Loving My Brother #1: Thrale'...

Af ziryanggg

183K 7K 704

Bakit ganoon? Bakit ako nakakaramdaman nito? Nakadidiri. Nasasaktan ako because he can't love me back? So ov... Mere

I love you, kuya.
Prologue:
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 20:
Chapter 21:
Chapter 22:
Chapter 23:
Chapter 24:
Chapter 25:
Chapter 26:
Chapter 27:
Chapter 28:
Chapter 29:
Chapter 30:
Chapter 31:
Chapter 32:
Chapter 33:
Chapter 34:
Chapter 35:
Chapter 36:
Chapter 37:
Chapter 38:
Chapter 39:
Chapter 40:
Chapter 41:
Chapter 42:
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 45:
Chapter 46:
Chapter 47:
Chapter 48:
Chapter 49:
Chapter 50:
Chapter 51:
Chapter 52:
Chapter 53:
Chapter 55:
Chapter 56:
Chapter 57:
Chapter 58:
Chapter 59:
Chapter 60: Confession
Chapter 61:
Chapter 62:
Chapter 63:
Chapter 64:
Chapter 65:
Chapter 66:
Chapter 67:
Chapter 68:
Chapter 69:
Chapter 70:
Chapter 71:
Chapter 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82.
Chapter 83:
Chapter 84:
Author's note:

Chapter 54:

1K 59 11
Af ziryanggg

Thrizel's POV

Lumapit ako kay kay kuya dahil tinawag ako nito. Seryoso lang ang kaniyang mukha, hindi ko mawari kung anoman ang kaniyang dahilan. Nang makalapit ako, sa iba siya bumaling. Tiningnan ko rin ang kaniyang tinitingnan, ngayon ko lang napagtantong maraming lalaki ang nakatingin sa akin. Kung titingnan mo, mahahalata mo agad na magkakasama sila.

"Magpalit ka ng damit doon, masyadong maiksi iyan." Utos sa akin ni Thrale, maowtoridad.

Umangal agad ako sa kaniya. "Anong gusto mo? Magjacket ako at magpanjamas gano'n? Saka ayos na ito, ang pogi naman ng nasa gitn-"

"Thrizel!"

Dinilaan ko lang siya at bumalik na sa dagat. Napailing-iling naman ito, wala ng nagawa kun'di ang pumunta kay Ate Anissa. Bahala ka riyan. Nananahimik akong naliligo rito, tatawagin mo ako. Hindi ko na nga kayo pinapakialam ng girlfriend mo. Gusto kong mapag-isa, sa totoo lang.

Nakita ko namang papunta sa aking gawi si Link. Lumusob siya sa tubig at pumunta sa akin. Hindi ko siya pinansin, lumubog ako at lumangoy sa ilalim. Oo, marunong ako lumangoy, ang hindi ko lang maintindihan. Bakit takot na takot akong mahulog sa swimming pool noong birthday ni Gio? Hindi ko mahanap ang dahilan. May swimming pool kami sa likod ng bahay, hindi naman ako natatakot. Iyon ang pangyayari na gumugulo sa aking pagkatao.

"Look at them." Rinig kong sabi ni Link nang umahon ako.

Nangunot ang aking noo at sinundan ang kaniyang tingin. Nakatingin siya kila Ate Anissa at Thrale. Kahit sa malayo mo tingnan, mapapansin mo talagang masaya sila.

"Anong gagawin ko sa kanila?" Kumuha ako ng tubig sa dagat at hinilamos ito sa aking mukha. Hindi rin naman ako makadilat kapag sa ilalim, masakit sa mata.

"Look at them, Thrizel. Ang saya nila." Paulit ulit naman ito si Link, ano ba gusto niyang iparating? Pinapamukha niya ba talaga sa akin? My gosh.

"Oo, alam k-"

"Sa una lang iyan masaya." Nagulat ako nang humalakhak siya. Ang lakas ng trip, amp. "Kidding, baka sabihin, hindi ako nakasuporta." Tinitigan niya ako. "Kung magiging kayo ni Thrale, matatawa ako."

Nangunot ang aking noo sa kaniya. "Bakit?"

"Siyempre kapag naging kayo, ano nalang ipapangalan mo? Thrizel Wrent Wrent HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Napasimangot ako sa kaniyang pang-aasar. Kung anong kaseryosohan ni Link, malakas naman siya mang-asar. Nyenye.

"Bahala ka riyan."

Umahon na ako sa dagat, umupo ako sa bato at pinanood nalang siya. Tuloy pa rin ito sa pagtawa, halatang tuwang-tuwa sa kaniyang naisip. Napakaabnormal.

Sumigaw ako. "Pero what if ampon akooooo?" Dahil sa aking tanong, napatigil siya. Naging seryoso ang kaniyang mukha. Umahon din ito sa tubig at nilapitan ako.

"Seriously? Payag kang ampon ka para lang kay Thrale? Mag-isip isip ka nga, Thrizel." Nagtatanong lang naman ako, grabe ang kaniyang pagiging seryoso. "What if ampon ka nga, anong mararamdaman mo?"

Napatigilan ako sa kaniyang tanong, ano nga bang mararamdaman ko? Iisipin ko palang ay parang ayoko na. Hindi ako papayag na hindi ako tunay na anak nila mom. Pero what if lang naman iyon, malabong-malabo.

"Magkamukha nga kayo ni Thrale e." Umiling-iling si Link. Napabuntong hininga. "Huwag mong pilitin, Thrizel, kapag hindi p'wede. Hanggang doon nalang. Ang bata-bata mo pa." Akala mo matanda na rin siya, duh.

Nang makita kong mag-isa si Ate Anissa sa kanilang p'westo, pumunta ako roon. Nang makaupo, kumuha ako ng mansanas na nakalagay sa plato.

Hinarap ko si ate. "Si kuya po?"

"Lalangoy daw siya." Natatawang sagot ni ate sa akin. Marunong naman lumangoy si kuya, bahala siyang agusin ng tubig dagat diyan.

"By the way, napansin kong nag-usap kayo ni Link." Dahil doon ay napatingin ako. Hindi ba siya sanay na nag-uusap kami? "May mali ka na naman bang nararamdaman?" Ah, iyon pala, nasabi ko nga pala iyon sa kaniya na kung paano magkagusto sa kadugo pero si Link agad ang pumasok sa isip niya. Wala naman na akong magagawa roon.

"Wala naman, ate, napapraning lang talaga ako." Kumagat ako ng mansanas at muling binaling ang paningin sa dagat.

"Are you sure? May manliligaw ka, Thrizel, 'di ba? Si Ryke? Nagustuhan mo ba siya?" Muli akong natigilan pero hindi ko na siya tiningnan. Nakatuon lang sa dagat ang atensyon.

"Why?" Pagtatanong ang aking naisip. Bakit niya tinatanong? Nalaman niya palang tumigil si Ryke? Nasabi ko ba? O nasabi ni kuya?

"Just asking."

"Of course." Wala akong feelings kay Ryke. Bawal bang magpaligaw na walang feelings? Saka, siya naman ang kusang huminto, hindi ako hinintay. May hihintayin ba siya?

"Bakit ka nagfeelings kay Lin-" Naputol ang sasabihin ni ate nang biglang dumating si kuya. Bigla naman akong kinabahan, narinig niya ba?

"Feelings kay? Anong pinag-uusapan niyo?" Nakahinga ako ngan maluwag doon. Salamat naman at hindi niya natuloy.

"Wala naman 'yon, Thrale." Alam din yata ni ate Anissa na ayokong malaman ni kuya, alam niya siguro ang aking sitwasyon. Ngumiti siya sa akin, nagsasabing your secret is safe with me.

Tumango na lamang ako at umalis sa kanilang p'westo. Naglakad-lakad, nakita ko pa ang mga bahay na malapit sa dagat. Paano kapag naghihigh tide? Binabaha kaya sila? Sa dulo ko iyon nakita, hindi ko alam kung sinusuyaw sila o hindi.

Nabaling ang atensyon ko sa iba, napunta ito kay Sittie. Nakita kong nakikipagkwentuhan siya sa kaniyang mga kaibigan. ‘Gaya ng akin, sa akin din napunta ang kaniyang atensyon. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. Hindi ko mawari ang kaniyang emosyon, seryoso ba o nanglalait sa isip. Kung titingnan sa aming dalawa, ako ang mas lamang. Pero hindi ako pumunta rito para makipagkumpetensya, ewan ko nalang sa babaeng 'to.

"Nasaan ang mga kasama mo?" Medyo nagulat ako nang lumapit siya sa akin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, sumasabay ito. Iniwan niya ang kaniyang mga kaibigan para sumabay sa akin sa paglalakad? Jusko.

"Tingnan mo sa likuran." Tamad kong sagot at tiningnan ang mga taong inaayos ang kanilang mga bangka.

"Kita mo 'yon?" May tinuro si Sittie kaya tiningnan ko iyon. Nakita ko ang isla na medyo kalayuan. "Gusto mo ipasyal kita? Baka maburyo ka lang dito."

"Sure." Ngiti kong sagot. "Tawagin ko lang sila kuya."

"No, 'wag na, Thrizel." Ngumiti siya. "Thrizel right? Dalawa lang kasi ang kaya ng bangka ni kuya e. Tara?"

Nag-alinlangan pa ako ngunit pumayag naman ako sa kaniyang sinabi. Wala naman akong ibang nararamdaman, mukha naman malinis ang intensyon sa akin ng babaeng 'to. Nagpaalam ako kay Sittie na papahawak ko lang ang selpon ko kay Link. Nang maibigay ko, mabilis akong bumalik doon.

Tahimik lang kami ni Sittie nang mag-umpisa ng magsagwan si kuya, walang nagsasalita sa amin. Hindi rin naman kami malapit sa isa't isa, panay libot lang sa paningin ang kaniyang ginagawa. Gano'n nalang din ako.

Hindi katagalan, nakarating naman agad kami. Bumaba kaming dalawa ni Sittie, ramdam ko ang malilit na buhangin at malamig na tubig ng dagat. Kung titingnan ang isla, walang tao at tahimik. Sana niyaya ko nalang sila kuya.

Tawagan ko kaya? Kaso na kay Link pala ang aking phone. Nakita kong pinabalik na ni Sittie si kuya sa dalampasigan. Lumapit siya sa aking p’westo, inilibot niya rin ang kaniyang paningin.

Humarap siya sa akin. "Tara, Thrizel? Safe naman ang islang ito."

Tumango ako sa kaniya, siya ang naunang naglakad kaya tanging pagsunod nalang ang aking ginawa. Malalaking puno ang aming nadaanan. Wala ba ritong resort? Wala ba ritong nakatira? Bakit parang gubat lang ito?

"Look, Thrizel." Tinuro niya ang parang lawa pero alam kong galing din sa dagat ang tubig nito. Ang ganda kung titingnan, ang dami pang halaman sa mga gilid nito.

"By the way, Sittie, paano tayo makakauwi nito?"

Napatingin siya sa akin. "Tawagan ko nalang si kuya."

"Wala namang signal dito."

"No, sabi ko sa kaniya, sunduin tayo mamaya."

Mukha naman siyang nagsasabi sa akin ng totoo kaya tinanguhan ko nalang siya. Naging abala ako sa paglangoy dito. Nang umahon ako, wala na akong Sittie na nakita.

Umahon ako at sinigaw ang kaniyang pangalan ngunit walang sumagot. Nilibot ko ang aking paningin pero nikatiting na kaniyang presensya, ay wala akong nakita. Ayokong libutin ito baka mas lalo akong maligaw kaya pumunta ako sa dagat. Kaso sa kalayuan, kita ko si Sittie na nakasakay sa bangka kasama ang naghatid sa amin dito.

Naging malamya ako sa aking nakita, so ako lang mag-isa rito? Nakaramdam ako ng takot, naghanap ako ng bato at doon muna umupo. Hindi katagalan, may narinig akong bagong dating. Napangiti ako nang makita ko si Link.

"Good." Usal ko sa kaniya.

Inalalayan niya akong sumakay sa bangka. Nang naging maayos na, saka na nagsagwan si manong.

"Kaya naman pala binigay mo sa akin ang selpon mo." Sabi ni Link. Binuksan niya ang aking selpon sa aming harapan. Nasa notepad ito at may nakatype na...

'Pagkatapos ng isang oras, sunduin mo ako.'

Napatawa ako dahil doon, naghintay nalang na makarating agad sa dalampasigan. Buti nalang nakasunblock ako. Baka pagdating ko sa bahay, sunog na buong katawan ko.

Maya-maya lang, kita ko na ang mga tao, nandidito na kami. Nang makarating sa mababaw, agad akong bumaba. Kita ko ang ngiti ni Sittie sa kaniyang mga kaibigan. Napalitan ito ng gulat nang makita ako.

Lumapit ako sa kaniya. "Namali ka ng taong inuto." Nginisihan ko siya at iniwang nakanganga. Tsk. Kung mautak siya, kaya ko siyang lamangan.

Itutuloy...

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

158K 3.6K 61
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad
29.3K 696 16
"Back to this hellhole, huh?" "I wouldn't call it a hellhole" He mutters. "Oh, but I would." I snap harshly. He almost flinches. "(Y/n), I'm sorry. I...
24.4K 564 31
BKDK STORY !!! we are two years further than in the normal anime they should be all arround 17/18 Uraraka and Izuku have been dating .But the relat...