Chapter 8

7K 551 292
                                    

Tris

Napayuko na lang ako ng sunod-sunod akong paulanan ng kurot at hampas ni Mama. Masakit iyon pero ni isa ay wala akong sinangga doon.

I know how disappointed she is right now after learning that Elle is already married to Harrice. Asang-asa pa naman ito na anytime soon ay iuuwi ko na si Elle sa amin bilang asawa ko.

Kaya naman ng malaman nito kay Mommy na kasal na si Elle sa iba ay agad-agad akong pinauwi ng mga ito para kumpirmahin iyon. Mama couldn't believe it dahil alam nito na tinanggap na ni Elle yung family heirloom namin. A sign that she's accepting my proposal.

Tapos malalaman na lang ng mga ito na kasal na pala ito sa iba. Itinaon pa na wala ako sa bansa.

"Ang bagal mo kasi! Ang bagal mo kasi!" Paulit ulit pa nitong litanya. Mas lalo lang tuloy akong napayuko ng ulo.

Masakit yung ulo ko. Naririndi na din ako sa paulit ulit nitong paninita pero hindi ko naman ito masagot. I know her struggles in giving birth on me. Tapos yung sakit pa ng ulo nito sa kakulitan ko noong bata ako. At pati na din sa pagiging pasaway ko ngayon. So Nah, hindi naman masakit yung mga hampas at kurot nito.

"Terry, stop it." Awat ni Mommy. Hinatak pa nga nito si Mama para tuluyang mapalayo sakin.

Thank goodness. It's about time.

"I told you that Tris isn't that serious to Elle. Bakit ba ayaw mo kasing maniwala?"

"Hindi seryoso, Samantha?!" Namaywang pa si Mama sa harap namin ni Mommy. "Alam mo, yung anak mo dapat yung hindi mo sineseryoso. Si Elle iyon. Anak ni Alliston. Napakagandang bata. Matangkad. Matalino. Tapos hindi seryoso?"

"Ma!"

"Ano, sumasagot ka na?" Hinampas ako nito ng malakas sa bandang tyan. "At sino yung gusto mo Tris? Yung kung sino-sinong babaeng hitad na lumalapit sayo? Wala ka talagang taste na bat-"

"I said stop it." My Mom's voice echoed the whole room. Sumimangot naman si Mama. Humalukipkip pa habang masama yung tingin sa akin. Halatang masama ang loob.

Inirapan lang ito ni Mommy bago bumaling sa akin. Pinakita nito yung family heirloom ring namin. Yung singsing na ibinigay ko kay Elle.

Bakit at paano iyon napunta dito? Nakipagkita ba ito kay Elle?

"Alliston gave this ring back to me."

Napalunok naman ako. Parang alam ko na yung susunod na nakasulat sa script.

"Elle tried contacting you but you weren't answering your phone."

"I was.." napalunok ako ulit. Should I tell them the truth? "I'm helping Kaylee."

"About what?"

Paano ko sasabihin sa mga ito yung totoo kung kahit si Kaylee ay ayaw naman iyong ipasabi? Saka girlfriend pa din ni Lee si Payne. Hindi maganda na pangunahan ko pa ito sa pagsasabi ng problema nya. Tiyak kasi na pag umamin ako, mamaya lang ay naitsismis na iyon ni Mama kay Tita Van. Tiyak na mas malaking problema iyon pag nagkataon.

"May problema ba si Kaylee, Tris?" ulit tanong pa ni Mommy.

Nang hindi ako sumagot ay bumuntong-hininga na lang ito at tinapik ako sa braso.

"You're not a hero. You can't save everyone." Ibinuka nito yung mga daliri ko na nakakuyom at inilagay sa kamay ko yung singsing.

"Mom.."

"Stop worrying about them. Let them worry about themselves. There's always a limitation, Tris. Don't overstep your boundaries. Let them help themselves."

AeipathyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon