Loving My Brother #1: Thrale'...

By ziryanggg

183K 7K 704

Bakit ganoon? Bakit ako nakakaramdaman nito? Nakadidiri. Nasasaktan ako because he can't love me back? So ov... More

I love you, kuya.
Prologue:
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 20:
Chapter 21:
Chapter 22:
Chapter 23:
Chapter 24:
Chapter 25:
Chapter 26:
Chapter 27:
Chapter 28:
Chapter 29:
Chapter 30:
Chapter 31:
Chapter 32:
Chapter 33:
Chapter 34:
Chapter 35:
Chapter 36:
Chapter 37:
Chapter 39:
Chapter 40:
Chapter 41:
Chapter 42:
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 45:
Chapter 46:
Chapter 47:
Chapter 48:
Chapter 49:
Chapter 50:
Chapter 51:
Chapter 52:
Chapter 53:
Chapter 54:
Chapter 55:
Chapter 56:
Chapter 57:
Chapter 58:
Chapter 59:
Chapter 60: Confession
Chapter 61:
Chapter 62:
Chapter 63:
Chapter 64:
Chapter 65:
Chapter 66:
Chapter 67:
Chapter 68:
Chapter 69:
Chapter 70:
Chapter 71:
Chapter 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82.
Chapter 83:
Chapter 84:
Author's note:

Chapter 38:

1.1K 67 4
By ziryanggg

Thrale’s POV

Kakatapos lang ng libing ng nanay ni Anissa ngunit nandidito pa rin kami sa sementeryo. Nakatingin ako kay Anissa na nakaupo pa rin sa bermuda grass, iyak siya nang iyak. Hindi ko naman siyang magawang iwan dito.

"Anissa, umuwi na tayo." Kanina ko pa sinasabi iyan sa kaniya ngunit ang laging sagot niya ay mamaya nalang. Siguro ay samahan ko nalang siya rito, naiintindihan ko naman kung bakit siya ganiyan ngayon.

"Hindi ka pa ba nagugutom?" Kanina pa talaga kami nandidito. Ang mga tao ay wala na, ang mga nakilibing. Kakaunti na lamang. Nagugutom na rin ako.

Inilibot ko ang aking paningin. Nakita ko ang kotse ni Link, alam kong sa loob no'n ay nandodoon si Thrizel. Sabi ko ay mauna na sila pero mas pinili nila kaming hintayin ni Anissa.

"I'm not, Thrale." Mahina niyang sagot.

Kumuha ako ng upuan at umupo roon. Binantayan ko na lamang siya. Isang oras pa ang lumipas, nandidito pa rin kami. Siguro ay mahirap talagang mawalan ng magulang, nararamdaman ko ‘yon kay Anissa. Intindihin ko nalang ang aking nobya. Sa oras na ganito, she needs me.

Napatingin ako nang bumukas ang pinto ng sasakyan ni Link, bumaba roon ang aking kapatid. Napapikit siya dahil tinamaan siya sa mukha ng sinag ng araw. Nang maging maayos ang paningin, agad itong tumingin sa amin. Naglakad siya papalapit.

"Sobrang init na, wala pa kayong balak umuwi?" Seryoso ang kaniyang pagtatanong. Mula kasi kanina ay ramdam ko nang wala ito sa magandang kalagayan. Hindi ko naman alam ang kaniyang dahilan. Iba siya kapag nagtatampo, iba siya kapag wala sa mood. May problema siya kapag gano’n.

Tumayo na si Anissa, humarap ito sa‘ming dalawa. "Let's go, Thrizel, Thrale." Maga ang kaniyang mata. Halatang umiyak siya nang umiyak.

Inalalayan ko siyang maglakad. Pinauna kami ni Thrizel, nakasunod siya sa amin ngayon. Sa kotse kami ni Link sumakay, sa backseat kaming dalawa ni Anissa, sa passenger umupo si Thrizel.

"Hi, Anissa, magiging ayos ka rin." Ngumiti naman ito ng pilit dito ang aking nobya.

Nag-umpisa nang magmaneho si Link. Tahimik lang kami, wala si Amira na madaldal, si Link naman ang pumalit. Panay ito pagtatanong kay Thrizel.

"Hmm? E, kailan ba uuwi sila Tita Threa?" Nangunot ang noo ng aking kapatid, kita ko iyon sa salamin. Para bang may ibang binanggit sa kaniya si Link.

"I don’t know, Link." Sagot niya, maayos ang boses. Maayos naman kasi ang pakikitungo sa kaniya ni Link, ayaw niya itong idamay sa pagkakawala niya sa mood.

"By the way, anong ginagawa mo kahapon sa coffee shop?" Nangunot ang aking noo dahil sa tanong nito. Nagpatuloy siya. "I can locate you. I can track your cellphone number, Thrizel."

Ewan ko kung nananadya si Link. Bakit kailangan niya ngayon itanong kung kailan kasama nila kami. Pero ayos na ‘yon, alam ko na kung saan galing itong kapatid ko.

"Meeting someone." Tipid na sagot ng aking kapatid.

Tumingin siya sa labas ng bintana. Alam kong hindi na siya mapakali dahil may nalaman ako kay Link na hindi niya sinabi sa akin kahapon.

Tumikhim ako at nagtanong. "Someone?" Nasa harap ko lang siya. Tiningnan ko ito kahit nakatalikod, hinihintay ang kaniyang sagot.

"Labas ka na ro’n."

"Tsk."

Nagsalita naman si Anissa. "Malaki na si Thrizel, alam niya na ang kaniyang ginagawa. Alam kong ang protective niyong dalawa pero hindi sa lahat ng oras ay gano'n."

Napabuntong hininga ako at pasimpleng bumulong kay Thrizel. "We're not done yet, Thrizel." Nang matapos kong sabihin iyon, kita kong nakatingin sa akin si Link. Hindi ko siya pinansin, dapat masanay na siyang ganiyan kami ni Thrizel.

Nakarating naman kami sa bahay nila Anissa. Medyo kakaunti nalang ang tao, dumiretso kaming loob. Naghugas kami ng kamay at kumain. Habang kumakain kami ay hindi maalis ang paningin ko kay Thrizel, inoobserbahan ko ang kaniyang mga kilos kung anong mali roon.

Nawala lang ang aking atensyon nang tumunog ang kaniyang selpon. Bumungad sa akin ang pangalan ni Dominic, ano na namang kailangan ng lalaking ito? Bakit nahahalata ko ay sobra na niyang lapit sa aking kapatid? May namamagitan ba sa kanila?

Humigpit ang hawak ko sa mga kubyertos. Sa oras na ito ay naiinis ako. Tsk. Binilisan ko na ang pagkain dahil patapos na si Anissa. Nang matapos siya, hinatid ko siya sa kwarto. Sinilip ko muna si Thrizel bago umakyat, nakita ko siyang nakikipagdaldalan kay Amira.

Pumasok kami ni Anissa sa kaniyang kwarto, maliligo siya. Kailangan niyang magpahinga. Pumasok na ito sa loob ng banyo, naghintay naman ako. Hindi katagalan ay natapos na siya. 

Pinatuyo niya muna ang kaniyang buhok bago mahiga sa kama. Kinuha ko ang upuan, nilagay ito sa gilid ng kaniyang kama. Umupo ako roon at binantayan siya.

"Now, sleep, you need a rest." Malambing kong sabi rito.

"Dito ka muna hangga’t makatulog ako."

Ngumiti ako sa kaniya nang matamis. Hinawakan ko ang kaniyang kamay. "I will." Hinalikan ko siya sa noo. "Matulog ka na. I love you, hon."

Ngumiti muna ito sa akin bago pumikit. Maya-maya lang ay bumigat na agad ang kaniyang paghinga, pagod nga. Sa pagbabantay kong iyon ay nakaramdam ako ng antok. Buti nalang may sofa sa kwarto ni Anissa. Umupo ako roon at mabilis na nakatulog.

Nagising lang ako nang makaramdam ako ng lamig. Uminom muna ako ng tubig bago pumunta kay Anissa, malalim pa rin ang tulog nito hanggang ngayon. Kinuha ko ang kaniyang comforter at kinumot ito sa kaniya.

Tumingin ako sa labas, gabi na pala. Lumabas ako ng kaniyang kwarto at bumaba. Nakita ko sila Amira at Thrizel na nandodoon pa rin sa kanilang p'westo kanina. Hindi ko na sila pinansin at hinanap ang Tita ni Anissa.

"Hi, Tita." Nagluluto ito ng pangggabihan yata.

Agad itong tumingin sa akin. "Oh, hijo?"

"Uuwi na po kami, gabi na e. Masyado po kasing malalim ang tulog ni Anissa. Ayaw ko na hong gisingin, pakisabi nalang po." Magalang kong pagkakausap rito.

"Hindi ba kayo rito kakain?"

"Sa bahay nalang po. Mukha rin kasing nagluto si Manang Perry."

"Osige, mag-ingat kayo, huh?"

"Of course, Tita."

Binalingan ko na sila Thrizel. Sumenyas akong uuwi na kami kaya tumayo na sila. Hinanap ko rin si Link, nandoon ito sa labas at halatang naglalaro ng kaniyang online games. Pansin ko na ang laging libangan nito ay iyan.

"Sino ang kasabay mo, Link?" Tanong ko sa kaniya. May dala kasi akong kotse, nakaparada sa labas.

"Hmm?" Patanong nito at pinatay ang kaniyang cellphone. "Si Amira nala—"

"Ako na sasabay kay Link." Putol ni Thrizel sa sasabihin ni Link. Hanggang ngayon ay iniiwasan niya pa rin ako, pft.

"Okay." Sagot ko nalang at hinatak na si Amira. Wala naman itong naging angal. Sinalampak ko siya sa passenger seat, mainit ang aking ulo.

"Kingina ka, Thrale!" Mura sa akin nito. Ang arte, kahit naman sinalampak ko siya. Nandoroon pa rin ang pag-iingat kong ‘wag siya masaktan. Psh.

"Over acting mo." Pasinghal kong sagot dito. Sumama ang tingin niya sa akin at magcross arm. Aba, bahala ka riyan magtampo, parehas kayo ng kuya mo.

Nagmaneho na ako, mukhang mali yata na si Amira ang aking hinatak dahil sobrang daldal nito sa biyahe. Tsk. Kung anong kinukwento sa akin at tinatanong. Hindi ako sumasagot pero may natanong siyang dapat kong sagutin.

"Nakausap ko si Ryke, pinagbabawalan mo na naman siyang lumapit kay Thrizel. Tama ako, Kuya Thrale ‘no?" E, sa ano naman?

"Manahimik ka na nga lang, sobrang daldal mo."

"Nanliligaw iyong tao e, kontrabida ka." Pinalo pa ako nito sa braso, angas. "Kaya pala hindi nagpaparamdam sa amin dahil may ginawa ka na naman pala. Hindi ko kaya iyon sinasabi kay Thrizel kahit alam ko."

"Huwag na huwag mong sasabihin sa kaniya."

"Nye nye nye." Abnormal.

Nakarating naman na kami sa bahay, bumaba na si Amira. Walang paalam itong naglakad papunta sa kanilang bahay, hindi man lang marunong magpasalamat. Pinasok ko na sa garahe ang aking sasakyan at muling bumalik sa labas. Nauna kami ni Amira kaya nakasunod lang sila Link sa amin.

Ilang minuto lang naman ay nandito na sila. Nang makarating sa gate ay bumaba na si Thrizel. Tumingin ako kay Link. "Mauna ka nang pumasok sa loob." Tumango ito saka nagmaneho papuntang garahe.

Maglalakad dapat si Thrizel nang hawakan ko ang kaniyang kamay. "Stay here, we need to talk."

"I'm sleepy."

"I don’t care." Agad kong sagot. "Si Dominic ba ang kasama mo sa coffee shop?" Iyon ang hinala ko kanina lalo na't tumatawag pala sa kaniya ang lalaking iyon.

"Ano naman sa ‘yo?"

"Ang bastos mo nang suma—"

"I don’t care."

"Thrize—"

"What?" Inis itong humarap sa akin. "Ano? Pagod ako. Huwag mo na ngang dagdagan ang problema ko."

"Dinadagdagan ko pa pala ang problema mo?" Magkasalubong na ang aking mga kilay dahil sa sobrang inis ko sa kaniya. "I’m just asking you, siya ba?" Hindi niya naman kilala masyasi ang Dominic na iyon. Bakit kailangan pang sumama siya?

Taas noo siyang sumagot sa akin. "Yes, siya." May pagkaproud ang kaniyang pagsasalita. "Bitawan mo na ako, sinagot ko—"

"May namamagitan ba sa inyo?"

Inagaw niya ang kamay niya sa akin. "E, ano nga naman sa ‘yo? Alam kong may pakialam ka sa akin pero bakit ganiyan ka ngayon? Bawal na ba ako makipag-usap sa lalaki? My god, kuya. Magsawa ka naman. Puro nalang tayo pagtatalo, away, mag-aayos, iyan na naman. Ano ba kasing problema sa ‘yo? Hindi ako nagpaalam, alam ko ‘yon pero si Dominic ang kasama ko. Mapagkakatiwalaan."

"Seriously?!" Inis kong tanong sa kaniya. "Ni hindi mo pa nga siya masyado kilala tapos mapagkakatiwalaan? Ang friendly mo naman sa lalaki!"

"What do you mean?" Nangunot ang kaniyang noo. Natigilan ako. "I’m just defending myself here, Thrale." Mahina nang pagkakasabi niya no’n. "M-May ginawa ba akong mali?" Nagsusumamo ang kaniyang boses. Kita kong may namumuong luha sa kaniyang mga mata. "K-Kasi, nagtatampo lang naman ako roon, alam mong mabilis ako magpatawad, ‘di ba? Alam mo kung bakit ang tagal kapag sa ‘yo? Mas lalo mong dinadagdagan sa kakaganiyan mo."

"Thrizel." Hinawakan ko ang kaniyang kamay ngunit iniwas niya ito.

Pinunasan niya ang kaniyang luha at umayos. "Alam mo? Mas maganda pang nandidito ang mga parents natin. Hindi ‘yong ikaw ang namomroblema kung paano ako susuwayin." Hindi ako sumagot. "Thrale, tama na, ayoko ng puro pagtatalo. Gusto ko like Amira and Elkhurt, kita mo naman kung gaano sila ka-sweet at kasaya, ‘di ba?" Paano nga ba iyon? "Alam ko naman ang sagot kung bakit tayo ganito, I mean, alam ko ang sagot kung bakit ako ganito. Alamin mo ang sa ‘yo, Thrale, nakakasakit ka." Doon na siya tumalikod at iniwan ako.

Anong aalamin ko sa sarili ko? Wala naman. Ayoko lang siyang dumidikit sa mga lalaki riyan. Paano kapag may gawing masama sa kaniya ang mga ‘yon? Nag-aalala lang ako lalo na’t babae siya. Hindi niya ba maintindihan iyon?

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

161K 3.7K 62
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad
260K 8.1K 186
What if a Pokémon Trainer found herself in the world of One Piece? What if she found herself with the Strawhat Pirates? What if she finds herself get...
71.3K 3.5K 53
Helveryst Series #1 : Dale Fyron Helveryst " Babysitter " Yan ang magiging trabaho ni Kate Chandria Lyntheria sa mansion ng mga Helveryst. Para sa ka...
10.4K 605 26
3 stories... At 3 different places, different stories unfolding in Thailand... "Hey Mr.! Finish it or I will make you bathe in this honey and you wil...