Loving My Brother #1: Thrale'...

By ziryanggg

183K 7K 704

Bakit ganoon? Bakit ako nakakaramdaman nito? Nakadidiri. Nasasaktan ako because he can't love me back? So ov... More

I love you, kuya.
Prologue:
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 20:
Chapter 21:
Chapter 22:
Chapter 23:
Chapter 24:
Chapter 25:
Chapter 26:
Chapter 27:
Chapter 28:
Chapter 29:
Chapter 30:
Chapter 31:
Chapter 32:
Chapter 33:
Chapter 34:
Chapter 35:
Chapter 36:
Chapter 37:
Chapter 38:
Chapter 39:
Chapter 40:
Chapter 41:
Chapter 42:
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 45:
Chapter 46:
Chapter 47:
Chapter 48:
Chapter 49:
Chapter 50:
Chapter 51:
Chapter 53:
Chapter 54:
Chapter 55:
Chapter 56:
Chapter 57:
Chapter 58:
Chapter 59:
Chapter 60: Confession
Chapter 61:
Chapter 62:
Chapter 63:
Chapter 64:
Chapter 65:
Chapter 66:
Chapter 67:
Chapter 68:
Chapter 69:
Chapter 70:
Chapter 71:
Chapter 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82.
Chapter 83:
Chapter 84:
Author's note:

Chapter 52:

970 62 6
By ziryanggg

Thrizel’s POV

Nandito ako ngayon sa aking kwarto, kanina pa ako hindi lumalabas. Hindi ko makalimutan ang sinabi ni kuya. No’ng unang panliligaw ni kuya kay Ate Anissa ay tuwang tuwa ako. Sabik na maging sila pero bakit ngayon? Ibang iba ang pakiramdam ko no’ng una.

Ngayon na nasasaktan ako, hindi ko matanggap. Kahit anong gawin kong paglayo at pag-iwas, bumabalik pa rin talaga itong ibang pakiramdam. Isa nalang siguro ang paraan, ang gumamit ng tao para mawala itong nararamdaman ko kay Thrale pero iisipin ko palang nagaganap iyon, parang nakokonsensya agad ako.

Napatingin ako sa aking pintuan nang may kumakatok. Hindi ako sumagot, pinakinggan ko lang ang bawat katok dito. Nakakatamad magsalita. Hindi katagalan, nagsalita na ang taong nasa labas ng aking kwarto.

"I know you need a rest pero kailangan mo ring kumain, lumabas ka na riyan. Masyado mong dinadamdam ang hindi dapat."

Lagi namang si Link ang nandiyadiyan. Buti nalang dito siya nagbakasyon sa amin. Kung hindi at wala siya rito, baka lumayas nalang ako sa bahay o magmakaawang sumama kay mom. Hays.

Imbis na lumabas ako. Pumunta ako sa aking study table, binuksan ko ang aking laptop at tinawagan si Amira. Ilang minuto pa akong naghintay bago niya sagutin. Abala ba siya? Ngayon lang siya natagalan sagotin e.

"Thrizel, bakit? Sorry huh, naliligo kasi ako e." Naliligo pala saka mukha naman e, basa ang buhok niya.

"Amira..." Nagsalong baba ako sa kaniya. Hindi makuhang ngumiti. Tinitigan ko na lamang ang kaniyang mukha, nakukuha ko pang ngumuso dala ng emosyon ko ngayon.

"May problema ba? Nakasalong baba ka?" Kita ko agad ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Kay Amira lang ako p’wede magsabi ng mga ganito. Dati noong bata ako, kay mom at dad agad ako tatakbo pero kung ganitong sitwasyon ang poproblemahin ko. Huwag nalang siguro.

"Si Thrale..." Mahina ang pagkakasabi ko sa kaniya. Pinatong ko ang aking baba sa lamesa at bumuntong hininga. "Sila na ni Anissa." Nilapat ko ang aking mukha sa mesa, naluluha ako. Ayokong umiyak kay Amira. Ano ba naman ‘to.

"Wow, congrats!" Mabilis akong napatingin sa kaniya dahil sa naging reaksyon nito. Natuwa pa siya?! Sabagay, boto rin naman iyan si Amira kila kuya. Hays, lahat ay nakasuporta sa kanilaaaaa!

Nakita yata ni Amira ang pagsimangot ko kaya napakamot siya sa ulo. Napansin niya yatang ito ang problema ko. Pati siya ay napabuntong hininga marahil hindi rin alam ang gagawin. Kahit sino naman ay namomroblema rito, e! Bakit kasi kailangan kong maramdaman ‘to? Bakit kasi ang dali-dali?

"Ano dapat kong gawin?" Muli akong ngumuso sa kaniya.

Agad siyang sumagot. "Anong dapat gawin? Wala kang dapat gawin kun’di itigil iyan. May girlfriend na ang kuya mo, bilang kapatid dapat mo iyong respetuhin!" Pinagtaasan niya ako ng boses. Seryoso ang kaniyang mukha. "Hindi mo tinawag si Ate Anissa ng ate kanina, ang sabi mo lang ay sila ni Anissa. Kilala kita, halatang may sama ng loob ka sa girlfriend ng kuya mo. Thrizel, lahat nagiging tanga kapag pagdating sa ganiyan pero mali iyang sa ‘yo, kahit saan mo ipagsabi, maling mali! Wake up? Kahit naman pagisingin kita sa maling nararamdaman mo, babalik ka na naman sa ganiyan. Sabi na kapag wala ako mas lalong lalalim ang nararamdaman mo kay Kuya Thrale." Napabuntong hininga siya. "Lagi ka tuloy nandiyan sa bahay niyo. Si Link lang  ang p’wede mong makausap. Araw-araw mong makakasama si Thrale. Mahirap ang sitwasyon mo ngayon, Thrizel."

"Ayos lang naman ako." Umayos ako ng upo at ngumiti sa kaniya. "Tama ka. Dapat ko talagang respetuhin iyon. Salamat, lagi kang nandiyan."

Nang matapos kaming mag-usap ni Amira. Doon lang ako lumabas ng aking kwarto. Nangunot ang aking noo dahil nakita ko si Gio sa dulo ng hagdan namin. Gabi na, hindi pa ba ito uuwi? Napatingin siya sa akin, napansin niya yata ang aking presensya. Nakipagtitigan ako sa kaniya, nawala lang nang tumunog ang aking selpon.

Hindi ko tiningnan ang caller. Agad ko itong sinagot. "Why?"

"Nasa labas ako ng bahay niyo."

Walang pasintabi akong tumakbo ng mabilis pababa ng hagdan. Alam kong nakakunot ang noo ng kaibigan ni Thrale. Nakita ko namang nasa sala ang tatlo. Ang mga mata nila ay nagtatanong kung bakit ako madaling-madali.

Hinihingal akong ngumiti sa kanila at sumagot. "May pupuntahan lang ako." Lumabas na ako ng bahay.

"Thrizel, gabi na!" Rinig ko pang habol ni Thrale.

"Oh, talaga, Thrale?"

Agad kong nilibot ang tingin ko sa aming labas. Hindi kalayuan, nakita ko si Dominic. Yes, siya lang naman ang tumawag. Kahit tapos na ang school year, may pakialam pa rin ako sa kaniya. Ang laki kasi ng tinulong nito sa akin kaya gano'n nalang akong mapatakbo.

"You’re here."

Hindi ako nito tiningnan. Nakabaling ito sa iba, lagi naman siyang ganiyan kapag magkikita kami. Akala mo ay may sumpa ang aking mukha, ayaw niyang titigan ng matagalan.

Tumayo ito ng tuwid. Sinulyapan niya ako at dire-diretsong pumasok sa gate. Nanlaki ang aking mga mata kaya agad ko siyang nilapitan. Hinarang ko agad ang kaniyang dinadaanan.

"Hoy, saan ka pupunta?"

Nangunot ang kaniyang noo at nagpamulsa. "Hindi ko alam na hindi pala pinapapasok ni Thrizel Wrent ang kaniyang bisita." Hinawi niya ang aking kamay at saka muling naglakad. Wala akong ibang nagawa kun’di ang sumunod sa kaniya.

Nang matapat kami sa pinto. Agad na napatayo sila kuya at Gio. Nasa sala na pala si Gio pero bakit kailangan nilang mapatayo? Multo ba itong si Dominic? Alam kong kilala nila itong kasama ko, sikat ba naman sa aming paaralan. Baka nga si ATE Anissa ay kilala niya rin ito.

Isang malamig na boses ang nilabas ni kuya. "Dominic, why are you here? Nakukuha mo palang tumapak dito?" Pangalawang punta niya na kaya rito saka bakit ganiyan magtanong si kuya? Hindi naman sila magkaaway. Oo, hinding hindi. Alam ko ‘yon.

Ngumisi si Dominic at pumasok sa bahay. Inilibot niya ang kaniyang paningin. "Ganito pala tumanggap ng bisita ang pamilyang Wrent." Napailing-iling pa siya. Dumako ang tingin niya kay Gio na nakatingin din sa kaniya. "You’re here, Mr. President."

Ngumiti sa kaniya si Gio. Tinanguhan lamang siya ni Dominic. Umupo si Dominic sa single sofa malayo kila kuya. "I'm a guest of Thrizel, bawal ba ako rito?"

"Of course." Agad na sagot ni kuya. Sandali, bakit parang may hinanakit ito kay Dominic? Wala naman silang naganap na pagtatalo.

"Kung hindi mo tatanongin, Mr. Wrent. Malaki ang natulong ko sa kapati—"

"Hindi ikaw ang tumulong."

Lahat kami ay nagtaka nang humalakhak si Dominic. Nang tumigil siya sa pagtawa muli nitong hinarap si kuya. "Lumabas din ang totoo." Nagseryoso ang kaniyang mukha. "Kaya mong sumuri ng masinsinan, Thrale." Nagcross arm si Dominic. "Baited." Base sa kaniyang pagsasabi. Nang-aasar siya.

Wala naman naging reaksyon si Thrale. Nagsalita siya. "Bilang bisita ng aking kapatid, gagalangin kita." Hindi ko mawari ang emosyon ni kuya. Ngayon lang siya naging ganiyan, never ko pa nakita na ganiyan siya umakto. Anong mayroon?

"Parehas lang naman kayong nagpapadala sa pain." Napatingin ako kay Link dahil sa kaniyang sinabi. Tumayo ito. "Matutulog na ako, masyadong mapanuri ang mga taong nandidito." Saka na ito umalis. Bago siya umakyat sa hadgan, tiningnan niya muna ako.

"You eat, Thrizel. Feed this guest of yours as well." Sabi sa akin ni kuya habang nagseselpon. Tiningnan siya si Ate Anissa, nagseselpon lang din ito.

"No, I’m not hungry." Pigil agad ni Dominic sa akin. "Just coffee, baby." Nginisihan ako ni Dominic.

Alam ko ang ganiyang kilos niya. Nang-aasar lamang. Kahit anong pagpapapogi ni Dominic sa akin, wala akong nararamdamang kakaiba.

"Ikaw, Gio, kakain ka ba?" Tanong ko sa isa na tahimik lang. Parang nakikiramdam din siya kung anong nangyayari sa kaniyang paligid.

"I’m already done, thank you." Medyo mabait talaga itong si Gio. Sa limang magkakaibigan, ito ang laging nakangiti. Nawala si Ryke. Dumating naman itong si Gio. My god.

Ryke, Gio, Thrale, Kein and Elkhurt.

Ang pangit nilang lima.

Kumain nalang akong mag-isa sa kusina. Nang matapos ay umakyat sa aking kwarto para wala na akong gagawin mamaya, diretso higa nalang. Nandodoon pa kasi si Dominic sa sala, hindi ko naman p’wede iwan iyon kay kuya. Baka bukas, sira na ang telebisyon namin.

"Hindi ka pa ba uuwi, Dominic?" Tanong ko sa kaniya nang makarating sa sala.

Nanonood lamang ito ng palabas habang sumisimsim ng kape.

"Maya maya na." Simpleng sagot niya at tumayo. "Saan ang banyo niyo, Thrizel?"

"Pasok ka lang sa kusina, makikita mo." Sagot ko nang hindi siya tinitingnan. Abala rin kasi ako sa panonood, pati si kuya ay gano'n. Napatingin ako sa kaniyang tabi, wala si Ate Anissa.

Maya-maya ay sabay kaming napatingin ni kuya kay Dominic, sa ibang pinto ito lumabas. Saan siya nagpunta? Hindi ba dapat sa pinto siya ng kusina lalabas?

"Ah?" Pansin niya yatang nagtataka kami. "May tao sa banyo ng kusina, I think, it's Anissa kaya sa tabi nalang ako ng guest room gumamit."

Sa paliwanag ni Dominic ay nagkatinginan kami ni kuya. Parehas ba kami ng iniisip? Paano niya nalamang may banyo sa tabi ng guest room? Dalawang beses palang siyang pumupunta rito. Noong una ay sa balkonahe ng aking kwarto, pangalawa ay ito. Bakit kabisado niya ang pasikot sikot dito sa bahay? Dapat ko bang pagtakahan si Dominic?

"Yes, Anissa was there." Sagot ni kuya. Base sa kaniyang reaksyon, nandodoon pa rin ang pagtataka.

Hindi katagalan ay umuwi na rin si Dominic. Hindi ko na natanong kung anong dahilan niya sa pagpunta rito. Si kuya pa ang naghatid sa labas.

Mukhang dito matutulog si Gio kaya tinuro ko sa kaniya ang isang guest room. Pumasok na rin ako sa aking kwarto para matulog. Hindi katagalan, nilamon na rin ako ng antok.

Nagising ako dahil ring nang ring ang aking selpon. Tamad ko itong kinuha at sinagot. "Who’s this bitch?!" Naiirita kong tanong.

"Baby?"

Natigilan ako. Nanlaki ang aking mata kaya agad akong napatayo sa aking kama. "I’m sorry, mom. Natutulog kasi ako, hindi ko nakita ang caller..Ano po iyon?"

"No, it’s okay, baby. Kumusta ka?"

"I’m always okay, mom." Masigla kong sagot sa kaniya.

"Good to heard that." Sabi niya. "Wake up then eat, nakausap ko naman na si Thrale."

Hindi katagalan ay pinatay ko na ang tawag. Naghilamos at uminom muna ako ng tubig bago bumaba. Naabutan ko na silang lahat sa kusina.

"Good morning." Bati ko sa lahat. Nagtaka ako dahil wala akong nakitang Manang Perry. "Where's manang?"

"Nag-iimpake ng damit." Simpleng sagot ni Thrale.

"Bakit?!"

"Don't shout at me." Reklamo pa nito. "Calm down, mag-impake ka na rin."

"Lalayas kaming dalawa?"

"What?" Ramdam ko ang inis sa boses ni kuya. "Pupunta tayong probinsya nila. Mom called and she agreed."

Napatango-tango nalang ako. Buti naman at gagala kami. Kahit papaano ay malilibang kami. Hindi ko lang binabanggit ang pagiging official nila Thrale dahil ayoko nang isipin iyon. Medyo natauhan ako sa sinabi ni Amira.

Tumayo si Link at lumabas ng kusina. Habang kumakain ako ay biglang may tumawag sa aking phone. Si Link, anong kailangan nito?

Sinagot ko ang tawag. "What?"

"Thrale is holding a flower for anissa, come out."

Tumayo ako at nagpaalam sa dalawa. Pansin kong wala si Gio, mukhang umuwi na.

"Kausapin ko lang ito." Doon na ako lumabas.

Nakita ko si Link na nakatayo. Nagpasalamat ako sa kaniya, tumango naman siya. Kumakain ako ng almusal. Pero ngayon, wala na akong gana. Hayaan na.

Nang sinabi ni Thrale na mag-impake na. Naghanap na ako ng damit para maligo. Bubuksan ko na sana ang shower kaso walang tubig na lumabas. Shet, sira na naman yata, kailangan na namang ipa-ayos. Walang tubig.

Dinala ko ang aking mga damit at pumuntang banyo sa tabi ng isang guest room, kaso wala ring tubig doon. Naisip ko ang banyo sa kusina kaso naalala ko ‘yong dating nangyari sa amin ni Thrale. Na halos i-sumpa ko ang sabon at tuwalya. Pero, may tubig naman yata sa kwaro niya kaya tuloy.

Papunta akong kusina kaso nakita ko si Thrale na may hawak ding damit niya. Napahinto kaming dalawa at nagtitigan.

"Sa kwarto nalang ako maliligo." Sabay naming sabing dalawa. "Ay, wala palang tubig." Muli na naman naming sabi.

"Ako muna maliligo." Matigas kong sabi.

"No, ako muna." Pagmamatigas din ni Thrale.

"Ayoko, bigla-bigla kang nagbubukas ng pinto ng banyo."

"Ayoko rin dahil hindi ka nag-iingat kapag natapos sa pagligo."

"Ladies first, Thrale."

"Wala akong pakialam, Thrizel."

Tumakbo ako sa pintuan ng kusina kaso nagkasabay kami. Walang gustong magpaubaya sa amin.

"Thrale, ako ang bunso." Sabi ko pa rito.

"Ako ang panganay, Thrizel. Makinig ka sa nakakatanda."

"Ano ba, Thrale?"

"Ano rin, Thrizel?"

"Magsabay nalang kayo maligo, mga bata." Sabay kaming napatingin kay Link. Dinaanan lang kami nito.

"AYOKO!" Sabay na sigaw namin ni Thrale.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 81 8
SHE HAD ALWAYS BEEN A SWEET GIRL, NELL McNULTY. COMPASSION LEARNT FROM HER MOTHER, AND A TENACITY INHERITED FROM HER F...
309K 18.5K 40
You live in a different time zone Think I know what this is It's just the time's wrong
162K 3.7K 62
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad