Thrizel’s POV
"Aray!" Sigaw ko nang matisod ako. Ang bilis kasi maglakad ni Phryx. Matapos ang aming klase ay nakaabang siya sa paglabas ko sa aking silid-aralan. Hindi nga ako nagkakamali. May kailangan na naman siya at gusto niya akong makausap. Tsk.
Kasi ito ang huli, hindi talaga gentleman ang lalaking ito. Sobrang bilis niya maglakad na halos takbuhin ko siya. Tsk, hindi niya man lang ako inalalayan o kaya hintayin. Nakakainis itong lalaking ‘to. Bakit ba kasi uto-uto rin ako at sunod sunuran sa kaniya? Argh.
Kaya ang ginawa ko ay huminto. Likod niya ang aking nakikita, papalayo ito sa akin. Pagod na akong maglakad kaya ang ginawa ko ay tumalikod na. Ang kaso nagulat ako nang bigla akong umangat.
Is he crazy?! Bakit niya ako binubuhat?
"Ibaba mo nga ako!" Pagpalo ko sa kaniyang braso ngunit para itong walang narinig.
Nandito pa naman kami sa likod ng paaralan. Baka may makakita sa aking estudiyante ngunit wala naman ng naglalakad.
"Phryx, ano ba?! Hindi kita kilala, don’t touch me!" Kaso parang wala talaga siyang narinig, patuloy lang ito. Ako lang ang napapagod sa kakapiglas kaya nanahimik nalang ako.
Binaba niya ako nang makarating kami sa isang pasilyo. Walang estudiyante rito, bihira lang gamitin ang building na ito. Bakit niya ako dinala rito? Ano namang gagawin namin?
Dahil isip ako nang isip, tinanong ko siya. "May masama ba tayong gagawin? Bakit tayo nandidito?" Inosente kong tanong at nilibot ang paningin sa kabuoan ng pasilyo. Bigla naman akong natakot dahil naalala ko iyong nagpakita sa akin si Kristina. Gosh, bakit ko pa ba iyon naiisip?
"Tsk." Rinig kong singhal niya at tinanggal ang kaniyang bag pack sa likod. Sinabit niya ito sa isang pintuan. Nangunot ang aking noo dahil parang inaayos niya ang kaniyang likod.
"What are you doing?" Nakuha ko nang magtanong.
"I have back injury." Simpleng sagot nito.
"From fall?"
Tumango siya. "Ayos naman na ito kaso binuhat kita kaya mas lalong sumakit." Magrereklamo sana ako nang inunahan niya ako sa pagsasalita. "Nakakahiya naman kung hahayaan lang kita. Tsk."
"Saan ka ba nahulog?"
"Kay Redelyn."
"Corny." Ako kay kuya, kidding. Corny ko rin.
Naglakad na kaming dalawa. Pumasok kami sa isang silid. Dumiretso siya sa isang kabinet at may kinuha. Record book yata ito sa pagkakaalam ko. Nilapag niya ito sa aking harapan.
"Anong gagawin ko riyan?"
Hindi siya sumagot. Sinara niya ang kabinet at bumalik sa aking p’westo. Maalikabok iyon kaya napaubo ako. ‘Ngina. Binuklat-buklat niya pa, may hinahanap. Maya-maya ay may hinintuan at humarap sa akin.
"She is Redelyn Gauniria, my girlfriend." Tiningnan ko ang kaniyang tinuro. Hindi ko maaninag ang kaniyang mukha kaya hindi ko mawari kung totoo ba talaga ang sinasabi ni Phryx na kamukha ko talaga ito.
"Then?" Napaisip-isip ako. "Baka patay na ang girlfriend mo. Ang tagal na niyan e, inaalikabok na nga at sunog, oh."
Dumilim ang kaniyang mukha pero hindi ako natinag doon. Hindi na ako natatako—argh, I hate Blue. Nakaramdam ulit ako ng takot nang hinulog niya ako sa swimming pool.
"Remember? Nasunog ang building na ito last year." Bigla akong kinabahan sa kaniyang sinabi. Oo, naaalala ko, nasunog ito noong nakaraang taon. Nagmukha lang maayos dahil pininturahan.
"Wahhhh!" Bigla akong napasigaw. "Baka may multo na namang magpakita sa akin, ah!"
Kita ko ang kaniyang pagngisi. "Sa ‘yo, wala, sa akin, mayroon." Tumingin siya sa pintuan, hindi ko tiningnan iyon. "Iyon siya oh. Nakasuot ng uniporme, mahaba ang buhok at miiyak. Kanina pa iyan nakasunod sa atin nang makarating tayo rito. Kanina nga nasa likod mo siya nang pumunta akong kabinet. Pinaalis ko lang dahil istorbo."
Hindi ko na natiis. Pumunta na akong likuran ni Phryx, nasa likod ko kasi ang tinutukoy niyang pinto.
"Kalma." Hindi siya natatakot! Ano ba itong lalaking ‘to?! "Pinagbawalan ko na siyang lapitan ka niya." Hindi niya ako nakumbinsi. Nananatiling nasa likuran niya ako.
"Hays, babae nga naman." Iling-iling niya. "So iyon nga. Nasunog ang building na ito, nandidito ang girlfriend ko. Walang nakitang bangkay niya, ni-identification ay wala."
"Nasa akin ang identification niya, napulot ko sa hallway."
"Ibigay mo sa akin sa susunod." Nagpatuloy siya. "Sa lahat ng estudiyanteng nandidito, siya lang ang hindi pa nahahanap. Wala na akong litrato niya dahil simula nang mangyari ang pangyayaring iyon, para akong nabaliw."
"Baliw ka nga ngayon, e."
Inirapan ako nito. "Kamukhang-kamukha mo siya kaya pinagkamalan kitang si Redelyn. Unang kita ko sa ‘yo." Napatigil siya sa pagsasalita. Inangat niya ang kaniyang tingin sa pinto. "Tsk, dumalaw lang naman kami. Huwag ka ngang manggulo. Alam kong mag-6:00 pm na, mamaya ka na magmulto." Kingina niya talaga. May multo pala rito, bakit pa ako sumama?!
Sinarado niya ang record book at sinauli sa kabinet. Pati pagsauli niya ay sumama ako. Dadaan kami roon sa tinutukoy niyang babaeng nakatayo kaya hinatak ko siya sa isang pintuan pero pinigilan niya ako.
"Sure kang diyan sa dadaan?" Paninigurado nito.
Nangunit ang aking noo. "Bakit?"
"May gurong nakatingin sa atin, nakakunot ang kaniyang noo habang pinapanood tayo."
Hindi na ako nakatiis. Tumakbo na ako palabas, wala akong pakialam kung saan ako dumaan. Nang makapunta ako sa labas ng building, doon lang ako nakahinga ng maluwag kaso nga lang...
Bigla akong napatingin sa third floor. May babaeng nakasilip sa akin, parehas kami ng uniporme. Hindi ako natakot doon. Naalala ko, nakakakita rin pala ako ng kaluluwa. Kingina. Nawala ang atensyon ko sa kaniya nang dumating na si Phryx, kalmado itong lumapit sa akin.
"Tara na baka himatayin ka."
Hinatak niya ako. Naglakad na kami kaso kusa kong binalik ang tingin ko sa building. Nakita kong may nakatayong isang guro, ito yata ang tinutukoy ni Phryx.
NAKARATING akong bahay, bago pumasok ay sinilip ko ang bahay nila Amira. Sarado ang gate pati ang main door, walang ka-ilaw ilaw. Kumusta na kaya iyon? Tawagan ko kaya siya?
Pumasok na akong loob. Nabutan ko si Link na nakaupo sa sofa, naglalaro ng kaniyang online games. Nilapitan ko ito.
"Where's manang and kuya?"
Tiningnan ako nito mula paa hanggang ulo. Nangunot ang aking noo. Anong nangyari dito? Para niya akong sinusuri.
"Why, Link?"
Umiling siya at sumagot. "Namalengke si manang while si Thrale, sinundo si Anissa."
"Okay." Sagot ko sa kaniya. Tatalikod na dapat nang muli siyang magsalita.
"What’s wrong, Thrizel?"
Muli akong humarap sa kaniya. "Huh? Bakit? Nothing."
"Bigla kang nawala sa mood. Tsk." Hindi ko maintindihan itong si Link. Wala ba ito sa mood kaya ganito umasta sa akin?
"What’s wrong with you?" Pabalik kong tanong sa kaniya.
Napalabi ito at muling tinuon ang tingin sa selpon. "Nagtataka lang."
"Nagtataka, saan?"
Napabuntong hininga ito at tumayo. "Nagtataka kung anong mayroon sa bahay na ‘to."
Iniwan niya ako ritong nakakunot ang noo. Anong sinasabi niya? May iba ba sa bahay na ‘to? Bakit parang ang wirdo niya ngayon? Wala na si tita kaya sigurado akong umuwi na iyon, pero bakit gano'n si Link ngayon? Nag-away ba sila? Pati kasi ako nagtataka, hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya.
Wala na akong nagawa kun'di ang pumasok nalang sa kwarto. Gusto ko siyang puntahan sa kwarto para tanongin pero iisipin ko palang, sigurado akong wala siyang balak sagutin. Nang makapagpahinga ako ay pumunta akong kusina para kumain.
Mag-isa lang akong kumakain. Marami akong iniisip, ano bang nangyayari sa buhay ko? Wala nga akong boyfriend, mga taong nakapaligid naman sa akin ang nagbibigay sakit sa ulo. ‘Gaya ng sinabi ni Dominic, stay away from your brother daw, why? Bakit ako lalayo kay kuya? Anong dahilan niya? Si Phryx, kamukha ko raw ang kaniyang girlfriend na si Redelyn Gauniriam Paano kami magiging magkamukha no’n? Hindi ko alam ang mukha ni Redelyn kaya gano’n nalang ang pagtataka ko.
Si Ryke naman, ilang araw na siyang hindi nagpapakita sa akin. Naalala ko ang huli niyang sinabi ay lagi siyang nasa tabi ko, pero ngayon? Nasaan na iyon? While si Brooks, hindi ko alam kung anong papel no'n sa buhay ko. May dahilan daw siya kung bakit hindi niya ako niligtas. Ano naman iyon? Si Blue, salot iyon sa buhay ko.
Nawala ako sa pag-iisip nang may marinig akong tunog ng kotse, ibig sabihin ay nandiyan na si kuya. Hindi ako tumayo rito, tulala habang kumakain. Alangan salubongin ko siya? Oo, dati, sinasalubong ko siya, dati lang naman iyon noong grade 7 ako. Ewan, nang maggrade 9 ako ay nag-iba ang pakikitungo ko sa kaniya.
Narinig kong bumukas ang main door, pumasok na siya. "Thrizel!" Agad niyang sinigaw ang aking pangalan, ano naman kayang kailangan niya? Tinatawag niya lang ang aking pangalan kapag may nagawa akong kasalanan pero wala naman sa pagkakaalam ko.
"Why?" Pasigaw ko rito sa kusina. Agad naman siyang pumasok.
Nakangiti ito. Napatingin ako sa hawak niya. Bag? Anong gagawin niya riyan?
"Ano ‘yon?" Tanong ko muli.
"Dito muna titira sa atin si Anissa."
How about me naman?
Itutuloy...