Loving My Brother #1: Thrale'...

By ziryanggg

183K 7K 704

Bakit ganoon? Bakit ako nakakaramdaman nito? Nakadidiri. Nasasaktan ako because he can't love me back? So ov... More

I love you, kuya.
Prologue:
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 20:
Chapter 21:
Chapter 22:
Chapter 23:
Chapter 24:
Chapter 25:
Chapter 26:
Chapter 27:
Chapter 28:
Chapter 29:
Chapter 30:
Chapter 31:
Chapter 32:
Chapter 33:
Chapter 34:
Chapter 35:
Chapter 36:
Chapter 37:
Chapter 38:
Chapter 40:
Chapter 41:
Chapter 42:
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 45:
Chapter 46:
Chapter 47:
Chapter 48:
Chapter 49:
Chapter 50:
Chapter 51:
Chapter 52:
Chapter 53:
Chapter 54:
Chapter 55:
Chapter 56:
Chapter 57:
Chapter 58:
Chapter 59:
Chapter 60: Confession
Chapter 61:
Chapter 62:
Chapter 63:
Chapter 64:
Chapter 65:
Chapter 66:
Chapter 67:
Chapter 68:
Chapter 69:
Chapter 70:
Chapter 71:
Chapter 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82.
Chapter 83:
Chapter 84:
Author's note:

Chapter 39:

1.1K 68 8
By ziryanggg

Thrizelʼs POV

Maaga akong nagising. Papasok pa ako sa paaralan. Tila tinatamad akong tumayo pero kailangan dahil ayokong makita ngayon si Thrale. Naiinis ako ng lalo sa kaniya.

Napabuntong hininga ako. "Hays." Umagang umaga siya na naman ang magiging problema ko.  Paano ba kasi hindi isipin ang lalaking ‘yon? Hays, kuya ko nga pala siya.

Pumunta na akong banyo para maligo. Nagsimula nang pumatak ang tubig galing sa shower. Sa bawat patak nito ay damang-dama ko.

Mabilis akong natapos kaya nagbihis na. Bumaba ako at naabutan ko si manang na naghahain ng mga pagkain. Pumunta ako sa kaniyang gawi.

Napatingin siya sa akin at nagsalita.
"Oh, Thrizel, hija. Ang aga mo naman gumising."

Tumango ako at bumati sa kaniya. "Good morning po."

Naupo na ako. Nakita kong paakyat si manang sa hagdan. Marahil ay gigisingin niya sila Thrale at Link. Hindi ko na ito pinansin at nagsimula nang kumain. Bahala sila riyan.

"Hi, good morning Thrizel. Ang aga mo naman yata." Napatingin ako sa nagsalita. Si Link, siya ang unang bumungad sa akin pero sa kaniyang likuran, nandoroon si Thrale.

Ngumiti ako sa kaniya bago bumati pabalik. “Morning.”

Nagsalita ang nasa likuran niya. "Morning."

"Same." Saka ako sumubo at tinuon ang atensyon sa pagkain.

Tahimik lang kaming kumakaing tatlo nang biglang nagsalita si Link. Mala-Elkhurt at Amira ito sa kadaldalan e. May mga oras na seryoso siya, mas guato ko pang ganoon siya umasta.

"Ang lamig. Grabe, gusto niyo buhusan ko kayo ng mainit?" Tanong niya sa amin ni Thrale kaya napatingin ako sa kaniya ng puno ng pagtataka. Kita ko namang natawa ito sa naging reaksyon ko. Walang naging reaksyon si Thrale. Pakialam ko ba sa kaniya?

"Wala, HAHAHAHAHA." Dagdag ni Link sa kaniyang sinabi. Napailing na lamang ako sa kaniya. Baliw na e. Alam ko namang kami ang tinutukoy niya ni Thrale.

"I'm done." Sabi ko at tumayo sa hapagkainan.

Naglakad ako paakyat ng hagdan para kunin ang gamit ko. Nang makuha ko na ito, saktong pagbaba ko ng hagdan ay ang paakyat naman si Thrale. Hindi ko siya pinansin pero nagtama ang mga balat namin. Ramdam kong para na naman akong napaso. Mawalak ang hagdan, alam kong sadya niya iyon. Ramdam ko ring sumulyap siya sa akin pero hindi ko na iyon binigdeal. Naglakad na ako ng tuloy-tuloy para makaalis na rito.

Naglakad na ako papuntang Circuim High School. Hindi ko na dinaanan pa si Amira. Marunong naman iyon pumasok mag-isa o baka nga magpahatid pa siya sa driver nila.

Mabilis naman akong nakarating. Wala pa gaanong studyante, talagang wala dahil maaga ako ng isang oras sa tamang pasok. Tumambay muna ako sa rooftop ng school. May mauupuan dito kaya inilagay ko ang aking bag doon at umupo. Malakas ang ihip ng hangin na tumatama sa aking balat.

"Oh, nandito ka." Salita na galing kay Dominic. Oo siya nga, kabisado ko na ang boses niya. Lagi nalang siyang sumusulpot.

"Masama?" Wala ako sa magandang kalagayan. Pakiramdam ko, dikit ka lang sa akin ay maiirita na ako. Maninigaw na.

"Hindi naman." Sagot niya sa aking tanong. Naupo siya sa aking tabi.

Hindi na ako nagsalita.

Kita ko sa aking peripheral vision na bumaling siya. "Umiiwas ka ba sa kuya mo? Hmm?” Lahat ba talaga ay gusto nitong malaman?

"Wala ka na ron." Tamad kong tugon dito.

"Ano nga bang bago sa 'yo? Lagi kang pabalang sumagot that's why I like you."

"Crush mo ba ako huh?"

"Huh?"

Sabay kaming napatanga. Maya-maya ay bigla itong natawa. Mukhang nakuha niya na ang ibig kong sabihin.

"I like your personality, I like teasing you." Seryoso siya na napapailing-iling. "Hʼwag kang assumera." Dagdag niya kaya naman napairap na lamang ako.
"Una na ako." Sabi niya at mabilis na nawala. Para talaga siyang bula.

Umalis na rin ako sa rooftop at pumunta ng silid. May mga tao na rito. Nandoon na rin si Amira. Kumaway siya nang nakita ako. Ngumiti rin.

"Morning."

Nginitian ko nalang siya  Saktong pag-upo ay dumating ang aming unang asignatura. Nakikinig ako maging si Amira. Nagpasulat ito kaya abala ang lahat sa pagsusulat. Napatigil lang nang kalabitin ako ng aking kaibigan. Napatingin ako sa kaniya.

"Pumunta rito kanina si Kuya Thrale, hinahanap ka." Oh? Kailangan na naman niya sa akin? Pumunta pa talaga rito. Nagkita naman kami sa bahay.

"Ah." Maikling sagot ko at nagsulat muli. Alam kong nakatingin pa rin siya sa akin. Nagtataka siguro kung bakit wala akong naging reaksyon.

Mabilis na natapos ang mga klase namin kaya nagbreaktime na kami. Pumunta kami ni Amira sa cafeteria, hindi ko nakikita si Ryke this fast few days. Anong nangyari sa lalaking yon?

"Nakakagutom." Reklamo ni Amira kaya napasimangot naman ako sa kaniya. Kaya nga kami nandito sa para kumain e.

"Order na tayo." Sabi ko rito at tinawag ang isang crew.

Mabilis namang dumating ang order namin. Kumain nalang kaming dalawa ni Amira dahil ayoko rin namang makipag-usap. Nang matapos, bumalik na kaming silid.

"Maaga raw uwian." Ani Amira.

"That’s good." Kaswal kong sagot.

Mabilis na lumipas ang oras. ‘Gaya nga ng sabi ni Amira, maaga ang uwian kaya ito kami naghihintay na tumunog ang bell. Maya-maya lang ay tumunog na ito. Kaya tumayo na ang lahat maging ako kaso biglang nagsalita si Amira.

"Thrizel, una na ako huh? Nagtext si kuya na nandyan daw sila ni mommy, nagmamadali e." Niyakap niya ako, kumaway at patakbong lumabas ng silid-aralan.

Lumabas na rin ako. Pagkababa ko ay si kuya ang bumungad sa akin. Wala na si Amira, nauna siyang umalis dahil tumawag si Elkhurt na nasa labas ng paaralan sila ng mommy niya. Siya na lamang ang hinihintay kaya ganito nalang ako magulat nang sumalubong sa akin ang kuya ko. Tiningnan ko na lamang siya. Hinawakan niya ako sa kamay.

"Sabay tayong uuwi." Sabi nito. Hindi ako pumalag dahil masyado akong tinatamad makipagtalo kay Thrale ngayon.

"P’wede mo na akong bitawan, hindi kita tatakasan." Sabi ko rito.

Pumasok na ako sa passenger seat. Umikot naman ito sa kabila at pumasok din. Nagsimula na siyang paandarin ang kotse paalis ng paaralan. Pansin ko na hindi ito ang daan pauwi kaya napatingin ako sa kaniya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang nakatingin sa daan. Hindi niya ako sinasagot kaya nainis ako sa kaniya. "Thrale, hindi ito ang daan pauwi." Matigas kong sabi. Diniinan ko pa ang kaniyang pangalan. Napansin ko na may dagat kaya napatingin muli ako sa kaniya. Seryoso pa rin sa pagmamaneho.

"We’re here." Napatingin ako sa labas. Sa sea sides pala kami pumunta. Lumabas siya kaya wala akong nagawa kun'di ang lumabas na rin.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa kaniya habang nililibot ang paningin sa dagat.

"Kakain ng buhangin."

Napasimangot ako dahil sa kaniyang sagot. "Sige, unahan mo na."

Naupo siya sa buhangin. Maya-maya ay umalis siya at bumalik sa kotse na parang may kukunin. Pagtingin ko ay may dala itong sapin at pagkain. Aba, pinaghandaan niya? Tiningnan ko lamang siya at binalik ang tingin sa mga alon.

Ramdam kong lumapit ito sa akin.

"Thrizel."

"Hmm?" Hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin.

"Alam ko masyado akong nagiging mahigpit sa ‘yo at alam ko minsan nasasakal ka sa mga pinagbabawal ko sa 'yo. Patawas kung napapabayaan kita." Huminga siya nang malalim, halatang kinakabahan. Hinihintay ko ang susunod niyang asabihin. "Ayoko lang na mapahamak ka. So can you forgive me? Sa mga pagkukulang ko sa 'yo at sa mga naging akto noong mga nakaraan?" May pagsusumamo sa boses niya. May kung anong humamplos sa puso kaya tumingin ako sa kaniya at ngumiti.

Niyakap ko siya nang mahigpit. Namiss ko na ganito kami ni kuya. "I'm sorry too kung pasaway ako at masyadong nagtampo sa 'yo." Ramdam ko naman na may tumulong luha sa mata ko. Agad ko itong pinunasan at natawa.

"Ayos lang sa akin, bati na ba tayo?" Tumango ako sa kaniya at ngumiti.

Naglakad-lakad kami sa mga dalampasigan. Maaga kaming pinauwi dahil may teacher's meeting. Naupo kami ngayon sa telang nilatag ni Thrale kanina. Saktong pag-upo namin ay ang paglubog ng araw kaya napangiti ako. Ang saya ko ngayon, iba ang pakiramdam ko ngayon. Ang sarap sa pakiramdam.

Kumain nalang kami ni kuya at naglaro na parang mga bata.

Thraleʼs POV

Napangiti ako nang mapatawad ako ng aking kapatid. Ramdam kong bumigat ang paghinga nito kaya tinignan ko siya, tulog na. Binuhat ko na ito at pinasok sa loob ng kotse at nilikpit ang mga dala ko kanina. Nagplano talaga ako kung paano sa hihingi ng tawad sa kaniya. Successful naman.

Pumasok na rin sa loob ng kotse. Inayos ko ang kaniyang pagkakahiga at nagsimula nang magmaneho pauwi ng bahay. Nakarating kami sa bahay. Tiningnan ko kung tulog pa rin si Thrizel. Napailing ako dahil tulog mantika talaga ang kapatid ko na ito.

Binuhat ko siya palabas ng kotse at inakyat na sa kwarto niya. Nilapag ko siya nang dahan-dahan at inalis ang kaniyang sapatos. Nilagyan siya ng kumot. Umupo ako sa gilid ng kaniyang kama at tinitigan ang kaniyang mukha. Maamo ito na parang anghel pero paggising ay dibale na lang.

Abala ako sa pagtingin sa kaniya nang sumagi sa isip ko ang sinabi niya na alamin ko kung anong nga ba ang aking dahilan sa pag-akto ko ng gano'n. Kahit ako ay hindi ko rin alam ang sagot kung bakit gano'n ang aking mga naging akto noong mga nakaraan. Huminga ako nang malalim at tiningnan si Thrizel, sobrang himbing matulog.

Lumabas ako ng kwarto niya. Pumasok sa kwarto ko. Dumiretso sa banyo para maligo. Hindi ko alam pero may iba akong naramdaman noong magkasama kami kanina. Nasasapawan niya kung ano ang nauna, parang bang...

"Argh, Thrale. What the fck? Kapatid mo siya."

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

260K 8.1K 186
What if a Pokémon Trainer found herself in the world of One Piece? What if she found herself with the Strawhat Pirates? What if she finds herself get...
1.4K 81 8
SHE HAD ALWAYS BEEN A SWEET GIRL, NELL McNULTY. COMPASSION LEARNT FROM HER MOTHER, AND A TENACITY INHERITED FROM HER F...
7.4K 259 19
Everyone has an ideal man, ideal boyfriend but not me. Posted : May 26, 2021 - May 26, 2021 Pic is not mine... Credits to the rightful owner. Unedited