Loving My Brother #1: Thrale'...

Oleh ziryanggg

183K 7K 704

Bakit ganoon? Bakit ako nakakaramdaman nito? Nakadidiri. Nasasaktan ako because he can't love me back? So ov... Lebih Banyak

I love you, kuya.
Prologue:
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 20:
Chapter 21:
Chapter 22:
Chapter 23:
Chapter 24:
Chapter 25:
Chapter 26:
Chapter 27:
Chapter 28:
Chapter 29:
Chapter 30:
Chapter 31:
Chapter 32:
Chapter 33:
Chapter 34:
Chapter 35:
Chapter 36:
Chapter 37:
Chapter 38:
Chapter 39:
Chapter 40:
Chapter 41:
Chapter 42:
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 45:
Chapter 46:
Chapter 47:
Chapter 48:
Chapter 49:
Chapter 50:
Chapter 51:
Chapter 52:
Chapter 53:
Chapter 54:
Chapter 55:
Chapter 56:
Chapter 57:
Chapter 58:
Chapter 59:
Chapter 60: Confession
Chapter 61:
Chapter 62:
Chapter 63:
Chapter 64:
Chapter 65:
Chapter 66:
Chapter 67:
Chapter 68:
Chapter 69:
Chapter 71:
Chapter 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82.
Chapter 83:
Chapter 84:
Author's note:

Chapter 70:

1.1K 55 11
Oleh ziryanggg

Thrale’s POV

Masyado na akong pinaglalaruan ni Ryke, kilala niya ako. Alam niya kung paano niya ako maiinis. Hindi porque kaibigan ko siya, p’wede niya nang kunin ang kapatid ko at dalhin kung saan-saan. Pero... sinabi ko kay Thrizel na malaki na siya, hindi ko na siya kailangang pakialaman. Pero anong pakialam ko? Naiirita ako sa presensya nilang dalawa!

"Argh!"

Binato ko ang unan na nasa aking uluhan. Nalagay ko ang aking dalawang braso sa likod ng ulo para gawing unan. Pumikit ako para pakalmahin ang aking sarili ngunit kahit isipin ko, pumapasok pa rin sa aking isip ang presensya nila Ryke at Thrizel. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ‘to.

"Thrale."

Agaran akong napatingin sa aking pintuan. Nakakapagtaka, sa tagal tagal, ngayon nalang ulit ako tinawag ni Thrizel dito sa aking kwarto. Ano namang kailangan niya? Umiiwas siya sa akin, sigurado akong napilitan lang ito.

"Come in."

Hindi ako tumayo, binalik ko ang aking tingin sa kisame. Rinig ko namang pumasok siya kaya tiningnan ko na ito, gano’n nalang mangunot ang aking noo dahil may dala siyang pagkain.

"Hatiran daw kita sabi ni Ryk—"

"Hindi ko kakainin iyan, ibalik mo ‘yan sa baba." Matigas kong sabi. Napataas ako ng kanang kilay dahil hindi siya kumilos, nakatitig lang ito sa akin ng seryoso. Ayaw pang ilihis ang kaniyang tingin kaya sa huli, ako ang talo.

"Kainin mo raw sabi ni Ry—"

"What if you're the one I'll eat here?" Bigla siyang napaigtad sa aking sinabi. Napangisi ako roon. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin sa kaniya ang pag-amin niya sa aking mahal niya ako. Paano ba magmove on ang babaeng ‘to? Hays, Thrizel, magpatulak ka kay Ryke.

"Sige, ibababa ko na."

See? Kailangan ko pa siyang ganiyanin para sumunod siya sa akin. Alam kong hindi na ito takot sa pagiging strikto ko, takot na ‘to sa mga lumalabas sa bibig ko. Kung ganiyan ka kumilos, Thrizel. Madali kong malalaman ang kahinaan mo.

"Wait." Napatigil siya at muli akong tiningnan. Tiningnan ko ito mula paa hanggang ulo. Seryoso akong nagsalita. "Alam kong magkapatid tayo, may tanong ako."

Dahil sa aking sinabi ay nangunot ang kaniyang noo. "Ano naman iyon? Ibababa ko na ito."

"Anong naramdaman mo no’ng hinalikan mo ako?" Iyan ang gusto kong itanong sa kaniya. Anong pakiramdam na halikan ang isang kuya? Nakakadiri ba? Nakakapangsisi?

"Ikaw? Anong pakiramdam na mahalikan ng kapatid?"

Nagulat ako sa kaniyang pagtatanong. Hindi ko inaasahan na kaya niyang ibalik sa akin ang tanong ko. Nagpakampante ako, nakalimutan kong si Thrizel pala ang kausap ko. Malamang ay gaganti ito at hindi magpapatalo.

"Answer my question first."

Kalmado itong sumagot. "Kaba." Huminto siya. "Kaba naramdaman mo, kuya, ‘di ba?" Dati ay ayaw kong tinatawag niya akong Thrale, ngayon naman ayokong tawagin niya akong kuya. Tsk.

"Wala ka ng pakialam doon."

Kinuha ko ang isang unan at tinaklob sa aking mukha. Naiirita na naman ako, tama siya sa kaniyang sinabi. Kinabahan nga ako, sa oras na iyon, tarantang-taranta. Kasalanan niya iyonnnnn!

"Ako rin, kabang-kaba." Hindi ako nagsalita. "Na may pagsisisi."

Natigilan ako, agad kong tinapon ang unan na nasa aking mukha at hinarap siya. "Ang kapal ng mukha mong magsisi sa akin!" Yes, I shouted at her. "I mean, na halikan mo ako. Dapat ako ang nagsasabi niya, dapat ako ang nandidiri."

"Did I say something disgusting?" Nakakainis ang reaksyon niya, masyado siyang kalmado. "Alam mo, kuya, umiiwas na nga ako sa ‘yo. Hindi ka pa ba masaya roon at nakuha mo pang itanong sa akin ‘yon? Kahit tahimik ako magdamag o araw-araw, kaya kong makipagsagutan sa ‘yo lalo na’t dalawa lang tayo rito. Kilala mo ako."

"Lumabas ka na." Ubos ang pasensya ko rito.

"Hindi ka ba magpapahalik ulit sa akin?"

"Leave my room, Thrizel!"

"Where’s my kiss?"

"Thrizel!"

"Pilitin mo ako."

"Pilitin mo akong pilitin ka, leave!"

"Parang hindi kapatid, ah."

"You are not my sister, ayoko na sa ‘yo." Pansin kong natigilan siya sa aking sinabi. May mali ba akong nasabi? Naiinis lang ako.

"Ang sakit mo talaga sa atay, tumatagos sa puso, umaabot talampakan."

Matapos niyang sabihin iyon ay lumabas na siya. Hindi ko naman maintindihan ang kaniyang sinabi. Anong ‘ang sakit talaga sa atay, tumatagos sa puso, umaabot talampakan?’ Nababaliw na ba ang babaeng ‘yon? Argh!

"ANO na naman bang nangyari at nakasimangot ka ngayon sa akin dito?" Kunot noong tanong sa akin ni Gio. Nandito kaming dalawa sa palengke, kumakain ng streetfoods. Hindi na bago ito sa akin. "Kung masama ang loob mo, Thrale. Huwag ako ang puntahan mo dahil sigurado ako na ako ang pagbubuntungan mo." Dagdag niya pa.

"Manahimik ka nalang." Inis kong sabi.

Kilala niya talaga ako, nagkakasundo talaga kami ni Gio kapag tungkol sa ganito. Unang pagkakakilala palang namin, siya na lahat ang nakakaalam tungkol sa buhay ko.

Uminom siya ng softdrinks at hinarap ako. "Mabait na girlfriend si Anissa, kilala ko iyon. Nagiging ganiyan ka hindi dahil sa kaniya. Kanino nga ba, Thrale?" Tiningnan ako nito ng seryoso. Hinihintay ang aking sagot ngunit hindi ako nagsalita dahilan para mapangisi siya. "Ah, si Thrizel." Tango-tango niyang sabi.  "HAHAHAHAHAHAHA, lakas naman ng epekto ni Thrizel sa ‘yo. Bro, kapatid mo iyon."

"What do you want to convey?" Irita ko pang pagtatanong. "Na may feelings ako kay Thrizel? Yes, wala kang sinabi pero pinaparating mo. Wala akong gusto sa kaniya, iyon lang. Matuto kang mandiri."

"Aba, dapat lang na wala kang gusto." Nangunot ang aking noo sa kaniyang sinabi.

Nilapag ko sa mesa ang aking kinakain. Uminom ng tubig at hinarap siya. "Mag-isip isip ka nga, kaibigan natin si Ryke na dating manliligaw ni Thrizel tapos liligawan mo ngayon ang kapatid ko? Hindi lang si Thrizel ang nag-iisang babae rito sa mundo. Marami riyan, huwag niyo ngang pag-initan ang kapatid ko. Ayokong maulit ang sinasabi ni Link na 2 years ago."

Dahil sa aking sinabi, naging seryoso ang mukha ni Gio. Nagsalita siya. "Walang mauulit, ako at si Ryke lang ang nagkagusto kay Thrizel. Sa ating magkakaibigan, sigurado akong wala ng susunod sa yapak namin." Muli siyang uminom. "Magkapatid kayo ni Thrizel, hindi ka kasali kung mangyayari na naman ulit. Dahil kapag kasali ka, siguradong talo na naman kaming apat. Sigurado rin akong masasaktan si Kein kapag nagkagusto rin siya kay Thrizel, iyon ang malala magmahal. Ayokong maulit ang pangyayaring ‘yon hangga’t maaga pa. Pigilan mong magkalapit ang dalawang ‘yon."

"Hindi sila close ng kapatid ko." Kalmado kong sabi.

Sigurado ako roon, sa gano’ng lalaki ay mailap si Thrizel. Niyaya man siya ni Kein ng date noong nakaraang araw, sisiguraduhin kong hindi na masusundan iyon. Masyado kong kilala ang aking mga kaibigan lalo na ang sarili ko. Mabuti nalang at kapatid ko si Thrizel. Wala rin sa kanilang nakakaalam na hinalikan ako ng aking kapatid.

Natigilan kami sa pag-uusap ni Gio nang mapatingin kami sa kalsada dahil may lalaking nabundol ng kotse. Agad na nagkumpulan ang mga tao sa pangyayaring ‘yon. Wala akong balak tingnan ang nabangga ngunit hinawakan ni Gio ang aking braso, hinatak ako para mapunta sa gitna. Anong gagawin namin dito?

"Are you okay?" Pagtatanong ng driver sa nabangga.

Hindi sumagot ang lalaki, dahan-dahan itong tumayo kahit may sugat ang paa. Kahit tingnan mo lang, malalaman mo agad na mahihirapan siyang maglakad.

Hinawi ng lalaki ang kamay ng driver. Nagpupumilit itong sumiksik sa mga tao para makaalis sa kumpulan pero nahulog ang sumbrero niyang suot. Doon bumagsak ang mahaba niyang buhok. Doon ko napagtanto na babae ito at hindi lalaki. Akala ko wala lang ito sa akin, nagkamali ako. Nakita ko ang kaniyang mukha.

"Arella."

Pupuntahan ko na sana ngunit biglang hinawakan ni Gio ang aking braso. Nagtataka kung bakit ako kakawala sa kaniyang paghawak.

"Saan ka pupunta? Umuwi na tayo."

Hindi ko siya pinakinggan. Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. "I saw Arella."

Agad kong inilibot ang aking paningin dahil nakaalis na si Arella. Kailangan kong mahanap ang babaeng iyon. Alam kong nandidito pa siya dahil hirap siya maglakad. Hindi nga ako nagkamali, nakita ko siyang nakaupo sa bato habang iniinda ang sugat.

Agad ko siyang pinuntahan. Nang malapitan ko siya, walang pasintabi ko siyang yinakap. Hindi ko alam kung anong tumulak sa akin para gawin ‘to, kusang nagawa iyon ng aking sarili. Hinihintay ko ang magiging reaksyon niya pero matapos ang isang minuto. Wala pa rin kaya kumalas na ako at tiningnan ito.

Nakita ko ang kaniyang mukha, ang ganda niya pa rin hanggang ngayon. Kusang gumalaw ang aking kamay para hawakan ang peklat niya sa pisngi. Gawa ito ng kaniyang tatay. Tiningnan ko ang kaniyang katawan, masyado siyang mapayat. Tiningnan ko siya sa mga mata, punong puno ito ng pagtataka. Naguguluhan.

Hindi katagalan, tinabig ako nito sabay takbo. Para siyang takot na takot sa tao, dahil nga may sugat siya, hindi siya nakatakbo ng malayo. Bigla itong napaupo, agad kaming tumakbo ni Gio sa kaniyang gawi.

"Arella, do you still remember me? Ako si Thrale, nandito na ako." Paulit-ulit kong sinasabi iyan sa kaniya, gusto kong maalala niya ako. Masyado akong masaya ngayon dahil natagpuan ko na ang sinasabi nilang patay. Nakumpirma kong hindi ito gawa-gawa ng aking ilusyon. Si Arella ang kaharap ko ngayon!

Tatakbo sana siya ulit ngunit nahawakan siya ni Gio. "Miss, may sugat ka sa paa. Kailangan natin ‘yang magamot agad. Nagviviolet na ang gilid."

Inosente kaming tiningnan nito para bang nakikiramdam siya. Nakakapagtaka, bakit parang wala siyang naaalala? Hindi niya ba ako namumukhaan? Sabagay, ang tagal naming hindi nagkita. Sigurado akong hindi niya na kabisado ang aking mukha.

"Gusto mo bang magamot ang sugat mo para makatakbo ka na sa amin?" Seryoso kong pagtatanong nito.

Agad niya akong tiningnan at sunod-sunod na tumango. Napangiti ako roon, gusto niya talagang tumakbo sa amin. Masyado siyang mailap sa tao. Anong ginawa nila sa babaeng ‘to? Base sa kaniyang itsura, halatang palaboy-laboy siya.

Thrizel’s POV

Wala akong ibang ginawa kun’di ang magkulong sa kwarto ko kahit buong maghapong wala si Thrale. Simula ng pangyayaring iyon, mas gusto kong mapag-isa kaysa makisalamuha. Ayoko na ulit ng may nakakasanayan, sila kasi ang nakakagawang saktan ka. Based on my observation, naniniwala ako sa gano’n.

9:00 pm na ng gabi, sa mga oras na ito alam kong natulog na sila Thrale kaya tumayo ako mula sa kama at bumaba. Kaso hindi, nagkamali ako. Nakita kong nag-uusap sina Link at Ate Anissa, gising pa sila. Dahil sa kaabalahan ni Thrale, pagkakamalan ko ng si Link ang boyfriend ni ate. Hays.

"Ngayon ka lang bumaba?" Kahit hindi ako tiningnan ni Link. Alam kong ako ang tinatanong niya.

Tumikhim ako. "Ngayon lang ako nagutom."

Wala na siyang naging salita kaya dumiretso na ako sa kusina. Mag-isa akong kumain, wala namang kaso sa akin ‘yon. Tahimik ang buong bahay, walang gustong mag-ingay. Masyado ng malungkot dito hindi ‘gaya ng dati.

Habang kumakain ako, tumunog ang aking selpon. Medyo nagtaka ako dahil si mommy ang caller, hindi tumatawag si mom ng ganitong oras. Anong kailangan niya? Emergency kaya? Kinuha ko na ang aking cellphone at sinagot.

"Good evenin—"

"Where’s Thrale?" Hindi malambing ang boses ni mom, halatang mainit ang kaniyang ulo. Bakit niya kaya hinahanap si kuya? Baka may nagawang kasalanan.

"Hindi pa po umuuwi."

"Several times he didn’t answer my calls!"

Huh? Bakit hindi niya sinasagot ang tawag ni mom? Nakakapagtaka, hindi ganiyan ang pag-uugali ni kuya. Kaya pala galit na galit si mom.

"Why, mom?"

"Link told me he was looking for your cousin."

"Arella?"

"Yes, kaya nandiyadiyan si Link para may magsabi sa akin kung anong nangyayari diyan. My god, gumagawa nalang iyan ng senaryo si Thrale para sabihing buhay ang pinsan niyo. Matagal na siyang patay, hinahanap niya ang pinsan niyong nasa sementeryo? Kapag may nabalitaan na naman ako mula kay Link, I will not hesitate to go home!"

Napapikit ako dahil sa sigaw ni mom. Bakit nga ba kasi hinahanap ni Thrale ang patay na? Tinapos ko na ang aking pagkain, sisigaw sana ako para tawagin si Link pero may naunang sumigaw. Which is Thrale.

"I’ve found Arella!"

Hindi na ako tumuloy papuntang sala. Nahinto ako rito sa pinto ng kusina. Masaya ang kaniyang boses pati ang mga mata.

"Don’t fool us, Thrale." Hindi naniniwalang sabi ni Link.

Dahil doon ay pumasok si Gio na may kasamang babae. Ordinaryo lang ito, hindi mo makikita sa kaniya ang pagiging masungit.

Napatingin ako sa kaniyang mukha, bigla akong kinabahan dahil nakita ko ang peklat niya sa mukha. Naalala ko ‘yong oras na ginuguhit  siya ni kuya sa paaralan. Parehas na parehas. Hindi ko alam ang aking mararamdaman, kinakabahan ako na parang masaya. Dahil sa pagkukwento ni kuya, sabik na sabik akong makilala siya. Nasa harap ko na siya but...

"Tumawag sa akin si mom." Kalmado kong sabi.

Dahil doon ay unti-onting nawala ang kaniyang ngiti sa labi  Bigla itong nagseryoso. "Walang magsasabi nito kay mom."

Agad siyang dumiretso kay Arella at ginaya pataas. Napailing-iling ako, p’wede namang si Gio muna ang mag-asikaso roon. Nasa tabi niya si ate Anissa, hindi niya man lang natapunan ng tingin.

"Are you okay?" Pagtatanong ko kay ate.

"Yes, naiintindihan ko naman siya."

Itutuloy...

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

130K 2.6K 49
"What? Ate, di pa ba tapos yang high school crush mo!" "Di pa, hanggang di pa nagiging kami!" Kinikilig kong sabi at mabilis na isinara ang pinto ng...
71.3K 3.5K 53
Helveryst Series #1 : Dale Fyron Helveryst " Babysitter " Yan ang magiging trabaho ni Kate Chandria Lyntheria sa mansion ng mga Helveryst. Para sa ka...
259K 8.1K 185
What if a Pokémon Trainer found herself in the world of One Piece? What if she found herself with the Strawhat Pirates? What if she finds herself get...