Getting His Attention (Comple...

By pinky_jenjen

309K 9.9K 2.1K

Jillian Chen Cojuangco is an infamous troublemaker, badass queen, and certified playgirl. She has a fierce an... More

Getting His Attention
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue (Part 1 of 2)
Epilogue (Part 2 of 2)
Author's Note

Chapter 39

3.5K 128 30
By pinky_jenjen


GHA Chapter 39

Natanaw kong pumara ng taxi si Cyron kaya binilisan ko lalo ang paghakbang upang maabutan siya. I did. Nagawa ko siyang maabutan dahil sinadya niya talaga hintayin ako.

I thought he was going off without me, leaving me here alone.

Nauna lang pala siya para kumuha ng masasakyan namin... at para na rin magpalamig sandali ng init ng ulo.

"Get in," he commanded coldly.

Although he was mad, he still opened the door for me. Tahimik akong sumakay. Umikot naman siya sa kabila at sumakay na rin.

"Saan po tayo mga ma'am, sir?" tanong nung matandang taxi driver.

"Ylarde. Balik din po agad sa Lacro pagkatapos niyang maihatid," sagot ni Cyron.

Bakas ang pag-alma sa ekpresyon ng mukha ko nang lingunin ko siya. He's not looking at me, or should I say, he's avoiding my gaze.

Pauuwiin niya na agad ako?

Hindi pwede na uuwi na ako at aalis siya nang hindi pa kami nagkaka-ayos. We need to talk!

Isang malalim na paghinga muna ang pinakawalan ko bago naglakas loob na basagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Cyron... I know you're jealous—"

"Who wouldn't?" he asked in a monotone voice.

Nasa bintana pa rin ang mga mata niya at wala ata talaga siyang plano na harapin ako ngayon.

"I want to explain."

"Sapat na 'yung narinig ko," seryosong aniya.

"You and that guy met at the bar. Both of you had fun," may diin niyang salaysay, "And as you said, you couldn't forget that night, but... you forgot to break up with that guy before leaving him behind... Did I get it right?"

He threw a glance through the window's reflection.

"P-Please... hear me out?"

Napalunok ako at mas tinatagan ang loob upang matitigan siya habang nagsasalita nang hindi nauutal.

"You'll explain why you couldn't forget the night he was referring to?" he lazily asked. "Kasama ba 'yung halik? Kung gano'n... save your explanation..."

"Hindi ko makakalimutan ang gabi na nagpunta ako sa Retro bar kasama ng mga kaibigan ko. That's what I meant a while ago," panimula ko, hindi alintana ang mga narinig kay Cyron na alam kong dala lang ng selos niya.

That's a valid feeling. I understand.

Gano'n din siya sa akin kahit madalas pa ako magselos. He's giving me an assurance.

We both learn to compromise and understand each other kasi 'yun naman dapat ang ginagawa para hindi toxic 'yung relationship at hindi one-way communication lang ang mayroon, 'di ba?

Bumaling ako sa harap at sumandal sa aking upuan.

I smiled as I continued, "One more thing, hindi ko makakalimutan 'yon dahil naparusahan ako sa mga kalokohan na pinaggagagawa ko roon na naging daan para magtapo ang landas natin..."

From the corner of my eyes, I noticed him slowly turning his head to my direction.

I grabbed that moment to tell him everything—the reason why I went to Retro bar, about the guy I met there, the bet, the kiss, the trouble I got into, the punishment, as well as the coincidence of finding both work, and him—the man beyond my wildest dreams.

"May gusto ka pa malaman? O gusto mong... suyuin pa kita kasi kulang pa at 'di pa natalab sa'yo?" I asked, staring at him while fighting the urge to tease him.

Cyron shook his head and averted his eyes back to the car's window beside him.

"Naiinis ako Jillian. Naiinis dapat..." problemadong sambit niya.

Hindi ko alam kung direkta niyang sinasabi iyon sa akin o kinukumbinsi niya lamang ang sarili niya.

Palihim akong napangiti.

"Galit ka pa rin ba?"

Nilingon niya ako muli.

"Oo."

"Sorry..."

"Hindi sa'yo Jillian."

Bahagyang napaawang ang bibig ko. Hinintay ko kung babawiin niya dahil akala ko biro 'yun or hindi niya lang inaaamin para hindi ako totally ma-guilty, subalit hindi. Katunayan niyan, mas naging seryoso pa siya ngayon.

"Sa lalaking kumausap sa'yo. Sa kanya ako nagalit," he snorted, looking annoyed again.

"He kept on emphasizing about the kiss. Halatang pinagyayabang..." iritado at halos pabulong niyang sambit.

Hindi ko na sinabayan ang inis niya. I just intertwined our hands, and moved closer to lean my head on his left arm.

"Your boys still can't get over you. Your past keep on coming back..." he suddenly uttered.

I didn't know what to reply. Wala akong naisa-tinig kaya minabuti ko na lamang na hintayin siya magpatuloy at buong atensyon na makinig.

"I wish... replacing me will never cross your mind," sambit niya at ramdam ko ang halo-halong emosyon na namutawi sa boses niya.

"Sana hindi ako matulad sa kanila..." he added, almost a whisper.

Nag-angat ako nang tingin at sinalubong ang mapupungay na mga mata ni Cyron.

I gave him a reassuring smile.

"You're the only man I want to end up with," I assured.

"Worry no more, okay? Kapag sinabi kong ikaw na 'yung huli, ikaw na talaga 'yan. Biggest regret ko na siguro kapag pinakawalan pa kita."

"Sigurado ka na sa desisyon mo? Promises are meant to be fulfilled, not broken, Jillian," tila hamon niya na may kasamang pangangaral.

Mahina ko siyang hinampas sa braso.

"Aba oo naman! Mukha ba akong undecided lagi sa buhay?" apela ko na ikinatawa niya.

"Final na 'yan. Nag-iisa ka nga lang na lalaki na sinuyo ko ever."

May sumilay na ngiti sa kaniyang labi. Napangiti rin ako knowing na naibalik ko na ang pagka-good mood niya at nagka-ayos na kami bago pa matapos ang araw na 'to.

Hindi talaga namin matiis ang isa't-isa. Marupok din 'yan gaya ko, e.

"Alam mo, iba ka rin Cyron..." panimula ko habang nakasandal na muli sa kaniya. "Ang gentleman mo pa rin pala kahit galit ka," tudyo ko.

"Gwapo rin kahit nagseselos," I added, and looked at the rearview mirror to watch his captivating and manly features.

Kumunot ang kaniyang noo. "Parte pa rin 'yan ng panunuyo mo?" he chuckled.

"Oo. Saka ito..." Inabot ko ang kaniyang mukha at mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi.

Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa aking mukha. After that smack, nag-behave na ako sa upuan at hindi na inasar ang katabi kong namumula na ngayon—hindi sa galit, kundi sa kinikimkim na kilig.




***

Time really moves so fast when you're having fun, and creating good memories.

I know change is constant. But life isn't, because it always changes and intensifies!

From tough to tougher! Worse to worst!

Gan'to ba talaga kapag adulting at graduating student?

Natatambakan na ako ng gawain simula nang mag-start na ang klase. Hell week agad! Daming backlogs. Matapos ko man, kapalit naman eyebags at backpain.

I'd never ever thought na mai-stress ako sa school works. Chill lang akong estudyante noon, e. But now, the stress is real.

"Pakulay kaya ako ulit ng buhok?" I blurted out loud.

Nilingon ako ni Kyela. Magkatabi kami at may kaniya-kaniyang tinatapos na paperwork.

"Pagupit na rin kaya ako?"

"Nakuha mo na namang ma-bored kahit maraming kailangan na ipasa," she replied, checking my laptop's screen, then my hair.

"It's good. Pahabain mo na lang saka mo pakulayan."

"Nah. Ayaw kong lumalagpas sa balikat ang buhok ko," dahilan ko sabay suklay sa aking buhok na nasa three inches below my shoulder na.

"One more reason, parang lucky charm ko 'yung short hair ko. Kaya samahan ninyo ako sa salon 'pag free time nating lahat, ha."

"Wait. Bakit lucky charm?" Kyela confusedly asked.

"I just think na... attracted si Cyron sa babaeng short-haired. 'Yun ang look ko na minahal niya ako at nakasanayan niya na ring makita."

Kyela shook her head. "Mahal ka pa rin non kahit humaba pa buhok mo. He'd probably appreciate your new look."

"I know, but mas better talaga na maikli ang buhok ko gaya sa nakasanayan na," I professed.

Magpapahaba na lang siguro ako ng buhok once na nag-break kami ni Cyron at nasa moving on stage na ako. If that would happen, but I'm pretty sure it wouldn't.

Muli akong nagtipa sa laptop ko upang tapusin na ang written report ko sa Advertising. After ko 'tong matapos, may susunod pa rito. Kaasar puro data collection and analysis.

Ugh! Ayoko na mag-aral!

I almost wanted to spend another minute complaining, but I was distracted. May natanggap akong message kaya mabilis ko 'tong binuksan.

From: Cyron

You still have a class?

Nasa labas ako. Let's eat.

Awtomatiko akong napangiti. Kahit anong umay ko sa pag-aaral, nabubuhayan ako agad kapag bubungad sa akin 'yung messages ni Cyron.

Walang binatbat 'yung mga nababasa kong motivational quotes.

"Aalis ka?" pansin ni Kyela nang ligpitin ko na ang mga gamit ko.

"Yup. Cyron is waiting outside. Kanina pa pala break time."

"You mean bebe time?" pang-aasar niya.

"Gaga. Pero pwede rin. Tara, sabay ka na kumain sa amin. Mamaya pa ata si Jerica. Gutom lang aabutin mo rito."

"No, thanks. Mamaya na lang," tanggi niya. "Okay lang mamatay sa gutom, kaysa sa inggit."

Natawa ako. "Exactly. Ayaw mo pa kasi mag-jowa. Hanggang to-tropahin pa rin until now..."

"Shut up, Chen. Baka mag-name drop ka pa riyan."

"Okay. Shut up na ako. Ian gusto mo, e," tukso ko saka umalis.

Natanaw ko hindi kalayuan si Cyron. Tutok siya sa kaniyang cellphone na para bang hinihintay ang reply ko, not knowing na nasa likuran niya na ako.

"Uy." Kinalabit ko siya.

Nilingon niya ako at maagap na kinuha ang laptop bag ko.

"Dapat kanina pa pala kita inaya kumain. You looked..."

"Stress," ako na ang nagdugtong
saka bumuntong hininga. "Mabuti nasilayan kita."

We had a little interaction lately. Gaya ngayong araw, hindi kami nagkita kanina. Ngayon pa lang.

Ang daya nga, e. Mas busy pa siya sa'kin, pero looking fresh and hot pa rin na aakalaing hindi nai-stress sa acads.

Ang presentable niya pang tignan. He's wearing a white polo shirt and black pants.

"You deserve a treat, then. Tara na."

"Wait." Mas lumapit ako at isinara ang dalawang butones sa collar ng polo niya. Naka-unbuttoned kasi. Para siyang model na effortless mang-akit. Ang sexy at ang manly niya talaga tignan 'pag ganiyan ang style ng pananamit niya.

"Tago mo. Nanghihina ako lalo," pabirong sabi ko.

He shook his head, then smiled. "Kailangan mo na talagang kumain. Halika na." He gently held my wrist.

Tahimik kaming lumakad pababa habang ako ay panaka-nakang siyang sinisilayan.

"How are you? Nagklase ka tapos pumunta na sa room namin?" I asked.

Cyron nodded. "Class discussion about CE laws."

"Wow. Engineering alone is stressing. Tapos may law din pala 'yan."

"It's normal. Kailangan aralin dahil may kontrata at para masunod din 'yung mga legal procedure," he casually explained, "Same as your subject. Business law and taxation, if I'm not mistaken."

Tanging pagtango na lamang ang naitugon ko sa pagkamangha.

Alam niya pa ang subject ko, samantalang ako wala man lang ideya sa mga subjects niya. Basta ang alam ko lang ay inaaral niya paano mag-construct ng mga bahay at iba pang infrastructure.

Never pa nagpatulong sa akin sa acads si Cyron. Hindi na ako nagdududa kung bakit.

"Anong kakainin natin?" pag-iiba ko ng usapan.

"Anything healthy will do. Basta kung anong gusto mo."

"Bahala na nga." That's our everyday struggle. Saan kakain at anong kakainin. We are having a hard time deciding and giving a more specific answer as always.

Nasa lobby na kami ng academic building at palabas na sana nang may lumapit kay Cyron.

I arched my brow.

Anong ginagawa rito ni Amira Valtiendaz?

"Found you. Tinawagan ko si Farah para tanungin ang classroom mo. Paakyat na dapat ako, luckily I saw you."

Kumunot ang noo ni Cyron. "May kailangan ka sa'kin?"

"Yes. You missed my calls, so I visited to personally talk to you." She smiled, then noticed me. "Oh, Jillian. Nice to meet you again."

I rolled my eyes. Wala akong gana makipag-plastikan.

"Kayo pa rin pala, Cyron?"

"Hindi ba obvious?" parinig ko.

She only flashed an irritating smirk. It's hard to keep my cool. Makita ko lang talaga siya, kumukulo na agad ang dugo ko.

Tumikhim si Cyron.

He lightly squeezed my hand to calm me down and assure me that he could handle this; I yielded since I had no energy to argue at this moment.

Nakinig na lang ako nang kausapin niya na ulit ang bruha.

"Anong sasabihin mo?"

"May simpleng handaan sa bahay mamayang gabi. Dad is inviting you to come over," she told, beaming a wide smile. "Consider it as a family dinner."

Ilang segundong tumahimik si Cyron. Pasimple ko siyang tiningala subalit nahuli niya ako at sandaling pinagmasdan.

"Sorry, but I have another plan," Cyron politely declined. "Hanggang gabi pa ang tapos ng shift ko sa trabaho at ihahatid ko pa pauwi si Jillian," he added.

Amira stood in silence, then nodded.

I thought she was ready to leave, but hell, this girl couldn't accept defeat.

"Ride in my car, then? Kapag nahatid na, sabay na tayong pupunta sa bahay," suhestiyon niya sabay tinapunan ako ng tingin at pilit na nginitian.

What a recycled plastic bitch.

"I hope you consider it, Cyron."

"Thank you. But we usually want to walk. Kailangan ko rin umuwi agad pagkahatid ko sa kaniya," tugon ni Cyron kaya napatingin ako muli sa kaniya.

I was a bit surprise. Akala ko hindi na niya magagawang tumanggi.

He's completely choosing me.

Look who's the special and luckiest girl alive...

Yes, exactly. Me.

"It's just a dinner. You won't lose anything if you grant my father's request... and my invitation, too," pilit ni Amira.

I noticed Cyron's jaw furtively twitched. He's trying to remain calm, but looks like he's already losing his patience.

"Minsan lang 'to Cyron. May ibang pagkakataon pa naman 'yang paghatid mo sa kaniya."

"My girlfriend first. May ibang pagkakataon pa ang alok mo. Pasensya na," Cyron declared in finality.

Tinignan ako ni Cyron at inayang lumakad na.

I followed him, while having a secret celebration in my mind.

"You heard that bitch," nakangisi kong sambit nang magtapat kami ni Amira.

"Girlfriend first," I emphasized with a victorious smile on my face.

I won against her... that was what I thought.



_

©pinky_jenjen

Continue Reading

You'll Also Like

219K 12.1K 25
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
38.2M 655K 74
(For Hire: A Damn Good Kisser Book 2) Meet the new Dana Kathryn Ferrer. A little bit older and wiser, and a lot more confident, Dana-or DK, as she no...
3.3K 177 24
Having a complete and happy family is one of Axi's dream. Their dad left when he was 13 to build a new family with his mistress. It's his dream to ma...
2M 78.1K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.