Loving My Brother #1: Thrale'...

By ziryanggg

183K 7K 704

Bakit ganoon? Bakit ako nakakaramdaman nito? Nakadidiri. Nasasaktan ako because he can't love me back? So ov... More

I love you, kuya.
Prologue:
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 20:
Chapter 21:
Chapter 22:
Chapter 23:
Chapter 25:
Chapter 26:
Chapter 27:
Chapter 28:
Chapter 29:
Chapter 30:
Chapter 31:
Chapter 32:
Chapter 33:
Chapter 34:
Chapter 35:
Chapter 36:
Chapter 37:
Chapter 38:
Chapter 39:
Chapter 40:
Chapter 41:
Chapter 42:
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 45:
Chapter 46:
Chapter 47:
Chapter 48:
Chapter 49:
Chapter 50:
Chapter 51:
Chapter 52:
Chapter 53:
Chapter 54:
Chapter 55:
Chapter 56:
Chapter 57:
Chapter 58:
Chapter 59:
Chapter 60: Confession
Chapter 61:
Chapter 62:
Chapter 63:
Chapter 64:
Chapter 65:
Chapter 66:
Chapter 67:
Chapter 68:
Chapter 69:
Chapter 70:
Chapter 71:
Chapter 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82.
Chapter 83:
Chapter 84:
Author's note:

Chapter 24:

1.4K 68 0
By ziryanggg

Thrizel’s POV

"Kailan pa naging ganito ang oras ng uwi ng babae, Thrizel?" Napatigil ako sa paglalakad nang makita kong naka-abang si kuya sa main door namin. Kung titingnan, kanina pa siya naghihintay.

Wala akong naging salita. Dire-diretso lang akong naglakad papasok ngunit bigla ako nitong hinawakan sa pulsuhan. Alam kong gagawin niya iyon kaya hindi na kataka-taka sa akin.

"I’m asking you." Matigas pa nitong dagdag. Ewan, nang makarating kami sa bahay bigla akong nawala sa mood. Parang bumigat ang pakiramdam ko.

Humarap ako kay kuya, walang gana akong sumagot dito. "I’m tired, I’m going to sleep."

"You have not eaten yet!" Pigil niyang sigaw. Sabi ko ay pagod ako, mas lalo tuloy bumigat ang aking pakiramdam sa panenermon niya.

"I’m not hungry." Muli akong naglakad. Sumunod siya sa akin pero hinayaan ko nalang. Nang papasok ako sa aking kwarto, tiningnan ko siya. "Papasok ka rin ba?"

"Yes, kaya kong pumasok sa kwarto mo."

Nangunot ang aking noo. "I’ll take off my clothes, I’ll take a bath. Bumalik ka na sa kwarto mo at matulog."

Napanganga ako dahil walang pasintabi na naman itong pumasok sa aking kwarto. Nahiga siya sa aking kama at saka tumingin sa akin. Kunot noo akong pumasok sa loob, binaba ko ang aking bag sa study table.

Muli akong humarap sa kaniya. "Kailan pa kita naging body guard, kuya? Seriously? Babantayan mo ako?"

"I’m not." Angal niya agad. "Aalis lang ako rito kung sasabihin mo sa akin kung saan ka galing. I texted Amira and Ryke, ang sabi nila hindi ka nila kasabay. Now, Thrizel, tell me, where have you been?"

"I want to sleep, go to your room, kuya." Lumapit ako sa kaniya para ayusin ang aking higaan kaso ang kapal talaga ng lalaking ito, hindi tumayo.

Pumunta na akong closet para maghanap ng aking damit. Pumasok na akong banyo at naghalf bath. Nakadamit na akong lumabas dahil alam kong nakahiga pa rin si kuya. Hindi nga ako nagkakamali, nakabantay talaga siya sa akin.

"Matutulog na ako, hindi naman ako gutom." Ulit ko panpaalala rito. Mukha kasing wala siyang balak umalis.

"Again, where have you been?"

Hindi ko siya sinagot. Humiga ako sa kama ng medyo malayo sa kaniya. Pumikit na ako, ngayon lang talaga ako napagod. Gusto ko nang magpahinga kaso sobrang likot ng taong nasa likod ko. Binabangga ako nito, halatang ayaw ako patulugin.

"Kuy—" Napatigil ako sa pagharap sa kaniya. Nakakagulat naman kasi, ang lapit ng mukha niya at nakatingin pa sa akin. Mukhang nagkasabay kami, buti nalang mabilis akong huminto.

"Lumabas ka na, I can’t sleep because of you."

Bumuntong hininga siya at muling nahiga. Nahiga ako nang paharap sa kaniya at tumingin dito. "Dito nalang ako matutulog." Wow, first time. Anong nakain nito?

"Ikaw bahala."

"Btw, Thrizel, our cousin, si Link." Pagbubukas miya ng usapan.

"Oh, anong mayroon doon?"

"Is he a gay?"

"Huh?" Pagtatanong ko agad. "Pinagsasabi mo? Malamang lalaki iyon, abnormal."

"E, bakit noong nasa bahay nila tayo tingin siya nang tingin sa akin?" Ngumuso ito. "Hindi ko alam kung anong sadya no’n kung bakit laging nakatitig. Ang nakakainis pa ay parang sinusuri ang buong pagkatao ko. May gusto siguro iyon sa akin."

"Gano’n lang talaga siya, kahit nga sa akin tingin nang tingin." Kinuha ko ang suklay at nagsuklay ng buhok. "May pagka-assumero ka rin pala, kuya."

"Hindi ‘no." Agad niyang sagot. "Siyempre kapag tingin nang tingin parang interesado siya sa tao." Rinig ko ang kaniyang pagsingal.

Nagtalukbong ako ng kumot. "I’m exchange student." Ewan ko kung anong irereaksyon niya. First time kong maging ganito dahil tinatanggihan ko nga ang aking mga guro.

"Huh?" Pagtatanong niya marahil ay nagtataka. "Exchange student? Thrizel, hindi ka sumasali sa gano’n." May pagkainis nitong sabi saka tinanggal ang kumot na nakatalukbong sa akin.

Hinarap ko siya. "It’s my teacher’s fault!"

"You can refuse." Hindi na ako nagsalita. Ayokong makipagtalo dahil sa dulo, siya pa rin ang panalo. "Saang school makikipag-exchange student?"

"Monarch High School."

Napahinga ng malalim si kuya. Halatang hindi nagustuhan ang aking sagot. "Private pero karamihan sa mga estudiyante roon ay barumbado. Paano nalang kung may mangyari sa ‘yo roon?"

"May nag-aassist sa amin, over acting ka." Walang pag-aalinlangan kong sabi at muling nagtalukbong. "Night." Wala naman na siyang naging salita kaya natulog na ako.

NANDIDITO na kami nila Amira sa Monarch High School. May kasama kaming dalawang guro na mag-aassist sa amin. Bago kami pumasok ay binigay sa amin ang schedule. Hindi naman kami pinaghiwalay ng silid, magkakaklase pa rin kaming tatlo.

Inilibot ko ang aking paningin. Maganda ang school na ito at tama si kuya, private school nga. Hindi naman mukhang barumbado ang mga estudiyante, ah? Ang aayos nila tingnan. Lahat ng kanilang suot ay kumpleto. Walang estudiyanteng pagala-gala. Mukhang oras na ng klase nila. Dito kasi kami dumaan sa pasilyo kaya hindi ko mapigilang hindi mapatingin.

Kinalabit ako ni Amira kaya tumingin ako sa kaniya. Nagsalita ito. "Hindi naman kalakihan masyado ang school. Makakabisado agad natin ito."

"Yeah." Sagot ko nalang at muling bumaling sa mga classroom. Malayo-layo pa ang aming nilakad hanggang huminto kami sa isang office. Pumasok ang isang guro namin, mukhang kakausapin ang dean nito.

Ilang minuto pa kaming naghintay, lumabas na ito. Pinasunod nila kami, kanina pa kami sunod nang sunod, saan ba ang aming classroom? Nag-umpisa na ang klase, kami ay palakad-lakad pa rin. Kabisado naman yata ito ng guro namin, ‘di ba? Hindi naman yata kami naliligaw.

And thanks, may hinintuan na kaming classroom. Nang makita kami ng guro’ng nagtuturo. Agaran itong pumunta sa amin at kinausap ang aming guro. Pagkatapos, sa amin naman siya bumaling at pinapasok na sa loob, buti naman.

"Class, they are exchange students from Circuim High School, be nice to them, kaya pa?"

"Yes, sir." Magalang na sagot ng lahat.

Tumingin sa amin ang guro. "Please, introduce yourself."

Nauna ang kaklase naming lalaki. "I’m Kier Rublico, ‘gaya ng sabi ni sir, I’m from Circuim High School. Don’t be ashamed to be friends with me, I’m kind." Ngumiti siya sa buong klase. Nagpasalamat naman si sir at pinaupo si Kier doon sa dulo.

"Good morning, I’m Amira Aquillion. I’m a kind too, you can be friends with me." Ngumiti ito ng peke sa harap.

Nakaraan pa iyan si Amira, nakailang tanong na ako kung may problema ba pero ayaw sabihin sa akin, wala na akong magawa. I asked Elkhurt about Amira pero wala naman itong naging sagot. See? Mukha ba akong manghuhula para hulaan kung anong dahilan niya? Nag-aalala rin ako at hindi ako sanay na ganiyan siya makitungo sa lahat. Masayahin iyan, e.

"I’m Thrizel Wren—"

"Asawa ‘yan ni Brooks!" Napatigil ako sa pagsasalita nang may nagsabi no’n. Asawa ako ni Brooks? Kaya hinanap ko kung sino nagsabi no’n. Nakita ko ang lalaking kulay asul ang buhok, ito iyong kaibigan ni Brooks, ah? Dito siya nag-aaral pero wow huh, hindi niya ako nakalimutan pero bastusan? Nagsasalita ako, isisigaw iyon. Tsk.

"Mr. Valle, respect." Kalmadong suyaw rito ni sir kay Mr. Valle raw.

Napakamot ito ng kaniyang ulo. "Totoo naman, sir, asawa ‘yan ni Boss Brooks, kasama nga ‘yan ni Boss Brooks noong nakaraan e."

Napapikit naman si sir na nagtitimpi sa kakulitan ng lalaking ito. Ito naman kasing si Mr. Valle ay manhid, hindi niya ba nahahalata na napipikon na ang kaniyang guro sa harap? My gosh, kulay palang ng buhok niya ay makulit na. Saka sandali, hindi ba siya sinisita sa ganiyang kulay ng buhok niya? Sa pagkakaalam ko, nasa rules nila ‘yon.

"Proceed, Ms. Wrent."

"I’m Thrizel Wrent." Ngumiti nalang ako ng pilit. Nawala na ako sa mood magpakilala, sinira na ng lalaking iyon. Tinuro ni sir ang katabing upuan ni Amira, doon ako umupo.

"Who’s Brooks?" Kunot noong tanong ni Amira habang nakatingin kay Mr. Valle na ngayon ay natutulog na sa klase.

"Iyong lalaking puro tattoo."

"E, bakit niya sinasabing asawa ka no’n?"

Sasabihin ko ba sa kaniya?

"Ma-issue lang talaga siya." Mahina kong sabi dahil nagsalita na si sir sa harap. "Hindi ko nga iyan kilala, bigla-bigla nalang sisigaw, abnormal."

"Mukha siyang adik like Brooks." Komento pa ni Amira. "Mukhang college na si Brooks pero nasa high school level pala ang mga kaibigan no’n."

"Siguro." Hindi na kami nag-usap. Nakinig na lamang sa harap. Totoong aktibo nga itong si Kier dahil kanina pa participate nang participate. Kami namin ni Amira ay tahimik lang. Ewan ko kung parehas kami, basta ako pinapakiramdaman ko ang buong klase.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

49K 2.4K 29
paano kung ang isang tomboy ay ipag kasundong ipa kasal sa isang lalaki na unang kita pa nga lang nila ay palagi na syang inaasar could they can gai...
160K 3.6K 62
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad
259K 8.1K 185
What if a Pokémon Trainer found herself in the world of One Piece? What if she found herself with the Strawhat Pirates? What if she finds herself get...
1.9K 82 27
[ Batwoman and Catman story] "The Bat And The Cat, It has a nice ring. Let's get into some trouble" (Contains Mature Content)