Loving My Brother #1: Thrale'...

By ziryanggg

183K 7K 704

Bakit ganoon? Bakit ako nakakaramdaman nito? Nakadidiri. Nasasaktan ako because he can't love me back? So ov... More

I love you, kuya.
Prologue:
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 20:
Chapter 21:
Chapter 22:
Chapter 23:
Chapter 24:
Chapter 25:
Chapter 26:
Chapter 27:
Chapter 28:
Chapter 29:
Chapter 30:
Chapter 31:
Chapter 32:
Chapter 33:
Chapter 34:
Chapter 35:
Chapter 36:
Chapter 37:
Chapter 38:
Chapter 39:
Chapter 40:
Chapter 41:
Chapter 42:
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 45:
Chapter 46:
Chapter 47:
Chapter 48:
Chapter 49:
Chapter 50:
Chapter 51:
Chapter 52:
Chapter 53:
Chapter 54:
Chapter 55:
Chapter 56:
Chapter 57:
Chapter 58:
Chapter 59:
Chapter 60: Confession
Chapter 61:
Chapter 62:
Chapter 63:
Chapter 64:
Chapter 66:
Chapter 67:
Chapter 68:
Chapter 69:
Chapter 70:
Chapter 71:
Chapter 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82.
Chapter 83:
Chapter 84:
Author's note:

Chapter 65:

1K 60 6
By ziryanggg

Thraleʼs POV

Nakahiga ako habang iniisip kung paano ko makikita si Arella. Gusto ko na siyang makita. Gustong bumawi sa kaniya sa panahong wala ako sa tabi niya. Alam ko talagang buhay siya, iyon ang sinasabi sa akin ng aking puso, nararamdaman ko. Kapag nakita ko na ito, sisiguraduhin ko na walang makakasakit dito. Poprotektahan ko dahil hindi ko nagawa iyon sa kaniya noong sa tatay niya.

Ngayon ko gagawin kapag nakita ko na siya kaya sana malaman na ni Gio kung saan nakatira si Arella. Iyon nalang ang hinihintay ko. Napagpasyahan kong pumunta sa bahay nila Gio para malaman kung may bagong balita sa paghahanap niya kay Arella.

Pagbaba ko ay nakita ko si Anissa. Niyakap ko ito at nagpaalam sa kaniya na aalis muna ako. Maglalakad na sana ako nang bigla niyang tawagin ang aking pangalan.

“Thrale.”

Napalingon ako sa kaniya at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

“Mag-ingat ka.” Nakangiting sabi nito.

Nginitian ko siya saka ipinagpatuloy ang paglalakad. Nakapasok na ako sa aking kotse. Naalala ko ang mukha ni Anissa, parang may nais itong sabihin pero hindi niya na tinuloy pa. Ano kaya iyon? Napabuntong hininga na lamang ako. Babawi nalang ako sa kaniya pagkatapos ng aking ginagawa, kapag nahanap ko na si Arella.

Mabilis kong pinaandar ang aking kotse papunta sa bahay nila Gio. Habang nagmamaneho ako biglang tumaginting ang aking selpon. Tiiningnan ko, may tumatawag at si Gio 'yon kaya mabilis kong sinagot.

“Napatawag ka?”

“Good news, pumunta ka rito sa bahay.”

“Okay.” Sagot ko at binaba ang tawag.

Mabilis kong pinaandar ang kotse. Kung minamalas ka nga naman, trapiko pa kung kailan malapit na ako sa bahay nila Gio. Saka pa ako naipit, nakakainis. Wala akong nagawa kun’di ang maghintay sa loob ng kotse at kung kailan uusad itong mga sasakyan. Tumaginting muli ang selpon ko, nakita kong may mensahe galing kay gio.

From: Gio

Nasaan ka na?

Huminga ako nang malalim bago tumugon dito.

To: Gio

Malapit na ako sa inyo kaso naipit ako sa traffic. Kainis.

Napangiti ako nang makitang umuusad na. Mabilis kong pinaandar ang aking kotse. Mabilis akong nakarating sa tapat ng bahay nila Gio at agad na bumaba. Nakapasok sa loob ng bahay nila. Dumiretso ako sa kaniyang kwarto dahil alam kong nandoon siya.

Narating ko ang silid nito, walang katok katok, binuksan ko ito agad. Nakita ko siyang seryosong nakatingin sa kaniyang laptop, hindi man lang naramdaman ang presensya ko sa kaniyang likuran. Mahina talaga ang pakiramdam nito. Tinignan ko rin ang kaniyang ginagawa sa laptop. Naghahanap ito sa google map.

“Any updates?” Agad siyang napaigtad. Marahil nagulat siya sa aking boses.

“Kanina ka pa?” Tanong niya sa akin.

“Medyo, bakit?”

Umiling ito sa akin at may pinakita na address.

"Anong mayroon diyan?”

“Diyan nakatira sa address na iyan ang hinahanap mong si Arella.” Seryosong sagot niya sa akin.

“Puntahan natin ngayon.”

Tumango naman siya sa aking sinabi. Binalik niya muna ang google map sa kaniyang laptop bago patayin. Napansin ko ang wallpaper niya sa computer, babaeng nakatalikod at parang pamilyar sa akin iyon.

“Tara na.” Harap nito sa akin.

Tumango ako sa kaniyang sinabi at naglakad na. Gusto kong magtanong kung sino ang babaeng nasa kaniyang wallpaper pero hindi iyon ang importante ngayon. Ang importante ay mapuntahan ko ang sinasabi niyang tinitirhan ni Arella.

Kotse ko na ang ginamit namin papunta sa address na nakuha ni Gio. Habang nagmamaneho ay hindi ko mapigilan ang saya dahil makikita ko siya. Takot din dahil baka hindi niya ako kilala. Baka may galit siya, halo-halo ang nararamdaman kong emosyon habang nagmamaneho.

“Thrale, stop the car.” Seryoso ang boses ni Gio kaya napatingin ako sa kaniya na nagtataka. “Itabi mo na.” Hindi ko na pinatagal pa, tinabi ko na ang sasakyan.

Bumaba ito. Umikot papuntang driving seat kaya napatingin ako sa kaniya. Bumaba rin ako. Sa pagbaba ko, siya ang pumalit sa aking pwesto. Wala akong nagawa kundi umupo sa passenger seat. Pagkapasok, agad niyang pinaandar ang kotse.

“Bakit ka nakipagpalit ng pwesto?”

“Masyado ka kasing excited, ginagawa mong byaheng langit tayo. Ayoko pang mamatay, hindi pa kami nagdadate ng kapatid mo.” Bigla itong humalakhak sa kaniyang sinabi. Baliw.

Napasimangot naman ako sa kaniyang sagot at umiling. Alam ko naman na hindi siya seryoso sa aking kapatid kaya hinayaan ko na siya.

“Matagal pa ba tayo bago makarating?” Tanong ko dito habang nakatingin sa bintana ng kotse.

“Oo, matagal pa kaya kumalma ka.” Sagot niya habang nakatingin sa daan.

Tumingin na lamang ako sa labas ng binata. Abala ako sa pag-iisip hanggang mararamdaman kong tumigil ang kotse kaya napatingin ako sa aking kaibigan.

Niyaya niya akong bumaba. Nauna siyang maglakad, sinundan ko ito. Tumingin ako sa paligid ng aming nilalakaran. May mga taong nakatingin sa amin, may mga bata ring nag lalaro sa paligid. Isa itong village, hindi rin kagandahan ang mga bahay ng mga tao rito base sa aking nakikita. Hindi kalaunan, huminto si Gio sa isang bahay. Napakasimple pero malaki.

“Dito na?” Tanong ko sa kaniya. Tumango naman ito.

Huminga ako nang malalim bago kumatok at tumawag ngunit walang sumasagot pero hindi ako sumusuko. Nakitawag na rin si Gio, natigil kaming dalawa sa pagtawag nang may matandang babae ang lumalapit sa amin.

Nagsalita ang mga ito. “Wala ng nakatira riyan, matagal na.”

Bigla akong natigilan sa sinabi ng babae. Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi. O sadyang hindi ko lang matanggap dahil hindi ko makikita ang aking hinahanap?

Nagsalita ako. “Sigurado po kayo?”

“Sigurado ako, matagal na akong nakatira sa lugar na ‘to. Mahigit isang buwan nang walang nakatira diyan."

Nagtanong na si Gio. “May alam po ba kayo kung nasaan ang nakatira sa bahay na ‘to?”

“Hindi ko alam, hijo. Hindi ko rin kasi masyadong nakakausap ang nakatira riyan. Isa siyang babae, masyado siyang mahiyain. Hindi nga lumalabas at nagpapakita ng mukha." Bigla akong kinabahan sa sinabi nito. Si Arella kaya iyon? Saan siya nakatira ngayon? Tanging pagbuntong hininga nalang ang aking nagawa.

Arella...

“Tara na, Thrale.”

Naglakad na kaming dalawa. Siya na ang nagmaneho. Ang mga paa ko kanina ay parang ayaw umalis sa harap ng bahay na iyon. Para bang handa akong hintayin si Arella para lang makita sihy.

Hindi ako susuko, I’ll find you.

“Hahanapin natin siya ulit.” Napatingin naman ako sa sinabi ni Gio.

Desidido talaga siyang tulungan ako. Gusto ko talagang makita ang aking pinsan. Iyong sinabi ni dad na patay na si Arella, hindi ako naniniwala. Alam kong buhay siya no’n, ramdam ko.

Tumango nalang ako sa kaniya. "Thanks, bro."

Amiraʼs POV

Nakahiga ako sa aking kama ngayon. Iniisip ang kaibigan ko kung nakauwi na ba siya sa bahay nila. Wala na kami sa Pilipinas, kakabalik lang namin dito sa States. Nandito nga ako sa States pero ang utak ko naman ay naiwan sa Pilipinas. Ang astig ko pala, joke.

Alam na ba ni Kuya Thrale na nawawala ang kapatid niya? Si Link naman ay kalmado pero ano bang magagawa ko? Kun’di ang maghintay at ipagdasal na sana nasa maayos na kalagayan si Thrizel. Minsan tanga-tanga ang babaeng iyon. Bakit kasi wala pang ginagawa si Link? Hindi ba siya nag-aalala? Nawawala na si Thrizel. Para mapanatag, kinuha ko ang aking selpon para tawagan si Link kaso bumukas ang pinto ng aking kwarto.

“Anong kailangan mo, kuya?” Bungad kong tanong.

“Eat first bago cellphone.” 

Hindi pa pala ako kumakain.

Bumuntong hininga ako bago sumagot. “Mamaya na.”

“Ngayon na.” Seryoso ang kaniyang boses.

Wala akong nagawa kun’di ang sumunod sa kaniyang sinabi. Mamaya ko na lang tatawagan si Link. Pumunta na akong dinning area saka kumakain pero wala sa pagkain ang aking isip. Lumilipad talaga. Awooo, joke.

“Ayos ka lang ba, Amira?”

Napatingin ako kay kuya dahil sa tanong niya. Hindi pala namin kasama si mommy dito. Hindi ko agad namalayan.

“Yes, nasaan si mommy?”

“May pinuntahan.”

Tumango ako sa kaniyang sinabi. Mabilis ko nang inubos ang pagkain ko para matawagan na si Link. Nang makarating ako sa kwarto, hindi ako nagdalawang isip na i-dial ang number ng lalaking iyon. Agad niyang sinagot.

“Link, anong balita sa kaibigan ko? Alam na ba ni kuya Thrale?” Pamungad kong tanong.

“Wala pa siya, hindi rin alam ni Thrale.”

Nasaan ka na ba, Thrizel? Bakit hindi ka pa umuuwi?

“Sabihin mo na kaya kuya Thrale. Saka ikaw, ano bang ginagawa mo para mahanap siya? P’wede na kaya itong i-report sa pulis. Nawawala na siya sa loob ng 24 hours!”

“Hayaan mo na si Thrale ang makaalam na nawawala ang kapatid niya. Kilala natin si Thrizel, mas mautak pa siya sa gustong utakan siya. Naalala mo iyong kay Blue? At kay Sittie? Kung may mangyari mang gano'n sa kaniya, alam naman na natin kung anong paraan ang gagawin niya. As her cousin, hindi talaga ako nag-aalala. Kilalang kilala ko ang babaeng iyon.” Mahaba niyang lintaya. Medyo napanatag naman ako pero hindi pa rin. Wala si Thrizel e!

Sa aking inis, pinatayan ko ng telepeno si Link at padabog na umupo sa kama ko. Bakit ganoʼn si Link? Alam kong kilala niya si Thrizel, parang wala siyang pakialam sa kaibigan ko. Alam kong kilala namin iyon pero hindi sa lahat ng oras, gano’n ang kaniyang mindset.

Kung p’wede lang akong umuwi para hanapin si Thrizel ay ginawa ko na pero hindi p’wede. Anong idadahilan ko kay mommy? Hindi ko puwedeng sabihin na nawawala si Thrizel kaya uuwi ako dahil sigurado akong sasabihin niya kay Tita Threa na nawawala ang anak niya. Napabuntong hininga nalang ako at napahilamos ng mukha dahil sa inis.

“Uuwi si Thrizel kung gugustuhin niya, kumalma ka nga riyan.”

Bigla akong nagulat nang magsalita si kuya. Malamang narinig niya ang usapan namin ni Link kaya nalaman niya 

“Paano naman? Namimiss ko na ang babaeng iyon, hindi man lang nagpaalam sa akin na aalis siya.”

“Secret.” May nakakalokong ngiting sumilay sa kaniyang labi. Halatang nang-aasar.

“Kuya, hʼwag mo raw sabihin kay kuya Thrale. Ewan ko kay Link kung anong plano niya sa buhay.”

“I know so calm down. Pagod ka sa byahe, magpahinga ka na at huwag gaanong mag-isip.” Lumabas na siya ng aking kwarto. “Wala akong idea kung nasaan ang babaeng ‘yon, pero sure akong may idea si Brooks. Hindi nahuhuli sa balita ‘yon.”

“But I asked him, hindi niya alam!"

“Naniwala ka naman? Ano bang sagot niya sa ‘yo?”

“Baka raw nauna na si Thrizel mag-States sa akin.”

“See? Alam niya kaya hindi nag-aalala. Nagawa pa ngang magbiro.”

Oh? Bakit hindi ko man lang naisip ‘yon?

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

161K 3.7K 62
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad
49K 2.4K 29
paano kung ang isang tomboy ay ipag kasundong ipa kasal sa isang lalaki na unang kita pa nga lang nila ay palagi na syang inaasar could they can gai...
271K 3.6K 41
If my love for you will fade that means only one thing i will never be yours again. -Claire Santillian •Unwanted Series #...