Chapter 21

8K 673 472
                                    

Tris

Kalmanteng ipinagpatuloy ko lang yung pagsusuot ng damit ko. Si Eris naman ay hindi magkandatuto kung paano ibubutones yung suot nitong damit dahil nga masakit yung kanang braso nito.

"Damn!"

Bago pa ako makareact ay nagulat na lang ako nang bigla akong umangat sa ere kasunod nang malakas na pagtama ng likod ko sa sahig.

Crap!

Pakiramdam ko ay nabalian yata ako ng buto sa sobrang lakas ng pagbagsak ko.

Pero hindi pa ako nakakabawi sa pagkahilo ay muli na naman akong umangat patayo. Kasunod niyon ay yung malakas na pagtama ng kamao sa sikmura ko na nakapagpaluhod sakin sa sobrang sakit.

But the culprit has no plans of stopping anytime soon from assaulting. Kung kanina ay sa braso ako hinawakan ni Tita Grant, ngayon naman ay pahaklit na sa leeg. She's literally trying to strangle me to death.

"Any death wish?" Kahit ako ay bahagyang pinanlamigan nang mapatingin sa walang emosyon na mga matang iyon ng nanay ni Eris. Lahat yata ng tapang ko kanina ay biglang umurong. Nakakapit lang ako sa kamay nito na patuloy pa din akong sinasakal.

I know that I am no match to her. Sa lakas ba naman nito kahit pa di hamak na mas matangkad ako, tiyak na wala akong laban. Bukod pa sa magulang pa din ito ni Eris.

Bahagya lang nitong niluwangan ng kaunti yung pagkakasakal sakin nang tumango ako.

Sunod-sunod akong napaubo habang naghahabol ng hininga.

Damn, I'm literally dying right now.

"Tell your death wish now so you could die in peace." gaya kanina ay walang emosyon lang na utos pa ni Tita Grant.

There's only one thing on my mind right now. Kahit ayun man lang ay maibigay ko sa Mommy ko bago ako mamatay.

"I wish to marry my betrothed before I die." pagkasabi niyon ay inaasahan ko na yung masakit na pagdapo ng suntok ulit sa parte ng katawan ko.

Hindi nga ako nagkamali dahil muli akong napaluhod sa sakit ng suntok na tumama naman ngayon sa panga ko.

"You think kaya mo ko para hingin sakin yung anak ko ng ganoon lang!? Gago ka?" hinablot ulit ako nito patayo. "Try me, kid. Gusto mo yung anak ko!? Patayin mo muna ako!"

Nanghihinang sunod sunod na lang akong napaubo at napayuko ng maramdaman ulit yung pagtama ng kamao sa sikmura ko.

Sobrang sakit! Mamamatay na yata ako!

Paglingon ko kay Eris ay saka lang ito tila natauhan at agad na tumayo mula sa pagkakahiga sa hospital bed nito. Tila tuluyan na din na nawaglit sa isip na bukas yung butones ng damit nito.

Akmang aawat ito pero matalim lang na tinitigan ito ng Mommy nito. Eris instantly stopped her futile attempt of stopping her other Mom from trying to kill me.

I was expecting some dramatic speech from her though. Yung kagaya ng mga nababasa sa libro o di kaya ay napapanood sa mga sinehan. Heck, I was literally anticipating that she'll even tell her mother to spare my life because she can't live without me.

Kaya naman nagulat talaga ako nang sumigaw pa ito nang, "Mom, please. Be reasonable. I'm in the right age. Tris is on her right age. It's just nothing but pure lust. I demand my rights to have my sexual needs be met. It's nothing serious. So please, stop that bago mo pa tuluyang mapatay yang negra na yan."

Sa sinabi ni Eris ay mabilis akong binitawan ng Mom nito. Dama ko yung marahas na pagsadsad ko sa semento.

Pero yung isip ko ay wala doon. Nakatuon sa marahas na paglapit nito kay Eris at yung padarag na paghablot nito sa sugatang braso ng anak nito.

AeipathyWhere stories live. Discover now