The Sweetest Escape

By endlesslaugh

318K 8.6K 485

Isang libong piso, anim na pares ng damit, makeup kit, isang toothbrush, at cellphone na walang load lang ang... More

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Forty-one
Forty-three
Forty-four
Forty-five
Forty-six
Epilogue
Thank You!

Forty-two

4.6K 137 10
By endlesslaugh

Hannah

Pakiramdam ko isang buong taon na akong gising. Kahit anong pilit kong matulog, hindi ko magawa. Ayaw ko ring matulog kahit na inaantok na ako. Ngayon lang ako naging masaya ng ganito, matutulog pa ako?

Nangati bigla yung ilong ko. Kakamutin ko dapat, kaso nakatali pala yung kamay ko sa headboard ng kama. Sinubukan kong tumayo para ilapit yung ilong sa kamay ko pero nang tumayo ako ay nawalan ako ng balanse kaya nalaglag na lang ako sa gilid ng kama.

Natawa ako. Ang sakit naman no'n. Gusto ko pa.

Sinubukan kong tumayo uli pero hindi ako kaya ng mga paa ko. Kaya tumawa na lang ako.

"Tang n—Patahimikin niyo nga 'yon!"

Nakatingin ako sa sahig kaya nakita ko yung sapatos ng lalaking lumapit. "Apat yung paa mo. Bakit apat yung paa mo?"

May humawak sa magkabilang braso ko at tinulungan ako pabalik sa kama. Inangat ko ang tingin ko para magpasalamat. "Thanks."

Malungkot yung mga mata niya nang ngitian ako. Pero lumabas yung dimples niya sa pisngi kaya doon na lang ako nag-concentrate. Natuwa ako lalo at gusto kong i-share sa kanya yung kasiyahan ko. "Migs. Migs, nasasaktan ako pero bakit ang saya-saya ko?"

"Matulog ka na lang."

"Hindi ako makatulog dahil sobrang saya ko. Sana habambuhay na lang akong ganito kasaya." As if to prove a point, tumawa ako.

Nagsalita uli yung iritableng lalaki kanina. "Bwisit naman, Albert. Sinabi na sa'yong patahimikin mo yan eh!"

"Matulog ka na, Hannah," nagmamakaawang sabi ni Migs.

"Mm-kay." Habang unti-unting sumasara yung mga mata ko, medyo nagkaroon ako ng ilang moment ng clarity. Nakangiti pa rin siya sa akin para pakalmahin ako pero alam kong hindi siya ang taong akala kong kausap ko. Everything about him is wrong. Mali yung mga mata, yung gupit ng buhok, yung kulay ng balat, maging yung dimples niya, mali.

Kaya nga sa kalagitnaan ng kasiyahan, naramdaman ko pa rin yung sakit.

❈    ❈    ❈

Nagising ako sa isang malakas na tunog. Babagon ako dapat kaya nga lang nakaposas pala ang mga kamay ko sa kama. Ang bilis ng tibok ng puso ko at sobrang aware yung senses ko. Nakasanayan ko na yung pakiramdam, enough to know that I'm coming down from the high. Gaano katagal na ba ako rito? Parang sobrang tagal na pero sigurado akong araw pa lang ang binibilang ko.

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang galit na galit na si Lando. Siya siguro ang gumising sa akin. Nagdadabog siguro siya sa labas.

Nang makita niya akong gising ay dumiretso siya sa direksyon ko. "Aba, gising ka na pala, Hannah. May sorpresa ako sa'yo."

May pumasok uli sa pinto pero hindi ako tumingin doon. Dinirekta ko lahat ng bakanteng tingin ko kay Lando pati na rin doon sa kalmot niya sa pisngi niya. Iyon na lang ang masasabi kong naging victory ko. Kaso dahil din doon kaya ako nakaposas ngayon. Kung malaya ko lang na nagagamit ang dalawa kong kamay, makakalaban pa ako sa lahat ng kahayupan na 'to.

Kaso hindi rin pala. Lagi silang may ini-inject sa akin. Drugs. Shabu. Sobrang dami, para maging pliant yung katawan ko at para maging manhid ako sa mga nangyayari. Mas gusto ko pang nakakaramdam ng sakit kesa maligaw sa sarili kong isip. Nagulat nga ako dahil unang beses simula ng makuha ako na hindi nila ako tinurukan ng kahit ano. Hinahanap ko na tuloy ito. Nanginginig na ang mga kamay ko, anticipating the shot. Craving for it. Pero walang dumating.

I'm not fighting anymore. Pagod na akong lumaban. Tinatanggap ko na lang ang lahat ng ibinibigay nila sa akin. Sumuko na ang isip ko. Hinihintay ko na lang na sumuko ang katawan ko. Maybe then, I can know peace.

"Tingnan mo ito, Albert. Tingnan mo yung mga mata niya at kung paano niya abangan yung ibibigay ko sa kanya." Umupo siya sa gilid ng kama at hinaplos ang pisngi ko. "Sayang lang at mas kailangan ko ng pera. Wala na tuloy akong laruan."

"Ito na ba?" sabi ng isang hindi pamilyar na boses. Sandali kong inalis kay Lando ang tingin ko para ibaling sa bisita. Isang matandang lalaki ang pinagmamasdan ako. Hindi ako nagtago nang idinaan niya ang mata sa hubad kong katawan. I was immune to it already pero nagtaka ako dahil iba yung tingin niya sa akin. Hindi katulad ng kung paano tumingin ang mga tauhan ni Lando. Yung tingin niya ay hindi malaswa. More... calculating.

"May nakikita ka pa bang iba?" Tumayo si Lando para tumabi sa lalaki. "Hindi ako pumapasok sa ganitong mga kasunduan pero dahil ipinakita mo ang interes, ibibigay ko na siya sa'yo."

"Alam naman nating dalawa na hindi ang interes ko ang nag-udyok sa'yo na gawin ito," walang tonong sagot ng lalaki.

Umismid si Lando. "Tama ka. Masaya lang dahil sa malalim mong bulsa."

Nagtungo ang lalaki sa may pinto. "Pag-usapan pa natin ang kasunduan sa labas."

With a final look sa direksyon ko na may kasamang mapangutyang ngiti, sumunod si Lando.

Si Albert ang natira sa kwarto. Sa lahat ng tauhan ni Lando, siya ang pinakamabait sa akin. Tulad na lang ngayon, kinuha niya yung kumot na nalaglag sa sahig at itinakip sa katawan ko. Ito ang lagi niyang gawain. Alam kong hindi naman iyon utos sa kanya pero nagkukusa pa rin siya. Kapag tinitingnan niya ako, nakikita ko ang awa roon. Kaya madalas ko siyang napagkakamalan na siya si Migs.

Si Migs. Nasaan na kaya siya? Alam niya kaya ang nangyari sa akin? Sana hindi. Sigurado akong pagkatapos ng bagong transaksyon ni Lando, hindi ko na siya makikita pang muli. Ayaw ko na ring humarap sa kanya. Not after all of this. Kung sinabi ko sa kanyang broken ako dati, mas malala na ako ngayon. Wala nang pag-asa pang mabuo.

Biglaan na namang bumukas ang pinto. Pumasok si Papa. Nagulat ako kasi nakatali ang pareho niyang kamay sa likod niya. Dilat na dilat siya, may pasa sa pisngi at katulad ko, alam kong sobrang aware siya sa mga nangyayari sa paligid. Ngayon ko lang uli siya nakita pagkatapos kong madakip.

Pumikit ako. Ayaw ko na siyang makita.

"Hilda?" Isang nananangis na tono ang ginamit niya. May naramdaman akong movement sa tabi ko.

Ngayon ko lang narinig ang tono ng boses na iyon galing sa kanya. Kahit anong pilit kong harangan siya sa patuloy na pag-affect niya sa akin, hindi ko magawa. Kaya naman sumuko na ako't minulat ang mga mata ko.

Sinalubong ako ng naghihinagpis niyang titig. Malapit na siyang umiyak. "Hilda..."

"Papa." Matagal na rin simula nang huli ko siyang tawaging ganyan.

Mas lalong naging open yung emosyon niya. Pagkatapos ng maraming taong pagkawala niya sa sarili niya, ngayon ko lang uli nakita yung ningning at clarity sa mga mata niya. Maliit na spark lang iyon, pero naroon pa rin.

"Hannah."

Sa kabuuan ng pamamalagi ko rito, sinikap kong huwag umiyak. Pero iyong sobrang confused at sobrang nag-aalalang tono ng boses niya nang tawagin niya ang pangalan ko ang nagbukas ng lahat ng mga emosyong ni-lock ko.

Inaasahan kong iiyak talaga ako. Pero nanatiling tuyo ang mga mata ko. Buong buhay ko, umasa at naghintay ako na bumalik ang ganitong side ng Papa ko. Bakit? Bakit ngayon ko lang uli siya natagpuan noong nabaon na lahat ng galit ko sa kanya? Ngayon tuloy nagkaroon ng isa pang malaking butas sa puso ko.

"Ano'ng ginawa nila sa iyo? Ano'ng ginawa ko sa'yo?" humahagulgol na si Papa. Gumagalaw yung mga balikat niya na tila gusto niyang kumawala sa nagtatali sa kanya para abutin ako.

But I know he can't and I won't let him. Kahit ano pang habol at pagmamakaawa ang gawin ni Papa, alam kong hindi ko na siya mapapatawad pa pagkatapos ng mga nangyari. Masyado na siyang maraming kinuha sa akin. Maski isang patak ng luha, ayaw ko nang ibigay sa kanya.

Hinayaan ko siyang umiyak sa tabi. Tinalikuran ko siya at sinubukang alisin siya sa isip ko. Pumikit ako, humihiling na sana ito na ang huling beses na matutulog ako. Ayoko nang magising pa.

❈    ❈    ❈

Ano ang nangyayari?

Ngayon lang naging ganito kaingay sa loob ng bahay kung saan ako tinago. Naririnig ko ang sigawan ng mga kalalakihan pati na rin ang tunog ng nababasag na mga salamin.

Madilim sa loob ng kwarto pero alam kong mag-isa na lang ako rito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sisigaw ba ako para malaman nila na nandito ako? Ako ba ang inililigtas nila o sadyang may drug raid lang sa lugar na ito? Kung ganoon nga, gusto ko bang mailigtas mula rito?

Hindi na ako nakapagdesisyon pa dahil may pumasok na sa kwarto at binuksan ang ilaw. Nag-adjust ang mga mata ko sa liwanag at natagpuan doon si Albert na may hawak na baril.

Ang normal na reaksyon kapag may lumalapit sa iyong taong may baril ay matakot. Ako, pakiramdam ko nilalapitan ako ng bagay na matagal ko nang hinihintay.

Ito na ba ang huling utos ni Lando? Makakamtan ko na ba yung kapayapaan na matagal ko nang hinihintay? It's not a peaceful way to go, pero kung makakaalis, ayos na rin.

Mabilis na naisara ni Albert ang distansya namin at tumigil siya sa may ulunan ng kama. May kinuha siya sa bulsa niya at dali-dali niyang pinakawalan ang kadena na nakapulupot sa kamay ko. Hinubad niya ang suot na jacket at ibinalot sa katawan ko. May hinila siyang drawer at kumuha ng isang pares ng briefs at ipinasuot sa akin.

"Kumalma ka lang, Hannah." Hinawakan niya ang kamay ko and I flinched. Kaya tinanggal niya agad iyon. "Bilisan mo."

Wala akong naiintindihan sa mga pangyayari. Hindi ako makatayo. Nahihilo ako. Nagpa-palpitate ang puso ko.

Napatalon ako nang makarinig ng pagputok.

"Shit. Dalian mo, Hannah!"

Kahit na nagrereklamo ang katawan ko, sinunod ko siya. Ayaw ko nang sumunod sa kahit ano pang utos pero mayroong kakaiba sa pagsasalita at desperasyon ni Albert kaya ginawa ko na lang ang utos niya.

Lumabas kami ng kwarto at nagpunta sa may isang sulok kung saan may bintana. Dinungaw ito ni Albert. "Kaya mo pang tumalon?"

Gusto kong tumawa kasi parang binibigyan niya ako ng isa pang chance na lumapit sa hinihiling ko. Tatalon sa bintana? Fine. Ano pa ba ang mawawala sa akin? Sa lagay kong ito, kaya kong gawin ang lahat. Kaya tumango ako.

Inalalayan ako ni Albert na sumampa sa bintana. Mahirap gawin lalo pa't iwas na iwas ako na hawakan siya. Isang paa ko ang nakalabas sa bintana nang makarinig ako ng isa na namang putok. Biglang napakapit si Albert sa braso ko. Diring-diri ako sa imprint ng kamay niya roon pero hindi ko magawang matabig dahil sinusuportahan ko ang sarili ko sa pagbaba.

Nilingon ko ang pinanggalingan ng putok at nakita si Lando sa dulo ng hallway. Walang makakapantay sa galit na nakapinta sa mukha niya. Hindi niya ginagamit ang drugs na kinakalakal niya pero mayroong ibang klaseng kabaliwan sa mga mata niya. Isa siyang lalaking mukhang sobrang desperado na, way past his breaking point.

Nakarinig ako sa di-kalayuan ng sirens. Mga pulis? Iyon siguro ang nagtulak kay Lando sa kalagayan niya ngayon.

"Putang ina, pinagkatiwalaan kitang gago ka!" Itinaas niya uli ang baril na hawak niya.

Ginaya siya ni Albert. "Ibaba mo ang baril, Rolando."

Hindi siya sinunod ni Lando na patuloy lang sa pagmumura.

Alam kong nasa pagitan ako ng isang delikadong alitan. Ayaw ko nang masangkot dito kaya nagtangka na akong tumalon.

Hindi ko alam kung kanino galing yung sumunod na putok. May humila sa buhok ko at binuhat ako para ibalik sa loob ng bahay. Hawak pa rin ang buhok ko, kinaladkad niya ako pabalik sa kwarto.

"Napakaganda na ng mga plano, kung hindi lang nagkanda-leche-leche! Subukan mong lumaban, ikaw ang magiging susunod na Albert," pagbabanta niya.

It sounded so easy. Mas gugustuhin ko nang matulad kay Albert kesa makita pa ang pagmumukha niya. Gusto kong dagdagan yung kalmot niya sa mukha at iyon ang ginawa ko. Medyo natuwa pa ako dahil bumaon pa ng kaunti ang kuko ko. Nakaramdam ako ng satisfaction nang makitang tumutulo ang dugo sa pisngi niya pati na rin nang marinig ang growl niya sa sakit.

Pero panandaliang satisfaction lang iyon. Late ko nang na-realize ang nakataas niyang kamay. Sobrang lakas ng impact at sobrang lamig ng puwitan ng baril nang tumama ito sa gilid ng noo ko.

❈    ❈    ❈

"Hannah," tawag ng isang pamilyar na boses.

Pinilit kong buksan ang mga mata ko sa pagtawag. Blurred ang lahat noong una hanggang sa mag-focus sa iisang mukha na naka-hover sa ulunan ko.

Sinalubong ako ng godly eyes na iyon.

I tried calling his name pero naglaho ang lahat. Pati feelings and sounds ay nabura. Napalitan ng calmness. Pakiramdam ko nasa heaven na ako. Still, I know it's not a place for me. Baka nagkamali lang yung nagpadala sa akin dito. Baka kapag sinalubong ako ni San Pedro sa gates ng langit, itaboy niya ako. But let me feel this first—a little slice of heaven before another lifetime of hell.

Continue Reading

You'll Also Like

249K 6.2K 59
Bata pa lang si Aiza ay naramdaman niya na ang sakit na dulot ng pagmamahal. Her parents got divorced when she was in 6th Grade. Nakita niya kung paa...
6.8K 442 30
Duology #2 When you thought its finally over but never. Kate Jasmin De Vera, isang masipag at ulirang anak. Lahat gagawin niya para sa kanyang pamily...
26.7M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...