Chapter 36

9.8K 682 394
                                    

Eris

"Sulking in the corner is really your cup of tea?"

Mula sa pagkakayuko sa mesa ay napaangat yung tingin ko sa nagsalita. Harrice is already standing infront of the table I am currently in.

"Mine, not yours." I nod my head before leaning my forehead against the table again.

Tahimik na humatak ito ng upuan sa harapan ko. Doon sa mismong inuupuan ni Tris kanina bago ito nagpaalam na aalis sandali dahil natanawan nito si Kaylee na hinahabol yung ex-girlfriend nito na date ng kung sino man na politiko na nandito ngayon sa party.

"What do you need, Harrie?" Walang ganang tanong ko para umalis na ito agad. Wala ako sa mood na makipagtalo ngayon dito.

"Where's Tris?" tinukod nito yung siko sa ibabaw ng mesa at inangat yung mukha ko paharap dito.

Tinatamad na tinanggal ko yung kamay nito sa baba ko. Kasabay ng pag-iwas ng tingin. "Kaylee."

"Oh, the troublemaker bestfriend?"

Hindi ako sumagot. Alam ko naman na alam na ni Harrice iyon kahit hindi ko sabihin.

"Claim your spot, Is. Ano ba yan. Wala kang ka-thrill thrill." nang-iinis na ibinaba din nito yung pisngi sa mesa para magtagpo yung mga tingin namin. "Gayahin mo si Carrie. Di nagpatalo sa bestfriend lang. Fighting!" pinasigla pa nito yung boses na parang chin-cheer ako.

"Tapos gayahin din kita na inagaw yung bestfriend ng girlfriend ng ate mo?"

"Excuse you, patay na patay sakin si Elle. Hindi ko inagaw. Sya yung nagpupumilit no."

"Walang naniniwala."

"Tanungin mo pa si Elle kung gusto mo no! Tse!"

Iminuwestra ko yung kamay ko para itaboy.

"Tsoo! Dun ka na Harrice. Nakaka-attract ka lang ng atensyon dito. I don't want any unnecessary attention. Sikat ka na. Lahat na ng mata nakatutok sayo. Wag mo ko idamay."

"Ayaw mo ng spotlight ko?"

I shake my head. Who wants attention? Obviously, not me. Tanging atensyon lang ni Tris yung gusto ko. Kaso yung lintik na Negra na iyon, natataranta na naman kakarescue sa best friend nyang nababaliw na naman sa ex.

"I have chika, Is. Hot pa."

"Chika?"

Tumango tango pa si Harrice. She's grinning from ear to ear. "I got this chika from Elle."

"What's chika?" lalong kumunot yung noo ko.

That made Harrice giggles. "Tsismis, Is. Ano ba yan, di umabot yung term na yon sa Isla nyo? Boooo."

Umangat lang yung kilay ko. Gusto kong hampasin yung ulo nito para tigilan na ako. Kaso pag naaalala ko yung pagsalba nito sakin noong family dinner namin, di bale na lang.

"Kelan ka pa naging tsismosa, Harrice?"

Defensive na inangat nito yung dalawang kamay nito sa ere. "Nakuha ko nga lang 'to kay Elle. Naisip ko lang na baka interesado ka."

"Alam mo buti na lang maganda yang asawa mo. Kundi ikakaturn off ko talaga na dakila syang tagadala ng tsismis. Tigilan nyo nga yan. Di maganda."

"Maturn-off ka talaga, Is. Akin lang si Elle. Hindi mo sya pwede magustuhan." Mukhang tanga na nagsasalubong pa talaga yung kilay ni Harrice. Akala nya naman aagawin ko yung asawa nya. E pinsan nga ni Mommy yung Mommy non.

"Sayong-sayo na. Hindi naman masarap yang Elle mo. Mas hot pa si Tris ko."

"Oh!" Harrice snaps her finger in mid-air, nanunukso. "Are you just affirming na masarap si Tris?"

AeipathyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon