Chapter 37

8.9K 698 317
                                    

Tris

"Kaylee, please stop it! This isn't you. Ano bang nangyayari sayo!?" hindi ko na mapigilan ang hindi magtaas ng boses para mapatigil ito sa kakapiglas.

Tila noon lang din naman nagsink-in dito lahat. Kusa itong tumigil sa pagpupumilit na makawala sakin kasabay ng sunod-sunod na pag-agos ng luha sa mga pisngi nito.

I suddenly felt the surge of guilt for raising my tone on her. Alam ko na ayaw na ayaw nito na napagtataasan ito ng boses. Pero kung hindi ko din naman kasi gagawin iyon ay hindi ito titigil sa kakahabol sa ex-girlfriend nito.

In fact, napilitan na akong gumamit ng lakas para mahatak ito palayo doon sa pinaggaganapan mismo ng party.

Good thing na dito sa bukana ng forest nila ko ito hinatak. Walang naliligaw kasi dito. Walang makakakita na umiiyak ito dahil sa lintik na Payne na yon.

The moment Lee saw that woman stepping inside their lawn, she immediately stood up. Planong lapitan iyon kahit pa may kasama.

At kahit pinakiusapan na ito ni Leo na huwag gumawa ng eskandalo sa mismong party nito para kay Harrice, Lee still chose to ignore her brother's request. Hinabol pa din nito si Payne. But Payne just gave her a cold stare. Kumapit pa iyon sa braso nung kasama nito at nilampasan lang si Kaylee na parang hangin.

Everyone's murmuring and hushing at that scene. It's really so humiliating on Kaylee's part. Sigurado ako na kung nandito lang si Tita Leigh, malamang ay ipinadampot at ipatapon na niyon si Payne palabas dahil sa ginawa nitong pagdeadma kay Kaylee. Or better yet, nasa gate pa lang iyong babae na iyon ay hindi na nakapasok dito yung sasakyan ng taong nagsama dito.

I just snapped back in reality when I heard Kaylee's stiffled cries.

"I'm sorry." Hindi tuloy ako magkandatuto kung paano ito patatahanin. Wala pa naman akong panyo o tissue na dala dahil nasa table namin ni Eris yung gamit ko. "Aish, Lee. Stop crying, okay? Masisira yung ayos mo. Damn! I'm really sorry. I don't mean to raise my voice on you."

Sige lang ito sa tahimik na pag-iyak kaya lalo akong nakunsensya.

Ganoon ba talaga nito kamahal yung babaeng iyon? It's not like they've had a smooth sailing relationship though.

"Everything will be fine, okay? Hayaan mo na si Payne. She's not even worth crying for. Tingnan mo nga, kakahiwalay lang ninyo pero kung sino-sino na yung sinasamahan nya agad. Sa politiko pa talaga? Goodness!" patuloy na kumbinse ko pa kay Kaylee pra tigilan na nito yung pag-iyak at paghahabol sa babaeng iyon.

Hindi umimik si Kaylee. Nakatingin lang ito sakin na akala mo naman salitang pang-alien yung mga sinasabi ko.

I took a deep breath as I pull her closer so she could cry on my shoulder if she really can't stop her tears from falling.

"Payne is not worth it, hmm? Your mother is right. Everyone is right. She's just using you. Have you checked your bank acco-"

"She's not robbing me, Tris. I told you before, mabait na tao si Payne." sumisinghot singhot pang putol nito sa mga sasabihin ko sana.

"Mabait?" I gaped at her. "Mabait pero saksakan ng kakatihan? She's nothing but a gold digger, Lee. A typical well-maintained prostitute na nagtagal lang sayo dahil isa kang dakilang uto-uto."

"I am not uto-uto. Take that back!" Mahinang sinuntok nito yung braso ko.

"I will not. Tama yun sayo. Para naman makarinig ka ng mga hindi magandang salita at magsink-in sayo yung katangahan mo. Seriously, ginastusan mo talaga yung babaeng yon? Ano ka ba naman?" mariing giit ko.

AeipathyWhere stories live. Discover now