Chapter 17

8.7K 635 293
                                    

Tris

"Stop moving, okay?" Natatawang humigpit yung mga kamay ko na nakahawak sa magkabilang gilid ni Eris. Nakaupo ito sa kandungan ko. "Ang gulo gulo mo. Paano tayo matatapos nito?"

"Just make it fast. Ang bagal mo kasi." Naiirita nang reklamo nito. Nakasimangot na at nagsasalubong ang kilay.

"E kung tumitigil ka kakagalaw edi kanina pa 'to tapos." Sinandal ko yung noo ko sa balikat nito. Pigil na pigil na huwag tumawa ng malakas dahil baka ma-offend na ito ng tuluyan.

"Nanlalagkit na ako, aba. Baka may plano kang bilisan?"

I leaned forward to kiss her forehead. "Stop squirming, Eris. You're getting me tempted to take off your clothes and do you. Inaakit mo ba talaga ako? C'mon, just say it. Mas lalo tayong matatagalan nito."

"Gago."

Lalo lang akong natawa. Ang sarap kasi nitong asarin ngayon.

Tumigil ito sa kakagalaw at saka umirap. "Ano bang problema mo kasi sa itsura ko?"

"Pinapaganda kita. Ang dami mong reklamo."

"Maganda na ako gago!"

I choose to ignore that as I started fixing her hair. Katatapos ko lang kasing lagyan ng light make up yung mukha nito. Iritang-irita na ito dahil pakiramdam nito nanlilimahid daw ito sa mga pinaglalagay ko.

Tinanong nya kasi ako kung bakit para daw akong laging rumarampa sa runway kahit na sa supermarket lang naman kami pupunta. I told her that I am a public figure so people are expecting to see me always at my best.

Actually, I am not putting anything on my face for a change. Just a lip moisturizer.

Gusto ko lang talagang asarin si Eris kaya pinilit ko ito na aayusan ko ito. Paano ba naman kasi, puro whitening soap at kung ano-anong whitening skin products yung mga pinag-i-stock nito sa bahay nya.

Yung mga dati nitong stock ay pinagtatapon na nito. Baka daw magkahimala at pumuti ako pag gumamit ako ng whitening products. Kung hindi ba naman din saksakan ito ng gago.

Kaya naman gumaganti lang ako. Well, not totally getting even because I am not literally making fun of her. Pinapaganda ko kaya sya.

"Ano, okay na!?" Halos pasigaw nang tanong nito kahit magkaharap lang kami.

"Sandali!" I shouted back. Iniisip kong gawing pigtails yung ayos ng buhok nito para asarin pa ito lalo.

Marahil ay napansin iyon ni Eris dahil binantaan na ako agad ng mga tingin nito. "Don't you dare, Negra. Babalatan talaga kita, tingnan mo. Literal na puputi at mamumula ka!"

I rolled my eyes at her empty threats. Makapagsalita ito akala mo naman kaya talagang manakit ng ganoon. "Tumigil ka nga. Mukha kang tanga dyan. Inaayusan kita."

"Wala akong tiwala sa ayos mo. Tiyak na pinagtritripan mo lang ako."

"Hoy!" tinapik ko yung pisngi nya. "Bakit naman kita pagtritripan? Edi ako din yung napahiya dahil ako yung kasama mo? Grabe ka ha."

"Ayoko na!" Tumayo na ito at tinabig yung kamay ko. "Okay na 'to. Tama na."

"Woy! Hindi pa nga ako tapos."

"Bahala ka na sa buhay mo. Mahiya ka na lang kasama ako."

Napapailing na itinabi ko na lang din yung make up kit na ginamit ko dito. Hindi ko maintindihan kung bakit ba ilang na ilang ito na ayusan ko gayung alam ko naman na nag-aayos din naman sya ng sarili nya.

Fine. Well, part of me wants to really annoy her. Nakakainsulto din kasi yung panglalait nito sa kulay ko.

Sumimangot si Eris nang makita yung itsura sa harapan ng full-sized mirror na nasa loob ng kwarto. "Ginawa mo kong clown!" asik nito na humarap sakin at inambahan ako ng suntok.

AeipathyWhere stories live. Discover now