Thraleʼs POV
Tahimik akong nakaupo sa kama habang iniisip ang ginawa ko kanina at ang mga na sabi ko sa aking kapatid. Alam kong mali ako dahil sa kaniya pero naibuntong ang aking inis pero tama ba ang kaniyang ginawa?
Hindi ko namalayan na nawawala ito dahil na kay Arella lang ang aking atensyon at ito ang pagkakamali ko. Napabuntong hininga ako, napahilamos ng mukha dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon. Ayoko na muna ng kausap kahit sino.
"Thrale." Rinig kong pagtawag ni Anissa sa pangalan ko.
Alam kong kakausapin niya ako, hindi pa ganoon kagaan ang aking pakiramdaman. Ayokong makipagtalo sa kaniya lalo na't alam kong nawawalan na rin ako ng oras sa kaniya.
"Can we talk, Thrale?" Dagdag niya pa.
Napakaamo ng boses ni Anissa, kahit kanina noong pinutol niya ang aking pagsasalita. Kalmado pa rin at masarap pakinggan. That's why I love her so much.
"Gusto mo talagang mapag-isa. Mukhang wala na akong magagawa. I'm always here, Thrale, kakampi mo ako sa lahat. Kung gusto mo ng may makakausap o sasandalan. Nasa baba lang ako, huh?" Huling sabi nito hanggang yapak nalang ang aking narinig palayo sa aking kwarto.
Kahit anong panglalambing sa akin ni Anissa. Ayoko pa rin siyang kausapin dahil alam ko na ang sasabihin niya, na mas bigyan ko ng atensyon si Thrizel kaysa sa paghahanap ko sa aking pinsan na wala na. Hindi patay si Arella. Hahahanap at mahahanap ko siya, buhay ang aking pinsan.
Hiniga ko ang aking sarili dahil ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Wala rin pala akong maayos na tulog dahil abala ako sa pag-iisip. Wala akong pakialam doon, kaya kong bawiin ang aking tulog kapag nahanap ko na siya. Hindi ko muna iisipin ang aking sarili. Kung anong gusto ko ngayon, iyon lang dapat ang pagtutuonan ko ng pansin.
"BAKIT ka umiiyak?" Tanong ko sa batang nasa hardin namin.
Hindi siya sumagot, nanatiling nakayuko. Kita ko ang pagbaba-taas ng kaniyang mga balikat. Hudyat na miiyak siya.
Nilapitan ko ito at binigyan ng panyo pero hindi niya tinangap kaya umupo ako para magkapantay kaming dalawa. Saktong pag-upo ay iniangat niya ang kaniyang ulo. Nagulat ako kung sino ito.
Nakangiti siya sa akin at mabilis na tumayo. "Habulin mo ako kuya, Thrale!" Sigaw niya habang tumatakbo.
Hinabol ko naman siya pero biglang nagdilim ang aking paligidm Hindi ko siya makita.
"Kuya Thrale!"
Ang mga boses niya’y natatakot ganoon din ang reaksyon ng kaniyang mukha. Takot na takot siya habang nilalamon siya ng dilim.
Mabilis akong tumakbo palapit rito. Hinawakan ang kaniyang kamay pero hindi ko siya magawang mahila. Sa paghihilahan, nanalo ang dilim. Pero kahit ganoon, narinig ko ang kaniyang boses. May sinabi ito.
"Kuya, hanapin mo ako."
"Thrizelllllllll!"
Napabalikwas ako ng bangon. Tumingin agad sa paligid, nakumpirma kong nasa kwarto pa rin ako.
Nakatulog pala ako kanina dahil sa pagod. Hindi ko namalayan na panaginip lang pala iyon. Pero para siyang totoo, parang nangyari na siya. Pero bakit hinihila ng dilim si Thrizel? Anong mayroon?
"Thrale, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang boses ni Anissa mula sa labas ng aking kwarto. Narinig niya ang aking pagsigaw.
Mahinahon akong sumagot sa kaniya. "Ayos lang ako."
"Bakit ka sumigaw? Anong nangyari?"
"Nanaginip lang ako. Don't worry, hon, I'm okay."
Alam kong pangit na ang ugaling inaasal ko kay Anissa. Tumayo nalang ako at pumasok sa banyo.
Siguro ay kailangan ko lang maligo para kahit papaano ay mahimasmasan ako.
Damang dama ko ang pagbagsak ng tubig. Habang nakapikit, pilit ko inaalala ang aking panaginip pero hindi ko na matandaaan. Ang naaalala ko lang ay si Thrizel na kinuha ng dilim.
Natapos ako sa paligo at bumaba na para kumain. Tahimik ang sala. Nakapunta ako sa dinning area, mas lalo itong tahimik. Hinanap ng mga mata ko si Thrizel ngunit hindi ko ito nahagilap. Sina Link at Anissa lang ang aking nakikita. Napansin yata ni Link na hinahanap ko ang aking kapatid kaya nagsalita siya.
"Nauna nang kumain si Thrizel." Kalmado niyang sabi. Kahit nagtatalo kami, pagkatapos noon parang walang nangyari sa amin. "Matulog ka na rin pagkatapos kumain."
Tumango na lamang ako, umupo na para kumain. Patapos na akong kumain nang may marinig kaming yapak na papunta sa aming gawi. Tiningnan namin iyon, walang iba kun'di si Thrizel. Kalmado ang reaksyon, nandodoon din ang pagiging seryoso.
Sinalubong siya ni Anissa ng tanong. "Thrizel, akala ko natulog ka na?"
"Nauhaw." Maikli niyang sagot kay Anissa
Dire-diretso lang itong naglakad papuntang refrigerator at uminom ng tubig. Nang matapos, muli itong humarap sa amin.
"Akyat na ulit ako."
Naglakad na siya paalis. Ang kaniyang boses ay hindi malungkot, hindi rin galit. Para bang wala na siyang pakialam kung anong magiging reaksyon namin. Tanging pagsunod nalang ng tingin ang aking nagawa hanggang mawala siya sa aking paningin. Wala akong naging reaksyon, tumingin nalang ako sa aking plato.
Tumayo si Link at humarap sa amin. "I'm done, I'll take a rest. Goodnight to both of you."
Tumango lang ako sa kaniyang sinabi.
Simpleng sumagot dito si Anissa. "Goodnight, Link."
Tumango at ngumiti siya. Nagsimula na siyang maglakad papalayo sa aming dalawa ni Anissa. Pareho kaming tahimik, kahit ako ay hindi ko alam ang sasabihin sa kaniya.
"Matutulog ka na ba?"
Basag nito sa katahimikan naming dalawa. Kung titingnan, parang siya lang ang may gustong ayusin ang sa aming dalawa. Pakiramdam ko, hindi kami ayos ngayon.
"Later."
Iyon lang ang naging sagot ko. Lumipat na kaming dalawa sa sala. Tahimik na naman kami. Alam kong kailangan kong humingi ng pasensya dahil kanina. Kaya huminga ako nNg malalim bago magsalita.
"Iyon—"
Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang sabay kaming nagsalita. Nakatinginan kaming dalawa. Ang pungay ng kaniyang mga mata, ang sarap tingnan ng mga ito.
Maya-maya ay tumawa siya kaya natawa na rin ako kahit walang nakakatawa. Nababaliw na kaming dalawa. Sa ganito ako komportable kapag kay Anissa. Sa simpleng pagtawa naming dalawa, gumaan ang aking pakiramdam.
"Sorry kanina." Hinawakan ko ang kaniyang kamay. Parang ang laki ng kasalanan ko sa kaniya. Nakalimutan kong hinihintay niya akong umuwi kapag wala ako sa bahay.
Ngumiti siya at niyakap ako. Maya maya ay nagsalita. "Alam kong hindi maganda ang nangyari sa 'yo kanina pero sana sa susunod hʼwag mong hayaan na kainin ka ng emosyon mo. Tingnan mo tuloy ang nangyari, napagsalitaan mo ng hindi maganda ang kapatid mo. Thrale, isipin mo muna ang kakahinatnat kung makakasakit ka ba o hindi."
Napangiti ako at tumango sa kaniya. Ngayon ay sobrang kalmado ko.
"Naiintindihan mo ako?" Nakatingin ito sa akin habang nakangiti. Ang ganda ng kaniyang mga ngiti. Nakakagaan ng pakiramdam.
Ngumiti rin ako sa kaniya. "Yes hon, let's sleep."
Paakyat na kaming dalawa. Hinatid ko na siya sa kaniyang kwarto. I kissed her forehead, hinantay ko siyang makapasok sa kwarto bago ako pumasok sa kwarto ko. Papasok na dapat ngunit nahatak ng pintuan ni Thrizel ang aking paningin. Napabuntong hininga na lamang ako dahil bigla na naman siyang pumasok sa isip ko. Lalo na ang paghalik niya sa akin, napahawak ako sa aking labi. Huminga ako nang malalim at pumasok na sa aking kwarto.
Hindi agad ako natulog. Nakatulala na naman ako sa kisame. Ano ba dapat ang gawin ko? Nahahalata ko, simula nang umamin sa akin si Thrizel parang nag-iba ang pakikitungo ko sa kaniya. Parang nawalan ako ng pakialam. May dahilan ako, ayoko lang lumalim ang kaniyang nararamdaman pero kahit anong desisyong gagawin ko. Alam kong masasaktan pa rin siya.
Linkʼs POV
Nakatayo ako sa aking kwarto, nag-iisip. Hindi pa naman ako matutulog sadyang gusto ko lang bigyan ng privacy sina Anissa at Thrale. Alam kong kailangan nila iyon, halata namang naiilang silang dalawa.
Kahit humiga ako, hindi ako makakatulog. Ayoko rin namang lumabas dahil alam kong tulog na rin ang mga tao. Saka hindi ko pa nakaakakausap ng maayos si Thrizel mula kanina. Masyado siyang iwas sa akin o tama bang sabihin kong sa amin. Nangalay na ako sa pagtayo kaya nahiga na ako sa aking kama.
"SIR, Link, gising na po. Kakain na!"
Nagising ako dahil sa sunod sunod na katok ang katulong nila Thrale.
Magalang akong sumagot dito. "Sige po."
Naglalakad akong papuntang dinning area. Inaasahan kong si Thrizel ang aking makikita ngunit sina Anissa at Thrale palang ang nandidito.
"Tatawagin ko lang si Thrizel." Napatingin naman silang dalawa sa aking sinabi. Bakit parang ang big deal ng pangalan ni Thrizel sa kanila?
"Sir, pababa na po si maʼam Thrizel." Agaw atensyon ng isang katulong sa akin kaya tumango na lang ako sa kaniyang sinabi.
Maya-maya, may narinig kaming yapak papunta rito. Tumingin kami sa kaniya. Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa amin.
"Good morning." Umupo siya sa aking tabi.
"Morning." Bati namin sa kaniya.
Normal lang ang pagbati niya pero parang may mali. Hindi, may mali talaga sa kaniya. Tahimik lang siyang kumakain. Hindi na bago iyon pero bago sa aming lahat, ang pag-agaw ni Thrizel sa kubyertos kong hawak para pigilan ako sa paglagay ng pagkain sa kaniyang plato. Naglagay siya ng pagkain sa sarili niyang plato.
Sa anong dahilan?
Thraleʼs POV
Maaga akong nagising, bumaba na rin ako. Nakahanda na ang mga pagkain. Tnawag na sila Link at Thrizel. Unang bumaba ay si Link, agad niyang hinanap si Thrizel. Sinagot siya ng katulong na pababa na ang aking kapatid. Nang dumating si Thrizel, binati niya kami ‘gaya lang ng dati pero pakiramdaman ko ay umiiwas ito sa akin.
Tahimik lang kaming lahat. Pero sa ginawang pag-agaw ni Thrizel ng mga kubyertos kay Link, doon kami nagkatinginang tatlo. Hindi nalang kami nagsalita, pinanood nalang namin si Thrizel sa pagsandok.
Nang matapos itong kumain, lumabas na siya ng kusina, sinundan siya ni Link. Mukhang kakausapin ang aking kapatid. Ano bang ginagawa kapag may tampo sa 'yo ang kapatid? Sa normal na magkapatid, mag-usap lang kayo ay bati na. Bakit sa amin ang hirap?
"Hon, aalis na naman ako mamaya, is it okay?"
Ngumiti naman siya at sumagot. "Of course, be careful. I love you."
Natapos na kaming dalawa kumain. Umakyat na rin ako sa aking kwarto para makaligo. Nang matapos, bumaba na ako. Naabutan kong magkatabi sina Link at Thrizel sa sofa. Hindi siguro nila napansin na nakatingin ako sa kanila. Hindi katagalan, may binulong si Link sa aking kapatid saka natawa ito. Hindi pekeng tawa. May kung anong bahagi sa akin ang naiinis ngayon kay Link ngunit hinayaan ko na lamang.
"Alis na ako."
Pag-agaw ko ng pansin sa kanila ngunit si Anissa lang nakapansin sa aking sinabi. Si Thrizel ay naging abala sa kaniyang cellphone. Samantalang si Link naman ay abala sa kaniyang panonood.
Nilapitan ako ni Anissa at hinalikan sa labi. Medyo nagulat ako nang makita kong nakatingin sa amin ni Thrizel. Matagal-tagal din siyang nakipagtitigan. Nawala lang ang atensyon niya sa amin nang kausapin siya ni Link. Parang wala lang sa kaniya ang kaniyang nakita.
O p’wede nating sabihing nagpapanggap siya.
Itutuloy...