang mapatingin sa walang emosyon na mga matang iyon ng nanay ni Eris. Lahat yata ng tapang ko kanina ay biglang umurong. Nakakapit lang ako sa kamay nito na patuloy pa din akong sinasakal.

I know that I am no match to her. Sa lakas ba naman nito kahit pa di hamak na mas matangkad ako, tiyak na wala akong laban. Bukod pa sa magulang pa din ito ni Eris.

Bahagya lang nitong niluwangan ng kaunti yung pagkakasakal sakin nang tumango ako.

Sunod-sunod akong napaubo habang naghahabol ng hininga.

Damn, I'm literally dying right now.

"Tell your death wish now so you could die in peace." gaya kanina ay walang emosyon lang na utos pa ni Tita Grant.

There's only one thing on my mind right now. Kahit ayun man lang ay maibigay ko sa Mommy ko bago ako mamatay.

"I wish to marry my betrothed before I die." pagkasabi niyon ay inaasahan ko na yung masakit na pagdapo ng suntok ulit sa parte ng katawan ko.

Hindi nga ako nagkamali dahil muli akong napaluhod sa sakit ng suntok na tumama naman ngayon sa panga ko.

"You think kaya mo ko para hingin sakin yung anak ko ng ganoon lang!? Gago ka?" hinablot ulit ako nito patayo. "Try me, kid. Gusto mo yung anak ko!? Patayin mo muna ako!"

Nanghihinang sunod sunod na lang akong napaubo at napayuko ng maramdaman ulit yung pagtama ng kamao sa sikmura ko.

Sobrang sakit! Mamamatay na yata ako!

Paglingon ko kay Eris ay saka lang ito tila natauhan at agad na tumayo mula sa pagkakahiga sa hospital bed nito. Tila tuluyan na din na nawaglit sa isip na bukas yung butones ng damit nito.

Akmang aawat ito pero matalim lang na tinitigan ito ng Mommy nito. Eris instantly stopped her futile attempt of stopping her other Mom from trying to kill me.

I was expecting some dramatic speech from her though. Yung kagaya ng mga nababasa sa libro o di kaya ay napapanood sa mga sinehan. Heck, I was literally anticipating that she'll even tell her mother to spare my life because she can't live without me.

Kaya naman nagulat talaga ako nang sumigaw pa ito nang, "Mom, please. Be reasonable. I'm in the right age. Tris is on her right age. It's just nothing but pure lust. I demand my rights to have my sexual needs be met. It's nothing serious. So please, stop that bago mo pa tuluyang mapatay yang negra na yan."

Sa sinabi ni Eris ay mabilis akong binitawan ng Mom nito. Dama ko yung marahas na pagsadsad ko sa semento.

Pero yung isip ko ay wala doon. Nakatuon sa marahas na paglapit nito kay Eris at yung padarag na paghablot nito sa sugatang braso ng anak nito.

I saw how Eris wince in pain. But her mother is really ruthless. Mas diniinan pa nga nito iyon.

"M-Mom.."

"Repeat what you've just said, Serina." mababa yung boses na utos nito na nagpatayo ng balahibo ko.

Is this the reason why all of the Silvas are afraid of this woman? Kasi kahit sarili nitong anak ay kaya nitong saktan ng ganoon.

"Eris, Mom. I'm Eris." pagtatama ni Eris na umiwas ng tingin sakin pero halatang mangiyak ngiyak na sa sakit dahil sa mahigpit na pagkakakapit sa braso ni Tita Grant.

Tila lalo lang nanggalaiti sa galit yung nanay nito nang marinig iyon. Before anyone could stop it, her palm already landed on Eris' left cheek. Sa sobrang lakas niyon ay tila ba dama ko pa yung lakas ng impact sa hangin. Kahit si Eris ay halos mapasadsad sa sahig dahil sa lakas ng sampal na yon.

"Grant!" malakas na sigaw ni Tita Jen. Nabigla din sa nangyari.

Gaya ng ginawa ni Tita Grant sakin, hinablot ulit nito yung anak nito patayo matapos tabigin yung asawa nito. "Ulitin mo yung sinabi mo."

"What word, Mom?" matapang na sinalubong ni Eris yung talim ng tingin ni Tita Grant. "That I am having my sexual needs? That's normal rig-"

Isa pa ulit na sampal yung tinamo nito. Mas malakas kesa sa nauna.

"Damn it!" Malakas na mura ni Tita Grant na dinuro si Eris. "Punyeta, Eris! You know damn well that woman's reputation! Pang-ilan ka sa listahan ng babaeng ikinama nyan? You want that, huh? You really want that? Yung itatapon ka na lang na para bang basahan pag sawa na yang babaeng yan sayo? Gusto mo yon? Tang-ina! Hindi kita binuhay para lang maging ganyan!"

"Ganyan lang ba talaga kababa yung tingin mo sa mga babae, Mom? Nakakabawas ba ng pagkatao pag nakuha ka na? Hindi ba pwedeng ginagawa mo lang iyon dahil inacknowledge mo sa sarili mo na parte ng pagkatao mo yon?" Eris hands are shaking. Not in fear. But in extreme disappointment.

Bahagyang lumambot yung itsura ng Mom nito. "Eris, that woman is a player. I know one when I see one. Tiyak na sakit ng ulo lang ang ibibigay nyan sayo. Lagi kang hahabulin ng gulo. Mapapaaway. Masasaktan. Do you really want that?"

Hindi ko alam kung bakit napahiya ako nang marinig yung lantaran na pag-ayaw sa akin ng magulang ni Eris.

I should be happy right? Kasi siguradong makakaalis ako sa responsibilidad ko dito. I won't be forced to marry her.

But the thought that I will no longer be seeing Eris is like having an invisible hand gripping tightly on my insides.

"Just like Mommy, Mom?" Tumawa ng mahina si Eris bago marahang napailing. "I don't have plans to get married. I just want to be like you. I'll be bedding anyone I want. I'll do whatever I wan-"

"I love your mother, Eris! Damn it! Stop making it sound that I have been a terrible mother to you and a wife to your mother! The world is just too cruel for the likes of us!"

"What about the ones you've bedded, Mom? The lives you've taken? Kasalanan din ba ng mundo yon, Mom?"

Natigilan si Tita Grant. Hindi makapaniwala sa naririnig.

"Hindi di ba? Maybe I am really your karma, Mom. Stop pushing it. I know what I'm doing."

"Do you really think na pakakasalan ka ng babaeng yan, Eris? Damn it! Wake up! That woman was almost begging to Lou na bawiin si Elle sa pinsan mo!"

Hindi ako makatingin ng diretso kay Eris. Totoo kasi na ginawa ko iyon noong unang araw na makabalik kami dito sa bansa. Bago pa man din ipilit ni Mommy na sundin ko yung tradisyon ng pamilya namin.

Eris laughed. A laughed devoid of human emotion. "I know, Mom. Hindi naman ako umaasa kaya hindi ako nasasaktan. Alam ko naman kung ano lang ako kay Tris."

"Alam mo na wala syang planong seryosohin ka pero sumige ka pa din?" nagtagis ulit yung mga ngipin ni Tita Grant.

Hinablot ulit nito si Eris. Akmang sasampalin ulit.

"Grant, stop it. That's enough!" This time ay pumagitna na si Tita Jen, tumaas na yung boses, pilit hinahatak na yung anak nito palayo sa asawa nitong galit na galit pa din. "Pipilayan mo ba talaga yung anak mo?"

"I never hurt any of my daughter, Jen. But right now, I just want to teach her a lesson she'll never forget! Kaya umalis ka dyan!"

"Do it and I'll see to it na kahit dulo ng daliri ng kahit sino sa amin ng mga anak mo ay hindi mo na mahahawakan kahit kailan. Sige, Grant!" ganting sigaw din nito

Tila binuhusan naman ng malamig na tubig si Tita Grant. Mukhang nahimasmasan ng makita na galit na din yung asawa nito.

"Jen.."

"Let her do what she wants, Grant." Itinago ni Tita Jen si Eris sa likod nito para hindi na maabot ng asawa nito. "Eris is right. She's on her right age. Let her decide what she wants."

"Fuck, Jen! You've heard her. You've heard her!" napahilamos sa mukha nito si Tita Grant na tila ba hindi malaman yung gagawin. Pakiramdam ko ay may malakas na pwersang sumuntok ulit sakin nang makitang tumutulo na din yung luha niyon. "No. Not to my kid, Jen." Marahas na umiiling ito habang pinadaanan nito ng daliri yung buhok. Halatang hindi matanggap na nangyayari iyon ngayon sa pamilya nila. "Just not to my kid. Fuck! I can't! I won't let it to happen!" napasuntok na lang ito sa pader bago tila nanlulumong napaupo sa sahig.

Napalunok ako. Masakit pa din yung leeg at katawan ko. Pero sigurado ako na mas masakit ngayon yung nararamdaman ni Eris.

Hindi ko tuloy maiwasan na maguilty lalo pa at kitang-kita ko kung paanong tahimik na umiiyak na din sa likuran ng Mommy nito si Eris. Nakayuko lang ito habang sige sa pagpunas sa luhang patuloy na umaagos sa pisngi nito. Marahil ay nasasaktan din itong nakikita na umiiyak na yung Mom nito.

Kahit hirap tumayo ay nagmamadali akong lumapit dito. Hindi naman ako pinigilan ng Mommy nito bagamat at tiningnan lang din ako ng masama.

"I'm so sorry, sweetheart. I really am." I kissed Eris' head habang umiiyak pa din ito. "Damn, I'm really sorry."

"Get away from my daughter before I rip you limb by limb, woman!"

Imbes na matakot sa banta ni Tita Grant ay napapikit na lang ako. Mas lalo lang humigpit yung yakap ko kay Eris. Natatakot ako na baka saktan na naman ito ng Mom nito.

Si Eris naman ay pilit na kumakalas sakin. Natatakot din yata ito na baka tuluyan na akong patayin ng nanay nito.

"Bitaw, Tris."

Umiling ako. "No. I won't." Pinilit kong ngumiti kahit dama ko din yung pananakit ng katawan ko dahil sa mga suntok na tinamo ko kanina. "Sabay tayong gumawa ng kalokohan so we'll face it together, okay?" pagpapaintindi ko dito.

Noon lang tumigil sa pagpupumiglas si Eris. Sumubsob ito sa dibdib ko at saka patuloy na umiyak. Naaawang hinaplos ko naman yung likuran nito.

"It's okay, sweetheart. Everything will be fine." I whisper on her ear as I scoop her on her waist. Kailangan yatang matingnan ulit yung sugat nito dahil baka napaano na. Lalo kasi itong umiyak. "Masakit ba yung sugat mo? Damn!"

Akmang ilalabas ko ito ng kwarto para ihanap ng doktor at nurse sa labas nang humarang sa pintuan si Tita Grant.

"You can't take my daughter away from me, dumbass!" mariing banta nito.

Lumingon ako sa direksyon ng Mommy ko. Kalmante lang ito habang nakasandal sa hamba ng pintuan. Akala mo nanonood lang ng live drama.

Damn! Anak nya naman ako di ba? Dapat man lang ipinagtanggol nya din ako kanina o kaya kahit si Eris man lang.

"Mommy, please?" I almost plead for her help. "Baka mapano si Eris. Yung sugat nya parang lalong dumugo. Sumasakit na nga 'to kanina bago kayo dumating. She needs immediate medical attention right now."

"Put my daughter down!" Tita Grant hissed. "I told you that I won't let you to take her away from me!"

Napatingin ako kay Eris na nakasubsob lang sa dibdib ko. Mukhang ayaw din naman nitong ibigay ko ito sa Mom nito.

"I'm really sorry, Tita Grant." Nagyuko ako ng ulo. Nahihiya ako dito. Pakiramdam ko napakalaki din ng kasalanan ko. "Please kahit si Eris lang? I just need to be assured that she'll be safe. She's in pain."

"Stop acting as if you care about he-"

"She's my betrothed, Tita Grant." I cut her off. "I care about her. A lot. She'll be my wife soon. At kahit anak nyo pa po sya, hindi tama na saktan nyo sya ng ganon. I understand that you caught us in a very compromising and scandalous situation but I assure you that I'll take responsibility of it. I'll marry her."

"Marry her?" Tumayo ulit si Tita Grant. Lumapit ito sakin at tinitigan ako ng masama. "Papunta ka pa lang pabalik na ko, Tris! Alam na alam ko na wala kang balak pakasalan yung anak ko. No! Tatapusin ko na yang kagagaguhan nyo ngayon din. Halika na dito, Eris! Uuwi na tayo!"

Imbes na lumapit sa Mom nito ay humigpit yung kapit ni Eris sa damit ko.

"Calm down, Grant. I am giving you my word that they'll be getting married." Pilit na din na umaawat si Mommy.

Sa dinami dami ng pagkakataon na dapat umawat ito kanina ay ngayon pa nito naisipan kung kelan pakiramdam ko ay nagkalasog lasog na din yung katawan ko.

"Married?" parang apoy na lalong nasilaban si Tita Grant sa narinig. "Fuck you, Samantha! Hindi ko ipapakasal yung anak ko sa anak mo! Mamamatay muna ako bago mo hayaang saktan ng gagong yan yung anak ko!"

Mommy just slightly shake her head. Probably already expecting this lash out from Eris' Mom.

"They're betrothed, Grant. Tinanggap ni Eris yung wedding proposal ni Tris. Hindi pa lang nagsasabi sayo yung mga bata. Besides, it's our family tradition. There's no way out. Kailangang masunod yung tradisyon ng pamily-"

"Fuck you, Sam! You allowed them kahit alam mong tututol ako?"

"I am not giving you an option, Grant. I am just informing you."

"The hell I will allow it to happen! Walang kasalan na magaganap!"

"Must I remind you that your family is indebted to ours, Grant?"

Napalunok ako nang makita na seryoso na si Mommy habang sinasabi iyon. Kahit si Tita Grant na galit na galit kanina ay bahagyang natigilan ng sabihin ni Mommy na may utang sa amin ang pamilya ng mga ito.

"Sinisingil mo ba ako, Samantha?"

"I saved your life countless times, Grant." Mom continued, "Yours. Jen's. You've vowed your life to me. I am now asking for your payment this time, Grant. I want Eris to be my daughter's wife. And that's final."

Pagkasabi niyon ay binalingan ako ni Mommy, "Let's go, Tris. I'll check Eris' wounds myself."

Akmang haharang ulit si Tita Grant nang padaan na kami nang taasan ito ng kilay ni Mommy.

"Let's have a drink in a bit, Grant. Sisiguraduhin ko lang muna na buo pa yung anak ko at hindi pa mamamatay yung anak mo. Kung gusto mo makipagbugbugan, madami akong tauhan sa labas. They can keep you busy until you've had your fill."

Tita Jen gently pushed her wife to give way for us dahil mukhang walang planong magpatalo si Tita Grant kay Mommy.

"Grant, please? At least for Eris' sake." pakiusap nito. "Please?"

Ilang segundong nagtitigan ang mga ito bago kusang umurong si Tita Grant para makadaan kami ni Eris na buhat ko pa din.

But before we could reach the door, Tita Jen spoke, "Sammie, do me a favor."

Huminto sa paglalakad si Mommy at nilingon yung Mommy ni Eris. Maging ako ay napatingin din dito.

"If Eris doesn't want to marry Tris yet, please respect it. Let my daughter to have a choice." Napaiwas ako ng tingin nang bahagya itong tumingala para pigilan yung nagbabantang mga luha sa gilid ng mga mata nito. "Eris doesn't have a choice when she became a Silva. So please let her have a choice to be whoever she wants to be this time."

Nakakaunawang tumango si Mommy at tipid na ngumiti. "I understand, Jen."

I felt another invisible punch on my chest when Eris silently weep while she's still buried on my chest. Dama ko yung tuluyang pagkabasa ng damit ko habang sige pa din ito sa pag-iyak.

I'm really sorry, Eris.

***

Continue Reading

You'll Also Like

7.4M 122K 46
Formerly entitled PREGNANT BY MISTAKE. Levesque Series #1 Have you ever thought about getting PREGNANT? But what if its just a result of your drunken...
26.2M 591K 37
NOTE: SPG/R-R18 Dahil sa isang kasinungalingan, nagawang akitin ni Lockett si Creed Santillana, isang sikat na Phiotographer. At dahil din sa kasinun...
7.6M 219K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
833K 43.9K 42
"Change your clothes." Napatingin ako sa suot ko. It's just a knee-length simple dress. Formal naman para sa meeting namin ngayon kasama ng mga inves...