Chapter 18

8.4K 615 181
                                    

Eris

"What's this?" Inangat ko yung phone ko at ipinakita kay Tris. We are still waiting for our food to be serve kaya nagpo-phone muna ako. Ganoon din kasi yung ginagawa ni Tris.

Katatapos lang namin maggrocery nang humirit ito na nagugutom na daw ito kaya kumain muna kami at mag-ikot ikot sa Mall na pag-aari ng mga Carriedo.

Actually, ayoko sana dahil mas gusto kong umuwi na. Pero dahil sinabi ni Tris na imemeet lang nito sandali si Elise at Kaylee na may binibili din daw dito na panregalo para sa thanksgiving party ng Kuya ni Kaylee, wala din akong nagawa kung hindi pagbigyan na ito. Alangan naman na mauna akong umuwi hindi ba? E sya itong nagdala ng sasakyan sa aming dalawa.

"Alin ba?" Mula sa pagchecheck din ng phone nito ay umangat yung mukha ni Tris.

Ang sungit!

Naiiritang halos ingudngod ko tuloy sa harapan nya yung screen ng phone ko.

Natawa naman ito nang makita yung nakatwo-piece nitong photo na nakapose pa at nakangiti.

"Oh, that." Nang-aasar na ngumiti pa ito. "Pinasahan na kita ng latest picture ko para di ka na nagkakalkal sa socmed ko. Nag friend request and follow na din ako sayo."

"Wow. Ang kapal mo. Kelan ko ginawa yon? And what makes you think that I even dare to check your social media accounts?" pagmamaang-maangan ko.

Sigurado kasi ako na nabura ko yung notifications sa phone nito noong nakatulog na ito nung gabing unang beses na may nangyari samin. Saka naunlike ko na yung photo na yon.

Syempre naman di ba? Ayun nga yung lintik na nagpahamak sakin tapos ayon pa yung makakalimutan kong gawin pagkatapos ng lahat? Nah. Hindi. Nabura ko yon. Walang aamin hangga't walang ebidensya.

Tris playfully taps her long, slender, fingers on her phone screen as she scrolls in her phone gallery as if she's looking for something.

Literal na napanganga ako nang ipinakita nito yung screenshot ng notification na naglike ako ng photo nito. Not just the ordinary picture, but her photo in a skimpy swimsuit which was posted three years ago.

"Wala na 'to paggising ko. Binura mo no? Paano mo nalaman yung passcode ng phone ko? Aww, Eris, stalker." Naaaliw na ibinaba ni Tris yung phone nito. Itinungkod yung siko sa ibabaw ng mesa at ngiting-ngiti na tinitigan ako. "Creep Eris. But that's cute."

Ngali-ngaling ibato ko sa kanya yung phone ko. Kaso naisip ko na wala na nga pala akong perang pambili ng bago kaya wag na lang pala.

Saka hello! Sinong gumagamit ng passcode na 123456? Namumukod-tanging ito lang. Kahit yata gradeschool kayang hulaan iyon.

"I am not stalking you. May chin-check lang ako kaya aksidenteng nalike ko yon."

"And the notification on my phone na nawala, Hmm?"

"Aba, malay ko." lumikot yung mga mata ko paiwas dito. "Huwag ka ngang issue dyan."

Hindi naniniwalang inangat nito yung phone nito at ipinaharap sakin. Halos manlaki yung mga mata ko nang makita yung mga photos ko na nandoon.

"I'm actually stalking you right now, Eris. Bakit puro seryoso lang mga photos mo? Hindi uso ngumiti sayo?" kumindat pa ito.

"Hoy!"

Akmang aagawin ko yung phone nito pero dahil mahaba yung braso nito ay parang wala lang na inangat niyon palayo kaya mas lalong di ko na naabot. She is laughing as if that thing is too funny for her.

"C'mon, Eris. Be honest, that's cute. In-stalk mo ko no?"

"Kapal mo!"

Minsan talaga nakakabwisit yung kahambugan ng babaeng ito. Akala mo naman masyadong pinagpala.

AeipathyWhere stories live. Discover now