Thrizel's POV
Maaga akong nagising dahil kailangan kong pumasok. Uminom ako ng tubig at bumaba na. Wala akong naabutang manang pero may pagkain sa lamesa. Umupo ako at nag-umpisa nang kumain. Sa malaking lamesa na 'to, solong-solo ko 'to mula kahapon pa.
Hindi na ako nakatiis. Kinuha ko ang aking telepono at tinawagan si mom. Sinagot niya naman agad. "Yes, baby?"
"Mom, balik ka na." Malungkot at may paglalambing sa aking boses. "Miss ko na kayo ni daddy, a-ako lang mag-isa rito. Wala na akong kasabay kumain."
"Sorry, baby. Mukhang matatagalan kami ng daddy mo. Where's Thrale?"
"Wala siya, kahapon pa."
"Si Link?" Sakto namang pagtanong ni mom. Siya namang pasok ni Link dito sa kusina. Kakagising niya lang din at mukhang kakain ito.
"He's here."
"Good, sumama ka nalang muna sa kaniya, baby. Marami pa akong dapat gawin. I love you. Have a nice day."
"I love you too, mom, I miss you." Pinatay ko na ang tawag at hinarap si Link. "Kain ka na. By the way, wala ka bang pasok?"
"Huh?" Nangunot ang kaniyang noo at naglagay ng pagkain sa plato. "Sabi ko 'di ba? I'll come here when my class is done?"
"So tapos na?"
"Yes." Pagmamayabang nito.
Gagi, sanaol. Sa amin ay isang buwan pa. Pa-college na si kuya kapag natapos na ito. Gagraduate na siya. Hays, hiwalay na kami ng paaralan. Wala nang magtatanggol sa akin. Kaya kakaunti lang ang nangbubuyo sa akin dahil sa kaniya. Buti nga kilala siya ng karamihan.
"Papasok ka na ba?" Natigil ako sa pag-iisip nang magtanong siya. Tumango ako bilang sagot. "Ihatid na kita."
"Alam mo ba kung saan ang school ko?" Tumayo ako nang matapos kumain. Pumunta na akong sink para magsepilyo.
"Of course, anong akala mo sa akin? Babae na taong bahay?"
"Okay, fine." Sagot ko nalang sa kaniya.
Nang matapos akong magsepilyo, umakyat akong kwarto para maligo. Ginawa ko na ang aking mga gawain hanggang sa matapos.
"Manang, alis na po ako." Paalam ko kay Manang Perry. Nakita ko itong inaayos ang mga halaman ni mom.
"Sige, hija, ingat ka."
"Opo." Bago ako umalis ay tumingin ako sa garahe namin, wala ang kotse ni kuya, isa lang ang ibig sabihin no'n, nanakaw ang kaniyang kots-joke, hindi pa siya nakakauwi.
Hindi ko na iyon pinansin, lumabas na ako kung saan naghihintay si Link. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinasakay, gano'n din ang kaniyang ginawa. Tahimik lang kami dalawa. Abala siya sa pagmamaneho pero nakuha naman nitong magsalita.
"Uhm." Binalingan niya ako at muling binalik ang tingin sa daan. "Hindi pa umuuwi si Thrale?"
"Hindi pa." Simple kong sagot.
"Dalawang araw na siyang wala. Hindi naman nagsabi sa akin 'yon kung saan siya pupunta."
Napabuntong hininga ako. "Gusto ko sanang i-text."
"Why didn't you?"
"Kasi, Link, kung ayaw niyang pag-aalahanin ang tao, siya ang kusang magtetext sa akin. Hanggang ngayon nga wala pa, o-"
"Oh, ba't galit?"
"I hate you." Pikon kong sagot dito.
Natawa naman ito sa naging reaksyon ko. Para talaga siyang si Elkhurt minsan, nang-aasar hanggang sa mapikon ka. May side naman siya na parang si Ryke at Dominic, sinusuri ang buong pagkatao mo. Hays.
Nakarating naman na kaming paaralan. Bumaba ako mag-isa at nagpaalam sa kaniya. Tumango ito kaya pumasok na ako sa loob. Huwag na siyang lumabas baka maissue pa kami. Isipin na boyfriend ko itong si Link habang nanliligaw sa akin si Ryke. Marami kayang chismosa.
Napahinto ako sa paglalakad nang humarang si Ryke sa aking daanan. Nangunot ang kaniyang noo at sinipat ang labas. "Who is he? I've been waiting for you here for a while."
"Iyon bang naghatid sa akin?" Paninigurado ko dahil madilim na ang mukhaniya. Halatang hindi nagustuhan ang kaniyang nakita.
"Yes, Thrizel, who is he?"
Ngumiti ako at hinawakan ang kaniyang kamay. "He's my cousin, Link. Hindi ko pa napapakilala sa 'yo, hindi ka pumupuntang bahay e."
Nawala naman ang madilim niyang awra at napalitan ito ng ngiti. "Don't worry lagi na akong nasa tabi mo. Alam mo naman na kaya lang ako dumidistansya dahil kay Thrale, 'di ba? Pero tanggap niya naman nang nanliligaw ako sa 'yo so gagalingan ko na." Sabay kaming natawa sa kaniyang sinabi.
Hinatid niya akong silid. Nang makarating kami ay iyan na naman ang panunukso ng aking mga kaklase. Hindi ko na sila pinansin, susuportahan ko sila haggang tumigil ang mga iyan.
Nagpaalam na si Ryke at umalis. Pumasok na ako sa loob, nakita ko si Amira. Ilang araw na ring hindi kami nagsasaby nitong babaeng 'to. Ewan ko kung may mali ba sa kaniya o wala pero ramdam ko namang ayos na siya.
"Mga chismosa talaga mga kaklase natin 'no?"
"Medyo." Sagot ko nalang sa kaniya dahil ayokong pag-usapan iyon. Nasanay na ako, ganiyan naman sila lagi. Nanahimik na kami ni Amira dahil dumating na ang guro.
Back to school kami kaya hindi katagalan ay break time na. Hindi 'gaya roon sa Monarch High School, ang tagal tagal. Hays.
Papunta kaming cafe, napansin ng aking mga mata si Dominic. Sire-diretso lang itong naglakad. Hinanap ko kung saan siya patungo, doon sa malaking puno kung saan nakaupo ang kapatid niyang si Demzell. Kinausap niya iyon, base sa reaksyon ng kaniyang kapatid, ito ay dumedepensa. Hindi ko makita ang reaksyon ni Dominic dahil nakatalikod siya mula sa akin. Para bang nagtatalo sila. Nawala ang atensyon ko roon nang may ituro si Amira. Agaran ko iyong tiningnan.
"Remember that girl? Iyong kasabwat sa pagpatay kay Kristina."
Naalala ko nga ang kaniyang mukha pero ang pangalan ay hindi. Ngayon na nalang muli ito nakita, wala na akong balita sa kaniya. Bakit ko pa papakialaman ang nanira sa akin dati? Hays.
Kumain na kaming dalawa ni Amira nang makarating si cafe. Hindi si Ryke ang aking nakita kun'di si Phryx. Mag-isa na naman ito, wala ba siyang kaibigan?
"Huwag mo na ngang tingnan iyan, huwag kang makipag-usap sa mga ganiyan." Nakita yata ni Amira ang pagtingin ko sa kaniya. Hindi pa yata nakakalimutan ng aking kaibigan ang ginawa nito sa'kin. Kung alam mo lang, Amira, nakipagkita na ako sa kaniya at ang sabi niya, kamukha ko raw ang kaniyang girlfriend. Imposible naman iyon.
Magkamukha ba talaga kami ni Redelyn Gauniria? Banlag yata itong si Phryx.
DUMATING ang uwian, 'gaya ng sinabi ni Ryke kanina ay lagi na siyang nasa tabi ko at ito nga, katabi ko ngayon habang naglalakad. Si Amira? Iyon, nauna na naman. Hindi ko nararamdaman na umiiwas siya sa akin baka kailangan niya lang talaga umuwi ng maaga.
Nasa kotse na kaming dalawa ni Ryke. Nagmensahe sa akin si Link kung susunduin ba niya ako, sabi ko huwag na. Puro kami daldalan ni Ryke sa loob ng kotse, kung ano-ano ang pinag-uusapan.
"Naalala mo iyong nagpaalam ako manligaw sa 'yo? Hahaha, halos kalimutan na ni Thrale ang pagkakaibigan namin dahil doon." Iling-iling niyang sabi.
"Yes." Sagot ko. "Kasi nga sabi ni kuya, huwag daw magtatalo ng kapatid. HAHAHAHAHA!”
"Naalala ko iyon. Hays, hindi ko alam ang dahilan ni Thrale kung bakit siya gano’n.” Matabang siyang nagsalita.
"Hayaan na, at least pinayagan k—"
Napatigil ako sa pagsasalita nang may pumasok sa isip ko. Paano kung tumigil si Ryke sa panliligaw? Paano kapag sinagot ko siya at naging kami? Iiwan niya ba ako? Lolokohin? Bigla akong may naramdamang pangamba. Natatakot na baka mangyari iyon dahil nasasanay na ako sa kaniya.
"Are you okay, Thrizel?"
"Y-Yes." Utal kong sagot at ngumiti ng pilit.
Nakarating naman kaming bahay. Pumasok kaming dalawa. Nang makita ni Ryke si manang, nagmano siya. Hinanap ko si Link. Nando'n sa kusina, kumakain na naman.
"Baka tumaba ka riyan at maubusan ka ng chix." Napatingin naman ito sa akin at napabaling ang tingin sa aking likuran, nandodoon kasi si Ryke.
"I can work out." Simpleng sagot nito. "Your boyfriend?" Tukoy niya kay Ryke.
"No, bro, I'm her suitor." Ngumiti rito si Ryke. Gano'n din naman si Link. Mabait at marunong makisama si Link kaya mabilis lang magkakasundo itong dalawa.
Pumunta kaming sala at nanoood. Puro tawanan kaming tatlo. Paano ba naman, loko-loko itong si Link, kung ano kinukwento sa amin ni Ryke. Hello, mababaw lang ang aking kaligayahan. Halos maubo-ubo na nga si Link e. Diyan yata siya mamamatay, buti naman.
Natigil lang kami nang bumukas ang pinto. Alam niyo na kung sino ang dumating, si kuya. Biglang tumibok ng mabilis ang aking puso, parang gusto ko siyang salubungin at yakapin. Magsasalita na sana ako nang mapansin kong nakatingin sa akin sila Ryke at Link. Siguro ay nagtataka sila kung bakit hindi ko sinalubong.
Kung anong suot ni kuya sa birthday party, iyon pa rin ang suot niya hanggang ngayon. Wala pa siyang ligo. Dire-diretso lang itong naglakad paakyat. Ni hindi kami tinapunan ng tingin.
Bumaling ako sa dalawa at nagpaalam. Sinundan ko si kuya. Kumatok ako sa kaniyang pinto ngunit walang nagsalita kaya pumasok na ako. Naabutan ko siyang nakaupo sa kama habang walang damit pang-itaas. Ang mga siko niya ay nasa tuhod, ang mga kamay ay nasa ulo. Halatang problemado.
Nilapitan ko ito at nagtanong. "You're here, what's wrong, kuya?"
Napahilamos siya ng kaniyang mukha at paos na sumagot sa akin. "Anissa's mother is dead, she needs me."
Itutuloy...