She's into Drummers

By kissthegurl_

23.9K 605 138

Effy Montaya is always been in love to George Santayana, the drummer of the famous band TALKHOUSE More

Prologue
First
Second
Third
Fourth
Fifth
Sixth
Seventh
Eight
Ninth
Tenth
Eleventh
Twelvth
Thirteenth
Fourtheenth
Fifteenth
Sixteenth
Seventeenth
Eighteenth
Nineteenth
Twenty First
Twenty Second
Twenty Third
Twenty Fourth
Twenty Fifth
Twenty Sixth
Twenty Seventh
Twenty Eight
Twenty Ninth
Thirthieth
Thirty First
Thirty Second
Thirty Third
Thirty Fourth
Thirty Fifth
Thirty Sixth
Thirty Seventh
Thirty Eight

Twentieth

682 17 3
By kissthegurl_


Alam ko nagiinit na ang mukha ko habang napapadiin ang hawak ko sa kandungan ko. Para ring hinahabol ng aso ang aking puso sa sobrang bilis nitong tumibok. I'm speechless and blushing at the same time, because of him and his damn words. Kailan pa ba ako masasanay sakaniya? Siguro, hindi ako masasanay kasi si George Santayana iyan. Mahilig mangsurpresa ng mga tao.

Muling namayani ang katahimikan sa sasakyang ito. Panaka-naka kong sinisilip si George. Mababakas parin ang inis sa mukha nito dahil nakakunot ang kaniyang noo at salubong pa ang kaniyang dalawang kilay. Oh my god, he is so cute in that expression! Siguro, kahit galit o naiinis siya, gwapo parin siya sa paningin ko.

Nilibang ko na lamang ang sarili ko sa panunuod ng mga sasakyan na nasasalubong namin. Gusto ko sanang buksan ang radyo dahil nakakabingi na ang katahimikan pero natatakot ako kasi baka masabihan ako na 'pakialamera' ni George. I don't like that to happen.

Nagulat lamang ako ng bigla siyang magsalita.

"Eat your food, sweetheart." Maikling saad niya. Napatingin ako sa expression ng mukha niya. Unti-unting nawawala ang pagkakunot ng kaniyang noo at pagkasalubong nang kaniyang kilay. Hanggang sa naging poker face ito.

Tumango ako sa sinabi niya at agad liningon ang back seat para tignan kung ano ang mayroon doon. Dalawang paper bag ang naroroon. Ang isa ay paper bag ng Mcdo samantalang ang isa naman ay paper bag ng mini mart kung saan kami nakapark kanina.

Kinuha ko ang parehas na paper bag. Inilagay ko sa kandungan ko ang paper bag ng Mcdo dahil alam kung ito ang kakainin ko. Samantalang binuksan ko naman ang isang paper bag para tignan kung ano ang laman nito. It's just a three gatorade na I assume ay kay George dahil hindi naman ako umiinom ng ganun.

"Sweetheart, It's already 8:30. Kainin mo na ang pagkain mo." Agad ko siyang tinignan habang ibinabalik sa likod ang paper bag na may laman na tatlong gatorade.

"Ikaw? P-Paano ka? Kumain ka na ba?" I tried so hard na huwag mautal pero di ko magawa.

I saw how he's smile turn to a smirk. What a god like.

"Don't mind me. I'm not hungry." Aniya.

Napabuntong-hininga ako at sinimulan ng buksan ang paper bag. Mabuti at katamtaman lang ang pagpapatakbo ni George kaya maayos ako nakakakain. Inilapag ko sa cup holder ang hot chocolate at sinimulan ng lagyan ng syrup ang pancakes.

Humiwa ako at agad kumain. Pagkatapos ay sinilip ko si George na seryosong nagmamaneho. Hindi ako naniniwalang di siya gutom. Muli akong humiwa ng isang parte at agad itong iniangat sa ere.

"Ah." Sabi ko habang inaambang isubo sakaniya ang pancake. Kita ko ang gulat sa mukha nito. Nilingon niya ako saglit bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada.

"Effy, I told you-"

"George, I told you, Say 'ah'." Utos ko at muling inamba ang tinidor sakaniya. Narinig ko pa siyang nagmura ng ilang beses bago ngumanga.

Sinubo ko kaagad ang pancakes sakaniya. Nagtaka ako nang ngumisi siya habang nginunguya ang pancakes.

"Anong nginingisi-ngisi mo diyan?"

Tinignan niya ako saglit bago tumawa ng malakas. Anong problema ng lalaking ito?

"Bahala ka diyan." Bulong ko habang hinihiwa ang pancake. Salit-salitan kami ng pagsubo. Dahil sa hindi niya pwedeng gamitin ang dalawa niyang kamay dahil nagmamaneho siya, Ako ang nagsusubo sakaniya.

Alam niyo iyong kinikilig? Ako iyon.

Para kaming mag-asawa na nasa isang roadtrip dahil honeymoon namin. At sinusubuan ko siya dahil, iyon nga nagmamaneho siya. Tapos....Indirect kissing ito! Dahil parehas kami ng kutsara na ginagamit. Sobrang suwerte ko talaga! Dito ko nadadama ang sinasabi ni Trisha na masuwerte daw ako.

Inilagay ko sa likod ang paper bag na laman ng pinagkainan namin matapos naming kumain. Kinuha ko ang hot chocolate at sinimulan ng inumin iyon. Good thing, hindi nawala ang init kahit sobrang lamig sa loob ng sasakyan ni George.

"Can you please get my gatorade, sweetheart." Malambing na saad nito saakin. Liningon ko ang back seat at kinuha ang isang gatorade niya roon. Ako na ang nagbukas para sakaniya at nang matapos ay agad kong ibinigay.

Nagpasalamat ito bago uminom gamit ang kanang kamay. Oh my gosh...bakit ang hot niya sa pormang iyan? Para niyang kino-commercial ang inuming gatorade sa itsura niya ngayon. Hay, hindi pa ba ako masasanay? Ipinanganak yatang model iyang si George.

Kapag sumikat sila, dapat siyang magmodelo! Hindi naman siguro mahirap pagsabayin ang banda at pagmomodelo diba? At pati na rin pagkakaroon ng lovelife. I'm looking for that day to happen.

_____

"We're here, sweetheart." Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata ng may naramdaman akong umaalog saakin. I first saw the man I love. 

"Wake up, sleepyhead." Ngiting sabi nito saakin. Umayos ako ng upo. Shit. Nakatulog nanaman pala uli ako. Nakakahiya kay George. Ano ba naman iyan, Effy!

Napatingin ako sa paligid. It's already 12 PM. Kaya pala nararamdaman ko na ang pagkulo ng tiyan ko. Tanghali  na pala.

"Where are we?"

"Hotel." Aniya pagkatapos ay pinatay na ang makina ng sasakyan at nauna ng lumabas. Kinuha ko ang bagpack ko sa likod at isinukbit ito saaking balikat bago lumabas rin ng sasakyan. Nakita ko naman si George na may dala-dalang sports bag na ang tatak ay Nike.

Isinarado niya ang compartment sa likod pagkatapos ay chineck isa-isa ang mga pinto ng sasakyan kung may bukas pa ba, bago lumapit saakin. 

"Let's go." Maikling saad niya bago naunang lumakad papasok ng hotel. Napasimangot ako dahil roon. Akala ko naman, hahawakan niya ang aking kamay at sabay kaming papasok ng hotel. Hindi naman pala. Hay, just dream on, Effy. Dream on. 

Tinignan ko na lamang ang kabuuan ng hotel at halos magheart eyes ang aking mga mata sa nakikita ngayon. "Wow." Iyon lamang ang nasambit ko habang hinahangaan ang hotel na ito dahil sobrang creative ng pagkakagawa dito. Ang ganda ganda pa at sobrang laki. At kapag maganda ibig sabihin mahal ang presyo. Patay tayo diyan.

Iniling ko na lamang ang ulo ko at tinakbo na ang agwat namin ni George. Kakausapin ko sana siya patungkol sa hotel pero biglang may bell boy na humarang saamin. 

"Good afternoon, sir George and ma'am." Ani ng bell boy pagkatapos ay maingat na kinuha ang bag ni George pagkatapos ay nung akin naman.

Napangiti ako sa sobrang kabaitan ni kuya. Mukhang kaedad ko lamang siya kaya hindi na ako gagamit ng 'po'. "Hi kuya! Good afternoon rin." Saad ko. 

Nagtaka ako ng makita kong gulat na gulat siya sa ginawa ko. What? 

"What the fuck, Effy? That's a fucking bell boy!" Umalingawngaw ang boses ni George rito dahil sa malakas nitong boses. Napakagat ako ng aking labi ng may iilan na tao ang napatingin sakaniya at saakin. Ano nanaman ba ang problema nitong lalaking ito? 

Nahagip ng tingin ko ang lalaking bell boy na nakayuko at parang gusto ng umalis. 

"Come here, Effy! At ikaw, dalhin mo na iyang gamit namin sa kwarto!" Dinuro niya pa ang lalaking bell boy bago ako hinila palapit sakaniya. Kita kong nangangatog sa takot ang lalaki bago sinunod ang utos ni George. Ang sama niya.

Nilingon ko si George at tinignan ng masama pero hindi niya ako pinansin at tinuloy lamang nito ang pagkaladkad saakin patungo sa counter.

George Santayana is so bipolar. Kanina ang sweet sweet niya tapos ngiti pa ng ngiti saakin pero ngayon busangot ang mukha at hindi na maipinta ang itsura. Hay nako.

Napatingin ako sa counter at mayroong dalawang babae na nandoon. Ang isa ay may binubulong sa babaeng ngiting-ngiti na nakatingin saamin-kay George. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng galit. 

"Good afternoon, sir George! Long time no see ha. Buti po at naisipan niyong magbakasyon rito." Hindi maalis ang ngiti nito habang kinakausap si George. Napasimangot na lamang ako at tinignan lang sila. 

"Hi Cassandra, two nights lang kami rito ng friend ko." Mas lalo akong napasimangot sa pagpapakilala niya saakin. I'm only his friend? Gosh. 

Siguro doon lamang ako napansin ng babae. Nawala ang ngiting-ngiting mukha nito at napalitan ng pekeng ngiti. Buti nga sakaniya!

"U-Ugh sir, anong room po siya-" Agad pinutol ni George ang kaniyang sasabihin. 

"No. We're in the same room." Saad niya bago ako hinila muli papasok. Hindi ko mapigilang mapangiti. Oh ha, edi nagulantang siya nang malaman niyang iisang room lang ang tutulugan namin. Liningon ko muli ang babaeng nasa counter na laglag ang pangang sinusundan kami ng tingin. Nginitian ko siya ng malademonyitang ngiti bago muling ibinalik ang tingin sa harap. 

No one should flirt with my husband because he's already mine. 

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...