Loving My Brother #1: Thrale'...

By ziryanggg

182K 7K 704

Bakit ganoon? Bakit ako nakakaramdaman nito? Nakadidiri. Nasasaktan ako because he can't love me back? So ov... More

I love you, kuya.
Prologue:
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 20:
Chapter 21:
Chapter 22:
Chapter 23:
Chapter 24:
Chapter 25:
Chapter 26:
Chapter 27:
Chapter 28:
Chapter 29:
Chapter 30:
Chapter 31:
Chapter 32:
Chapter 33:
Chapter 34:
Chapter 35:
Chapter 36:
Chapter 37:
Chapter 38:
Chapter 39:
Chapter 40:
Chapter 41:
Chapter 42:
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 45:
Chapter 46:
Chapter 47:
Chapter 48:
Chapter 49:
Chapter 50:
Chapter 51:
Chapter 52:
Chapter 53:
Chapter 54:
Chapter 55:
Chapter 56:
Chapter 58:
Chapter 59:
Chapter 60: Confession
Chapter 61:
Chapter 62:
Chapter 63:
Chapter 64:
Chapter 65:
Chapter 66:
Chapter 67:
Chapter 68:
Chapter 69:
Chapter 70:
Chapter 71:
Chapter 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82.
Chapter 83:
Chapter 84:
Author's note:

Chapter 57:

990 57 2
By ziryanggg

Thrizelʼs POV

Nagising ako ng sobrang pawis na pawis. Damang dama ko ang kamay ng lalaking iyon sa aking panga. Parang sa akin niya ginawa. Sino ba ang batang iyon? Bakit pati ako ay nakakaramdam ng sakit na nangyayari sa kaniya? Patuloy ako na naguguluhan. Bakit nadadamay ako?

“May nangyari ba sa ‘yo, Thrizel?”

Agad akong napatingin sa nagsalita. Ganoon nalang ang aking gulat nang makita ko si Thrale.

Agaran ko siyang tinanong. “Oo, bakit ka nandito?”

“Para gisingin ka at kumain. Ligpitin mo na rin mga gamit mo. Uuwi na tayo maya-maya but again, eat first.” Mahabang lintaya nito. Buti hindi siya nagtitipid ng salita ‘gaya ng dati.

Tumango na lamang ako sa kaniyang sinabi at naunang lumabas ng kwarto. Nakarating ako sa hapagkainan. Hindi ko na dapat iniisip ang mga gano’n lalo na’t alam kong hindi ako konektado. Bangungot lang ba iyon? Panaginip? O gawa-gawa ng aking isipan? Hayaan na.

“Good morning.”

Naupo ako sa tabi ni Link. ‘Gaya ng lagi niyang ginagawa, nilalagyan niya na naman ako ng pagkain sa plato. Hindi katagalan, bumaba na rin si Thrale. 

Tahimik lang kaming kumakain. Nang matapos, napagpasyahan naming maligo. Umakyat para kumuha ng mga damit na gagamitin namin ni ate, tahimik lang kaming dalawa. Natapos na ang lahat ng aming gagawin. Ilang minuto pa kaming tumambay sala hanggang magyaya si Thrale na umuwi na.

Tahimik akong nakatingin sa bintana ng kotse, kung titingnan, pauwi na kami. Pilit kong inaalala ang mga napanaginipan ko pero mas lalo lang sumasakit ang aking ulo. Kakasabi ko lang na dapat hindi ko na ito isipin kaso kusa siyang pumapasok sa aking isipan. Na para bang huwag kong baliwalain.

Nawala ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Link. Nagtanong siya. “Ayos ka lang?”

Tinignan ko siya sabay tumango. Muli akong tumingin sa bintana nang biglang tumigil ang sasakyan kaya na patingin ako sa harap. Ipinahinto pala ni Thrale. Lumabas siya, ako naman ay sinundan ko siya ng tingin. Pumasok ito sa seven eleven, anong gagawin niya riyan? Hays. Maya-maya lang, nakaramdam ako ng inip dahil sa tagal bumalik ng aking kuya. Tatawagan ko na sana ito nang makita kong hawak ni Ate Anissa ang selpon niya. Malas.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili. “Ate, bakit pumasok si kuya sa seven eleven?” Kainis naman ang lalaki na 'yon. Malapit na kami sa bahay saka pa nag-inarte.

“May bibilhin raw siya.”

“Bakit ang tagal?” Bago pa siya magsalita. Naunahan ko na. “Pupuntahan ko na lang.” Ngumiti naman ito sa akin at tumango bilang sang-ayon. Ewan ko rin kung anong naisipan ko. Bakit ako pa ang kailangang pumunta?

Hay nako, Thrizel.

Lumabas naman na ako ng kotse. Pumasok sa seven eleven. Tahimik akong tumingin sa paligid, inilibot ko pa ang aking paningin. Hindi katagalan, nakita ko siyang kausap sila Brooks at Gio. Bakit nandito ang dalawang ito? Saka, nakipag-usap pa talaga si kuya, huh? Alam na may naghihintay.

Thrale, ang tagal mo.” Tamad akong tumingin sa kaniya, nakasimangot. Naagaw ko naman ang atensyon ng tatlo. Si Brooks lang ang seryoso habang sila Gio at Thrale, kalmado lang.

“Ang daldal kasi ang dalawa na 'to.”

Pft, nakalimutan niya bang uuwi pa kami? Hindi ko rin alam kung maiilang ba ako o hindi. Kanina ko pa kasi nahahalatang sinusuyod ni Brooks ng tingin ang aking kabuoan. Ano na namang problema nito?

“Nakipagdaldalan ka nalang, uwi na kami." Tatalikod na sana ako ngunit may tumawag sa akin gamit ang malumanay ang boses.

“Thrizel.” Si Gio, ang tamis ng kaniyang ngiti. Nginitian ko nalang siya na agad niya namang tinanguan. Ewan, nakakainis kasi itong si Thrale.

“Hi, baby Thrizel.” Bati ni Brooks sa akin.

Napangiwi naman ako sa kaniyang sinabi. Lagi talaga siyang nang-aasar kahit saang lugar. Buti nalang medyo malapit kami. Hindi umiinit ang aking ulo. Si Elkhurt lang naman kasi ang nakakapagpapikon sa akin.

Napansin kong tiningnan siya ng masama ng aking kuya. Dumilim ang mukha nito. Dapat ko pa bang banggitin? Halata namang napakaprotective niya talaga.

Nalipat ang aking tingin nang humalakhak si Brooks. “Chill bro, HAHAHAHAHAHAHA!” Sabi na nang-aasar lang siya. Kilalang-kilala niya talaga ang kuya mo.

“Hindi nakatutuwa, Kein.” Malalim ang kaniyang boses. Kung ibang tao ang makakarinig, halatang kakabahan. Pero nasanay na ako sa kaniya, hindi na ako takot sa kaniya.

“Okay, pauwi na kayo? Sama kami ni Gio sa inyo.” Nakangiting sabi ni Brooks. Kahit kailan, ang good mood niya talaga.

“Kahit naman hindi ako pumayag susunod pa rin kayo, makapal ang mukha niyo e.” Iling-iling na sabi ni Thrale. Nagtawanan naman ang dalawa sa kaniyang likuran.

Nagsalita si Gio. “May kotse kaming dala.”

Mukhang mahaba pa ang pag-uusapan nitong mga ‘to. Naiinip na talaga ako kaya lumabas na ako ng seven eleven at pumasok sa kotse. Ang dami nilang alam sa buhay, uuwi nalang kung ano-ano pang pinag-uusapan e

“Link, uwi na tayo.”

Siya ulit ang nagmamaneho sa amin. Nakakangalay ang pagmamaneho pero hindi siya nagreklamo. Siya naman ang nagprisinta. Hindi makakastay ang driver namin kila Manang Perry kaya si Link ang nagmamaneho. Kinukuha rin ni Thrale sa kaniya ang susi kaso siya na raw.

“Si Thrale?"

“Kaya niya na ang sarili niya.”

“Paano ang kuya mo, Thrizel?” Tanong din ni ate.

“Susunod siya sa atin, ate.” Mukha namang napasang-ayon ko siya sa sagot ko kaya napatahimik na ito.

Umandar na ang kotse. Mabilis kaming nakarating sa bahay. Nang makapagparke sa garahe, agad akong bumaba ng walang salita. Wala ako sa mood, hindi ko alam kung bakit. Hindi, alam ko pero gusto kong hayaan iyon. Diretso akong umakyat papuntang kwarto. Nang makita ko ang kama, sumalampak agad ako roon.

Linkʼs POV

Nagtataka ako sa ikinikilos ni Thrizel. Simula pa ito kaninang umaga, tanghali na kaming nakarating sa bahay. Hindi ito gaanong nagsasalita kanina, medyo tulala rin siya. Anong nangyayari sa babaeng iyon? Umakyat ako sa kwarto ko, inayos ang mga gamit. Nang matapos, naupo ako sa aking kama. Hindi talaga mawala ang babaeng iyon sa aking isip. Nag-aalala talaga ako sa kaniya. Hindi ko p’wedeng pabayaan, kilala ko na siya.

Napagpasyahan kongblumabas sa kwarto ko. Pumuntang kusina para kumain pero bago ako makapunta sa kusina, narinig ko ang pangalan ni Thrizel kaya napatigil ako.

“Si Thrizel?”

Ang boses na iyon ay galing kay Thrale. Bakit hindi niya kausapin ang kaniyang kapatid? Halata naman sa itsura ni Thrizel kung may problema ba ito o wala.

“Nasa kwarto niya.” Rinig kong sagot ni Anissa.

Nakita kong tumango si Thrale. Hindi ko na ito pinansin, pumunta ng kusina. Nawalan ako ng gana kumain kaya uminom na lang ako ng tubig. Pumunta akong sala, ngayon ko lang nakita na may mga kasama pala si Thrale. Kilala ko ang isa, si Gio. Ang isa namang medyo college na, sa tingin ko. Hindi ko siya kilala.

“Hi, Link.” Medyo nagulat ako sa pagbanggit ni Gio ng aking pangalan. Masayahin talaga ito at approachable. Unang kita ko palang sa kaniya, nahalata ko na.

“Hi Link, I'm Kein.” Biglang salita ng isang kasama ni Thrale. ‘Gaya ng ginawa ko kay Gio, tinanguan ko lang din ito. Hindi ako friendly kapag hindi ko pa nasusuri. Masyado lang akong maingat kaya ako ganito.

“Mamaya, kain muna tayo.” Pagyaya ni Thrale.

Hindi ko rin maalis ang tingin ko kay Thrale, para bang nag-iingat siya. Kinakabahan? Sa apat na ito, parang may tensyon sa kanila. O ito na naman ang mali kong pakiramdam?

Nag-uusap silang lahat. Ako naman ay nanonood ng movie, tahimik lang si Anissa sa tabi ni Thrale. Likas naman sa kaniya ang pagiging tahimik, hindi na kataka-taka.

“Tatawagin ko lang si Thrizel para kumain.”

Muling nalipat ang tingin ko kay Thrale. Sino ba dapat ang kailangan kong suriin? Ang bagong dalawang ito? O manatili ako kay Thrale?

Ako na sana ang tatawag pero hinayaan ko na siya.

“Mukhang masarap ang mga pagkain.” Nakangiting sabi ni Gio.

Maya-maya, nandito na si Thrale kasunod nito ni Thrizel na tahimik lang. Tumabi siya sa akin. Nilagyan ko na siya ng pagkain. Napahinto ako dahil pansin ko ang pagtitig sa kaniya ng Kein. Tahimik lang si Thrizel, may sariling mundo kaya siguro hindi niya napapansin ang pagtitig sa kaniya ng lalaki.

“Thrizel, baka mabulunan ka. Dahan-dahan sa pag kain.” Napatingin ako sa nagsalita, si Gio.

“Hʼwag naman sana.” Sagot ng aking pinsan. Hindi masaya, hindi malungkot, katamtaman.

Muli na naman akong napatingin kay Kein. Naiinis na ako sa inaasta nito. Umaakto siyang kumain pero sa oras na ito, alam kong ginagamit niya ang kaniyang pakiramdam at mata para usisain kung anong ganap sa aking pinsan.

Napabuntong hininga ako. Agad kong binigyan ng tubig si Thrizel nang mabulunan ito ngunit napatingin ako sa dalawang baso. May dalawang taong nag-abot din sa kaniya.

Thrizelʼs POV

Nakahiga lamang ako sa kwarto, hindi ako makatulog. Ayoko munang makipag-usap kahit kanino, hindi ko alam. Masyado talaga akong apektado. Pumunta akong banyo para magbabad sa bathtub. Gusto ko magpahinga habang nandidito.

Nakapikit ako. Napadilat lang nang biglang may kumatok sa aking pintuan. “Thrizel, kakain na.” Boses ito ni Thrale.

Agad akong nagbihis at lumabas ng banyo. Ngumiti ito sa akin ng kaunti saka na nauna.  Nakarating kami sa dinning area. Nandito na rin ang mga kaibigan niya.

Tahimik lang akong kumakain nang biglang nagsalita si Gio kaya napatingin ako sa kaniya. Nagsalita siya kaya sumagot ako, natawa naman ito sa naging sagot ko. Habang kumakain, malalim ang aking pag-iisip hanggang sa mabulunan ako. Inabutan naman ako ng tubig ni Link. Napatingin ako sa dalawang kamay na nag-abot din ng tubig, galing iyon kay Brooks at Gio. Nagkaroon ng tensyon sa aming apat. Nagkatitingan, naging awkward.

“Ayos na ako, salamat.” Nakangiting sagot ko sa kanilang dalawa kaya pagtango nalang ang mga ito. Sila nalang ang uminom ng kanilang tubig.

Natapos kaming kumain. Nasa pool kami ngayon. Gusto raw nilang magpahinga, mukha bang resort ang bahay namin? Pero hindi ko na lamang sila pinansin at naupo nalang sa gilid ng pool. Nasa mesa naman sila Thrale, nag-uusap samantalang si Ate Anissa ay may kinuha sa kaniyang kwarto.

Bigla namang may nagsalita sa aking gilid. “Ang tahimik mo simula pa kanina.” Si Link.

“May iniisip lang.” Nakatingin pa rin ako sa tubig ng pool. Ang lamig kasi saka ang linaw. Ang sarap maligo.

“Ano bang iniisip mo, huh? Alisin ko na lang utak mo para hindi ka na namomroblema riyan.”

Natawa ako sa kaniyang sinabi. “Kung p'wede lang alisin ang utak nang hindi namamatay, una ko ng ginawa sa ‘yo.” Sabay naman kaming natawa dahil doon.

Thraleʼs POV

Nag-uusap-usap kami nila Kein at Gio sa may mesa. Tinitingnan ko rin ang aking kapatid, parang masyado itong tahimik simula pa kanina.

“Close pala ang pinsan at kapatid mo.”

Napatingin naman ako kay Gio nang magsalita siya. Isa rin ito, akala niya ba ay hindi ko napansin ang pagtitig niya kay Thrizel habang kumakain? Ganoon din si Kein. At sabay pa silang nagbigay ng tubig sa kapatid ko. Hindi sa masyado akong nagbibigay ng kahulugan pero hindi sana totoo ang aking iniisip saka malabo namang maulit ang pangyayari.

“Hoy, Thrale, ano na?”

“Halata naman 'di ba? Itatanong mo pa.” Tamad ko na sagot kay Gio. Sanay na iyan sa pagsusungit ko.

Una, ang pagtitig kay Thrizel. Pangalawa, ang pagbigay ng tubig. Anong sunod na gagawin ng aking mga kaibigan? Trip ba nila ang kapatid ko? Alam ko ang kanilang mga tipo. Kung ipapasok ko si Thrizel, malabong magustuhan nila ang kapatid ko. Siguro masyado lang itong mga gentleman kaya ganoon.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

24.4K 564 31
BKDK STORY !!! we are two years further than in the normal anime they should be all arround 17/18 Uraraka and Izuku have been dating .But the relat...
130K 2.6K 49
"What? Ate, di pa ba tapos yang high school crush mo!" "Di pa, hanggang di pa nagiging kami!" Kinikilig kong sabi at mabilis na isinara ang pinto ng...
1.4K 72 8
SHE HAD ALWAYS BEEN A SWEET GIRL, NELL McNULTY. COMPASSION LEARNT FROM HER MOTHER, AND A TENACITY INHERITED FROM HER F...