Meet My Boyfriend: Ana's Ace...

By Lyfavie

102K 1.7K 353

[ONGOING STORY] [Cliche story coz life is cliche] Dala ng pagkakamali at pagsisinungaling, ay naituro ni Ana... More

Meet My Boyfriend: Ana's Ace
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17 - Part one
Chapter 17 - Part two
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26

Chapter 12

3.1K 59 8
By Lyfavie

CHAPTER TWELVE

"Fool me once, shame on you. Fool me twice, shame on me."

                                                                      -Randall Terry

“Damn it! Where the hell is Ana?!”

Kanina pa text ng text si Ace kay Ana. Bad mood si Ace dahil hindi man lang ito nagrereply. Pumunta tuloy siya ng Anne Heights para sana sunduin ang dalaga. Nakaisip pa siya ng mas magandang ideya pagpasok niya sa Anne Heights. Palihim niyang pinakialaman ang paging system ng school at plinay ang hate song ni Ana. Ana will surely immediately know that it’s coming from him.

Ngunit maling move yata ang nagawa niya. Dahil tinakasan na naman siya ng dis oras ng dalaga. Nalaman tuloy nitong nasa Anne Heights siya. Hayun, tinakbuhan na naman siya.

“Ace?”

Nilingon ni Ace kung sino ang tumawag sa pangalan niya. Hindi itinago ni Ace ang disgusto ng makita si Honey. Kababata niya si Honey at hindi itinago ng dalaga ang pagkagusto sa kanya. Never pinatulan ni Ace si Honey. Hindi dahil pangit ang dalaga. In fact, maganda talaga si Honey. Three fourths Chinese at one fourth Pinoy kasi ito kaya mistulang labanos sa puti ang dalaga. Bob cut ang itim na itim na buhok nito na bumagay sa maliit nitong mukha. Naging Miss Saint Bernadette din ang dalaga noong nakaraang taon lang kaya sikat din si Honey sa Anne Heights. Isa pa, mabait din si Honey.

Ang dahilan kaya never pinatulan ni Ace si Honey ay dahil siguradong matatali na siya kay Honey kung sakaling patulan niya ito. Close family friend kasi ng pamilya niya ang pamilya ni Honey. Kaya iwas na iwas siya kay Honey.

“Ace ikaw nga! What are you doing here?”

Sa Anne Heights din kasi pumapasok si Honey gaya ni Ana. Hotel and Restaurant Management ang kursong kinukuha nito. May pag-aaring hotel kasi sa Baguio ang pamilya ng dalaga.

“I’m looking for someone. Honey, I have to go.”

“Wait! Where are you going? Pasabay na ako.”

At bago pa makahindi si Ace ay pumasok na sa loob ng sasakyan si Honey. Wala tuloy siyang nagawa kundi sumakay na rin.

“Can you do me a favor Ace?”

Sumulyap si Ace kay Honey. He doesn’t like hearing the word favor.

“What is it?”

“Mom’s birthday will be on Saturday. See you there, by the way.”

Kaninang umaga nga ay sinabi na ng Mama ni Ace kay Ace ang tungkol sa birthday party ng Mommy ni Honey. Ayaw pumunta ni Ace sa party ngunit mapilit ang kanyang Mama. Siguradong irereto lang siya ng Mama niya kay Honey. At gagatungan din iyon ng Mommy ni Honey. Isama pang, gustong-gusto naman iyon ni Honey. In short, pinagkakaisahan siya ng lahat para maging sila ni Honey. And he strongly disagrees with the idea.

“Where’s the favor there?”

“I haven’t bought a gift for Mommy. Can you accompany me? Pleaseeeeeee?”

Gustong magdahilan ni Ace ngunit biglang naalala nitong nagpapabili nga din pala ang Mama niya ng regalo din para sa Mommy ni Honey.

“Sure… I guess sasabay na din akong bumili ng gift kay Tita.”

“Great!”

“May klase ka pa?” tanong ni Honey kay Ace habang naglalakad sa mall. Katatapos lang mamili ng dalawa.

“Wala na. I’m heading home after this,” hindi nag-iisip na sagot ni Ace. Huli na noong mapagtanto nitong nagkamali ito sa sinagot.

“Kung ganoon daan tayo sa Starbucks. Let’s have some coffee there.”

Told you. Sabi ng isang bahagi ng isip ni Ace.

Huminga ng malalim si Ace. “Maybe that’s not a good idea Honey,” he answered.

“Last na ito Ace. Wala ka naman ng klase di ba?” insists pa rin ni Honey.

Nakukulitan na si Ace kay Honey. Alam niyang after this, magpapahatid syempre si Honey sa bahay nila. Tapos iinvite siyang pumasok sa bahay nila. In the end, mamimisinterpret na naman iyon ng parents ni Honey.

“Honey –”

“Ace!!! Bebe ko!”

Takang sabay na lumingon si Honey at Ace sa pinanggalingan ng boses.

“Ana???” Anong ginagawa ni Ana dito?

The truth is, nakahinga ng maluwag si Ace ng makita si Ana. At least, may dahilan na siya para makaiwas kay Honey.

“Hindi ko alam na nandito ka din pala Ace!” gulat na gulat na wika ni Ana. Exaggerated nga lang ang expression ng mukha nito.

“I was at Anne Heights kanina. Where the heck are you? At bakit hindi na kita macontact?” sita ni Ace sa kasintahan ng muling maalala ang ginawa nito.

“Andun ka ba? Ay naku! Sorry! Kasi nabattery empty cellphone ko. Di ko na nabasa pa mga message mo kung nagtext ka man.”

From Ana’s tone, Ace detected she is lying. Sigurado si Ace na sinadya ni Anang umalis ng Anne Heights kahit alam nitong andun siya. Hindi rin siguro nabattery empty cellphone nito, sa halip, sinadyang patayin iyon ng kasintahan.

“Really?”

“Of course ano. Gusto mo, check mo pa cellphone ko?” hamon pa nito kay Ace. But Ace knows she’s just bluffing.

“No need. Alam ko namang inoff mo lang yang cellphone mo eh.”

“I did not!”

“Yes, you did!”

“Okay, I did,” balewalang reply ni Ana.

“Ayoko ng ginawa mo Ana,” nagngingitngit na wika ni Ace.

“Talaga? Then I’ll do it again next time!”

Ace groaned. Ana loves challenging him. He knows that.

“Ace, who is she?”

Ngayon lang ulit naalala ni Ace na kasama nga pala niya si Honey.

“Oy, sino daw ako,” agaw pansin ni Ana.

“Ana, si Honey nga pala – kababata ko,” pakilala ni Ace kay Honey.

“Honey pangalan mo?” gulat na tanong ni Ana kay Honey.

“Yeah, why? Is there a problem with my name?” agad namang kambiyo ni Honey. Defensive ito sa pangalan nito.

“Wala lang…” kibit-balikat lang na sagot ni Ana. “Pero you look familiar…”

“Naging Miss SBMA kasi si Honey. She’s Miss SBU last year din. Kaya siguro familiar sa iyo mukha niya,” paliwanag ni Ace.

“Ahhhhhhhhhhhh…” tumatango-tangong bulalas lang ni Ana.

“And Honey, this is Ana – my girlfriend.”

Nawalan ng kulay ang mukha ni Honey ng marinig ang sinabi ni Ace.

“G-girlfriend?” nauutal na ulit nito.

“Yeah… Yung girlfriend ha. Hindi girl friend,” explained pa ni Ana kay Honey na parang bata.

Nagsalubong mga kilay ni Ace. Ngayon lang kasi niya narinig si Ana na hindi parang napipilitang sabihing girlfriend niya ito.

“I-I have heard about the rumors. Pero hindi ko alam na…totoo nga pala.” Honey said with disappointment.

With that, Ace smiled. Honey will leave him alone now that she knows he has a girlfriend. In the past kasi, wala pa siyang pinakilalang girlfriend talaga kay Honey. Ngayon lang talaga.

“I think I have to go. Baka hinihintay na ako ni Mommy sa bahay. Tutulungan ko pa siyang magprepare,” agad na paalam na ni Honey sa kanila. Halatang broken hearted ito sa nalaman. But Ace doesn’t mind it. Honey would cope up.

“Nice meeting you Ana…” pilit na ngumiti si Honey kay Ana.

“Nice to meet you din,” sagot naman ni Ana.

“Bye Ace. See you on Saturday.” Tumingin ito kay Ana. “You can bring Ana in the party too.”

“We’ll see about that…”

Umalis na si Honey at naiwan si Ace at Ana.

“Anong party yung sinasabi niya?” tanong ni Ana kay Ace.

“Let’s talk about that with a coffee.”

“Okay, kung ganun ay ilibre mo ako ng kape,” pautos na sabi ni Ana kay Ace at nauna ng naglakad patungong Starbucks.

Napapailing na lang na sumunod dito si Ace.

“She likes you,” agad na wika ni Ana kay Ace pagkatapos nitong umorder ng kape at tinapay nila.

Ace chuckles. “Of course, she likes me. Who doesn’t?”

“Me!” Ana even proudly raised her hand.

“You like me. Only you just don’t know about that yet.”

Tumaas isang kilay ni Ana. “Is that even possible?”

“Of course. You are the living proof of it. Sooner or later, you will directly say you like me.”

“You are talking nonsense! Basta today, you are the bad guy. You broke the heart of that Honey.”

“Why are you making me the bad guy here? If I’m the bad guy, then you are the bad gal. You are the reason why her heart was broken.”

“Aba! Aba!” pinanlakihan ng mata ni Ana si Ace. “Ba’t dinadamay mo ako diyan?”

“Dahil nung nalaman niyang girlfriend kita, dun lang naman siya naheartbroken di ba? Kaya ikaw talaga ang dahilan. Not me.”

“NO! Your twisting the facts already,” mariing protesta ni Ana.

“Those are the facts. I’m just stating them. Deal with it.”

“Pinilit mo lang akong maging girlfriend mo. Technically, it’s really your fault!”

“You accepted being my girlfriend, so you accepted the fault.”

“Argghhh! Ba’t di na lang kasi yung Honey na yun pala ang ginawa mong girlfriend?” nagngingitngit na tanong ni Ana kay Ace. “Miss SBU pala iyon,” dagdag pa nito.

“That’s because she likes me.”

“What! So lahat ng may gusto sa iyong babae, ayaw mo ng maging girlfriend?!”

“Honey is a special case. Our parents are close friends. I will be trapped if ever I will start courting her.”

“Hindi mo naman sinagot tanong ko eh.”

“Okay…may factor nga somehow kapag nalaman kong may gusto na sa akin ang isang babae.”

“Well, that’s simply stupid!” komento ng dalaga sa nalaman. Pero naging dahilan din iyon para mapaisip ito ng malalim.

So If I like Ace….

“Hey, you told me kanina, I like you.”

“Yah, I did. You finally realize it now?”

“Uhm…yeah…”

“Yeah, what?”

You can do this Ana!

“I like you…”Nakatungong sabi ni Ana. Grabeng pag-eencourage ang ginawa ni Ana sa sarili para lang masabi ang mga iyon. Dahil hindi niya talaga maatim na bigkasin ang mga katagang iyon sa binata. Pero kung iyon lang ang paraan, kailangan niyang subukan.

Nagtaka si Ana ng walang marinig na reaksyon kay Ace. Iniangat niya ang mukha at una niyang napansin ang paggalaw ng mga balikat nito. Sumunod niyang napansin ang impit nitong tinig na tila sinusupil. Hanggang sa bigla na lang humalakhak ito ng tuluyan.

“What’s funny?!” naiinis na tanong ni Ana kay Ace.

“See, I told you, sooner or later, you will say you like me directly.”

Natigilan si Ana sa narinig. It only occurred to her; Ace just tricked her in telling him she likes him!

“You tricked me!” akusa ni Ana sa binata.

“Yes I did! Geez, you should have seen your face. Hahaha! I should have filmed the whole thing.”

“You are the King of all evils!!!” nanggagalaiting patungkol ni Ana kay Ace.

“That means you are the Queen of all evil then?”

Hindi sumagot si Ana, sa halip ay sinipa niya ang binata sa paa.

“Ouch!”

“You deserve that!” Sinamahan iyon ng irap ni Ana.

“Ang cute naman ng baby tisay ko,” pang-aasar pa ni Ace na tila ba nakalimutan na ang sakit mula sa ginawang pagsipa ni Ana.

Di makapaniwala si Ana na siya ang naasar ngayon imbes na si Ace ang maasar. Ang plano niya ng makita si Ace at Honey kanina ay guluhin at asarin si Ace. Bakit bumaliktad yata yung plano niya? Pasakit talaga sa buhay niya itong si Ace. Grrrrrrr!

“Bago ko makalimutan, you are going with me in the party on Saturday.”

“Party? Yung nabanggit kanina ni Miss SBU?”

“Yup. Birthday ng Mama ni Honey.”

“Sooooooooooo? Anong paki ko kung birthday ng Mama niya? Di naman kami close. Ni hindi ko nga kilala Mama ni Honey eh.”

“It’s your obligation as my girlfriend to be there.”

“Di ako puwede sa Saturday.”

“May lakad ka? Cancel it.”

“Magkakasakit ako sa araw na iyon eh.”

“Ana………” Ace with his trademark voice again kapag nagtitimpi na ito.

Ana giggled. “Okay, sige na nga. Formal party ba?”

“Yeah, so dress appropriately. Do you have a dress?”

“Sus! Hindi naman ako ganun kapoor para dress lang ay wala ako ano.”

“I’m just asking.”

Tumingin si Ana sa relo sa bisig nito. “Hatid mo na nga ako.”

“Saan?”

“Sa school. May pasok pa ako.”

“Mag-absent ka na.”

“Hoy, bad influence ka talaga!”

“Pag mag-aabsent ka ngayon at sinamahan ako sa pupuntahan ko, hindi kita ikocontact not until Saturday,” proposed ni Ace kay Ana.

Hmmmm…Monday ngayon. So, Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday…Four days Ace free!!!

“Deal!”

“Nice… Let’s go then.”

“Saan nga pala?”

“Sa bahay namin,” Ace grinned.

===============================

A/N: "Sawasdee Ka!"

I'm back! Partially only. ^_^ Cause I don't know when will be my next update. Nasulat ko lang itong update na ito patingi-tingi habang nagbabakasyon. Hehehe... ganyan ako kaganado sa story. Though I wish, I have more time.

Two exam down, four more to go! Aja, aja! Good luck din sa lahat ng mga mag-eexam.

Dedicated to @AdeeJey pala. My late birthday dedication! Happy Birthday ulit! :)

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...