Chapter 31

9.4K 694 257
                                    

Tris

I woke up by exactly four in the morning just like my mother. She was mentioning that we should prepare a breakfast for the whole Silva.

Apparently, dalawang oras pa lang yung tulog ko. Kausap ko kanina si Eris hanggang alas dos ng madaling araw.

Dahil nocturnal nga ito na gising at active sa gabi, normal na yata dito ang magwork out ng ganoong oras. She was having a video call with me while she and Essex are having their martial arts training.

And heck, she's really so sexy when she was panting and catching up her breath. Nor was she gasping just to dodge Essex' punches na pikon na pikon dahil hindi ito sineseryoso ni Eris dahil nasa akin nga yung atensyon nung babaeng iyon. Ang hot nito tingnan kahit tumutulo pa yung pawis sa noo, leeg, at braso.

Goodness, I was worrying the whole time na baka mabinat ito kaya ayoko ibaba yung tawag kahit antok na antok na din ako. I don't really care about her figure anyways. Saka di ba pag kagagaling sa sakit, normal lang na pinagpapahinga? Nakakaloka talaga yung pamilya ng unggoy na yon.

At kahit gustuhin ko man na puntahan si Eris at patulugin na, ay hindi ko naman magawa. Bantay na bantay kasi ito ng nakakabatang kapatid nito dahil kabilin-bilinan ni Tita Grant na hindi daw kami pwedeng magtabi. Sa oras daw kasi na mahuli kami nito na pumupuslit, wala nang usap usap na magaganap. Hinding-hindi na daw talaga ito papayag na magkaroon kami ng relasyon ng anak niya kahit ikamatay nya pa.

So Eris and I had to abide that rule.

"Make it fast, Tris. Maaga nagbebreakfast ang mga Silva. Prepare the coffees. Grant want hers just like how I want my coffee. Okay?"

Tumalima naman ako agad. Ang bilis bilis kasi ni Mommy kumilos. Para bang sanay na sanay na itong ipinagluluto yung pamilya nila Eris. Kabisadong kabisado kasi nito kung ano yung gusto ng magkakapatid. Pati na din yung kina Tita Grant at Tita Jen.

She is giving me a run through as I started brewing the coffee while she's making the eggs and pancakes.

"Jen and Candice are not drinking coffee, Tris. Milk kay Candice. Orange juice kay Jen." Binuksan nito yung fridge at nilabas yung mga carton niyon at inilagay sa mesa.

"Always check the labels too." paalala nito.

She handed me her phone.

Hindi ko man naiintindihan lahat ng sinasabi nito ay napatingin na lang ako sa screen niyon.

"Okay. Grape juice kay Harrice. Apple Juice kay Carrie." I started preparing the drinks too. "Si Elle, 'My. Mas gusto non ng gatas sa umaga kesa kape."

"Just follow what was written there and thank me later." Hindi lumilingon na utos nito na ipinagpatuloy lang ang pagluluto.

Sakto naman na natapos akong magbrew ng kape ay sumungaw na sa pintuan ng kitchen si Tita Grant.

Nakarobe lang ito at halatang kagigising lang. Ni hindi man lang nga ito nagulat na naabutan kami ni Mommy na pinapakialaman yung kusina nila.

"Coffee po?" Magalang na alok ko nang tumingin ito sa direksyon ko.

For the first time, Tita Grant didn't frown at me as she gently nods her head. "Black. No sugar."

I immediately pour a black coffee on a cup. Pagkatapos ay nagmamadali na nilapag ko iyon sa harapan nito.

"Thanks." She muttered in a low voice.

I don't know why I am just standing infront of her as if waiting for some order. Nakaabang lang ako sa reaksyon nito habang humihigop ng kape.

AeipathyWhere stories live. Discover now