Chapter 32

10.1K 691 297
                                    

Eris

Show her your real self. Scare her away. She just fancies you because you're changing yourself. So show her who you truly are. Watch her run away. It will always be the same ending for the likes of us, Ate.

Essex' words are still ringing on my head. Kahit pa ilang oras na iyon at katabi ko pa si Tris na nakasakay din dito sa motorboat.

Alam ko na nag-aalala lang si Essex. He had seen me so devastated when I came back here on the island whenever Tris aren't always choosing me. Noon, inuna nitong piliin si Kaylee sa lounge. Nung sumunod naman ay mas pinili nito si Elle.

The worst part is, everytime she's choosing other people over me, I am always the one left at the verge of danger itself. Yung tipong laging ako yung mag-aagaw buhay. And it's only my guts and self-survival luck that's always saving me.

Kaya hindi ko din masisi si Essex kung bakit mahigpit ang pagtutol nito sa relasyon namin ni Tris.

He had seen me fall, break, and still keep choosing that person. Over. And over again.

Pathetic.

The worst trait of all the Silvas are truly running in my veins.

Nang huminto yung bangka sa pampang ay tila walang anuman na tumalon lang ako pababa kahit pa mababasa yung halos kalahati ng katawan ko. Maliligo naman ako mamaya kaya okay lang ang mabasa.

I glance over my shoulder, seeing Tris contemplating whether to accept one of my mother's men hand, or to just jump too like the way I did.

Nang magtama yung tingin namin ay tila ba nagbabaga na naman ito sa sobrang inis. Gaya ko kanina ay tumalon din ito pababa. Kaso muntikan na itong matumba dahil hindi nito siguro inaasahan na medyo malalim pala yung bababaan nito at malambot yung buhangin sa ilalim. Bukod pa sa malakas na panaka-nakang hampas ng alon.

"Lampa." Bubulong-bulong na sabi ni Essex na kasunod ni Mom na bumaba din ng bangka. "Ganda sana ng girlfriend mo, Ate. Kaso pangrunway lang. Di bagay dito."

Naiiling na bumalik ako sa gilid ng bangka para alalayan si Tris. Ang laki laki nitong tao pero may pagkasalampa nga.

"Hubarin mo kasi yung shoes mo. Ibato mo na lang sa bangka. Wala akong pambayad pag nasira yan." Naiiling na utos ko pa.

"Ayoko!"

"Kukuha tayo ng stocks, Tris. Hindi ka rarampa. Bakit nakastilletos ka?"

Umingos lang si Tris. "Aba, malay ko ba kung nandito yung next prospect mo. Dapat mas maganda pa din ako."

Kumunot naman yung noo ko. "Gago ka ba? Sa mukha yung basehan ng maganda. Hindi sa paa. Kaloka ka." Yumuko ako para tanggalin yung sapatos nito. "Hubarin mo na. Akin na."

Inangat naman nito yung paa nito mula sa tubig. Naiiling na hinubad ko lang yung sapatos nya at ibinato sa loob ng bangka.

Tiningnan ko yung suot kong sapatos na pantubig. "Hindi tayo pareho ng shoe size. Magpaa ka na lang. Tingnan mo yung dadaanan mo dahil medyo mabato at baka magkasugat ka. Hahanapan kita ng tsinelas mamaya."

Matapos sabihin iyon ay nagpatiuna na ako dito papunta sa pampang.

Si Mom kasi at Essex ay pareho nang nandoon at nakikipag-usap sa mga magsasaka at mangingisda para sa pakikipagpalitan nila ng mga kalakal.

Well, it's actually more of Mom, buying the rootcrops and other goods from these folks. Mas mahirap kasi kung sa syudad pa kami bibili ng mga pangkain namin sa araw-araw. Bukod sa malayo, hassle pa.

I grinned widely nang may mga sumalubong kay Essex. Mga anak ng magsasaka na sumasama samin sa tuwing naliligaw kami sa pamamangka dito sa lugar nila noong mga bata pa kami.

AeipathyWhere stories live. Discover now