Status: Single But Married [U...

By OfficiallyYours143

1.8M 23.4K 1K

"The best and most beautiful things in the world cannot be seen or even touched. They must be felt with the h... More

Status: Single But Married Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight and Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen (Part 1)
Chapter Seventeen (Part 2)
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter TwentyOne
Chapter TwentyTwo
Chapter TwentyThree
Chapter TwentyFour
Chapter TwentyFive
Chapter TwentySix
Chapter TwentySeven
Chapter TwentyEight
Chapter TwentyNine
Chapter Thirty
Chapter ThirtyOne
Chapter ThirtyTwo
Chapter ThirtyThree
Chapter ThirtyFour
Chapter ThirtyFive
Chapter ThirtySix
Chapter ThirtySeven
Chapter ThirtyEight
Chapter ThirtyNine
Chapter Fourty
Chapter FourtyOne
Chapter FourtyTwo
Chapter FourtyThree
Chapter FourtyFour
Chapter FourtyFive
Chapter FourtySix
Chapter FourtySeven
Chapter FourtyEight
Chapter FourtyNine
Chapter Fifty
Chapter FiftyOne
Chapter FiftyTwo
Chapter FiftyThree
Chapter FiftyFour
Chapter FiftyFive-55.1
Chapter Fiftyfive-55.2 (The revised one)
Chapter FiftySix
Chapter FiftySeven
Chapter FiftyEight
Chapter FiftyNine
Chapter Sixty
Chapter SixtyOne
Epilogue
Dear readers,

Chapter Five

39.3K 518 6
By OfficiallyYours143

Chapter Five



"There she is."


Sabi nya ng may ngiti sa labi nya. Marunong naman pala syang ngumiti pero hindi sya ngumingiti.  Akala ko pa naman nagkulangan siya ng isang facial expression sa mukha. Bigla naman akong kinabahan sa titig ng mama nya sakin. Sana lang hindi ako himatayin dito.


"Halika dito Hija." Sabi nung tatay nya sakin.


"Ah sige po" Lumapit ako sakanila at uupo na sana ako pero biglang nagsalita yung tatay niya.


"Bakit hindi ka umupo sa tabi ni Kyle?"


"Ah pasensya na po." Tumayo ako ulit at umupo ako sa tabi ni Kyle. Wow ha! maka Kyle?


"Relax ka lang okay?"


Bulong nya sakin. Tumango naman ako at tumingin sa mama niya. Kinakabahan talaga ako ngayon hindi ko alam kung paano ako kikilos sa harapan nila.


"Are you nervous?" Tanong ng mama nya sakin habang binababa yung tasa ng kape.


"Po?" Hindi naman sa nabingi ako kaya lang nabigla lang siguro ako kaya yun  yung nasabi ko. Pero narinig ko naman talaga sya.


"Huwag kang kabahan Hija, mabait ang asawa ko nakita mo naman kanina diba? siya pa yung nag asikaso sayo"


"Ah opo. Pasensya na po kayo sa kilos ko. Ngayon ko palang po kasi kayo nakaharap kaya kinakabahan po ako."


"Tama yan just be your self."


Bulong uli nya sakin. Ano ba yan! mas lalo akong ninenerbyos kapag nagsasalita tong lalake na to sa tabi ko. Alam kong pinapalakas nya lang yung loob ko pero lalo lang akong nate-tense sakanya eh.


"Let's talk about the wedding" Sabi nung tatay nya.


"No darling, I just want to know her first."

Napalunok ako sa sinabi ng mama nya. Mukhang mahirap makisama dito huhuhu.. Pero sabi nga ng lalaking to 'just be your self' kaya kaya ko to'.

"Where are your parents? anong trabaho nila? alam ba nila na ikakasal ka sa isang Montefalcon? kasi sa nakikita ko sayo hindi ka mukhang galing sa isang mayamang pamilya."

Pano na ba to? ang dami nyang tanong hindi man lang ba ako tutulungan ng lalaki sa tabi ko? sabi nya sya yung bahala sakin ako naman yung kawawa. Basta bahala na kung magalit man sya sa sagot ko basta sasabihin ko yung totoo.

"Ang mga magulang ko po mam.. Nasa probinsya po sila, yung pong tatay ko dati po syang nag di-deliver ng mga halaman kaya lang na stroke po sya at paralyzed na po yung kalahating katawan nya kaya hanggang second year college lang po yung natapos ko. Yung naman pong mama ko kasambahay po sya at kung minsan tumatanggap din po sya ng mga labahin. Napunta po ako dito dahil naghahap po ako ng trabaho kaya lang sa kasamaang palad naloko po kami ng mga kasama ko."


"You know what iha?.."

Hala!! mukhang 74 ata ang makukuha kong grade sa mama nya.

"Mam maiintindihan ko naman po kung ayaw nyo po ako para sa anak nyo. Sino nga ba naman po ako diba? isang mahirap at hindi nakatapos sa pag-aaral. Maiintindihan ko po kung ano man po yung maging desisyon nyo." Bigla nya kong siniko at binulungan ng ano bang sinasabi mo?

"Well, you should respect my decision"

"Mam nagmamahalan ho kami ng anak nyo.." Sabi ko sa malumanay na paraan. Kailangan tanggapin ako ng mama nya alang alang sa dalawang milyon.

"Mom?!.." Pagtu-tutol ni Kyle sa sasabihin ng mama nya. Pero wala naman kaming magagawa diba kung ayaw ng mama nya. Tinignan ko yung Daddy nya na patuloy lang na kumakain at relax na relax.

"My decision is..."

"Mom! what ever your decision is i will still marry her."

Hinawakan nya yung kamay ko at hinila nya na ako patayo. Nagulat ako sakanya, Teka lang aalis na ba kami?? hindi pa ko tapos kumain ah.

"Oh really? what if i tell you that my decision is to arrange your wedding as soon as possible."

"Totoo po ba yang sinasabi nyo ma?"

"Of course darling. I really love this girl because she doesn't hide anything from us."

"Maraming salamat po mam." Tuwang tuwa ako sa narinig ko. Yeahey!! Sustentado na ko ng isang taon! Mababayaran ko na lahat ng utang namin ehehe.

Mabait nga talaga yung mama nya, kinabahan lang talaga ako kaina kasi medyo masama yung titig nya pero tine testing nya lang pala ako. Salamat po Lord.

"Mam?! bakit Mam? from now on you should call me Mommy or mama or Mom whatever you want basta huwag lang Mam okay?"

"Sige po ma.. Mama."

"Okay mas magandang pakinggan diba?"

"What about me? gusto ko Dad na rin ang itawag nya sakin." Pagdedemand nung papa ni Kyle.

"Sige po Daddy." Pinagbigyan ko naman sya. Ang saya kooooo!! Teka, masaya ako dahil sa pera ha at hindi dahil ikakasal na ko. Sino ba naman ang magiging masaya kung hindi naman nila ka ano-ano yung pakakasalan nila diba??

"Ayan ang sarap pakinggan diba?"

Tapos nagtawanan kami at nag kwentuhan. Ang saya naman palang kasama ng pamilya nya. Napansin ko lang hindi sya ganun kasaya sa nangyayari. Syempre hindi naman totoo lahat siguro nagi-guilty sya o kaya naman naaalala nya parin yung babaeng mahal nya.

"Ah Mom and Dad can you excuse us for a while? may pupuntahan po kasi kami ni Lorraine ngayon."


"Mag lunch na muna kayo dito bago kayo umalis"-Dad

"No Dad.. Nagmamadali po kasi kami chaka kukunin pa po namin yung mga gamit nya sa hotel."

"Okay sige, kayong bahala basta promise me na dito kay mag di-dinner ha?"

tumingin ako sakanya para humingi ng permiso at tumango naman sya. Hindi ba sya dito nakatira at kailangan munang manigurado ng mama nya na babalik sya?

"Sige po mama." Sabi ko tapos nagbeso sakin yung Mommy at Daddy nya. Hinila naman ako nitong si Kyle paalis ng bahay nila. Pinasakay nya ako sa kotse nya at pinaandar nya na yun.

"Okay na tayo sa parents ko."

"Ano ng balak mo ngayon?"

"Actually wala pa.. Pero gagawin ko na mamaya yung kontrata natin."

"Saan ako titira ngayon?"


"Mag check-in kana muna doon sa hotel."

"Sainyo talaga yun?"


"Alin?"

"Yung hotel.."

"Sa lolo ko pinamana nya sa Dad ko"

"Bakit patay na ba yung lolo mo?"

"Hindi pa"

"Oh nasan na sya?"

"Kasama nya yung lola ko nasa rest house namin"

"Buti ka pa may mga lolo at lola ako kasi wala akong kinagisnang lolo at lola."

"Malapit ka naring magkaroon."

"Eh hindi naman totoo yung kasal nati ah."

"Kahit na. ayaw mo yung kahit fake lang may lolo at lola ka padin?"

"Sige na nga mas okay na yun kaysa wala." Nakakapanibago ah, nakakapag usap kami ng ganito katagal. Siguro nasa mood sya, tignan nga natin. "Question. Hindi ka ba lasing nung sabihin mo na bibigyan mo ko ng dalawang milyon kapag natapos na yung one year?"

"Hindi"

Tumalikod ako at bumulong ng "YES!" Tapos humarap ako uli sakanya ng may napakalaking ngiti. "Hindi mo ko niloloko ah?"

"Tignan mo nga yang ngiti mo. Mas mukha ka pang manloloko sakin."

Anong sabi nya?? etong mukhang to manloloko?? tumingin nga ako sa salamin at nagulat pa ko sa hitsura ko. "Teka lang hindi kaba nakatira doon sa malaking bahay?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Hindi"

"Bakit?"

"Meron akong biniling condo unit"

"Ba't hindi nalang doon sa hotel?"

"Masyadong maraming tao dun chaka laging puno yung hotel namin"

"Ah ganun ba?"

"Oh nandito na tayo. Ang daming tanong."

Oo na madaldal na ko, sinasagot nya naman lahat ng tannong ko. Haist, may topak talaga. Ang daldal ko ni hindi ko man lang napansin na nakarating na pala kami sa hotel. Nandito pa kaya yung mga gamit ko? hindi ko kasi alam kung anong room yun.

"Kyle hindi ko kasi alam kung anong room yung pinag iwanan ko ng gamit ko."

"Ako alam ko."

"Oh ano pang hinihintay natin? tara na" Naglakad na ako pero hinila nya yung damit ko mula sa likod. "Anong problema mo?"

"Siguradong alam na ng lahat sa hotel na darating tayo. Isuot mo to malamig kasi jan sa loob."

Inabot nya naman sakin yung blazer nung dress na suot ko, meron naman palang terno to hinayaan nya pa akong lamigin sa bahay nila kanina. Kinuha ko yun at isinuot. Ang sweet ha!

"Tara na."

Bago paman kami maka pasok sa hotel hinawakan nya yung kamay ko. "Ano bang ginagawa mo?" Pagpo protesta ko.

"Just go with the flow."

Hinayaan ko na lang sya na hawakan yung kamay ko. Pagpasok sa hotel lahat naka tingin sa amin at bumabati ng good morning.

"Ang lamig nga dito mas malamig pa kaysa kahapon."

"Parehas lang to nung kahapon. Kinakabahan ka lang. Just wait here okay?"

Pinuntahan nya yung babae dun sa may parang counter at may kinuha syang susi.

"Let's go"

"Yan ba yung susi nung kwarto nung babae kahapon? Bakit mo kinuha? hindi ba dapat sya lang yung may hawak ng susi nya?"

"Wala na sya"

"Ha? anong ibig mong sabihin? umalis na yung magandang babae kahapon?"

"Oo kaya pwede ba manahimik kana!!"

Nabigla ako sakanya nung sinigawan nya ako at napahinto ako sa paglakad. Tinitignan naman kami ng mga tao. Nakakahiya naman..


"Diba si sir Kyle yun? Sino yung kasama nya?"

"Sya ata yung fiance nya"

"Ha? diba si miss Hanna yung girlfriend nya?"

"Oo pero ang alam ko sya yung pinakilala kagabi eh."

"Bakit nya naman sinisigawan sa harap ng maraming tao? napahiya tuloy yung babae."

"Kayo wala ba kayong magawa sa buhay nyo kung hindi ang mag chismisan?! Get back to work or else i will fire you all!"

Bumalik naman yung mga babae sa trabaho nila. At ako? heto naka tunganga parin, gulat na gulat sa nangyari. Naglakad na sya papunta sa may elevator at tahimik akong sumunod sakanya. Pinindot nya na yung floor na pupuntahan namin.

Kahit kaming dalawa lang sa loob ng elevator hindi parin kami nag-uusap. Natakot kasi ako kaninang sumigaw sya, iba pala sya magalit. Pagdating doon sa floor na pinidot nya pumunta sya sa isa sa mga kwarto doon at binuksan nya yung pinto gamit yung susi na kinuha nya kanina.

Pagbukas nya ng pinto agad akong pumasok doon at nakita ko nga yun maleta ko. "Mabuti naman at nandito pa to."

"Oh."

"Ano yan?"

"Malamang susi."

"Alam ko. Anong gagawin ko jan?"

"Kainin mo kung pwede."

Pilososopo din tong lalake na'to. Kinuha ko yung susi at tinignan may number kasi sya. Baka ito yung room number.

"Habang hindi pa tayo kasal dito ka muna sa hotel mag s-stay. Kung may kailangan ka tumawag ka lang at may telephone naman dun. Iiwan ko rin yung cellphone number ko para kung may kailangan ka man."

"Okay sige."

"Tara na ihahatid na kita sa kwarto mo"

Kinuha nya yung iba kong dalang gamit at binuhat nya papunta doon sa kabilang kwarto malapit lang naman pala, akala ko naman sasakay uli ng elevator.

"Dito kana muna. Tumawag ka nalang pag may kailangan ka. Kailangan ko ng pumasok sa trabaho."

"Sige salamat" Pagka alis nya humiga agad ako doon sa kama at binuksan yung TV. "Haaaaay ang sarap matulog!!!"

Kinuha ko yung earphone ko at binuksan ko yung mp3 kaya lan g hindi na gumagana. Ano ba yan?? Bakit nasira na??

Chaka ko lang naalala na nabasa pala to kahapon nung naliligo ako dun sa may bathtub.

****

"Hoy gising!!"

"Ano ba! natutulog yung tao eh.."

"Bumangon kana jan"

"Bakit ba kasi?!!"

"You made a promised to my mom remember?"

Promise? bigla kong naalala yung mama ni Kyle. Oo nga pala mag di-dinner kami ngayon sa bahay bila. tumayo ako agad kaya lang..


*Togsh*



"Aray!/Aray!"

Sabay pa talaga kami. Ang sakit naman naumpog pa yung noo ko sa noo nya. "Bakit kaba kasi nakaharang jan?!" Tanong ko sakanya.

"Bakit ka ba kasi biglang tumatayo?!"

"Syempre ginising mo ako!"

"Syempre ginigising kita!"

Kainis naman to' sinira na yung tulog ko sisirain pa ata pati yung noo ko. Ang sakit pa ng katawan ko. Feeling ko babalik yung lagnat ko.

"Oh bat ganyan yung itsura mo? bumangon kana jan."

"Pano ka naka pasok?"

"Hindi ka kasi marunong mag lock ng pinto."

Ay? nakalimutan ko nga atang i-lock yung pinto kanina. Tatayo na sana ako kaya lang ang sakit ng katawan ko. Hindi na naman maganda yung pakirandam ko.

"Okay ka lang?'

"Hindi. Masama yung pakirandam ko." Pagkasabi ko nun hinawakan nya yung noo ko.

"Nilalagnat ka na naman. Ang tigas kasi ng ulo mo naligo ka pa kanina."

"Hayaan mo na, tara alis na tayo." Pinilit kong tumayo pero tinulak nya ko pabalik sa kama. Ano bang problema nya? kita nya na ngang may sakit yung tao itutulak pa nya.

"Hindi na tayo aalis, sa ibang araw na lang."

"Ano?! Ayoko nga, tara na alis na tayo.." Pagpupumilit ko sakanya.

"Huwag mo ngang ipilit yung gusto mo! tignan mo nga yung sarili mo. Ako nang bahala, tatawagan ko na lang sina Mommy."

"Pero nag promise ako sakanila"

"Maiintindihan nila yun. Sandali lang kukuha lang ako ng gamot"

Humiga ako ulit at nagpahinga. Masakit talaga yung pakirandam ko itutulog ko nalang muna to.

****

"Lorraine gising.."

May narandaman nalang akong gumigising sakin. Ayokong imulat yung mga mata ko dahil parang sasabog yung ulo ko kapag dumilat ako.

"Lorraine gumising ka nandito sina mama." Mama? Nandito si mama? Chaka ko lang naalala na yung nangyari kaninang umaga. Pagkarinig ko nun bumangon ako agad kahit na hirap pa akong tumayo.

"Huwag ka na munang tumayo iha kung hindi mo pa kaya" Daddy ni Kyle yun.

"Okay lang po sir."

"Oh ayan kana naman sa pag tawag mo ng sir sa akin."

"Pasensya na po."

"Don't mind us iha ginising ka lang namin para kumain." sabi ng mama nya

"Hindi po ako nagugutom"

"Pero kailangan mong kumain kahit konti lang. Sobrang nag-alala sayo si Kyle kaya tinawagan nya kami, kaya kainin mo na to."

"Sige po.." Bumangon ako at kinain ko yung dala nilang pagkain. "Teka, Ano to?"

"Tortilla Meatball Soup" Sagot ni Kyle. Andito pala sya??

"Ha? tortilla meatball soup?.. Parang ngayon ko lang narinig yun ah."

"Hindi kasi yan kinakain ng ordinaryong tao kaya huwag ka ng mag reklamo kainin mo na lang."

"Bakit hindi mo sya subuan? i'm sure hindi pa nya kaya." Sabi ng Dad nya at kinuha naman nya yung kutsara at umupo sa gilid ng kama.

"Kaya ko naman, sige ako nalang." pagkatapos kong sabihin yun parang wala syang narinig at ibinigay nya agad sakin yung kutsara.

Kumain na ko pero hindi ko yun naubos dahil nga sa wala akong gana. Ayoko namang mag alala pa sila sakin kaya kakain nalang ako kahit hindi ako nagugutom, pagkatapos uminom na ko ng gamot at bumalik na sa pagkakahiga.

"Oh honey i'm so sorry but we have to go, we just came here to check if you're okay. Get well soon honey bye.." Hinalikan ako ng mama nya sa noo at umalis na sila.

"Kyle ikaw na ang bahala sakanya ha? huwag mo syang pababayaan."

"Sige po Dad."

Tapos umalis na yung parents nya. Eh sya?? ano pang ginagawa nya dito?? Malamang hindi nya naman ako babantayan magdamag dito diba?? "Ikaw hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko sakanya.

"Mamaya na lang" Sabi nya tapos kinuha nya yung remote ng TV at umupo doon sa sofa.

"Kyle.."

"Uhm?"

"Ganun ba talaga yung lasa nun?"

"Oo. Bakit hindi  mo nagustuhan?"

Oo agad? hmp.. Sana lugaw nalang yung pinakain nya sakin mas masarap pa yun. Talagang tong mga mayayaman na'to.

"Hindi naman sa ayaw.. Kaya lang..."

Tumayo sya at kinuha yung pagkain sa harap ko at linagay nya doon sa kusina.

"Anong gusto mong kainin?"

"Ha?" Galit ba sya?

"Diba ayaw mo nun? Anong gusto mong kainin?"

"Huwag ka nang mag abala pa, uubusin ko yun mamaya."

"Alam mo hindi kita maintindihan kanina nagrereklamo ka pagkain tapos ngayon gusto mong kainin ano ba talagang gusto mong mangyari?"

"Hindi naman kasi talaga ako nagugutom!"

"Edi huwag kang kumain! Bahala ka sa buhay mo!"


*BLAG!*


Umalis sya at binagsak nya yung pintuan. Ang laki ng problema ng lalaking yun parang ganun lang nagalit na agad! Tumayo ako kinuha ko yung pagkain na bibigay nya kanina kakainin ko nalang to para hindi na sya magalit.

Pagkatapos kong kumain ininom ko yung gamot na binili nya kanina, mejo bumubuti na rin kasi yung pakirandam ko ngayon.

 #OfficiallyYours143

Continue Reading

You'll Also Like

540K 14.3K 52
Mahinhinon Virgins Book 1: Diosa (a.k.a Yosah) Unedited version. Medyo sexy. Medyo rated 18. Most chapters will be private.
1M 32.9K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2.3K 136 29
Grey Collins has the condition of hyperthymesia which allows him to remember practically every detail of his life with near-perfect accuracy. It is a...
377K 19.7K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.