Loving My Brother #1: Thrale'...

By ziryanggg

183K 7K 704

Bakit ganoon? Bakit ako nakakaramdaman nito? Nakadidiri. Nasasaktan ako because he can't love me back? So ov... More

I love you, kuya.
Prologue:
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 20:
Chapter 21:
Chapter 22:
Chapter 23:
Chapter 24:
Chapter 25:
Chapter 26:
Chapter 27:
Chapter 28:
Chapter 29:
Chapter 30:
Chapter 31:
Chapter 32:
Chapter 33:
Chapter 34:
Chapter 35:
Chapter 36:
Chapter 37:
Chapter 38:
Chapter 39:
Chapter 40:
Chapter 41:
Chapter 42:
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 45:
Chapter 47:
Chapter 48:
Chapter 49:
Chapter 50:
Chapter 51:
Chapter 52:
Chapter 53:
Chapter 54:
Chapter 55:
Chapter 56:
Chapter 57:
Chapter 58:
Chapter 59:
Chapter 60: Confession
Chapter 61:
Chapter 62:
Chapter 63:
Chapter 64:
Chapter 65:
Chapter 66:
Chapter 67:
Chapter 68:
Chapter 69:
Chapter 70:
Chapter 71:
Chapter 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82.
Chapter 83:
Chapter 84:
Author's note:

Chapter 46:

1K 64 6
By ziryanggg

Thrizel's POV

"Arella."

Lahat kami ay nagtaka sa pagtayo ni kuya. Nakatingin ito sa labas. Para siyang may hinahanap o sinisipat. Nandodoon pa rin ang kaniyang atensyon kahit ilang beses itong tawagin ni ate Anissa.

Kaya tumayo si mom. "Thrale, are you okay?" Tumingin naman sa akin si mom at muling bumalik kay kuya. "Arella? Thrale? Are you dreaming? Bakit mo pa binabanggit iyon?" Tiningnan din ni mom ang tinitingnan ni kuya, tiningnan ko rin iyon. Wala namang tao sa labas kun'di mga sasakyang dumadaan lamang.

Arella? Naalala ko, binanggit ito sa akin ni kuya. Ito 'yong pinsan naming namatay, si Arella. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang banggitin iyon ni Thrale. Minumulto kaya siya?

"M-Mom." Paos ang kaniyang boses. Hindi niya alam kung paano sasabihin. "I saw Arella."

"She's dead, Thrale, umayos ka nga." Kalmado ang boses ni mom kaya napabalik ulirat niya si kuya.

Umupo ito pero hindi mawala ang pagkunot ng kaniyang noo. Kahit kumakain siya, alam kong iniisip niya pa rin iyon.

"Who's Arella?" Mahinang bulong sa akin ni Link na kaming dalawa lang ang makakarinig.

"Our cousin." Sabi ko sa kaniya. Hindi niya ba iyon kilala? Ay, sabagay, medyo kasing edaran ko lang si Link.

"Ah." Tango tango nitong sabi.

Base sa obserbasyon ko, mukhang iniisip din ni Link kung sino ang Arella na iyon. Para bang narinig niya na ang pangalan.

Kanino bang pamilya si Arella?

Nasa gitna ako ng pagkain nang maramdaman kong nakatingin sa akin si kuya kaya tiningnan ko rin siya. Nakunot pa rin ang kaniyang noo, nag-iisip pero bakit kailangan pa akong tingnan?

"Thrale?" Mahina kong banggit sa pangalan niya. Hindi naman maririnig ni mom, magagalit iyon dahil hindi ko siya tinawag na kuya.

Pumikit siya at umiling-iling. Nagpapanggap na ayos na siya pero sa aking palagay, hindi.

LUMIPAS na naman ang ilang araw, wala na naman si mom sa bahay kaya medyo kabado ako sa aking sarili. Oo, sa sarili ako kinakabahan baka ano na namang maramdaman nito. Ayoko nang maramdaman ulit 'yon, bihira nalang iyon dahil minsan ko nalang lapitan si kuya. Mukha namang hindi siya nakakahalata dahil nandiyan naman si ate Anissa. Wala siyang hahanaping atensyon ko.

Dahil buryong-buryo na ako sa loob ng bahay, kinuha ko ang aking laptop at pumunta sa balkonahe. Tinawagan ko si Amira na nasagot naman niya agad.

"Hello, Thrizel, kumusta ka? Kumusta ang graduation ni Kuya Thrale? Pakisabi congrats." Nakaupo siya sa sala, kumakain.

"Mamaya." Sagot ko sa kaniya.

Nangunot ang kaniyang noo at sinipat ako ng maigi. "Are you okay?"

"Of course." Tumawa ako sa kaniya para ipaalam na ayos lang talaga ako.

"By the way, naalala mo pa si Kein?" Kein? Sino?

"Who's Kein?"

"'Yong kaibigan ni kuya, nakasigaw nga iyon kanina." Sa pagkaka-alala ko, kaibigan iyon nila Thrale kaso sobrang tagal na. Hindi na nagparamdam.

"Oh, tapos?"

"Tanga e, banggain ba naman 'yong truck, iyon nasa ospital HAHAHAHAHAHAHAHA." Umiling-iling si Amira. "Narinig ko lang kay kuya, hindi ko na rin kasi nakikita iyon."

"Same."

Marami pa kaming pinag-usapan ni Amira hanggang sa patayin niya na dahil tinatawag siya ng kaniyang mommy. Ako naman ay bumalik sa kwarto, hindi alam ang gagawin. Ayoko ring lumabas dito dahil nasa sala sila kuya. Ayokong makisalamuha sa kanila, kung ganito mapapanatag ang loob ko. Wala na akong ibang pagpipilian.

Maya-maya lang ay may narinig akong kotse, sumilip akong bintana. Nakita kong aalis si kuya mag-isa, saan naman kaya ito pupunta? Seryoso ang kaniyang reaksyon at sa palagay ko, nagmamadali ito. Wala naman na siyang ibang pupuntahan dahil nandidito si ate Anissa. Madaling-madali pa siya, huh?

Nang makaalis siya at bumaba na ako. Pababa ako ng hagdan nang masalubong ko si Link. Seryoso rin ang reaksyon nito, ano kayang mayroon sa kanila? Hindi ko na iyon pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad ngunit nagulat ako nang hatakin ni Link ang aking pulsuhan.

"What, Link?!" Naiinis kong tanong sa kaniya, mahigpit ang hawak. Anong problema ng lalaking ito? Bakit ganiyan siya umasta?

Nang makarating kami sa taas, doon niya lang ako binitawan. "Stop that, Thrizel!" Halos pabulong niyang sigaw sa akin. Hinihinaan ang boses para walang makarinig.

"That?" Kunot noo kong tanong. Anong ibig niyang sabihin?

"Your fucking feelings for Thrale!" Nanlaki ang aking mga mata at natigilan. Hindi ako nakapagsalita, puro isip ko ang gumana. Gano'n ba ako kahalata na may gusto ako kay Thrale? Napapansin din kaya ni ate Anissa? Paano nila nalaman?

"Thrizel." Sa ngayon, kalmado ang boses niya. Hindi ako nagsalita, nakatingin lang ako sa kaniya. Natatakot ako, natatakot akong malaman ng iba ito. Pakiramdam ko, mandidiri sila sa akin at magagalit.

"Thrizel." Hinawakan ni Link ang aking balikat pero ‘gaya ng kanina, hindi ako kumibo. Titig na titig ako sa kaniya. Muli siyang nagsalita. "I’m here, nandito ako palagi, shh." Yinakap niya ako. Doon lang tumulo ang aking luha.

"Unang kita ko palang sa inyo ni Thrale. Kaya gano’n ako manuri, una palang ay halata ko na. Nag-aalala ako sa ‘yo kaya sabi ko kay mom ay dito ako magbabakasyon, hindi para sa kumpirmasyon, gusto rin kitang tulungan. Naalala mo ‘yong sinabi kong tanggihan mo, huwag mong tanggapin? Inaako mo kasi sa sarili mong in love ka talaga sa kaniya. Thrizel, kitang-kita ko sa mata mo ang selos lalo na’t nakasunod ka ng tingin kila Thrale no’n. Tigilan mo, ikaw ang masasaktan, hindi kayo p’wede." Bumitaw siya sa pagkakayakap at hinarap ako sa kaniya. "Hindi lahat ng gusto ay nakukuha, hindi ko alam kung bakit mo iyan nararamdaman. Siguro ay sa kilos ni Thrale na protective, binibigyan mo yata ng kahulugan. Pero paano kung lumalim ‘yan? Ikaw ang kawawa, Thrizel, masisira kayo, maraming masisira. Thrale treats you as a sister, no one else. He loves Anissa. When someone loves someone, it is difficult to love another. Hindi ko sinabing may pag-asa ka kasi unang una palang, wala na."

Wala akong naging salita sa kaniya.

"You need a rest, ilang araw ka ng walang tulog. Akala mo ba hindi ko alam?"

Hinatid niya ako sa kwarto, hiniga sa kama. "Fix yourself." Ngumiti siya sa akin. Pumunta sa pinto para patayin ang ilaw saka na siya lumabas.

Hindi na ako nag-isip ng kung ano ano. Ayokong abusuhin ang aking sarili kaya mabilis akong nakatulog.

"DAD, nasasaktan ako!" Sigaw ko sa aking daddy dahil ang higpit ng hawak niya sa aking braso. Minsan nalang siya umuwi, miss na miss ko na siya pero bakit ganito nalang siya umasta sa akin? Akala ko ba mahal niya ako? Sinasaktan niya ako!

Patuloy ako sa pag-iyak, ayaw niya akong pakinggan.

"Dadddddddd!" Piglas ako nang piglas pero para siyang walang marinig. Where's mom? Bakit hindi niya sinusuyaw si dad? Bakit hindi niya ako kinukuha? Ang tagal-tagal niyang umuwi.

Sinalampak ako ni dad sa bodega. Galit itong sumigaw sa akin. "Huwag na huwag kang pupunta kila Threa, naiintindihan mo?!"

"But dad, sinauli ako ni mom kila Mommy Thre—"

"Huwag na huwag kang lalabas hangga’t hindi ko sinasabi saka don’t call me dad, I’m not your father."

"Alam ko naman po, mukha po kasi kayong tata—"

"Ayokong marinig ang boses mo, shut up—"

Natigil sa pagsasalita si dad nang may kumatok sa pinto. "Sir, sir, nandito po si ma’am, kanina pa kayo tinatawag."

"Oh my god, momm—"

"Huwag lang lalabas!"

Hindi natuloy ang aking pagsigaw dahil sa kaniya. Bakit ang sama niya sa akin ngayon? Ang bait bait niya, kawawa naman ako rito, nasa bodega. Sinong kakausapin ko rito? Itong sirang telebisyon namin? Siguro dito na ang bago kong tirahan. Ayaw ako palabasin ng aking tatay.

Oh my gosh, hindi ko pala siya tatay.

Ayaw ako palabasin ni manong.

Tahimik lang ako rito dahil iyon ang utos niya. Nag-uusap sila ni mom kaya nakinig ako.

"Nasaan ang anak ko?" Rinig na tanong ni mom. Nandito kaya ako, ayaw niya kasing pumasok dito puro pagtatanong.

"Umalis ka na rito, hindi ka namin kailangan." Kailangan ko kaya si mom. Bata lang ako pero gusto ko ring magdesisyon.

"Where’s my daughter?!" Iyon ang huli kong rinig na sigaw ni mom. Umalis sila ni dad, hindi man lang ako sinama.

Kawawa talaga ako.

Tumayo ako at nilibot ang bodegang ito, dati sinasabi nila sa akin na huwag akong papasok dito dahil maalikabok tapos naman ngayon, huwag daw ako lalabas. Ano kaya ‘yon? Napapraning na ang aking tatay.

"Hala." Nakita ko ang aking barbie. "Ang tagal-tagal na kitang hinahanap, nandito ka lang pala. Tinapon ka siguro ni dad." Inayos ko ang kaniyang hair dahil magulo. "Ang pangit na ng buhok mo."

Nawala ang atensyon ko sa aking barbie. Napatingin ako sa aking harapan dahil may salamin doon.

NAPABALIKWAS ako ng bangon, ang lakas ng tibok ng aking puso dahil sa panaginip na iyon.

Hindi.

Hindi ako ang batang iyon, hindi ako siya.

Itutuloy...


Continue Reading

You'll Also Like

24.4K 564 31
BKDK STORY !!! we are two years further than in the normal anime they should be all arround 17/18 Uraraka and Izuku have been dating .But the relat...
53.5K 1.1K 34
date started: October 31, 2018. date ended: January 7, 2019.
308K 18.4K 40
You live in a different time zone Think I know what this is It's just the time's wrong
98.7K 1.4K 49
𝐈𝐭𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐝𝐚𝐲 𝐛𝐚𝐜𝐤 𝐭𝐨 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 , 𝐀𝐚𝐥𝐢𝐲𝐚𝐡 𝐢𝐬 𝐧𝐨𝐰 𝐢𝐧 𝟏𝟎𝐭𝐡 𝐠𝐫𝐚𝐝𝐞, 𝐰𝐡𝐢𝐥𝐞 𝐬𝐡𝐞𝐬 𝐭𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐬𝐡...