Loving My Brother #1: Thrale'...

Door ziryanggg

183K 7K 704

Bakit ganoon? Bakit ako nakakaramdaman nito? Nakadidiri. Nasasaktan ako because he can't love me back? So ov... Meer

I love you, kuya.
Prologue:
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 20:
Chapter 21:
Chapter 22:
Chapter 23:
Chapter 24:
Chapter 25:
Chapter 26:
Chapter 27:
Chapter 28:
Chapter 29:
Chapter 30:
Chapter 31:
Chapter 32:
Chapter 33:
Chapter 34:
Chapter 35:
Chapter 36:
Chapter 37:
Chapter 38:
Chapter 39:
Chapter 40:
Chapter 41:
Chapter 42:
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 45:
Chapter 46:
Chapter 47:
Chapter 48:
Chapter 49:
Chapter 51:
Chapter 52:
Chapter 53:
Chapter 54:
Chapter 55:
Chapter 56:
Chapter 57:
Chapter 58:
Chapter 59:
Chapter 60: Confession
Chapter 61:
Chapter 62:
Chapter 63:
Chapter 64:
Chapter 65:
Chapter 66:
Chapter 67:
Chapter 68:
Chapter 69:
Chapter 70:
Chapter 71:
Chapter 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82.
Chapter 83:
Chapter 84:
Author's note:

Chapter 50:

1K 56 7
Door ziryanggg

Thrizel’s POV

Hindi ako nakagalaw, nakatingin lamang ako kay Brooks. Kaibigan siya ni kuya? Paano? Saka bakit Kein ang pangalan niya? Nagkamali ba kami ng kwarto? Parehas gulat ang aming mukha ni Brooks, kahit ako ay hindi ko inaakala ito. Saka bakit siya nagulat? Dapat ako ‘yon, ‘di ba?

Salit-salitan ang tingin sa amin ni kuya. Nakakunot ang noo marahil ay nagtataka kung bakit ganito ang aming reaksyon. Dapat una palang, inobserbahan ko na agad si Brooks. ‘Gaya no'ng sa birthday ni Gio, ibang school sila ni Blue pero bakit nandodoon sila? Sa kadahilanan bang kaibigan din ni Brooks si Gio? O sa kadahilanang kaibigan ni Brooks si kuya?

"Magkakilala kayo?" Seryosong tanong ni kuya at umupo sa sofa. Nilapag niya ang dalang bulaklak sa mesa.

Sasagot na sana ako ng oo ngunit inunahan ako ni Brooks. "Ah, no, ang laki na pala ng kapatid mo. Medyo nagulat lang ako."

Natigilan ulit ako roon. Nangunot ang noo, bakit hindi niya sinabing magkakilala kami?

Inalis ni Brooks ang tingin niya sa akin, inilipat kay kuya. "Pota, bakit may dala kang bulaklak?" Kinuha niya ito sa mesa at inamoy-amoy. Gusto niya rin naman.

Kalmadong sumagot si kuya, tinitigan siya. "Banggain mo ba naman ang truck." Napasinghal siya. "Akala ko patay ka na kaya nagdala ako."

Napasinghal din si Brooks. "Sinamahan mo na sana ng kabaong."

"Balak ko nga sana kaso sa sobrang pogi ko, alangan magdala ako no’n? Hindi ko sisirain ang maganda kong outfit ko para sa ‘yo, Kein." Ngumisi si kuya sa kaniyang tinuran. Ang yabang nila, puro pagyayabangan.

"Kahit anong porma mo, hindi ka gwapo."

Nakatawa ng mahina roon si kuya at napailing-iling. "Sa ating lima, ako ang pinakagwapo."

"Mali yatang pinabisita kita." Nagulat ako nang binato ni Brooks ang bulaklak sa mismong mukha ni kuya. "Gutom ako, subuan mo ‘ko, Thrale."

Sinimangutan siya ni kuya habang tinatanggal ang bulaklak sa mukha at sinuri. "Nasaan ang mga tattoo mo? Ang linis mo ngayon, wala ka bang babae?" My gosh. Nag-iinsultuhan ba sila sa isa’t isa? Nag-uusap? O nag-aasaran?

"Mayroon." Huminga nang malalim si Brooks at umupo sa kaniyang kama. Kita ko ang paa niyang may benda, tss.

Kinuha ni kuya ang mansanas saka binalatan. "Sino?" Kalmado niyang tanong. Kanina pa ako nakatayo kaya umupo na rin ako sa sofa.

"Si Thrizel."

Agad kong nakita ang pagsama ng tingin ni Thrale kay Brooks. Si Brooks naman na loko-loko ay tawa nang tawa. Ngayon, alam ko na. Nag-aasaran lang sila.

Nang matapos si kuya, nilapitan niya si Brooks.

"Bakit balat ng mansanas ‘to, Thrale?" Tiningnan ko ang nasa plato, puro balat nga ng mansanas.

"Kainin mo nalang, ang dami mo pang sinasabi." Sagot ni kuya at kinain ang mansanas na binalatan niya kanina.

Sumama ang tingin ni Brooks kay kuya. "Nagbalat ka ng mansanas para sa ‘yo? Bakit hindi nalang ikaw ang mahiga rito. Ulol." Pabagsak na nilagay ni Brooks ang plato sa mesa. Tawang tawa si kuya roon. Mapang-asar.

"Bakit mo nga pala binangga ang truck, Kein?" Tinaasan siya ng kilay ni kuya.

"Nawalan ako ng preno."

"New tip, kapag nawalan ng preno. Ibangga sa truck."

"Shut up, Thrale."

"Kumusta ang paa mo? Bakit paa ang nakabenda? Ulo dapat, hindi ba?"

Kita ko ang pagngisi ni Brooks saka nagsalita. "Ulo ba dapat?" Natawa siya. "Which one?"

"Fck you, nandito ang kapatid ko."

Nakikinig ako sa kanilang usapan pero hindi ko maintindihan. Kanina pa nga ako nagtataka. Ganiyan ba talaga sila mag-usap? Kasi kaming mga babae. Hindi, sweet sa isa’t isa.

Tumayo si kuya at kinuha ang kaniyang pitaka. "Nangangayayat ka na, bibili lang ako ng pagkain mo." Baling niya kay Brooks. "Thrizel, bantayan mo ito. Huwag kang makikipag-usap diyan, huh? Ay’kong maging kaibigan mo ‘yan."

"Paranoid." Bulong pa ni Brooks nang makalabas si kuya. Nang masara ang pinto. Wgad siyang tumingin sa akin. "Bakit ka nandito?"

"Uuwi na ba ako?" Seryoso kong tanong. Naiinis ako sa kaniya, kinaila niyang kilala niya ako!

"Hindi naman."

"Bakit hindi mo sinabi kay kuya na magkakilala tayo?"

Huminga siya nang malalim at pinakatitigan ako. "Kasi ayoko."

"Why?"

"Remember Gio’s birthday?" Tumango ako sa kaniya. "I didn’t help you because your brother was there."

"Anong connect ko roon?"

"Bawal niyang malamang magkakilala tayo." Naging seryoso ang kaniyang umaga. "Kilala natin si Thrale. Gagawin ang lahat para walang mapalapit sa ‘yong lalaki."

Napatawa ako. "Are you afraid to Thrale?"

Nangunot ang noo niya. "Of course not. Marami akong dahilan. Ang tagal ko na ngang bumisita sa bahay niyo na bilang Kein pero ngayon lang nakuhang kumustahin ni Thrale."

"Ano namang dahilan?" Tumayo siya. Nagulat ako roon. "Hoy, akala ko ba pilay ka?!"

"Sinabi ko lang kay Thrale kung may balak siyang dalawin ako and yes, pumunta nga. Mahal na mahal talaga ako no’n." Muli siyang umupo. "Gio, Ryke, Elkhurt, Thrale at ako, magkakaibigan kaming lima."

"Tapos?"

"Nawala lang no’ng—"

Naputol ang sasabihin ni Brooks nang pumasok si kuya, buti hindi niya kami nakitang nag-uusap ni Brooks. Pinakain niya muna si Brooks dahil nagrereklamo itong wala pa raw siyang almusal. Ako ay medyo gulat sa nalaman, hindi ko alam na magkakaibigan pala silang lima. Akala ko ay magkakakilala lang. Hindi pa natuloy ang sinabi ni Brooks, kainis. Pero sa itsura niyang iyan? Wala siyang balak ituloy.

Habang kumakain si Brooks ay nagseselpon ito kaya sinita siya ni kuya pero parang wala itong narinig. Maya-maya lang, naramdaman kong tumaginting ang aking selpon. Tiningnan ko, may mensahe si Brooks.

From: Brooks.

May kakaiba sa inyo, anong mayroon?

Nangunot ang noo ko dahil sa kaniyang sinabi. Nakakahalata na rin ba siya ‘gaya ni Link? Please, huwag.

To: Brooks.

Anong kakaiba?

From: Brooks.

Parang nakikiramdam si Thrale. Yes, alam kong nakapikit siya, ramdam ko.

Tiningnan ko si kuya, nakaupo ito habang nakapikit. Mukha siyang inaantok. Napatingin ako sa phone nang tumaginting ulit.

From: Brooks.

Huwag mong tingnan, makakahalata ‘yan.

Sinunod ko naman ang kaniyang sinabi.

From: Brooks.

Hindi sa paranoid ako, huh? Parang nakikiramdam talaga si Thrale, may gustong alamin. Kilala ko ‘yan.

Bigla tuloy pumasok sa isip ko no’ng pumasok ng aking kwarto si Dominic. Kahit anong palusot ko sa kaniya ay nakokontra niya. Para bang pakiramdaman niya lang. Nakukuha niya na ang nais niyang malaman.

Nang maghapon, nakuha na naming umuwi ni kuya. Nandito kami sa sasakyan. Tinanong ko siya.

"Kuya, si Br—Kein na pala iyon? Bakit hindi ko siya maalala?" Hindi ko talaga siya maalala.

"2 years ago na nang bumisita siya sa atin. Bakit naman hindi mo maalala? Sabagay, hindi naman kayo nag-uusap no’n, mabuti." Mabuti ba iyon?Maganda kaya maraming friends.

"Ang gwapo niya."

"Malamang kaibigan ko, may basbas galing sa akin." Ang hangin.

Nakarating naman agad kami sa bahay. Dumiretso akong kusina para maghugas ng kamay. Pasalubong naman sa akin si manang, magluluto yata siya kaya nginitian ko.

Pumunta akong sala. Napatingin ako sa hagdan, pasalubong si ate kay kuya. Tiningnan ko silang dalawa, nang magtapat, huminto si ate pero si kuya ay tuloy-tuloy lamang. May problema nga. Kita ko ang sakit sa mga mata ni ate. Bumaba siya at pumuntang labas, sinundan ko siya.

Nakatayo lang ito sa hardin. Nililibot ang paningin. "May problema ba?" Panimula ko at nakipantay sa kaniya.

"Nagkatampuhan lang." Sagot niya. Pansin niya yatang nakita ko ang pangyayaring iyon kaya sinabi niya.

"Magkakaayos kayo no'n, mahal na mahal ka ni kuya. Marupok naman e, ako na nagsasabi." Hindi ko alam kung paano magcheer up ng ganitong tao dahil never pa kaming nagkaboyfriend ni Amira.

"Ikaw, Thrizel, hindi ka ba namomroblema? I mean, may taong minahal ka na ba?"

Natigilan ako sa kaniyang tanong. May tao na ba akong minahal? Wala namang iba kun’di nakakasama ko lang sa bahay. Parehas lang kami.

"Uhm, ate." I-oopen ko ba sa kaniya? "What if magkagusto ka sa kadugo mo? P'wede ba ‘yon?"

Natigilan siya at medyo gulat ang kaniyang mukha. Nakahalata ba siya?

"Ate Anissa?" Muli kong tanong.

"Si Link ba ‘yan, Thrizel?" Kalmado ang kaniyang pagtatanong, may halong pag-aalala. "Bawal iyon, kung anomang nararamdaman mo. Dapat mong pigilan. Magpinsan kayo, okay?"

Hindi ako nakasagot sa kaniyang sinabi.

"Maraming lalaking nandiyan, Thrizel. Nandiyan naman si Ryke. Naiintindihan kita kasi minsan, mas gusto natin ‘yong mga mali at bawal pero matuto rin tayong tumanggap na hindi lahat ng kagustuhan ay laging nakukuha kaya mas mabuti nang itigil." Hinawakan niya ang aking buhok. "Medyo nagulat ako sa sinabi mo, kaya ko ‘to sinasabi, nag-aalala ako, Thrizel. Bata ka palang, baka nasa isip mo lang ‘yan." Ngumiti siya sa akin ng matamis.

Tumango na lamang ako sa kaniyang sinabi, hindi na ako nakapagsalita.

Itutuloy...

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

309K 18.5K 40
You live in a different time zone Think I know what this is It's just the time's wrong
260K 8.1K 186
What if a PokΓ©mon Trainer found herself in the world of One Piece? What if she found herself with the Strawhat Pirates? What if she finds herself get...
1.5K 81 8
SHE HAD ALWAYS BEEN A SWEET GIRL, NELL McNULTY. COMPASSION LEARNT FROM HER MOTHER, AND A TENACITY INHERITED FROM HER F...