Loving My Brother #1: Thrale'...

By ziryanggg

183K 7K 704

Bakit ganoon? Bakit ako nakakaramdaman nito? Nakadidiri. Nasasaktan ako because he can't love me back? So ov... More

I love you, kuya.
Prologue:
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 20:
Chapter 21:
Chapter 22:
Chapter 23:
Chapter 24:
Chapter 25:
Chapter 26:
Chapter 27:
Chapter 28:
Chapter 29:
Chapter 30:
Chapter 31:
Chapter 32:
Chapter 33:
Chapter 34:
Chapter 35:
Chapter 36:
Chapter 37:
Chapter 38:
Chapter 39:
Chapter 41:
Chapter 42:
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 45:
Chapter 46:
Chapter 47:
Chapter 48:
Chapter 49:
Chapter 50:
Chapter 51:
Chapter 52:
Chapter 53:
Chapter 54:
Chapter 55:
Chapter 56:
Chapter 57:
Chapter 58:
Chapter 59:
Chapter 60: Confession
Chapter 61:
Chapter 62:
Chapter 63:
Chapter 64:
Chapter 65:
Chapter 66:
Chapter 67:
Chapter 68:
Chapter 69:
Chapter 70:
Chapter 71:
Chapter 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82.
Chapter 83:
Chapter 84:
Author's note:

Chapter 40:

1.2K 65 1
By ziryanggg

Thrizel's POV

Nagdidilig ako ngayon ng aming mga halaman, katulong ko ang aming kasambahay. Sabado ngayon kaya wala akong pasok. Nasa paggugupit ako ng mga dahon nang magsalita ang katulog ko rito.

"Ma’am, kita ko pong nag-away kayo ni Thrale noong nakaraang gabi, anong pong mayroon?" Natigilan ako ng sandali sa kaniyang tinanong. May pagkachismosa. Hmp.

Ngumiti ako sa kaniya. "Tapos naman na po iyon, away magkapatid lang."

"Sus, hindi naman kayo magkapatid niyan ni Sir Thrale e." Bigla itong tumawa. Iyan din iyong sabi niya kay mom nang makasama niya ito sa pag-aasikaso ng mga halaman.

Nangunot ang noo ko roon. "Paano niyo po nasabi?" Saka muling bumalik sa ginagawa. "Nandito po ba kayo nang ipanganak kami?"

Humalakhak ito kaya mas lalong nangunot ang aking noo. "Hindi, isang taon palang ako rito sa inyo e. Jusko, hija, hindi ka mabiro." Jusko ka rin, pinapakaba mo ako at pinag-iisip.

Pinapaasa na rin, joke HAHAHAHAHAHAHA.

Bigla namang may tumawag ng aking pangalan galing sa gate kaya tiningnan ko ito. Nakita ko si Amira na nakabihis, aalis siya? Saan naman pupunta ang babaeng ito? Kapag kaya may lakad siya ay pinapaalam niya sa akin.

"Good morning, Thrizel." Malawak ang ngiti niya sa labi, halatang nasa magandang kalagayan. Ano kayang mayroon sa babaeng ito? Paiba-iba siya ng kinikilos.

"Good morning." Kalmado kong bati pabalik at humarap sa kaniya. "Aalis ka?"

"No, aalis tayo, bilis!" Sabik ang kaniyang boses pero ako, hanggang ngayon ay nakakunot ang noo.

"Tayo?"

"Of course, punta kayong mall or what, please. Libre ko, sama ka na." Ngumuso pa ito sa aking harapan. Himala, ah? Ngayon nalang ulit siya nagyaya. Bakit kaya?

"Okay, okay, magbibihis lang ako."

"Yehey!"

Nagpaalam ako sa aming kasambahay. Pumasok ako sa loob, nakita ko si kuyang pababa. Hawak-hawak niya ang kaniyang laptop. Bahagya pang nangunot ang noo nito dahil nakita niya si Amira.

"Oh, saan kayo?" Agad niyang tanong sa amin nang makalapit.

Sumagot ako. "Mall lang, kuya. Sandali lang naman kami, right, Amira?"

"Oo, Kuya Thrale, kaya huwag ka ng kontra riyan. Hmp, hindi ko naman papabayaan ang kapatid mo."

"Okay." Sagot niya nalang kay Amira at tumingin na sa laptop. "Mag-ingat, huh."

Tumakbo na ako papasok sa kwarto. Agad akong nag-ayos ng aking sarili nang matapos ay bumaba. Nakita kong nakaupo si Amira sa sofa. Kinakausap niya si kuya Thrale, mukha naman itong nag-eenjoy.

"Hoy, tara na." Agaw atensyon ko rito. Tumayo ito at kumaway pa kay kuya. Para siyang nang-aasar.

Nangunot ang aking noo at nilibot ang paningin sa loob ng bahay. "By the way, kuya, nasaan si Link?" Kaninang umaga ko pa siya hindi nakikita. Anong oras na kaya, maaga lagi iyon gumigising.

"Hmm? Sinundo ang mommy niya, mukhang pupunta rito."

Tumango nalang ako, lumabas na kami ng bahay. Nakita kong nasa labas ang kotse nila Amira, mukhang iyon ang aming gagamitin. Nandodoon din ang kanilang driver. Sumakay na kami roon.

"Alis na po tayo, kuya." Sabi ni Amira dito. Tumango ito saka na nagpaandar.

Nasa biyahe kami nang magsalita si Amira. "Kumusta ka pala? Iyong nararamdaman mo kay kuya Thrale? Bumabalik ba?" Sasabihin ko ba sa kaniyang mas lalong lumalalim? Sasabihin ko bang sinusunod ko ito kaysa pigilan?

"Wala naman na akong nararamdaman." Pagsisinungaling ko sa kaniya. Ayoko siyang mag-alala na mas lalo akong nababaliw roon. "Don’t worry, I'm okay."

"Good to heard that ‘cause alam nating mali iyon, Thrizel." Kalmado niyang sabi. "Ganiyan ka lang dapat lagi, masayahin." Mukha ba akong araw araw malungkot? Marami pang kinuwento si Amira kaya tawa kami nang tawa.

Maya-maya lang ay nakarating na sa mall. Pumasok kaming dalawa ni Amira doon. Ngayon nalang ulit kami nagbonding ng ganito. Wala sanang susulpot at maninira, please lang.

"Tara, shopping muna tayooooo."

Wala na akong nagawa nang hatakin na ako nito. Tumingin kami ng kung ano-anong damit. Karamihan sa aking pinili ay kulay pula. Favorite color ko kasi siya.

Gumala pa kami ni Amira kung saan-saan. Para nga kaming walang kapaguran. Siglang-sigla si Amira. Sinong hindi mahahawa sa kaniya? Nagyaya si Amira na kumain dahil hindi pa raw siya nag-aalmusal. Baliw talaga, hindi muna kumain bago pumunta sa bahay.

Ngunit habang naghahanap kami kung saan p'wede kumain. May napansin ang aking mga mata, sabi ko ay walang susulpot. Nakita ko si Link na kasama ang kaniyang mommy. Mas pinili kong hatakin si Amira para magtago.

"Why?" Kunit noong tanong niya.

"Nandiyan sila Link."

Nakuha niya naman yata ang aking ibig sabihin kaya tumango na lamang siya. Tinitigan ko ang mukha ni tita, naramdaman kong nangunot ang aking noo. May sumagi sa aking isipan parang nakita ko na siya ngunit hindi ko lang maalala. Pilit kong kinukuha ang kabuoan ng awra niya para malaman kung saan ko nakita ang kaniyang mukha pero kahit anong gawin ko ay ayaw.

Natauhan lang ako nang kalabitin ako ni Amira. "Kanina pa sila wala. Tara na, Thrizel." Lutang akong tumango sa kaniya at sumunod.

Ngayon ay kumakain na kaming dalawa pero ako ay iniisip pa rin ang nangyari sa akin. Alam kong nakita ko na ang mommy ni Link nang pumunta kami sa kanila pero nang makita ko siya kanina, parang doon ko lang nalaman na familiar ang kaniyang mukha. Hindi ko talaga alam kung saan ko nakita, alam kong matagal na nangyari dahil hindi ko maalala.

"Kanina pa malalim ang iniisip mo, are you okay? Nag-aalala ako."

Pinilig ko ang aking ulo. "Ayos lang ako, may iniisip lang. Enjoy nalang natin ‘to ‘no. Haha." Mukhang napasang-ayon ko naman siyang ayos lang ako dahil sa aking pagtawa.

Inalis ko sa aking isip ang bumabagabag sa akin. Tinuon ko nalang ang aking atensyon sa paggala namin ni Amira. Pumunta pa kami sa playing area at naglaro ng kung ano-ano. Kumuha rin kami ng litrato kung saan-saan. Nang mapagod kaming dalawa ay lumabas na kami ng mall. Handa nang umuwi.

"Nag-enjoy ka? Hahaha, kahit tayong dalawa lang ang sa ‘yo ‘no?" Malawak ang ngiti niya. Ang sarap pagmasdan.

"Of course." Proud kong sagot.

Nagtaxi nalang kami dahil pinauwi na ni Amira ang kanilang driver kaysa paghintayin pa ito. Nakarating naman agad kami sa bahay, tiningnan ko kung anong oras na, 4:00 pm na pala. Medyo hindi ko namalayan ang oras, napasarap ako sa paggala.

"Ingat ka, babye. Thank you nga pala." Ngiti ko sa kaniya dahil papasok na ako sa loob. Agad akong nagtaka dahil hindi pa siya umaalis o sumagot lamang. "Bakit?" Paninigurado ko rito.

"Ano kasi, Thrizel..." May gusto siyang sabihin sa akin ngunit hindi niya matuloy. Parang nag-aalinlangan pa ito.

"Why?" Ayoko na ganiyan si Amira dahil alam ko na ang kasunod nito. Hindi ako sigurado pero para bang mananakit siya. Ano bang mayroon? "Kaya mo ba ako niyaya dahil may sasabihin ka?" Sineryoso ko ang aking boses para ipaalam sa kaniyang gusto ko nang malaman ang hindi niya masabi.

"Oum." Simpleng sagot nito. "I’m sorry." Huminga siya nang malalim. "I’ll leave you, we’re going to the States tomorrow. Kami nila mom kasama si Elkhurt." Hindi ako nakasagot doon, hinihintay ko ang kaniyang susunod na sasabihin. "Kailangan lang talaga. Thrizel, sorry."

"Bakit kailangan?" Bigla akong nalungkot sa kaniyang sinabi. Ang tagal na naming magkaibigan ni Amira.

"Pansin ko noong nakaraang araw ay wala ako sa mood because my dad cheated on my mom. I'm sorry kung hindi ko sinabi no'ng nagtanong ka, ayoko lang na mag-alala ka." Pansin kong may namumuong luha sa kaniyang mga mata. "Bukas na bukas ay aalis na kami, pilit kong tumutol sa gusto ni mom pero anak lang ako. Siya pa rin ang masusunod. Si kuya ay hindi na tumutol dahil galit din siya kay dad."

Lumapit ako sa kaniya at yinakap ko siya. Doon bumubos ang kaniyang luha kaya pala gano'n nalang siya noong nakaraang araw dahil may problema pala sa kanilang pamilya.

"K-Kahit naman umalis ako, you’re still my friends, Thrizel." Hikbi pa rin siya nang hikbi. Ramdam ko ang sakit na kaniyang nararamdaman. "Hindi kita kakalimutan. Kaya ko namang tumawag at kumustahin ka araw-araw. Kapag may problema ka. You can call me, huwag mo akong ipagpalit huh?"

Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kaniya. Pinunasan ko ang aking luha dahil naiyak din ako. "Mag-ingat ka roon, huh? Huwag mo akong isipin, isipin mo kuna iyang problema mo. Hindi kita ipagpapalit, ano ka ba." Pilit kong tumawa sa kaniya. "Ito kasi nagpapaiyak e."

"Sorry na." Natatawa rin siyang pinunasan ang kaniyang luha. Matapos kaming mag-usap ay umuwi na siya. Sinipat ko ang bahay nila Amira, ang daming ilaw pati sa labas.

Simula bukas ay lagi nang madilim sa kanila. Wala na akong pupuntahan kapag nabuburyo ako sa bahay.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

7.4K 259 19
Everyone has an ideal man, ideal boyfriend but not me. Posted : May 26, 2021 - May 26, 2021 Pic is not mine... Credits to the rightful owner. Unedited
203K 10.2K 89
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...
49K 2.4K 29
paano kung ang isang tomboy ay ipag kasundong ipa kasal sa isang lalaki na unang kita pa nga lang nila ay palagi na syang inaasar could they can gai...